You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI - Western Visayas
Division of Cadiz City
VILLACIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Cadiz City

Ikalawang Markahang Pagsusulit


ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat:_______________ Score:________

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ng bawat bilang.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


a. pamumuhay na mula sa pagiging payak ay naging masalimuot
b. pamumuhay na nagmula sa mga ilog at patungo sa kapatagan
c. pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng mga maraming pangkat ng tao
d. pamumuhay na naging maunlad paglipas ng panahon

_____ 2. Ang mga kabihasnan sa Asya ay nabuo sa ___________.


a. mga ilog at kabundukan c. mga ilog at baybayin
b. ilog at sapa d. ilog at lambak

_____ 3. Kasabay ng pag-usbong ng kabihasnan ay ang pagbabago ng lipunan. Alin sa mga sumusunod ang
unang nalinang?
a. pamayanan b. pamahalaan c. kaugalian d. lokasyon

_____ 4. Ang kabihasnan ay nabuo dahil sa:


a. pagkakaroon ng ugnayan ng mga tao sa isa’t isa c. pagkakaroon ng wika
b. may iisang uri ng hanapbuhay d. nabuo ang isang pamayanan

_____ 5. Paniniwalang pilosopikal na nagsasaad na ang emperador ay sugo ng langit at ang pinunong
himpilan ay sentro ng daigdig ay mula sa kabihasnang:
a. Indus b. Sumer c. Babylonian d. Tsina

_____ 6. Paniniwalang mitolohika na ang mga unang pinuno ay mula sa araw mula sa bansang _________.
a. Tsina b. Hapon c. Korea d. Vietnam

_____ 7. Pangunahing kagamitan na natuklasan sa panahon ng bato.


a. mga dahon b. kuweba c. apoy d. arasol

_____ 8. Panahon sa kasaysayan na kung saan ang tao ay nakagamit ng makabago at makikinis na bato.
a. mesolitiko b. neolitiko c. paleolitiko d. Pleistocene

_____ 9. Ang mga sumusunod ay katangian ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya maliban sa:
a. payak na pamumuhay c. nabubuhay sa pangangaso at pangangalap
b. gumagamit ng makabagong teknolohiya d. nabubuhay ayon sa kapaligiran

_____ 10. Sistema ng pagsulat ng mga taong taga Sumer.


a. calligraphy b. cuneiform c. aleph at beth d. alibata

_____ 11. Tinaguriang “Cradle of Civilization” sa daigdig.


a. Mesopotamia c. Kabihasnang Shang
b. Mohenjo Daro at Harrapa d. Kabihasnan sa Nile

_____ 12. Unang batas na nakasulat sa daigdig.


a. kodigo ni Hammurabi c. Kodigo ni Ashurbanipal
b. Kodigo ni Darius the Mede d. Kodigo ni Sargon
_____ 13. Ang mga sumusunod ay mga salik sa pagbuo ng kabihasnan maliban sa:
a. pamahalaan b. relihiyon c. espesyalisasyon d. panitikan at literature

_____ 14. Nangangahulugang “Lupain sa pagitan ng dalawang ilog” na naging sentro ng unang kabihasnan sa
mundo.
a. Persia b. Mesopotamia c. Babylonia d. Fertile Cresent

_____ 15. Ang templong Ziggurat ng mga taga Sumer ay may kaugnayan sa:
a. relihiyon b. pagsasaka c. palakasan d. sining

_____ 16. Grupo ng tao sa kanlurang Asya na ang tanging kontribusyon ay ang pagsamba sa iisang Diyos.
a. Chaldea b. Persiano c. Hebreo d. Assyrian

_____ 17. Tinagurian tagapagdala ng kabihasnan dahil hindi lamang produkto ang kanilang dala kundi ang
kultura ng ibang mga grupo ng tao.
a. Phoenician b. Babylonian c. Lydian d. Akkadian

_____ 18. Mula sa Asia Minor, na unang nakatuklas ng bakal at ginamit na kasangkapan sa pananakop.
a. Persiano b. Hittites c. Akkadian d. Assyrian

_____ 19. Nagmula sa emperyong ito ang konsepto ng sentralisadong pamamahala


a. Median b. Persiano c. Babylonian d. Chaldea

_____ 20. Ang konsepto ng mga dinastiya sa Tsina ay nagpapakita na:


a. Ang pinuno ay nagmula sa iisang hanay ng mga pinuno mula sa iisang angkan
b. ang pamumuno ay nagdadala ng katanyagan dahil ito ay nagdala ng mga ambag sa
kabihasnan
c. paniniwalang ang pinuno ay may basbas ng langit
d. hindi nasakop ng mga banyaga ang Tsina dahil sa mga magagaling na pinuno

_____ 21. Ang salitang samurai na nangangahulugang paglilingkod ay nagmula sa:


a. Tsina b. Japan c. Korea d. Mongolia

_____ 22. Ang mga lungsod ng Mojenjo Daro at Harrapa sa mga lambak at ilog ng Indus at Ganges ay isang
maunlad na sibilisasyon, ito ay napatunayan dahil sa:
a. sila ay may organisadong pamahalaan
b. may mataas na antas na kaalaman sa arkitektura
c. sila ay magaling sa matematika
d. lahat ng nabanggit

_____ 23. Relihiyong umusbong sa India na kinilala bilang pinakamatandang relihiyon sa buong mundo.
a. Kristiyanismo b. Hinduismo c. Budhismo d. Judaismo

_____ 24. Ang sistemang caste sa lipunang Indo-Aryan ay naglalayon na:


a. hatiin sa mga uri ng tao ang lipunan
b. pamamahalaang may deskriminasyon
c. ipinapakita na sila ay may kakayahan sa pamamahala
d. hinati dahil sa uri ng trabaho at hanapbuhay

_____ 25. Ang mga sumusunod ay mga imperyo na umusbong mula sa timog-silangang Asya maliban sa:
a. Imperyong Khmer c. Kaharian ng Pagan
b. Kaharian ng Srivijaya d. Imperyong Mogul

_____ 26. Alin sa mga sumusunod na kadahilanan ang naging sanhi ng ugnayan ng mga kahariang pang
kontinente sa Timog Silangang Asya.
a. pakikipagkalakalan
b. pananakop
c. pagpapalaganap ng relihiyon
d. mahihina
_____ 27. Alin sa mga sumusunod ang natural na dahilan ng pagkawala ng isang kabihasnan?
a. pagmamalupit ng pinuno sa mga nasasakupan
b. pagbabago ng klima
c. pagsakop ng ibang pwersa
d. impluwensiyang kultural
_____ 28. Dahil sa ugnayan ng Pilipinas sa ibang lugar sa Asya, ang pinakatanging impluwensiya nito lalong
lalo na sa Mindanao at Sulo ay ang:
a. sistemang political na barangay c. sining at arkitektura
b. pamahalaang Sultanato at Islam d. wika at literature

_____ 29. Ang salitang relihiyon ay nagmula sa latin na re-ligare ito ay nangangahulugang:
a. pagbabalik-loob b. pananampalataya c. pagtanggap d. pagsamba

_____ 30. Anyo ng pagsamba na kung saan sumasamba sa iba’t ibang uri at anyo ng diyos
a. monotheismo b.polytheismo c. animism d. paganism

_____ 31. Paniniwalang Hinduismo na ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo,
paraan o nilalang.
a. resureksyon b. konsentrasyon c. reinkarnasyon d. insureksyon

_____ 32. Ang sampung utos ng Diyos ni Moses ay nagmula sa relihiyong:


a. Sikhismo b. Kristiyanismo c. Judaismo d. Jainismo

_____ 33. Pinaniniwalaan ng pananampalatayang itto na ang nagtatag ay isinilang, namatay at muling
nabuhay ng walang hanggang.
a. Sikhismo b. Kristiyanismo c. Judaismo d. Jainismo

_____ 34. Pananampalataya na naniniwala may iisang diyos, walang hanggang katotohanan ang kaniyang
pangalan.
a. Hinduismo b. Buddhismo c. Jainismo d. Islam

_____ 35. Paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng araw, at iba pang diyos sa kalikasan
a. Zoroastrianismo b. Sikhismo c. Shintoismo d. Jainismo

_____ 36. Banal na aklat ng mga Kristiano


a. Bibliya b. Torah c. Koran d. Veda

_____ 37. Sinasabi na ang mga malalaking relihiyon sa mundo ay nagmula sa Asya, ito ay nagpapatunay na:
a. ang mga Asyano ay may malalim na paniniwala sa mga bagay na espiritwal
b. ipinapakita na ang mga Asyano ay may positibong pananaw sa buhay
c. pinapatunayan nito na ang mga Asyano ay may pagpapahalaga sa mga bagay espiritwal
d. ang mga Asyano ay mapamahiin

_____ 38. Kaugalian na kung saan ang mga lalaki ay maaring magkaroon ng apat na asawa ay mula sa
relihiyon:
a. Islam b. Kristiyanismo c. Judaismo d. Jainismo

_____ 39. Tawag sa paniniwalang Shintoismo ng pagtanggal ng masamang espirito sa katawan


a. kami b. aragami c. purification d. mizuko

_____ 40. Relihiyong may pinakamaraming bilang sa daigdig


a. Sikhismo b. Kristiyanismo c. Judaismo d. Jainismo

_____ 41. Paniniwalang pilosopikal na ang mabuting paraan ng pamumuhay ay magdadala ng kapayapaan.
a. Taoismo b. Legalismo c. Confucianismo d. Moralismo

_____ 42. Sa pagnanais na patatagin at paunlarin ang bansang Tsina, ipinalaganap ng mga namamahala ang
istriktong batas at mabibigat na kaparusahan ang mga lumalabag sa batas.
a. Taoismo b. Legalismo c. Confucianismo d. Moralismo
_____ 43. Sa pilosopiyang Taoismo, binibigyang diin na ang tanging solusyon at kaayusan ay matatamo sa:
a. pagsunod sa batas ng tao c. pagiging responsabling mamamayan
b. pagrespeto sa kapwa d. pagiging isa sa kalikasan

_____ 44. Relihiyong pinaniniwalaan ng mga Hudyo at tinaguriang pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
a. Judaismo b. Hinduismo c. Zoroastrianismo d. Sikhismo

_____ 45. Sa paglipas ng panahon, ang mga kababaihan ay may mga matataas na katungkulan sa
pamahalaan, ito ay nangangahulugang:
a. ang mga kababaihan ay may pantay ng karapatan sa mga kalalakihan
b. ang mga kababaihan ay may kakayahan nang mamuno
c. ang mga kababaihan ay mapagkatiwalaan na sa pamamahala
d. ang mga kababaihan ay may karapatan nang sumali sa pulitika

_____ 46. Ang salitang Buddhism ay nangangahulugang:


a. ang nabiyayaan b. ang alagad c. ang naliwanagan d. ang daan

_____ 47. Ang relihiyong Jainismo na ang pinuno ay si Rsabha at Mahavira ay nagmula sa bansang________.
a. India b. Pakistan c. Indonesia d. Pakistan

_____ 48. Ang arkitekturang panrelihiyon na makikita sa timog silangang Asya.


a. Angkor Wat b. Ziggurat c. Pyramid d. Taj Mahal

_____ 49. Dinastiya sa Tsina na naimbento ang woodblock printing na siyang nagpabilis ng paggawa ng mga
sulatin.
a. Chou b. Tang c. Chin d. Han

_____ 50. Ikaw ay pinunno ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng proyekto ukol sa
kahalagahan ng mga kontribusyong Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala nang lahat
ang nasabing kontribusyon?
a. magtakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay
b. collage making contest
c. open house exhibit
d. history quiz contest

You might also like