You are on page 1of 7

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN
Baitang 9

I.MARAMING PAMIMILIAN: Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tiyak na sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.


a.Heograpiya b.Kasaysayan c. Kabihasnan d.Imperyo
2. Anong tema ng heograpiya makikita ang katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng
tao?
a.lugar b.rehiyon c.lokasyon d.paggalaw
3. Ito ang tawag sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa isang lugar.
a.paggalaw b.interaksyon c.lokasyon d.lugar
4. Ang kontinenteng daigdig ay binubuo ng tatlong estruktura, alin ang hindi kabilang?
a.nickel b.mantle c.core d. crust
5. Alin ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo?
a.Asya b.Africa c.America d.Australia
6. Ang ___________ ay nagbibigay ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
a.wika b.lahi c .relihiyon d. rehiyon
7. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang makapangyarihang nilalang?
a. relihiyon b.pangkat-etniko c.lahi d.wika
8. Ang salitang etniko ay nagmula sa salitang Greek na “ethnos”, ano ang ibig sabihin ng salitang ethnos?
a.pangkat b.lahi c.relihiyon d.mamayan
9. Ito ang pamilya ng wikang may pinakamaraming taong gumagamit.
a.Indo-European b.Austronesian c.Sino-Tibetan d.Niger-Congo
10. Anong pangkat ng homo species ang tinaguriang “mga taong gumagamit ng kamay?”
a. homo habilis b.homo sapiens c. homo erectus d.australopithecine
11. Ang salitang Mesopotamia ay hango sa salitang Griyego na meso at potamos, ano ang kahulugan ng meso?
a. loob b. kabila c.pagitan d.gitna
12. Tinaguriang ‘’The Gift of the Nile”, sapagkat magiging disyerto ang lugar kung wala ang ilog Nile.
a.Indus b. Sumer c.Egypt d.Mesopotamia
13. Ang Mesopotamia ay nasa pagitan ng ilog Tigris at ilog ____________?
a. huang ho b.Indus c.Euphrates d.Cagayan
14. Ano ang kauna-unahang dinstiya na naghari sa China?
a.Shang b.Chou c.Xia d.Q’ing
15. Aling pangkat ng tao sa sistemang caste ang bumubuo sa mga mangangalakal, artisan at magsasakang may lupa?
a.Brahmin b.Ksatriya c. Vaisya d.Sudra
16. Kalian naitatag ang Imperyong Maurya?
a. 223B.C.E b. 322 B.C.E. c. 232 B.C.E d.332 B.C.E
17. Sa imperyong Gupta, itinuturing si kalidasa na pinakamahusay na manunulat at makata, alin sa sumusunod ang kanyang
akda?
A. Ramayana b.Sakuntala c.Panchatantra d.Illiad at Odessey
18. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng kaisipang Confucianismo?
a.Magkaroon ng balanseng kalikasan at daigdig
b. Magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan
c. Magkaroon ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan
d. Magkaroon ng ugnayan ang tao sa lipunan
19. Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism.
a.Yuan b.Han c.Song d.Chou
20. Ang dinstiyang ___________ ay itinatag ni Kublai Khan.
a.Song b.Chou c.Han d. Yuan
21. Ano ang paiakadakilang kabihasnan sa Egypt na tianwag bilang Empire Age?
a. Old Kingdom b. New Kingdom c.Late Kingdom d.Middle Kingdom
22. Ito ang tawag sa panulat ng mga Egyptian.
a. Cuneiform b. Hieroglyphics c. Abecede d.Arabic
23. Ano ang dahilan ng pagpapatayo ng mga kahanga-hangang pyramid ng matandang kaharian?
a.Nagsilbing monument ng kapangyarihan ng mga pharaoh
b. Nagsilbing huling hantungan sa pagpanaw ng mga pharaoh
c. tama ang A at B
d. Wala sa nabanggit
24. Siya ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya, nagsilbi siya sa loob ng 94 taon.
a. Khufu b.Amenemhet II c. Pepi II d.Mentuhotep I
25. Sa pagkamatay ni Akhenaton, sino ang pumalit sa kanyang katungkulan?
a. Seti I b. Rameses II c. Tutankhamen d.Pepi II
26. Anong uri ng produkto ang itinatanim ng mga sinaunang tao sa Yucatan Peninsula?
a.palay b. barley c. mais d.sago
27. Ito ang tawag sa panrituwal na larong kahalintulag ng larong basketbol.
a.pok-ta-pok b. o-ta-pok c.pok-a-tok d.pok-a-pok
28. Alin sa mga sumusunod ang pamana ng kabihasnang Mesopotamia?
a.Cuneiform b. Ziggurat c. Water Clock d.lahat ay tama
29. Ang sumusunod ay kontribusyon ng kabihasnang Indus maliban sa isa, alin ditto?
a.Ayurveda b. Arthasastra c. Water Clock d.Sewerage System
30. Ang seismograph, sundial, abacus at chopsticks ay ilan sa mga kontribusyon ng kabihasnang _________?
a.Egypt b. Indus c. Tsino d.Mesopotamia
31. Ano ang kahalagahan ng I Ching o Classic of Change bilang pamana ng mga Tsino?
a. Nagbigay ng perspektiba ukol sa iba’t ibang bagay sa buhay ng tao.
b. Nagbibigay ng estratehiyang pangmilitar
c. Nagbibigay ng lakas sa buhay ng tao
32. Ang pamanang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng Yin at Yang.
a.Bing Fa b. Feng Shui c. Abacus d.Great Wall
33. Ang pamanang ito ay ukol sa katipunan ng mga batas ni Hammurabi.
a.Code of Ethics b. Code of Codes c. Code of Hammurabi d.Code of Code
34. Ito ang estruktura kung saan sinasamba and diyos o patron ng isang lungsod.
a. pyramid b.Ziggurat c.templo d.Kingdom
35. Sa larangan ng literature, ito ang itinuturing na kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig.
a.Ramayana b.Sakuntala c.Epic of Gilgamesh d.Arthasastra
36. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga
ginamit na kasangkapan at nagging hudyat din ng pagtatapos ng Panhong Pleistocene?
a.Mesolitiko b.Metal c.Neolitiko d.Paleotiko
37. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa “Seven
Wonders of the Ancient World”?
a.Alexandria b.Hanging Gardens c. Pyramid d.Ziggurat
38. Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?
a.Tropikal na Klima b.Maladisyertong init
c.Buong taon na nagyeyelo d.Nakakaranas ng apat na klima
39. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
a.Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya
b.Maraming sigalot sa mga bansa
c.May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkaka-unawaan
d.Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa
40. Aling pahayag ang may MALING impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
a. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko
b. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko
c. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan
d. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal
41. Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa kaisipang Confucianism.
a.Han b.Sui c.Song d.Yuan
42. Alin sa sumusunod na bansa ang kabilang sa Timog Asya?
a.Pakistan b.Nepal c.Bangladesh d. Lahat ay tama
43. Sino ang unang pinuno ng Dinastiyang Xia?
a.Yu b.Xia c.You d.Xa
44. Ang sumusunod ay mga kagamitan at armas na nagawa mula sa tanso maliban sa ISA, ali ditto?
a.palakol b.kutsilyo c.pana d.pala
45. Ang katagang “paleos” ay nangangahulugang matanda, ano naman ang ibig sabihin ng “lithos”?
a.apoy b.bato c.ulap d.panahon
46. Isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt.
a.Pepi II b.Rameses II c.Menes d.Akhtoy
47. Siya ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya, namuno siya sa loob ng 94 na taon.
a.Pepi II b.Rameses II c.Menes d.Akhtoy
48. Aling pangkat ng Homo Species ang tinaguriang mga “taong nag-iisip”?
a.homo habilis b.homo erectus c.homo sapiens d.wala sa nabanggit
49. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
a. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
b. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.
c. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mgfa pamanang ito.
d. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.
50. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano
c. Ang Singapore ay isa sa mga banasang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel at Silangan ng West Philippine Sea.
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO BAITANG 7

I.MARAMING PAMIMILIAN: Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tiyak na titik ng
sagot na tumutugon sa bawat bilang.
A. Pag-unawang Pampanitikan

1. Siya ang KSP at official kenkoy sa klase.


a.clowns b.Weirdos c.Geeks d.Hallow man
2. Ito ang mga generic na miyembro ng klase, kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Nauuri ito sa_____?
a.clowns b. Bob Ongs c.Guinnes d. Commoners

3. Ang mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon ay tinatawag na__________?


a.Hallow man b.Geeks c.Anak ni Rizal d.Leather Goods
4. Sila ang mga record holders pagdating sa persistence. Pilit na pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng talino.
a.Commoners b.Weirdos c.Geeks d.Gunnes
5. Subalit pinatitikan ko siya sa dayaray upang mabatid ang kaniyang paroroonan. Ano ang ibig sabihin ng
salitang nasalungguhitan?
a.tabing dagat b.bulubundukin c.sapa d.tabing ilog
6. Napapatigalgal si Tungkung Langit sa tuwing maririnig ang aking tinig. Ang salitang nasalungguhitan ay
nangangahulugang?
a.di-mapakali b.di-makatingin c.balisa d.di-makaimik
7. Naulinigan ko ang malungkot ngunit malambing niyang tinig. Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit
ay_____________?
a.naramdaman b.naaninag c.narinig d.nakita
8. Ang laruang eroplano ay marahang umimbulog sa malakas na hangin. Ang salitang umimbulog ay
nangangahulugang?
a.lumipad paitaas b.lumipad palayo c.lumipad d.nahulog
9. Bukas-palad siya sa nangangailangan ng tulong. Ang ibig sabihin ng kawikaang ito ay__________?
a.mapagbigay b.mapagmahal c.magiliw d.maunawain
10. Di-mahulugang karayom ang nagtungo sa pista sa nayon. Ang kahulugan ng idyomang nasalungguhitan
ay___________?
a.walang tao b.maraming tao c.punong-puno d.di-mabilang
11. Ito ay isang set o pangkat ng mga bahagi sa isang sistema ng pagsulat.
a.titik b.grafema c.pantig d.ponema
12. Ito ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita.
a.titik b.tunog c.bantas d.grafema
13. Ito ay kumakatawn sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga titik at pantig, sa pagitan ng
mga salita at mga parirala , at sa pagitan ng mga pangungusap.
a.titik b.bantas c.tunog d.grafema
14. Ilang titik ang bumubuo sa alpabetong Filipino na kumakatawan sa iisang tunog?
a.28 b.26 c.24 d.20
15. Aray! Ang wika ng matanda matapos siyang suntukin. Anong bantas ang ginagamit sa salitang aray?
a.tandang pananong b.tutuldok c.tandang padamdam d.kuwit
16. Ngumiti sa akin ang araw sa aking pagtingala. Ito ay tayutay na__________?
a.pagwawangis b.pagsasatao c.pagtutulad d.pagmamalabis
17. Kung narating mo na ang bahaging naglalahad na kalutasan sa paglalaban ng mga tauhan , nakarating kana
sa elemento na____________?
a.kakalasan b.kasukdulan c.suliranin d.wakas
18. Siya ang pangunahing tauhan sa maikling kwentong Impeng Negro.
a.Ogor b.Impen c.Kano d.Diding
19. Alin sa mga sumusunod ang tema/pinapaksa ng kwentong Impeng Negro?
a.Pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian b.Responsibilidad ng lalaki
c.Pagkakaroon ng lakas ng loob na ipagtanggol ang sarili d. lahat ng nabanggit
20. Ang simbolismong ito ay ginamit bilang simbolo ng damdamin na kung minsan ay napupuno at kailangang
isalin o bawasan. Ano ito?
a.tabo b.balde c.gripo d.baso
21. Sino ang may-akda sa Sandaang Damit?
a.Fanny A. Garcia b.Donato B. Sebastian c.Virgilio Almario d.Rogelio R. Sikat
22. Ang tekstong ito ay naglalahad ng mga sapat na katibayan o patunay upang ang isang paksa ay maging
kapani-paniwala.
a.tekstong nanghihikayat b.tekstong nagsasalaysay c.tekstong naglalahad d.tekstong naglalarawan
23. Siya ay tauhan sa alamat ng Waling-waling, makisig at matapang na sultan sa may dagat ng Mindanao.
a.Bal-Lido b.Rajah Solaiman c.Mangingisda d. Waling-waling
24.
25. Gh
26. Gh
27. CV
28. V
29. CV
30. FV
31. VFV
32. VCV
33. FV
34. VF
35. V
36. VC
37. VF
38. V
39. VF
40. F
41. F
42. F
43. D
44. F
45. F
46. F
47. F
48. F
49. F
50. FVF
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
BAITANG 7

I.Maramihang Pagpili: Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga/ pagbibinata maliban sa ___________________.
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
2. Alin sa mga sumusunod na aspeto ng pag-unlad ng nagdadalaga/nagbibinata na nagkakaroon ng maraming
kaibigan at nababawasan ang pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan?
a.pangkaisipan b.panlipunan c.pandamdamin d.moral
3. Sa aspetong ito, madalas na may pag-aalala ka sa kapakanan ng kapwa.
a.pangkaisipan b.panlipunan c.pandamdamin d.moral
4. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase, at pangangatawan. Aling aspeto ito?
a.pangkaisipan b.panlipunan c.pandamdamin d.moral
5. Sa aspetong ito, nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap.
a.pangkaisipan b.panlipunan c.pandamdamin d.moral
6. Ang sumusunod na hakbang ay makatutulong sa pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga
kasing-edad maliban sa isa, alin dito?
a. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais c. Ipakita ang tunay na ikaw
b. Panatilihing bukas ang komunikasyon d. Pagpapakita ng pagbabago
7. Ito ay isang pambihira at likas na kakayahan.
a.talento b.kakayahan c.kalakasan d.kagustuhan
8. Tawag sa kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
a.talento b.kakayahan c.kalakasan d.kagustuhan
9. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking kakayahan at talento?
a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang makapaglingkod sa pamayanan
d. Lahat ng nabanggit
10. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
a. Ito ay hindi namamana
b. Ito ay nababago sapaglipas ng panahon
c. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labag sa ating sarili
d. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan
11. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talent?
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talent
c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila nag kanilang talent
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talent dahil hindi naman ito makaagaw
atensyon
12. Ang taong may ganitong uri ng talino ay mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga
ideya.
a.Visual/Spatial b.Verbal/Linguistic c.Matematical d.Interpersonal
13. Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat, abogasya, pamamahayag, politika,pagtula at
pagtuturo. Aling larangan ito?
a.Verbal/Linguistic b.Matematical c.Visual/Spatial d.Musical/Rhythmic
14. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng
suliranin.
a.Matematical/Logical b.Bodily/Kinesthetic c.Musical/Rhythmic d.Naturalist
15. Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.
a.Interpersonal b.Intrapersonal c.Naturalist d.Existential
16. Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay nagiging environmentalist, magsasaka o botanist.
a.Interpersonal b.Intrapersonal c.Naturalist d.Existential
17. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa
kapaligiran.
a.Musical/Rhythmic b.Bodily/Kinesthetic c.Visual/Spatial d.Existential
18. Kadalasan ang taong mayroong ganitong uri ng talino ay masaya sa pagiging philosopher o theorist.
a.Interpersonal b.Intrapersonal c.Naturalist d.Existential
19. Ang tiwal sa sarili ay hindi namamana, ito ay ____________________.
a.natututuhan b.likas sa tao c.nabibili d.nakakamtan
20. Ano ang pinakamahalagang maitutulong g pagkakaroon ng bagay o Gawain na kinahihiligan?
a.Nakapagpapasaya sa tao b.Nakapagpapa-unlad ng tiwala sa sarili
c.Nakapg-aangat ito ng katayuan sa buhay d.Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
21. Ang mga sumusunod ay ay paraan ng sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin.
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang kasama ang mga ito.
22. Si Sarah ay isang sikat na mag-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Sarah?
a.larangan: musical b.larangan: musical,artistic c.larangan: musical/literary
tuo: tao tuon: tao, ideya tuon: tao, ideya
23. Ito ay isang gawaing nakalilibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o para sa rekreasyon.
a.Hilig b.Paglalaro c.pampalakasan d.pagsayaw
24. Larangan ng hilig na kung saan nagpapakita na nasisiyahan ka sa mga gawaing panlabas.
a.outdoor b.mechanical c.computational d.scientific
25. Sa larangang ito ng hilig, nasisiyahan na gumawa gam tang bilang o numero. Ano ito?
a.outdoor b.mechanical c.computational d.scientific
26. Sa larangang ito, nasisiyahan an gang isang tao na tumulong sa kapwa/ibang tao.
a.Persuasive b.Musical c.Social Servise d.Clerical
27. Ito ang tawag sa preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang Gawain.
a.hilig b.kakayahan c.tuon ng atensyon d.kagustuhan
28. Ang tuon ng atensyong ito ay may kinalaman sa mga katotohanan, records, files at, numero at detalye.
a.tao b.datos c.bagay d.ideya
29. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili
maliban sa:
a. Makabuluhang paggamit ng mga hilig.
b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap.
c. Pagpapaunlad ng Talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.
d. Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata.
30. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili
lamang.” Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang kakayahan
na makipagkapwa.
31. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
a.Pataasin ang marka. b.Pagyamanin ang kakayahang mag-isip.
c.Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin. D.Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto
32. Bilang nagdadalaga/nagbibinat, napaliligiran ka ng mga taong may kaugnayan sa iyo. Alin sa mga sumusunod
ang hindi kabilang sa mga ito?
a.guro b.kamag-aral c.magulang d.kaaway
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tungkulin sa Sarili?
a. Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata.
b. Pagpapaunlad ng talent at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.
c. Makabuluhang paggamit ng mga hilig.
d. Lahat ay tama.
34. Ali sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng isang mag-aaral?
a.Mag-aral ng mabuti b.Magkaroon ng Pagnanais na matuto
c.Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip d.makilahok sa mga Gawain sa Simbahan
35. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan.
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga.
d. Mali, dahil kapag naabot ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa
kanyang tunay na tunguhin.
36. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala d.Ang isip ay may kapanyarihang mangatwiran
b. ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya
c. ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
37. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a.mag-isip b.umunawa c.magpasya d.magtimbang ng esensya ng mga bagay
38. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng ng tao ang ___________________.
a.kabutihan b.kaalaman c.katotohanan d.karunungan
39. Ang tao ay may tungkuling ________________________, ang isip at kilos-loob.
a.Sanayin, paunlarin at gawing ganap b.Kilalanin, sanayin at gawing ganap
c.Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap d.Wala sa nabanggit
40. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: Ano ang tawag sa maliit na
bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao?
a.isip b.puso c.kamay/katawan d.bibig
41. Ito ang sangkap na kung saan karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
a.isip b.puso c.kamay/katawan d.bibig
42. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa kilos-loob ayon kay Santo Tomas de Aquino?
a.Ito ay makatwirang pagkagusto b.Ito ay hindi naaakit sa kasamaan
c.Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip d.tama ang a,b at c
43. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng control sa sarili o disiplina
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
44. Ang _____________________ ay hindi nasusukat sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan.
a.katalinuhan b.karunungan c.kakayahan d.katanyagan
45. Ang tao ay natatangi na nilalang dahil siya ay may _______________ na alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
a.kilos-loob b.isip c.tunguhin d.talento
46. Nararapat na sanayin, paunlarin at ___________________ ang isip at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang
kakayahann ng tao.
a.gawing ganap b.gawing tama c.gawing buo d.gawing kawili-wili
47. Alin sa sumusunod ang tunguhin ng isip?
a.kabutihan b.katotohanan c.karangyaan d.kalayaan
48. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga
bagay.
a.isip b.puso c.kamay d.bibig
49. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama,dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging malusog at makaramdam.
d. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at
dumami.
50. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran-kilos-loob: __________________________
a. Kapangyarihang magnilay, sumngguni, magpasya at kumilos
b. Kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. Kapangyarihang magnilay, pumili magpasya ta isakatuparan ang pasya
d. Kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama

Noted:
INOFEMIA G. GUADO
Ulong Guro

You might also like