You are on page 1of 3

Fr.

Urios Academy of Magallanes, Inc


Brgy. Buhang Magallanes, Agusan del Norte
ARALING PANLIPUNAN 8 - 4th Quarter Midterm
Examanation
February 21-22, 2019

Pangalan:__________________________________ Iskor:_____________
Taon/Seksiyon:_____________________________ Petsa:_____________

I-Panuto: Piliin ang wastong kasagutan. Isulat ang sagot bago ang bilang.

1. Alin sa bansa ang hindi sakop ng Silangang Asya?


a. China b. South Korea c. Vietnam d. Taiwan
2. Ang Azerbaijan ay sakop sa Asya ng _________.
a. Timog Asya
b. Kanlurang Asya
c. Silangang Asya
d. Gitnang Asya
3. Alin sa bansa ang sakop ng Timog Asya?
a. Mongolia b. Yemen c. Laos d. Bhutan
4. Ang salitang heograpiya ay hango sa mga salitang Griyego na geo na nangangahulugang __________.
a. Daigdig at graphien
b. pagsulat o paglalarawan
c. Daigdig
d. Graphien
5. Alin sa bansa ang hindi sakop ng Timog-Silangang Asya?
a. Brunei b. Myanmar c. Sri Lanka d. Thailand
6. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Timog-Silangang Asya?
a. Brunei b. Myanmar c. Sri Lanka d. Thailand
7. Alin sa mga sumusunod na asya ang binubuo ng pitong bansa at ito rin ay may iba’t-ibang uri ng topograpiya?
a. Kanlurang Asya b. Timog-Silangang Asya c. Timog Asya d. Silangang Asya
8.Alin sa mga sumusunod na bansa ang kilala sa landlocked dahil sa mabundok at matalampas na lupain.
a. China b. Philippines c. Indonesia d. Mongolia
9. Ang Pharaya River ay isa sa pangunahing ilog sa buong mundo. Alin sa mga sumusunod na bansa ito
matatagpuan?
a. Thailand b. Myanmar c.Japan d. China
10. Alin sa mga sumusunod na bansa ang sakop sa kanlurang asya?
a. Myanmar b. Cyprus c. Bhutan d. Kazakhstan
12. Ito ay kinikilalang pinakamataas na talamapas.
a. Tibet b. Ganges c. Khyber Pass d. Pamir
13. Ito ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig.
a. Mount Mayon b. Mount Everest c. Mount Taal d. Mount Pinatubo
14. Saang bansa matatagpuan ang pangkat-etnikong Dravidian na may maiitim na balat?
a. Sri Lanka b. Bangladesh c. Nepal d. Bhutan
15.. Ang kagamitang blade, point, lunate, trapeze, craper at arrowhead ay isang tuklas sa ebolusyong kultural ng tao.
Sa anong kapanahunan ito natuklasan?
a. Panahong Paleolothic b. Panahong Mesolithic
b. c. Panahon ng Neolithic d. Panahong Metal
16. Saang rehiyon matatagpuan ang magkakaibang pangkat-etniko?
a. Silangang Asya b. Timog Asya c. Kanlurang Asya d. Hilagang Asya
17. Bakit sinasabing monotheist ang mga Kristiyano?
a. dahil sila ay naniniwala na ang diyos ay gumagawa ng pakikipagtipan kay Abraham.
b. dahil inihayag ang sampung utos ng diyos.
c. dahil ito ay tanda sa pagpapahalaga sa diyos.
d. dahil naniniwala sila na iisa lamang ang diyos na may gawa ng sandaigdigan at sangkatauhan.
18. Ano ang ibig sabihin ng protestante?
a. nagsanga ng iba’t-ibang samahang pangkat at walang kinikilalang pinuno.
b. isang batayan ng pananalig at pagpapahalaga ng kristiyano.
c. ito ay isang tanda sa sampung utos ng diyos.
d. a at b
19. Ano ang simbolo ng pagmamahal ni Hesukristo sa sangkatauhan?
a. Bibliya b. Patriarch c. Krus d. lahat ng nabanggit

20. Ano ang pinamumunuan ng Eastern Orthodox?


a. Palestine b. Vatican c. Patriach d. lahat ng nabanggit
21. Ano ang ibig sabihin ng “The Anointed One”?
a. isang tabletang gawa sa bato kung saan doon nakatala ang sampung utos ng diyos.
b. diti nakatala ang kabuuang buhay ni Hesukristo.
c. isang lumang tipan o Old Testament
d. b at c
22. Ano ang ibig sabihin ng Star of David na kung tawagin naman ay Shield of David?
a. Ito ay tanda ng pagpoprotekda kay david.
b. ito ay isang batas na salita ng diyos.
c.ito ay tanda sa pagpapahalaga kay david.
d. lahat ng nabanggit.
23. Kailan namuno sa Israel si David?
a. noong 1280 BCE b. noong 1000 BCE d. noong 1280 hanggang 1000 BCEd. noong 1000
hanggang 962 BCE
24. Kung ang The Anointed One ay isang bibliya ng mga Kristiyanismo. Ano naman ang Torah?
a. Bibliya ng mga Hindu b. Bibliya ng mga Egypt c. Bibliya ng mga Jew d. Bibliya ng mga Taosim
25. Ano ang ibig sabihin ng “Wailing Wall”?
a. tanda ng paggalang sa kanilang panginoonb. isang banal na araw ng mga Jew
c. kinikilalang banal na lugar para sa panalangin c. A at B
26. Bakit may inilagay na pantakip ang mga Jew sa ulo?
a. dahil ito ay tanda sa pagsasaalang ng kasaysayan ng mga Jew.
b. dahil ito ay isang tanda ng paggalang ng kanilang panginoon.
c. dahil ito ay isang tanda ng pagdiriwang ng mga Jew.
d. Lahat ng nabanngit.
27. Ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo?
a. tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang layuning komersiyal at panrelihiyon sa
bansa.
b. tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang pangangailangan at interes ng bansa.
c. tumutukoy sa patakaran ng isang lupain upang matugunan ang layuning komersiyal.
d. A at B
28. Ang imperyalismo ay tumutukoy sa patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang
______________________.
a. kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan
b. kanilang kapangyarihan upang matamo ang kanilang kagustuhan.
c. kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan.
d. A at C
29. Ano ang ibig sabihin ng “viceroy”?
a. isang paniniwala ng mga kilusang indian b.pagpapatupad ng mga alituntunin mula sa Britain
c. isang paraan sa paggamit ng mga Briton sa pamamahala sa India d. wala sa nabanggit.
30. Ano ang ibig sabihin ng “Divide and Rule”?
a.isang paniniwala ng mga kilusang indian b.pagpapatupad ng mga alituntunin mula sa Britain
c. isang paraan sa paggamit ng mga Briton sa pamamahala sa India d. wala sa nabanggit.
31. Sino ang isang Arab na nagpahayag na ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis?
a. Galilieo b. Al-Buruni c. Ibn-Nafis d. Ibn- Saud
32.Sino ang kilalang pinakamakapangyarihang na nagging emperador ng Qing?
a. Galilieo b. Al-Buruni c. Chien Lung d. Haring George II
33.Kailan sinubukan muli ng mga Dutch na magtungo sa China upang mabigyan ng pagkakataong
makikipagkalakalan sa bansa?
a. Noong 1770 b, Noong 1771 c. Noong 1772 d. Noong 1773
34.Sino ang nagging emperador sa 14 taon na gulang lamang sa dinastiyang Qing?
a.Kang Hsi b. Al-Buruni c, Chien Lung d. Haring George II
35.. Sino ang sumulat ng Sixteen Maxim on the Art og Government?
a.Kang Hsi b. Al-Buruni c, Chien Lung d. Haring George II
36. Ano ang nagging sanhi ng malawakang suliranin sa lipunang Tsino?
a. bumaba ang moralidad sa lipunan b. pinaalis ang mga co-hong
c. kaagad ipinasira ng mga Manchu ang pamahalaan d. wala sa nabanggit
37. Sino ang nagtatag sa Taipeng Tienkuo “the heavenly kingdom of great peace”?
a.Kang Hsi b.Hung His-Chuan c. Chien Lung d. Haring George II
38. Ano ang kahulugan ng “Tianjing”?
a. Heavenly Capital b. Ever Victorious Army c. Sphere of Influence d. Open door Policy
39. Ano ang tawag sa puwersang kanluranin na pinamumunuan nu Frederick Townsend Ward?
a. Heavenly Capital b. Ever Victorious Army c. Sphere of Influence d. Open door Policy
40. Kailan pinamumunuan ni Tokugawa leyasu ang bansang Japan?
a. Noong 1598 b. Noong 1599 c. Noong 1560 d. Noong 1561
41. Ito ay tumutukoy sa kilusangKoreano na pinaniniwalaang nakapagpakita ng kakibang halimbawa ng
mapayapang pakikipaglaban sa dayuhang kolonyalismo.
a. Propaganda Movement b. May Fourth Movement c. March 1, Movement d. February 27,1987
Movement
42. Ito ay tumutukoy sa namagitang tensiyong diplomatiko sa pagitan ng Unites States at Soviet Union, ang
dalawang bansang superpower matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
a. Tensiyong Russia- America b. Tensiyong Demokratiko-Sosyalismo
c. Ikalawang Digmaang Pandaigdig d. Coldwar
43. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng balanseng lakas sa pagitan ng dalawa o higit pang mga bansa o puwersa
upang hindi makapangibabaw o makaimpluwensiya ang isang bansa sa nakararaming bansa.
a. Vacuum Power b. Close-door-policy c. Balance of Power d. Alliance Power
44. Ang pangyayaring ito ang nagpabagsak sa Dinastiyang Ching at nagdeklara sa Republika ng China.
a. May fourt Movement b. Double Ten c. Long March d. Shanghai Massacre
45. ito ay tumutukoy sa transpormasyon ng tradisyonal na sistemang lipunang piyudal sa higit na maunlad at
makabagong lipunan sa Japan.
a. Westernisasyon b. Modernisasyon c. Asimilasyon d. Nasyonalisasyon
46.Ito ay tumutukoy sa halimbawa ng tradisyonal na instrumentong pangmusika sa rehiyon na may tatlong kuwerdas
na lute.
a. Shamisen b. koto c. shakuhachi d. kayagum
47. Sino ang nanalo sa 2016 Olympic Games na nakakuha ng medalyang tanso sa larangan ng weightlifting?
a. Hidilyn Diaz b. Lydia de Vega c. Eric Buhain d. Paeng Nepomuceno
48. Sino ang namuno sa mga komunista sa Shanghai?
A. Mao Tse-Tung b. Chang kai Shek c. Chiang Long d. Sun Yat Sen
49. Ito ay tumutukoy sa isang bansang nasa ilalim ng pamamahala at proteksiyon ng isang malakas na bansa.
a. Perpetual Truce b. Buffer States c. Protectorate d. Pamahalaang Puppet
50. Gaano halaga para sa bansang China ang kanilang mga literatura?
a. mahalaga ito dahil mayroon itong 40,000 literatura na isinulat noong panahong Tang.
b. mahalaga ito dahil ito ang katangian ng kanilang kultura
c. mahalaga ito dahil ito ang nagpa impluwensiya sa kanilang bansa tungo sa pagbabago
d. Lahat ng nabanggit.

Prepared by: Ms. Jean C. Sinday


AP Teacher
Approved by: Mrs. Wilna M. Lazaga
Principal

You might also like