engagement/civic participation ay tumutukoy sa mga kolektibong gawain tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko. Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong Mamamayan 1. Makabayan Isang katangian na dapat nating taglayin ay ang pagiging makabayan. Ang Pilipinas ay ang bayang ating kinagisnan at bahagi ng ating tungkulin bilang mamamayan ng bansa ay sikapin ang pagbubuklod at pagkakaisa. Sa ating pagsisikap, maipakikita natin ang bukal sa pusong pagmamahal sa bayan at tunay na pakikibuklod sa ating mga kababayan. Isa sa inaasahan nating pampapukaw-damdamin ay ang paniniwalang makakamit natin ang ating kaunlaran kung tayo ay nag-iisip ng mga bagay na magpapaunlad sa ating bansa. A. Tapat sa Republika ng Pilipinas Bilang mamamayang Pilipino, kailangang may ganap tayong tiwala sa Republika ng Pilipinas. Handa tayong magmalasakit at maglingkod sa bansa laban sa mga sinumang ibig magpabagsak dito. Kasama sa pagpapakita ng tiwala sa republika ay ang paggalang sa bandila at pambansang awit. Ang bandila ay sagisag ng ating bansa na dapat nating igalang bilang pagpapakita ng pagkilala, pagtitiwala, at pagmamahal. Naipakikita ang paggalang sa ating bandila sa pamamagitan ng pagtayo nang tuwid at paglagay ng kamay sa dibdib habang inaawit nang wasto at buong sigla ang ating pambansang awit na “Lupang Hinirang” Artikulo XVI, Seksyon 1. Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na pula, puti, at bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas. Gayundin, ang pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga makasaysayang lugar at bagay-pangkultural na sumisimbolo sa pagiging malaya at mayamang kultura ng ating bansa ay halimbawa ng pagpapakita ng katapatan. Tulad ng nangyaring pagligtas ng isang batang babae sa watawat ng Pilipinas sa kanilang paaralan sa gitna ng paghagupit ng bagyo at pagtaas ng baha. Hindi niya inalintana ang bigat nito at ang nakaambang panganib dulot ng bagyo upang mailigtas lamang ang ating pambansang watawat. Ito ay patunay na likas at di-matatawaran sa ating mga Pilipino ang pagiging makabayan magpasa-hanggang ngayon. Tunghayan ang pagpapakita ng pagkamakabayan sa sipi ng ulat ni Bernard Taguinod ng pahayagang (AbanteTonite noong Agosto 25, 2011) “Batang nagligtas ng bandila, pinarangalan sa Kamara”(Bernard Taguinod)Pinarangalan kagabi sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang batang babae na nagligtas sa bandila ng Pilipinas sa gitna ng kasagsagan ng bagyo sa Malinao, Albay.Tuwang-tuwang umakyat sa rostrum ang bidang si Janela Lelis, 12 anyos, nang ipagkaloob sa kanya ang parangal sa Kamara sa pangunguna ni House Speaker Feliciano Belmonte. Umani agad ng pagkilala si Lelis dahil sa kanyang kabayanihan kung saan bukod sa local government sa Albay, pinarangalan na rin ito ng Department of Education (DepEd). Si Janela Lelis habang pinararangalan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. B. Handang ipagtanggol ang estado Maraming paraan ang maaaring gawin ng mamamayan upang maipagtanggol ang bansa tulad ng mga ginawang pagtatanggol ng ating mga ninuno at bayani. Bilang bahagi ng ating Estado, isa ito sa ating mahalagang tungkulin. Sa Saligang Batas, ito ang nasasaad: Artikulo II, Seksyon 4. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Maaaring tawagan ng pamahalaan ang sambayanan upang ipagtanggol ang Estado, at sa ikatutupad niyon, ang lahat ng mga mamamayan ay maaaring atasang maghandog ng personal na serbisyo militar o sibil, sa ilalim ng kondisyong itinatakda ng batas. Narito ang sipi ng ulat ni Henni Espinosa, tagapamahayag ng Patrol ng Pilipino ng ABS-CBN News, noongHulyo 17, 2011 tungkol sa usaping pag-angkin ng China sa Spratlys Island na sakop ng Pilipinas. Ito aynagpapakita ng katapangan ng 95 Philippine Navy upang ipagtanggol ang ating bansa.
Barkong Gregorio del Pilar, pinadala na sa Spratlys”Nagpaalam na kaninang hapon ang
Philippine Navy sa U.S Coast Guard sa Alameda, California sakay ng pinakabago at pinakamodernong barko ng Republikang Pilipinas na pinangalanang Gregorio del Pilar. Sa isang send-off ceremony, tinapos ng 95 navy men ang kanilang limang buwang pamamalagi saAmerika at ngayo’y handa na silang iuwi sa Pilipinas ang kabibiling barko sa ilalim ng U.S Excess Defense Act na nagkakahalaga ng P450 milyon. Sabi ng Malacanang, ang BRP Gregorio del Pilar ay magpapatrol malapit sa West Philippine Sea malapit sa pinagtatalunang Spratlys Islands.“Handa kaming ipagtanggol ang Pilipinas,” sabi ng captain ng BRP Gregorio del Pilar na si Captain Abet Cruz. Mahigit isang buwan pa ang ilalakbay ng BRP Gregorio del Pilarbago ito makabalik sa Pilipinas at sa kanilang pagbabalik, ,mas buo ang loob ng mga navy men na ito na maglingkod at ipagtanggol ang bayang minamahal. C. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas. Kailangang sundin ng bawat mamamayan ng Saligang Batas at iba pang batas upang manatiling maayos at matiwasay ang bansa. Maitataguyod ang kaunlaran at interes ng bansa sa pamamagitan nito. Ang kawalan ng pagtupad o paggalang sa batas ay nagdudulot ng kaguluhan. Tinatanggal nito ang ating kapayapaan at seguridad at hinahadlangan ang kaunlarang pang-ekonomiya. Kung ang lahat ng mamamayan ay susunod sa batas at hihikayatin ang ibang gawin din ito, tayong lahat ay mamumuhay nang masagana, payapa, at tahimik. D. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan Nakatutulong ang partisipasyon ng mga tao upang tugunan ang mga suliraning kinakaharap ng bansa gayang pagkasira at pagkawala ng mga ari-arian at buhay dulot ng bagyo at iba pang kalamidad. Ang epektibong pag-oorganisa ng mga tao upang kumilos bilang isang grupo na nakikipagtulungan sa mga proyekto at gawainng pamahalaan at iba pang institusyon ay hindi lamang makapagpapaunlad ng ekonomiya pati na rin sa mga aspektong politikal, espiritwal, at panlipunan. Gayundin ang pakikipagtulungan at pagkakaroon ng magandang koneksiyon ng mga pinuno o may kapangyarihan sa mga mamamayan tulad ng pagkokonsulta sa mga tao hinggil sa mga pangangailangan nito upang malutas ang suliranin ng pamayanan. Dapat na kasama o kabilang rin ang mga mamamayan sa paggawa ng desisyon, pagtukoy sa mga suliranin, pagbibigay ng mga solusyon at pangangailangan, at pagpapatupad ng mga proyekto na ang tanging makikinabang din ay ang mga mamamayan. Ang mga pagkilos na ito ay makatutulong sa bawat isa upang maabot ang mga mithiin o ninanais 2. Makatao Bilang mamamayan, may laya tayong gamitin ang maraming karapatang ating tinatamasa, ngunit kailangandin nating isipin na may pananagutan at tungkulin din tayong dapat gampanan. Dapat nating igalang ang mgakarapatan ng iba. Kailangan nating tiyakin na hindi tayo makapipinsala sa ating kapwa. Kailangan nating mamuhay nang matiwasay at may pakikiisa sa mabubuting bagay na makapagpapaunlad hindi lang para sa sarili kundi pati rin sa mas nakararami. 3. Produktibo Ang pagiging masipag at matiyaga ay ugali na nating mga Pilipino noon pa man. Ito ay ipinakita ng ating mga ninuno sa paggawa ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue. Upang mapaunlad natin ang ating pamumuhay, kailangan nating ipakita ang ating angking kasipagan. 4. Matatag, may lakas ng loob at tiwala sa sarili Ang pagiging matatag at may lakas ng loob ay ipinakita na ng ating mga ninuno sa kanilang paglaban upan glumaya ang ating bansa sa pananakop ng mga Espanyol, Amerikano, at Hapon. Ang katatagan ng loob ay ipinakikita rin ng maraming mga mamamayang Pilipino na nagpupunta sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Ito ay nakatutulong sa atin upang sumuong sa mahihirap na gawain. 5. Matulungin sa kapwa Isang likas na gawain ng mga Pilipino ang pagtulong sa kapwa. Tayo ay likas na mapagkawang-gawa lalong-lalo na sa mga kapwa nating kapus-palad at dumadanas ng hirap ng buhay. Dahilan din ng pagdami ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa ang pagnanais nilang makatulong sa kanilang pamilya upang mabigyan nila ito ng maayos at masaganang pamumuhay. Nakikita rin ang pagiging matulungin nating mga Pilipino sa panahon ng mga kalamidad, sakuna, aksidente,at iba pa. Gaano man ito kaliit o kalaki, naipakikita natin ang ating pagtulong sa iba’t ibang bagay. 6. Makasandaigdigan Ang aktibong mamamayan ay mamamayan ng kanyang bansa gayon din ng mundo. Isinasaalang-alang niyaang kagalingan ng kanyang sariling bansa pati na ng sa mundo. Narito ang ilan sa iba’t ibang pansibikong organisasyon na naglilingkod para sa pagkakawanggawa, relihiyon, kapatiran, at komunidad: 1. ABS-CBN Foundation 2. Alpha Phi Omega 3. Ayala Foundation 4. CATW-Asia Pacific 5. Council for Health and Development 6. Gawad Kalinga 7. GMA Foundation 8. Habitat for Humanity Philippines 9. Hakbang Kalikasan Mountaineering Society 10. Ibon Foundation Inc. 11. Institute for Developmental Education and Services, Inc. 12. Magna Kultura Foundation 13. Peace and Equity Foundation 14. Philippine National Red Cross 15. Program for Cultural Cooperation 16. PVI Foundation, Inc. - Pagkakaisa Volunteers, Inc. 17. Ramon Magsaysay Award Foundation 18. Reach Out Foundation International 19. Restored Heritage Foundation, Inc. 20. Rotary Club of Manila Mga Gawaing Pansibiko: Mga Paraan at Epekto
1. Pagtatag o pakikilahok sa mga organisadong pagkilos at
organisasyong nagsusulong ng kagalingan at pag-unlad ng komunidad at bansa Ang partisipasyon sa civil society ay pinangangalagaan sa 1987 Philippine Constitution. Naglalaman ito ng mga tiyak na probisyon sa pagsulong ng mga hindi pampamahalaan, batay sa komunidad o sektoral na organisasyon sapagkat pinahahalagahan ng mga batas ng bansa ang mga organisasyon at gawain ng mga civil society groups at dahil na rin sa nagkaroon ito ng bahagi sa mahabang kasaysayan ng Pilipinas. Mga Sumasali sa mga Organisasyong Pansibiko Type of ActiveMember InactiveMember Do Not Belong SocialOrganization Church or religious 34.2% 20.4% 45.4% organization Cooperatives 12.2% 6.9% 80.9% Sports or recreational 10.1% 8.4% 81.6% organization Art, music, or 6.0% 5.3% 88.7% education organization Two or more 34.2% organizations Mga Maaaring Paraan ng Pakikilahok 1. Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang gawin Mahalaga para sa isang kabataang katulad mo ang makialam, magmatyag, at magmasid sa mga pangyayaring nagaganap sa inyong komunidad. Kung may nakikita kang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan at mga organisasyon na mga maling gawain sa bahay man o sa paaralan lalo pa kung may mga naaabuso, dapat tayong dumulog sa may kapangyarihan at sabihin kung ano ang nangyayari o bakit dapat itong matigil. Idulog ang hinaing o protesta sa mga pinuno ng pamahalaan. Maaaring sumulat sa kanila upang malaman nila ang iyong nais iparating. Maaari ring iparating sa mga organisayong naglalayong makatulong sa mga taong nangangailangan o sa midya. 2. Pag-aangat sa kalagayan ng ating kapwa Pilipino Maraming tao ang nangangailangan ng tulong. Marami ang naghihirap. Isa ito sa suliranin ng ating bansa sa ngayon. Kailangan tayong kumilos upang makatulong tayo sa paglutas ng mga suliraning ito. Magboluntaryo, tumulong, at kumilos upang umangat ang kalagayan ng ating kapwa. Mula sa konsepto ng pakikipagkapwa ng mga Pilipino ang batayan para sa civil society sa Pilipinas. Ang boluntaryong pagtulong o pagkakawanggawa ng mga Pilipino ay isang pantay na katayuan sa pagitan ng mga nagbibigay ng tulong o provider at ang tumatanggap nito o recipient. Ito ay nagpapakita ng damayan(pantay na pagtulong sa mga panahon ng krisis) at pagtutulungan (mutual self-help). Ang ideyang pagkakawanggawa (charity) ay ipinakilala sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga Katolikong misyonero. Narito ang iba pang organisasyon na nakapagpapaunlad at nagpapabuti ng ating kalagayan:
National Council of Social Development (NCSD)
Itinatag noong 1949 bilang unang sistemang panlipunang pag-unlad sa Pilipinas. Kinalaunan, kinilalabilang Council of Welfare Agencies in the Philippines, Inc. (CWAPI) at unang sistemang NGO na nagbibigay ng lisensya at akreditasyon ng pamahalaan para sa mga programang nakabase sa komunidad para sa mga bata at pamilya. National Secretariat of Social Action-Justice and Peace (NASSA) Naitatag sa pamamagitan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong 1966. Ito ay nakapokus sa kahirapan, demokratikong pamamahala, ekolohiya at integridad ng paglikha, kapayapaan, at pag-unlad. Philippine NGO Council on Population, Health and Welfare (PNGOC) Itinatag noong Hulyo 24, 1987. Ito ay binubuo ng 97 miyembro na NGO na nakatuon sa iba’t ibang mga pag-aalala sa pag-unlad ng populasyon tulad ng reproductive health, gender equity at pagkakapantay- pantay, women and development, non-formal education, sustainable development, at HIV/AIDS prevention and care. Asian NGO Coalition for Agrarian Reform and Rural Development (ANGOC) Itinatag noong 1979 at ito ay isang rehiyonal na samahan ng 20 nasyonal at rehiyonal na mga network ng mga NGO sa 14 bansa sa Asya. Sila ay nakatuon sa seguridad at sa pagkain, repormang agraryo, sustainable agriculture, participatory governance, at rural na pag-unlad. 3. Pakikipagpalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon Kapag ang mga impormasyon at kaalaman ay naipamamahagi sa lipunan, mas madaling makalahok ang mga sangay ng pamahalaan at mga mamamayan sa paglikha ng mga polisiya at paglutas ng mga isyu at suliranin. Sa ganitong paraan, nakapagtutulungan ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan at sektor ng lipunan sa mga pananagutan ng pamahalaan. Ayon sa inilathalang “Connecting Youth and Strengthening Communities: The Data Behind Civic Engagement and Economic Opportunity” noong Setyembre 2014: Ang pakikilahok na pansibiko o civic engagement ay hindi lamang isang elemento ng pamumuhay sa komunidad o ng pagkamamamayan. Ito aymaaari din na isang epektibong paraan upang bumuo ng mga social capital at mahalagang mga kasanayan na magpapadali sa pag-unlad at pagkakaisa sa ating bansa 4. Pangangalaga ng ating mga minanang yaman at mga pampublikong pasilidad Maraming kayamanan ang ating bansa. Karamihan dito ay minana pa natin sa ating mga ninuno. Ang iba naman ay mga impraestruktura at pampublikong lugar na ipinagawang ating pamahalaan para sa mga mamamayan nito. Kailangan natin ang mga impraestrukturang ito para sa kaunlaran ng ating bansa. Ang pagkasira ng mga ito ay nagiging balakid sa ating kaunlaran. Ang mga ito ay ang mga nasisirang daan, tulay, paliparan, daungan, gusali ng pamahalaan, at ospital. Kabilang din dito ang daluyan ng mga tubig tulad ng kanal, sistema ng irigasyon, at estero. Ang mga ito ay nababarahan ng mga basurang itinatapon ng walang pakundangan sa mga daan, ilog, kanal, o anumang lugar. Kapag umuulan nang malakas, nagiging sanhi ito ngpagbaha sa mabababang lugar. Nagdudulot itong malaking pinsala sa mga tao at mga kagamitan. Maraming impraestruktura na ang napagawa mula noon ngunit dahil sa kapabayaan at maling paggamit, ang mga ito aynasisira na. Kailangan nating magtulungan upang mapangalagaan ang mga ito upang umunlad ang ating ekonomiya at bansa 5. Pangangalaga ng ating kapaligiran at paglinang ng mga likas na yaman Nakukuha natin ang lahat ng ating pangangailangan sa ating kapaligiran. Kailangan nating linanging mabuti ang mga likas na yaman upang may madatnan pa ang mga susunod na henerasyon. Kailangan nating magtipid sa paggamit ng mga ito. Dapat nating iwasan ang anumang gawaing makasisira sa ating kalikasan. Dapat iwasan ang populasyon dahil sinisira nito ang kalikasan. Iwasan natin ang paggamit ng mga nakalalasong bagay dahil pinapatay nito ang mga halaman, hayop, at tao. Huwag tayong magtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig. Ihiwalay ang nabubulok na basura sa hindi nabubulok na basura. Ibaon sa lupa ang mga nabubulok na basuratulad ng panis na pagkain at tuyong dahon. Ang mga ito ay nakapagpapataba ng lupa. Ang mga hindi nabubulok na basura tulad ng plastic ay maaaring ipagbili sa mga nagreresaykel. Ang mga bote, bakal, at papel ay maaaring ipagbili rin para maresaykel. Dapat nating bawasan ang ating basura sa pamamagitan ng paggamit muli o recycling ng lumang kagamitan tulad ng plastic na bote o lalagyan, lumang damit, at marami pang iba. Dapat din tayong magtanim ng mga halamang nagbibigay ng bunga at gulay. Malaki ang makukuha natin gpakinabang sa mga ito. Malaki rin ang pakinabang na makukuha sa pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, pugo, baboy at baka upang matugunan natin ang mga pangangailangan sa pagkain Sumali sa mga programang tulad ng: “Clean and Green” Kontra Kalat sa Dagat Ilang paraan sa pangangalaga ng kapaligiran: Panatilihing malinis at malusog ang kapaligiran. Ayusin at linisin ang kapaligiran. Pangalagaan ang likas na yaman. Ibaon ang basurang natutunaw sa lupa-papel, tela, balat ng prutas, at tuyong dahon. I-recycle ang basurang hindi natutunaw tulad ng plastic, bote, at bakal. Magtanim 7. Pagpapaunlad at pagsuporta sa mga produkto ng bansa Aangat ang ekonomiya ng bansa kung mapauunlad natin ang mga industriya at pangangalakal. Sinisikap ngilang organisasyon pati na ng pamahalaan na mapaunlad ang maliliit at katamtamang laking industriya dahil nakapagbibigay ang mga itong trabaho sa maraming tao sa bansa. Nakikilahok ang ating bansa sa World Trade Organization (WTO) upang higitna lumawak ang pagkakataonna makipagkalakalan ang pandaigdigang pamilihan. Inaasahang magaganyak nito ang mga lokal na pabrika namaging mahusay at ipakita ang kakayahan sa paggawa. Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas sa Artikulo XII, Seksyon12 na itataguyod ng pamahalaan angpangunahing paggamit sa lakas-paggawa ng Pilipino,sa mga local materials at mga produktong gawa saPilipinas. Dagdag pa, pagtitibayin din ng pamahalaaan ang mga hakbang na makatutulong upang ang mga produktong lokal ay magkaroon ng competitiveness, ang kakayahang makipagsabayan sa pandaigdigang pamilihan. Upang maipatupad ang probisyong ito ng Saligang Batas, inilabas ni Pangulong Arroyo ang Administrative Order 227 (A0 227) noong ika-27 ng Mayo 2008 na nag-uutos sa lahat ng sangay ng pamahalaan, mula sa department o hanggang sa mga local government unit, mula sa mga korporasyong kontrolado ng gobyerno at mga unibersidad at kolehiyo na pag-aari ng gobyerno hanggang sa militar at pulisya, na sa kanilang pamimili ng kanilang mga pangangailangan, bibigyan nila ng priyoridad ang mga materyales, produkto at supplies na gawang Pilipino. Sa ilalim ng AO 227, hindi nito sinasara ang mga pag-angkat ng mga produkto kung ang mga materyales na kailangan ay hindi ginagawa sa Pilipinas o hindi sapat sa pangangailan ng mgaPilipino. 8. Pagtangkilik at pag-angkat ng produktong Pilipino Kailangan nating tangkilikin ang ating sariling produkto upang makatulong sa pag-unlad at pag-sulong ngating bansa. Responsibilidad natin ang: maging alerto at alamin ang pinanggalingan ng mga produktong ating binibili at tiyaking ito ay makatutulong sa ating mga industriya. isaalang-alang ang epekto ng ating pagkonsumo sa ibang tao, sa ating lipunan, sa lokalidad, at sa ating bansa. pahalagahan ang ating kapaligiran at ang epekto ng ating pagkonsumo sa mga kagamitang binibili. Kailangan nating maunawaan na mayroon tayong indibidwal at panlipunang pananagutan na pag-ingatanang ating kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon. makipagtulungan upang maprotektahan at maisulong natin ang ating mga interes bilang mga konsyumer, bilang Pilipino, at bilang bansa. Mga Epekto ng Pakikilahok ng Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko Sa Kabuhayan Madaling maisasagawa ang mga gawain at proyekto kung lahat ng mga mamamayan ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko at nagtutulungan. Ang pagtutulungan ay nakapagbubuklod sa atin. Nagiging daan ito upang tayo ay magkaisa. Sa ganitong paraan, mas madaling makamit ang mithiing umunlad ang pamumuhay sa bansa. Sa Lipunan Magiging maayos at tahimik ang ating pamayanan at bansa kung nakikilahok tayo sa mga gawaingpansibiko, nagtutulungan at tumutupad sa mga batas. Mas matiwasay at masaya ang mga naninirahan dito. Sa maayos na pamayanan, ang mga mamamayan ay may disiplina. Bawat mamamayan ay sumusunod sa mga batas at mga tuntunin. Ang mga tungkulin ay tinutupad din sa lahat ng oras. Mababawasan ang mga pagnanakaw at krimen, at maiiwasan ang mga kaguluhan. Mahalaga sa pagpapaunlad ng komunidad ang pakikilahok natin sa mga gawaing pansibiko. Dito nakikita at nagagamit ng mga mamamayan ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa mga pangangailangan at paghanap ng solusyon sa mga suliranin sa ating komunidad. Napagbubuklod-buklod ng ating pakikilahok ang lahat ng mga pagsusumikap upang tugunan ang mga tiyak na suliranin at pangangailangan. Natutupad ng mga gawain at proyektong naglalayong paunlarin ang komunidad at itaas ang kalidad ng pamumuhay ng lahat ng miyembro nito sa pamamagitan ng pagharap at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Nagkakaroon ng mabuting pag-uugnayan at pagkakaisa ang mga mamamayan sa pamamagitan ng mga gawaing ito. Sa Politika Makakamit ang maayos at matapat na pamahalaan kung pipiliin natin ang mga manunungkulan sa ating pamahalaan. Mithiin nating mga Pilipino ang magkaroon ng matapat na pamahalaan. Ayaw natin na tayo ay dinaraya at inaabuso. Kung ang katiwalian sa pamahalaan ay masusugpo, magiging mabilis ang pag-unlad sa bansa. Noong taong 1986, nagtipon-tipon ang milyon-milyong Pilipino sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA). Sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga tao sa People Power ay napaalis si Pangulong Marcos sa kanyang pagkapangulo dahil sa mga proyekto at gawaing nagpakita ng pag-aabuso sa kapangyarihan. Ito ay tinawag na People Power I. Noong taong 2001, nagkaroon din ng People Power II. Nakilahok din ang mga tao sa pagpapaalis kay Pangulong Joseph Estrada sa panunungkulan. Nangyari ito dahil sa hindi sumang-ayon ang mga senador na lumitis kay dating Pangulong Estrada na buksan ang sobre na naglalaman na kanyang Jose Velarde account na siyang sinasabing katunayan ng pakikisangkot ng dating pangulo sa pagkuha sa kaban ng yaman ng ating bansa