You are on page 1of 3

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

I. Piliin sa kahon ang tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Populasyon Population Growth Rate Migrasyon Literacy Rate

Life Expectancy Employment rate GDP per capita Reproductive Health Bill

China GDP India

1. Tumutukoy ito sa dami ng tao sa isang lugar o bansa. ___________________


2. Ang bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon ay tinatawag na
___________________
3. Tumutukoy ito sa bahagdan ng populasyong walang hanap buhay o pagkakakitaan.
____________________
4. Ang bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat ay tinatawag na __________________
5. Ang pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan ay tinatawag na ________________
6. Ang ____________ ay kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang kanyang panahanan.
Nakukuha ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang GDP ng bansa sa dami ng mamamayang
naninirahan dito.
7. Ang inaasahang haba ng buhay ay tinatawag na _______________
8. Isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat,
kabilang ang family planning para sa mga mag-asawa lalo na sa mahihirap. ______________
9. Kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon. ____________
10. Ang pangalawa sa mga bansa sa daigdig na may pinakamalaking populasyon na umabot ng humigit
kumulang sa 1.22 bilyon.
11.
II. Matching Type

A B

12. Mula sa salitang latin na ang ibig sabihin ay tao A. Apoy


13. Pamilya ng hayop na kinabibilangan ng modernong tao, ang homosapiens B. Mesolitiko
14. Ang hominid na unang natuklasan ng mga siyentipiko na nakatitindig ng tuwid C. Paleolitiko
At nakalalakad sa dalawang paa
15. Hominid na gumagawa at gumagamit ng kasangkapang baton a kilala rin bilang D. Divine Creation
Able man o handy man
16. Tumutukoy ito sa panahon ng gitnang bato na kung saan natutunan ng tao E. Neolitiko
Ang pag-gawa at pag-gamit ng mga kagamitan tulad ng pana, lambat,
Palakol at palayok
17. Tumutukoy sa panahon na ang gamit ng mga sinaunang tao ay magaspang na bato F. Origin of Species
18. Tumutukoy sa panahon kung saan namulat ang sinaunang tao sa pag-gamit ng G. Homo habilis
Iba’t ibang metal mula sa tanso, bronse, at bakal.
19. Sa panahong paleolitiko ang pinaka malaking naging ambag ay ang pagkakatuklas H. Homo erectus
Ng ______
20. Ang tawag sa teorya na pinag-aralan ni Charles Darwin na pinagmulan ng tao I. Homonid
21. Ang tawag sa teorya na pinagmulan ng tao na naaayon sa bibliya J. Homo
III. Multiple Choice

22. Ang _________ ay nasa pagitan ng ilog Tigris at Euphrates.


a. Indus b. Ganges c. Mesopotamia d. Shang
23. Ang pinaka unang kabihasanan na sumibol sa buong mundo ay ang _____________
a. Kabihasnag Sumer b. Kabihasnang Indus c. Kabihasnang Shang d. Babylonia
24. Ang Sistema ng pagsulat sa kabihasnang Sumer
a. Cuneiform b. Scribe c. Clay Tablet d. Ziggurat
25. Ang tawag sa tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-uukit sa clay tablet ay
ang _______
a. Artisano b. Cuneiform c. Scribe d. pari
26. Ang pinaka mahalagang gusali na itinayo sa Summer/Mesopotamia na naging tirahan ng nga diyos at
haring pari
a. Mohenjo daro b. Ziggurat c. Shang d. Harrapa
27. Ang pagkakaroon ng sapat na __________ ay isang bagay na nararapat matamo ng mga asyano ipang
mapaunlad ang kanilang mga sarili at bansang kinabibilangan.
a. Edukasyon b. Kalusugan c. Pamilya d. Kaalaman
28. Ang pagkakaroon ng mataas na GDP per capita ay nangangahulugan na ___________
a. May matinding implikasyon sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng isang tao.
b. Pagkakaroon ng suliraning kailangan tugunan ng mga pinuno.
c. Mas maunlad na pamumuhay para sa mamamayan ng isang bansa
d. Paglaki ng populasyon ng bansa
29. Ang mataas na death rate ay nangangahulugan ng _____________
a. Kakulangan sa aspetong medikal ng lipunan c. Pagtaas ng employment rate
b. Kakulangan sa Edukasyon d. Pagtaas ng GDP per capita
30. Ang mga panahon ng ebolusyon o pagunlad ng kabihasnan ng tao noong sinaunang panahon ay ang
paleolitiko, mesolitiko, ____________, at metal
a. Australophitecus b. hominid c. Neolitiko d. Nomadiko
31. Bakit kinikilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
a. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan.
b. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may
sentralisadong Sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
c. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng anumang pag-aaway sa lugar na ito.
32. Ang kabihasnang ito ay may Sistema ng pagsulat na tinatawag na calligraphy.
a. Kabihasnang Summer b. kabihasnang Indus c. kabihasnang Shang d. Babylonia
33. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa mga sinaunang taong tumira sa kabihasnang Indus
a. Babylonian b. Dravidian c. Summerian d. Tsino
34. Kung ikaw ay isa sa sinaunang tao ng kabihasnang sumer, ano kaya ang iyong gagawing pamumuhay?
a. Magtatanim ng trigo at barley c. Mangangaso at mag-aalaga ng hayop
b. Magsasaka gamit ang araro at kariton na may gulong d. Lahat ng nabanggit
35. Itinuturing na dalawang importanteng lungsod ang Harrapa at Mohenjo Daro dahil
a. Planado at organisado ang mga lungsod na ito
b. Pare-pareho ang sukat ng bloke ng kabuhayan
c. May isa o higit pang banyo o palikuran na konektado sa sentralisadong Sistema ng tubo at imburnal
sa ilalim ng lupa.
d. Lahat ng nabanggit.
36. Ang mga sumusunod ay mga lungsod na umusbong sa kabihasnang summer maliban sa isa.
a. Ur b. Harrapa c. Uruk d. Kish
37. Ano ang tanyag na gusali ng babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa at
kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World?
a. Alexandria b. Hanging Gardens c. Pyramid d. Ziggurat
38. Kinilala bilang cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.
a. Summer b. Indus c. Mesopotamia d. Babylonia
39. Paraan ng pagsulat ng kabihasnang Indus na pinaniniwalaang walang sinumang eksperto ang
nakakapagpaliwanag nito kaya nagkaroon ng pagkukulang sa kaalaman tungkol sa kabihasnang Indus
a. Pictogram b. Calligraphy c. Hieroglyphics d. Cuneiform
40. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na “Basbas ng Langit o Mandate of heaven” ang kanilang
emperador, ano ang iyong pagkakaunawa sa kahulugan ng konseptong ito?
a. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan
b. Namumuno siya dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng Diyos
c. Ang emperador ang pinaka mabuti sa lahat at itinalaga ng Diyos
d. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda
41. Pagsunod –sunurin ang mga kaganapan ng sinaunang kabihasnang Asyano.
1. Nilikha ng mga summerian ang cuneiform writing
2. Lumitaw ang neolitikong pamayanan sa ilog ng Indus
3. Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa China ay namayagpag
a. 123 b. 132 c. 321 d. 213
42. Ang kauna-unahang Dinastiya ng China na yumakap sa Confucianism
a. Q’in o Ch’in b. Sui c. T’ang d. Han
43. Nangangahulugang “Unang Emperador”
a. Shi Huangdi b. Li Xi c. Liu Bang d. Kublai Khan
44. Sila ay tinaguriang tagapagdala ng kabihasnan dahil hindi lamang ang mga produkto ang kanilang
naibabahagi kundi ang pamumuhay din ng mga tao sa kanilang lugar na napuntahan
a. Lydian b. Chaldean c. Phoenician d. Persian
45. Katipunan ng 282 na batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasanang babylonia. Sakop ng batas na
ito ang itinuturing na paglabag sa karapatang pantao at ari-arian nito
a. Oracle Bone b. Code of Hammurabi c. Catal Huyuk d. Barter
46. Layunin nito ang magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti
sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan
a. Confucianism b. Legalism c. Taoism d. Buddhism
47. Pinaka unang pangkat ng tao na nakabuo ng epektibong Sistema ng pamumuno sa imperyo
a. Chaldean b. Lydian c. Assyrian d. Phoenician
48. Ang isa pang gamit ng oracle bones bukod sa panghuhula ay __________
a. Ginagamit ng mga tsino bilang karakter na unang simbolo ng pagsusulat nila
b. Gamit sa pagtatag ng imperyo
c. Gamit na sandata sa digmaan
d. Gamit sa pag gawa ng paayok
49. Alin sa mga sumusunod ang pagkakatulad ng mga kabihasnang Sumer, Indus, at Shang?
a. Pagsamba sa Toro c. Pamayanang agricultural
b. Iisa ang Templo d. wala sa nabanggit.
50. Sa china ang foot binding ay ginagawa sa mga batang babae na kung saan ay tinatangga ang mga kuko,
binabalian ng buto ang mga babae at binabilian ng bandage at metal ang mga paa. Ano ang implikasyon
nito sa kanilang kultura?
a. Nagging pamantayan na ng kagandahan sa lipunan ang ganitong kultura
b. Nagging batas na ng lipunan ang ganitong Gawain
c. Nakakabuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon
d. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.
51. Alin sa mga sumusunod ang nagging dahilan sa pagbuo ng dinastiya?
a. Dahil sa agawan sa lupa ng mga summerian
b. Dahi ang mga Dravidian ay nakipagdigmaan sa mga kalapit na sibilisasyon
c. Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari na nagging dahilan ng pagbagsak ng
shang
d. Lahat ng nabanggit.

GODBLESS AND GOODLUCK!!!

Inihanda ni:

ARIANE T. CASTILLO
A.P TEACHER I

You might also like