You are on page 1of 11

12 Distribution

Name of Student:___________________________________________________________

Q4

1|Page
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

MGA ISYU AT HAMONG PANGKASARIAN

Panimula at Gabay na Tanong
Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansinang iba’t ibang isyu at hamon tungkol
sa Kasarianat Lipunan. Naglalaman ito ng mga gawain nahahamon sa
kaalaman at kasanayan ng mga magaaral na masuri at maunawaan ang mga
usapingmay kinalaman sa Kasarian at Lipunan. Makatutulong ang pag-unawang
ito na malinang sa iyo ang pagpapahalaga pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng isang pamayanan, bansa at daigdig.

ANG PAGBUO NG KASARIAN SA LIPUNAN

Ayon kay Eleanor R. Dionisio, ang pagtatakda ng kasarian ay nagsisimula
sa pagkasilang ng bata. Kinikilala ang mga sanggol bilang babae o lalaki batay
sa kulay ng damit na ibinibigay ng magulang—rosas para sa babae at asul para
sa lalaki. Ayon kay Judith Lorber, naituturo sa anak ang pagiging lalaki o babae.
Sa simula ng kanyang pagkatuto, natututuhan niyang kumilos batay sa kanyang
kasarian. Sa kanyang paglaki,. nabubuo ang pagkakakilanlan o identidad at
natututo siyang gampanan ito sa lipunan.
May apat na mahalagang punto sa proseso ng gampanin ng kasarian sa lipunan
ayon kay Oakley at Ruth Harley:
1. Manipulation
kabilang dito ang iba-ibang uri ng manipulasyong pisikal at pasalita. Halimbawa
ay ang pagsusuot sa bata ng mga damit panlalaki o pambabae.
2. Canalization
Sa prosesong ito, ang atensiyon ng bata ay itinutuon sa mga bagay ayon sa
kanyang kasarian.
Karaniwan ito ay mga laruan kagaya ng kotse, bola, at gamit pandigma para
sa mga lalaki at manika at luto-lutuan para sa mga babae. Dito nahuhubog ang
bata sa mga posibleng gawain sa hinaharap at asal kapag lumaki na.
3. Verbal Apellation
Ang ikatlo ay ang paggamit ng mga salitang naglalarawan ng kung Sino ang
babae at lalaki at ano ang inaasahan sa kanila kagaya ng "ang babae ay
mahinhin at pinong gumalaw" samantalang ang lalaki ay "matapang at
malakas."

2|Page
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

4. Activity Exposure
Ang huling yugto ng proseso ay ang pagtuturo ng mga gawain kung saan
tinuturuan ang babae ng gawaing-bahay samantalang ang mga lalaki ay
pinaglalaro sa labas.

ANG MGA INSTITUSYON AT ANG IDEOLOHIYA

NG KASARIAN AT PAGKAKAPANTAY-PANTAY
Maliban sa pamilya na may malaking impluwensiya sa pagpapalaki ng
bata at paghubog ng kanyang pagkakakilanlan, may iba pang institusyong
mayroon ding mahalagang papel sa pagtingin ng lipunan sa kasarian.
Pormal na edukasyon
Dumami ang nakapag-aral sa Pilipinas sa nakaraang ilang taon. Halos
pareho na ang bilang ng mga lalaki at babae sa paaralan. Ngunit mapapansin
ang pananaw ng mga magulang ukol sa edukasyon ng kanilang mga anak.
Naniniwala sila na sa pag-aaral, dapat unahin ang mga lalaki kaysa sa mga
babae dahil ang babae ay mag-aasawa at sa bahay lamang. Ayon kay Eleanor
Dionisio, maging ang mga paaralan ay nagpapakita ng ganitong pananaw.
May mga kolehiyong nagtatakda ng quota sa bilang ng mga babae at mas
mataas ang bilang ng mga lalaking tinatanggap.
Sa paaialan, itinuturo sa mga babae at lalaki ang propesyong bagay sa
kanila ayon sa inaasahan ng lipunan. Halimbawa, hindi inaasahang maraming
babae ang papasok sa inhenyeriya at iba pang kursong teknikal. Sa halip,
inaasahang papasukan nila ang mga kursong nagseserbisyo, tulad ng pagiging
nars at pagtuturo,

Mass Media
Ang imahen ng kababaihan sa mass media ay isang taong mahina at
mga biktima samantalang ang mga lalaki ay matapang, maprinsipyo, at
matatag. Kaya, mas positibo ang tingin sa mga Ialaki kaysa sa mga babae.
"Women make up half of the workforce in this country; ads still capture the
traditional stereotype of women as homemakers and men as breadwinners
and providers. "
—Jess Craig, The Pitt News

3|Page
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

Sa mga komersiyal at patalastas, ipinakikita ang mga babae bilang

maybahay na nangangalaga sa pamilya habang ang mga lalaki ay
nagtatrabaho para sa pamilya. Sinabi rin ni Dionisio na ginagamit ang mga
babae bilang mga sexy na pang-akit ng mga produktong panlalaki kagaya ng
serbesa at sigarilyo.

Relihiyon
Ang relihiyon ay may malaking impluwensiya sa pagtingin sa papel na
ginagampanan at ang epekto nito sa pagkakapantay-pantay Itinuturo ng
Katolisismo at Islam ang pagiging matapat ng babae sa asawa. Para sa mga
Katoliko, ang babae ay dapat maging mabuting maybahay at masunurin sa
asawa. Sa Islam, kaugalian ang purdah o pagtago sa mga babae at ang
babae ay hindi dapat makita ng publiko kung hindi natatakpan ang buong
katawan mula ulo hanggang paa.

Wika
Ang wika ay institusyong mas pino sa paghubog ng kasarian. Ang wikang
sexist ay malakas na paraan ng ideolohiya ng kasarian. Sa Ingles, ginagamit
halimbawa ang "man" para sa sangkatauhan at ang "he' para sa kahit sinong
indibidwal. May iba-ibang pananaw ukol dito dahil ang mga nabanggit na
salita ay generic at maaaring garnitin para sa parehong babae at lalaki. Ngunit
Para sa marami, ito ay hindi generic kundi turnutukoy sa mga lalaki lamang.

Gabay na tanong
Sa iyong palagay, alin sa mga institusyon ang mas may malaking epekto sa
lipunan sa larangan ng gender role at identity? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ans.

4|Page
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN (GENDER ROLE)

Sa Pamilya—Pamamahay
Ang mga katawagang pamilya at pamamahay ay dalawa—-ang una ay
ukol sa magkakaanak tulad ng pamilyang nukleyar na binubuo ng mag-asawa
at mga anak na walang asawa. Kasama rin dito ang mga kamag-anak.

Samantala, ang Pamamahay ay tumutukoy sa pagtira sa iisang bubong o

bahay at magkasamang gumagawa bilang miyembro ng pamilya, mas
malaking pamilya, o hindi man kadugo.

Sa pamilya at pamamahay nagsisimula ang pang-aapi sa kasarian. Ang

lalaki ang tinitingnan bilang namamahala sa pagkita ng perang gastusin ng
pamilya at ang babae ang namamahala sa mga pangangailangang pisikal at
emosyonal. Maaaring magtrabaho ang babae upang makatulong sa mga
gastusin ngunit inaasahan pa ring gagawin niya ang mga gawaing-bahay.

Ang paniniwalang ang babae ang namamahala sa pamilya ang nagiging

hadlang sa kanya upang mag-aral at magtrabaho kasama na ang
pakikisangkot sa mga gawaing pampolitika. Ang lalaki ang pinaniniwalaang
nagbibigay ng suportang pinansiyal kaya siya ang ulo ng pamilya, ang
nagbibigay ng pangangalagang ekonomiko.

Sa Trabaho
Noong unang panahon ang lalaki ang nangangaso samantalang ang
babae ang nangunguha ng pagkain at nagtatanim. Ang mga kagamitan ng
lalaki ay kaakibat ng agresibong asal habang ang sa babae ay kabaligtaran
dahil sa pagtatanim, kailangan ang pag-aalaga at pag-aaruga.

Ang paghahati sa trabaho ay maaaring tingnan bilang pang-aapi sa

kakayahan ng Inga babae at gayundin ng mga lalaki. Sa mata ng modernong
kababaihan (liberated women) ito ang nagpapalala sa dominasyon ng lalaki at
subordinasyon ng mga babae. Dahil ang babae ang namamahala sa mga
gawaing-bahay, apektado nang malaki ang kanyang pagkakataong
magtrabaho. Karaniwan, sila ang nasa trabahong mas mababa ang katayuan
kung ikokompara sa Inga lalaki.

5|Page
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

Sa kulturang Pilipino, ang tingin sa mga babae ay taong mas epektibo

bilang maybahay na tumutugon sa mga pantahanang kailangan ng pamilya.
Ang mga lalaki naman ang siyang nagtatrabaho at nagbibigay ng mga
pangangailangang pang-ekonomiya ng pamilya.

Ang pagkakaiba sa mga trabaho ay nakikita sa mga industriya at

propesyon. tanggap na nakikitang mga babae ang nananahi at nagbuburda at
bahagi ng assembly line. Ang mga lalaki ang nasa mga trabahong mas mataas
ang suweldo at mas madaling umakyat sa posisyon sa gobyerno o sa pribadong
sektor dahil karamihan sa mga nasa posisyon ay lalaki rin at mas piniling
magsanay ng mga lalaking katulad nila.

Ang gender role sa trabaho ay may negatibong epekto sa kalalakihan.

Ang pagtingin bilang lalaki ang dahilan kung bakit ayaw nilang makita sila sa
mga trabahong nagpapakita ng pagkamalikhain. Kabilang dito ang trabaho sa
salon, dance instructor, o kaya ay nursing at pagtuturo. Ang huling dalawang
propesyon ay mas malapit sa mga babae dahil ito ay angkop daw sa katangian
nilang pagiging maalaga at maaruga.

Sa Edukasyon

Makikita ang gender role base sa mga kursong inaasahang kukunin at

akma sa babae o lalaki. Inaasahang magaling ang mga babae sa home
economics, pagluluto, at pagpapaganda. Ang mga lalaki ay inaasahang
magiging tubero at karpintero at gayundin ay magiging magaling sa
matematika at siyensiya na magdadala sa kanila sa kursong propesyonal. Ang
mga babae naman ay nasa mga kursong "bagay" sa kanila tulad ng nursing,
family life and child development, tourism, at secretarial.

Sa Relihiyon

Malaki ang kontrol ng relihiyon sa pagtingin ng tao sa gender role, Malakas

ang impluwensiya ng mga tradisyonal na gender role. Sa pananaw ng mga
Hudyo-Kristiyano, ang mga babae ay dalisay, rnabait, at mas mababa sa mga
lalaking siyang namumuno sa relihiyon at may kontrol sa lipunan, Ngunit ang mas
mababang papel ng mga babae ay hindi nakita noong sinaunang panahon
bago lumitaw ang mga hari at reyna, Noong unang panahon, pantay ang tingin
sa lalaki at babae kabilang na ang mga diyos ng mga taga-Mesopotamia.

Sa relihiyong Hudyo-Kristiyano, ang Ialaki ay inihahalintulad sa langit na

simbolomg katalinuhan at espiritwalidad samantalang ang babae ay simbolo ng
materyal na kalikasan. Iniuugnay ang babae sa makamundong katawan at
naisin at ito ang dahilan kung bakit iniuugnay sila sa kawalan ng kalinisan at
kasamaan.

6|Page
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

Sa Kristiyanismo, makikita ito nang tuksuhin ni Eba si Adan sa Hardin ng

Eden na pinagmulan ng orihinal na kasalanan. Tinitingnan din ang babae bilang
hindi malinis dahil sa buwanang dalaw at panganganak.

Ang babaeng nanganak ng lalaki ay itinuturing na hindi malinis sa 100b ng

pitong at kung babae ang anak ay sa 100b ng dalawang linggo. Sa relihiyong
Islam, may pagkakaiba sa katayuan ng mga babae. Maaaring mag-asawa ang
lalaki hanggang gusto niya basta magiging makatarungan siya sa mga asawa.
Samantala, ibinubukod ang mga babae at bawal turuan ng gurong lalaki o
matingnan ng lalaking doktor.

Sa Polisiya ng Pamahalaan

Makikita ng gender role sa mga polisiya ng pamahalaan. Ang mga

programang ipinatutupad sa mga pamayanang rural ay nagpapahalaga sa

katayuan ng mga lalaki. Inuuna sila sa mga oportunidad kagaya ng pagsasanay,

pag-utang, at paggamit ng yaman. Dagdag pa rito, ang kawalan ng

karapatang mag diborsiyo na magpapalaya sa mga babae at lalaki. Mahirap
din para sa isang babae na bumalik sa kanyang dating pangalan.

Mga Gabay na Tanong

1.Mayroon bang pagkakapantay-pantay sa pagtrato ng lipunan sa mga lalaki

at babae? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Sagot:

2.Paano naaapektuhan ng edukasyon ang gender role? Ano ang iyong

reaksiyon ukol dito?

Sagot:

7|Page
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

ANG GENDER SPECTRUM

Ang sex at gender ay halinhinang ginagamit kahit magkaiba ang mga ito.

Ang sex ay ang biyolohikal na istatus ng tao samantalang ang gender, ayon sa

American Psychological Association, ay ang mga palagay, damdamin, at kilos 0

asal na iniuugnay ng lipunan sa sex ng tao.

Upang mas maunawaan ang gender »pectrutn alamin ang Inga

katawagang gamit at rnga kahulugan nito.

+ Gender Identity—ang tingin ng tao sa sarili bilang Ialaki, babae, parehong

babae at lalaki, o wala sa mga ito. Sariling pananaw ito ng tao. Maaaring pareho
ito sa kasarian nang siya ay ipanganak. Maaari ding magpaopera ang tao
upang makamit nang lubusan ang kanyang pagkakakilanlan o gender identity.

+Gender expression—paraan kung paano inilalahad ang kanyang gender

identity sa iba sa pamamagitan ng kilos o asal, pananamit, gupit ng buhok,
boses, at iba pa. Hindi ito dapat tingnan bilang tanda ng gender orientation.

+Gender role—ang papel na ginagampanan, mga inaasahan, at kilos na

inaasahan ng lipunan sa babae at lalaki. Batay ito sa dalawa, papel ng lalaki at
papel ng babae.

+Transgender—tumutukoy sa isang taong ang gender identity ay hindi katugma

ng kasarian nang siya ay ipanganak. Ang transgender ay maaaring pumili kung
babaguhin ang mga hormone sa kanyang katawan o magpapaopera.

+Sexual orientation—tumutukoy sa atraksiyong romantiko o seksuwal sa isang

taong may tiyak na kasarian.

+Gender Normative/ Cisgender—ang mga taong tugma ang kasarian nang

ipanganak, at tugma sa gender identity at gender expression.

+Gender Fluidity—mas malawak at mas pabago-bagong gender expression.

Ang mga interes at kilos ay pabago-bago araw-araw Ang mga taong ito ay hindi
nakakulong sa mga limitasyon at inaasahan ng lipunan, maaaring ramdam
nilang maging babae isang araw at maging lalaki sa ibang araw at para sa
kanila hindi sila mailalarawan bilang alinman sa dalawa.

+Asexual—taong walang seksuwal na atraksiyon sa iba at walang hilig sa sex.

Maaari pa rin namang may kaugnayan silang romantiko sa iba.

+Bi-gendered—taong may parehong atraksiyon sa babae at lalaki.

+Bisexual-—ay tinatawag ding binary, may pakiramdam na babae at lalaki.

Tinatawag din silang Pansexual.

8|Page
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

+Closeted o in the closet—tumutukoy sa taong itinatago ang kanyang sexual

orientation.

+Coming out—ang paraan kung saan kinikilala, tinatanggap, at ipinagmamalaki

ng lesbian, gay, at bisexual ang kanilang gender

+ Gay—isang taong ang romantiko, at seksuwal ay para sa may kaparehong

kasarian. Ginagajuit ito para sa laiaki; garnit din ito na tawag sa mga lalaking gay
at mga lesbian.

+LGBT—akronim para sa Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender. Ang ibang

bersiyon ay may karagdagang Q (Queer), I (Intersex), at A (Allied).

+Intersex—tumutukoy sa taong ipinanganak na may pisikal na tanda ng kasarian

(ari, hormone, gonads, chromosome) na hindi tiyak kung lalaki o babae.

+Lesbian—tumutukoy sa isang babaeng may atraksiyong emosyonal, romantiko,

at seksuwal para sa kapwa babae

+Queer—katawagang naglalarawan sa mga taong sumasalungat sa mga

katangian ng heterosexuality at gender traditionalism. Simbolo ito ng
pagmamalaki at pagpapakita ng pagiging kakaiba.

+Sex Reassignment Surgery (SRS)—isang paraan ng pagbago sa ari sa

pamamagitan ng plastic surgery. Bahagi ito ng pagbago sa kasarian. Tinatawag
din itong sex change operation bagama't mas gustong gamitin ang SRS.

A. Pagpapaliwanag. Sa maikling talata, ipaliwanag ang mga konseptong

nasa kahon.

E
BIOLOGY
N
EXPRESSION
D
IDENTITY
E

9|Page
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

B. Gender Identity at Gender Role. Gamit ang mga larawan,Ipaliwanag

kung paano nabubuo ang gender identity at gender role.

Gender Identity:

______________________________________________________________________________

Gender Roles:

10 | P a g e
12 Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

Perfomance Task
C. Kampanya para sa Adbokasiya, Bumuo ng kampanya para sa pantav na
pagturing sa kasarian.

Paraan:
Unang Hakbang: Pumili ng isang tiyak na isyu kung saan hindi pantav
ang tingin sa kababaihan.

Ikalawang Hakbang: Tukuyin ang pagpapahalagang makatutugon sa isyu.

Ikatlong Hakbang: Gamit ang mga linya, bumuo ng tagline na nagsusulong ng

pantay na pagturing sa kasarian. Gumamit ng hashtag para sa
pagpapahalagang magsusulong sa gender equality .

Gender Issues

11 | P a g e

You might also like