You are on page 1of 2

PEDRO E.

CANDIDO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL


Hernani, Eastern Samar
Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7
Pangalan:_______________________________________________________________ Iskor:_____________________
Baitang at Seksyon:__________________________________________ Petsa:____________________________

1. Ang sumusunod ay mga pinagkukunan ng tao ng ikinabubuhay noong unang panahon maliban sa ________.
a. kabundukan b. dagat c. mga hayop d. pamilihan
2. Mahalagang pangalagaan ng tao ang kanyang kapaligiran sapagkat; _______________.
a. dito siya kumukuha ng ikinabubuhay c. ito ay nagbibigay sa kanya ng kasayahan
b. dito siya nagliliwaliw at nalilibang d. wala sa nabanggit
3. Ito ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Ano ito?
a. globo b. kontinente c. sub-kontinente d. tangway
4. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon. Isang rehiyon nito ay ang ________________.
a. Antarctica b. HIlagang Asya c. Timog-Kanlurang Asya d. Timog-Hilagang Asya
5. Isang bansa sa Timog-Silangang Asya ang ________.
a. Armenia b. Bangladesh c. Lebanon d. Philippines
6. Ito ang naghahati sa globo sa Hilaga at Timog hemisphere.
a. Latitude b. Longitude c. Prime meridian d. Equator
7. Anong rehiyon ang binansagang Farther India at Little China?
a. Kanlurang Asya b. Silangang Asya c. Timog Asya d. Timog-Silangang Asya
8. Ano ang tumutukoy sa uri o dami ng mga halaman sa isang lugar?
a. Prairie b. Steppe c. Savannah d. Vegetation
9. Ang ____________ ay uri ng damuhang may ugat na mababaw o shallow-rooted short grasses.
a. Prairie b. Steppe c. Savannah d. Vegetation
10. Anong bundok ang sinasabing pinakamataas sa buong mundo?
a. K2 b. Mt. Everest c. Mt. Kanchenjunga d. Mt. Mayon
11. Kung ang Timog-Silangang Asya ay may klimang tropikal, ano namang uri ng klima mayroon ang Silangang Asya?
a. Monsoon Climate b. Sentral continental c. Iba-iba ang uri ng klima d. Hindi nagbabago ang klima
12. Anong rehiyon ang may pinakamaraming deposito ng langis at petrolyo?
a. Hilagang Asya b. Silangang Asya c. Timog Asya d. Timog-Silangang Asya
13. Isang paraan upang mapalaki ang produksyon ng agrikultura ay ang:
a. Pag-angkat ng bigas sa ibang bansa c. Paggamit ng mga makabagong makinarya sa agrikultura
b. Pag-angkat ng langis at petrolyo sa ibang bansa d. Paggamit ng tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka
14. Ito ang isang lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at tubig na magagamit sa pagtatanim at pag-aalaga ng
hayop.
a. Oasis b. Savannah c. Steppe d. Taiga
15. Ano ang isang batayan ng pagpapangkat ng mga tao sa Asya?
a. Wika b. Salita c. Diwa d. Tono
16. Tumutukoy ito sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika, kultura, at etnisidad.
a. Lahi b. Grupo c. Pangkat etniko d. Pangkat etnolingguwistiko
17. Saan unang umusbong ang mga sinaunang kabihasnan?
a. Lambak at ilog b. talamapas at ilog c. kapatagan at ilog d, kabundukan at ilog
18. Sa anong panahon natuklasan ang apoy?
a. Metal b. Neolitiko c. Mesolitiko d. Paleolitiko
19. Ang tawag sa paniniwala sa maraming Diyos ay ___________.
a. Politeismo b. Zoroateismo c. Monoteismo d. Confucianismo
20. Sa anong partikular na panahon masasabing nakadepende lamang sa kapaligiran ang pamumuhay ng mga sinaunang
tao?
a. Metal b. Neolitiko c. Mesolitiko d. Paleolitiko
21. Ang sistema ng pagsulat ng mga Sumerian ay tinatawag na __________________.
a. Alibata b. Cuneiform c. Calligraphy d. Decimal system
22. Aling kabihasnan ang maituturing na magaling sa matematika na patunay sa pagkakaroon ng grid-patterned na
kabahayan?
a. Meso b. Sumer c. Indus d. Shang
23. Alin sa mga sinaunang kabihasnan ang nanatili hanggang sa kasalukuyan?
a. Meso b. Sumer c. Indus d. Shang
24. Ano ang pagkakatulad sa katangiang pisikal ng kabihasnang Sumer, Shang, at Indus?
a. Nabuo ang mga ito malapit sa kapatagan. c. Nabuo ang mga ito malapit sa mga bulubundukin.
b. Nabuo ang mga ito malapit sa mga lambak-ilog. d. Nabuo ang mga ito malapit sa mga talampas at ilog.
25. Paano nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa aspekto ng pamamahala?
a. Lahat ay pinamumunuan ng pari c. Lahat ay pinamumunuan ng datu
b. Lahat ay pinamumunuan ng hari d. Lahat ay pinamumunuan ng haring-pari
26. Ano ang tawag sa templo ng mga sinaunang Mesopotamia na pinaniniwalaan na pinaninirahan ng mga Diyos?
a. Templo b. Mosque c. Ziggurat d. Simbahan
27. Ano ang tawag sa pagmamahal sa karunungan?
a. relihiyon b. tradisyon c. pilosopiya d. paniniwala
28. Aling imperyo ang nagpakilala ng konsepto ng Zodiac at horoscope?
a. Lydian b. Akkadian c. Chaldean d. Babylonian
29. Sino ang nagpagawa ng Hanging Garden of Babylon na inialay para sa kanyang asawa?
a. Sargon b. Darius c. Hammurabi d. Nebuchadnezzar
30. Anong imperyo ang nagsimula ng konsepto ng kolonya?
a. Lydian b. Akkadian c. Chaldean d. Babylonian
31. Ano ang tawag sa pagsamba ng nag-iisang Diyos?
a. Polytheism b. Monotheism c. Sinocentrism d. Divine origin
32. Sa anong dinastiya naitayo ang Great Wall of China?
a. Sui b. Han c. Qin o Ch’n d. Zhou o Chou
33. Alin sa mga sumusunod na pilosopiya ang nakatuon sa pagpapabuti ng ugali?
a. Taoismo b. Legalismo c. Judaismo d. Confucianismo
34. Aling relihiyon ang may pinakamalaking bilang ng taga-sunod at kasapi?
a. Sikhismo b. Jainismo c. Judaismo d. Kristiyanismo
35. Alin ang HINDI kalagayan ng mga kababaihan sa sinaunang lipunan?
a. Pinagbawalan na makilahok sa kalakalan c. Ipinagkakasundo sa ibang lalaki kapalit ng pera o dote
b. Pwedeng magkaroon ng tungkulin sa pamamahala d. itinuturing na parang produkto na ibinebenta
36. Sina Presidente Gloria Macapagal Arroyo at Corazon C. Aquino ay mga pinunong kababaihan sa Asya. Ano ang kanilang
ginampanan para sa mga kababaihan sa lipunan?
a. Pinataas nila ang kita ng bansa sa kanilang pamumuno
b. Binigyan nila ng mataas na kapangyarihan ang mga kababihan na kasama sa partido
c. Tinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa kanilang pamumuno
d. Pinalawak nila ang mga kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang panunungkulan
37. Alin sa mga ambag ng mga bansang Asyano ang higit na naisasabuhay mo pa rin at nagagamit hanggang ngayon?
a. Ziggurat b. Relihiyon c. Hanging Garden d. Cuneiform tablet
38. Sino ang tinatawag na middlemen?
a. Mga Asyanong mangangalakal noong panahon ng Imperyalismo
b. Mga Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa
c. Mga Asyanong nasa panggitnang uri sa lipunan
d. Mga Europeong nagging mangangalakal noong panahon ng Imperyalismo
39. Paano ang Renaissance naging dahilan ng mga Kanluranin upang magtungo sa Asya?
a. Sa panahon ng Renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo.
b. Ang Renaissance ay isang kilusang pilosopikal na makasining.
c. Ang Renaissance ang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo.
d. Sa panahon ng Renaissance nakasentro ang buhay ng tao sa relihiyon.
40. Ang salitang Kolonyalismo ay mula sa salitang latin na “colonus” na ang ibig sabihin ay ________.
a. alipin b. kawal c. mangingisda d. magsasaka
41. Ito ang patakarang ginamit sa Kanlurang Asya kung saan pansamantala silang sasailalim sa kamay ng mga Kanluranin
hanggang makapagsarili sila.
a. Command System b. Government System c. Mandate System d. Political System
42. Ang Nasyonalismo sa Asya ay may iba’t ibang anyo. Isa na rito ang _____________.
a. Aggressive nationalism b. Abusive nationalism c. recessive nationalism d. Territorial nationalism
43. Ito ang paglalabas ng katotohanan kasama ang pagdarasal, meditasyon at pag-aayuno na itinuro ni Gandhi sa mga
mamamayan ng India.
a. Ahimsa b. Krusada c. Hunger strike d. Aggressive nationalism
44. Ito ay isang anyo ng Demokrasya kung saan ang mga mamamayan ay pumipili ng kinatawan o representative sa
pamahalaan.
a. Diktadurya b. Komunismo c. Pederal d. Republika
45. Ano ang tawag sa pagpapakamatay ng asawang babae sa pamamagitan ng kanyang pagsama sa pagsunog sa labi ng
asawang namatay?
a. Ahimsa b. Satyagraha c. Suttee d. Dowry
46. Ang mga sumusunod ay rutang pangkalakalan na ginamit upang makarating ang produkto ng Asya sa Kanluran maliban
sa
a. Hilagang ruta b. Panggitnang ruta c. Timog na ruta d. Kanlurang ruta
47. Ang pinakatanyag na akda tungkol sa Asya ay isinulat ni _____________.
a. Marco Polo b. Ferdinand Magellan c. Prinsipe Henry d. Vasco de Gama
48. Ito ay aklat na tumutukoy sa karangyaan at kayamanan ng China.
a. The Travels of Marco Polo b. Ibong Adarana c. Compass d. Astrolabe
49. Noong ________, narrating ni Magellan ang Pilipinas.
a. 1521 b. 1512 c. 1215 d. 1125
50. Ito ay ginagamit upang malaman ang latitude o layo ng barko pahilaga o patimog mula sa Equator.
a. Compass b. Astrolabe c. GPS d. Google

You might also like