You are on page 1of 34

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan
Unang Linggo (Araw 1)

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

Gawaing Pagkatuto
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

1 nakakapagbibigay ng sariling kahulugan ng Konseptong Ekonomiks;


2.naipamamalas ang kakayahang gumawa ng matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na
pamumuhay na may kaugnayan sa Ekonomiks; at
3.napapahalagahan ang paggawa ng matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)

Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga
mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang
kanilang walang katapusang kagustuhan.Ang ekonomiks rin ay isang pag-aaral kung paano
gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang-yaman upang makagawa at
maipamahagi ang iba't ibang produkto at serbisyo sa mga tao at iba't ibangt pangkat ng lipunan
para sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Matututuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman mo ang kahalagahan ng


pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasalalay ang
pag-unlad ng ekonomiya. Ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan ukol sa pang-araw
araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga
pangyayari sa ating lipunan. Ang kaisipang pangkabuhayan , pampulitika at pangmoralidad ay
ipinaliliwanag ng ekonomiks na makatutulong sa paglinang ng wastong asal, gawi at kilos ng tao
sa lipunan.

Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks


•Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano tutugunan ang mga kagustuhan at pangangailangan ng
tao sa pinakamahusay na paraan.
•Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya sa mga suliranin (economist’s
perspective).
•Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng matalinong
desisyon.•Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan
TRADE OFF- ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay . Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
SAMBAHAYAN- ay isang sektor sa ekonomiya na kinabibilangan ng mga pamilya o ng mga tao
na kumikita ng pera.
OPPORTUNITY COST- ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang
ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ang opportunity cost ng paglalaro sa unang halimbawa
ay ang halaga ng pag-aaral na ipinagpalibang gawin.
PAMAYANAN- o komunidad ay may dalawang magkaibang mga kahulugan. Ito ay maaaring
isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao
EKONOMIKS-sangay Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
kakapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman
nito
INCENTIVES- maari ding mailarawan ito sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang
mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral. 
KAKAPUSAN- y isang problema hinggil sa ekonomiya ng pagkakaroon ng walang hangganang
pangangailangan sa bansa o mundong mayroong limitadong likas na yaman.
MARGINAL THINKING-ang kanyang pagpapasya ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang
ilalaan sa pangangailangan sa pagkai, tubig, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng
kasiyahan sa pamilya
CAPITAL GOODS- ay ang mga kagamitan sa paggawa ng mga produkto. Ang halimba nito ay
ang makinarya, at mga teknolohiya.
YAMANG LIKAS-maaaring maubos at hindi na mapapalitan sa paglipas ng panahon

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan. (AP9MKE-Ia-1)

Pagsasanay
Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa
Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng
iyong naging pasya.
Option A Option B Desisyon Dahilan
1. Pagpapatuloy ng Pagtatrabaho
pag-aaral sa pagkatapos ng high
kolehiyo school
2. Paglalakad papunta Pagsakay ng jeep o
sa paaralan tricycle papunta sa
paaralan
3. Paglalaro sa parke Pagpasok sa klase
4. Pananaliksik sa Pamamasyal sa
aklatan parke
5. Pakikipagkwentuhan Paggawa ng takdang-
sa kapitbahay. aralin

Panuto: Pagtataya sa Aralin: Matching Type

___1. trade-off a.Isang sangay na Agham Panlipunan na


___2. sambahayan nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
___3. opportunity cost walang katapusang pangangailangan at
___4. pamayanan kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
___5. Ekonomiks pinagkukunang-yaman nito.
___6. incentives b.Mga kagamitan sa paglikha ng mga
___7. kakapusan produkto
___8. marginal thinking c.Nabubuo dahil may limitasyon ang mga
___9. capital goods pinagkukunang-yaman at walang katapusan
___10. Yamang likas ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
d.Ang kaniyang pagpapasya ay maaaring
nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain, tirahan, tubig,
at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng
kasiyahan sa pamilya
e kakayahang gumawa ng matalinong
pagpapasya sa pang-araw-araw na
pamumuhay na may kaugnayan sa
Ekonomiks
f.maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon
g. Ang ibig sabihin nito ay isinusuri ng isang
indibidwal ang karagdagang halaga maging
ito man ay gastos o pakinabang na
makukuha sa gagawing desisyon.
h.Tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon
i.Halimbawa nito ay kung magbibigay ng
karagdagang allowance ang mga magulang
kapalit ng mas mataas na marka na
pagsisikapang makamit ng mag-aaral
j.Pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay
kapalit ng ibang bagay.

Pangwakas
Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang oikonomia na ang ibig sabihin ay pamamahala ng
sambahayan. Ang ekonomiks ay nakatuon sa pagtugon sa hamong dulot ng kakapusan sa
pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Mahalagang isaalang-alang ang paggawa ng matalinong desisyon sa pamamagitan ng pagsusuri
sa trade-off, opportunity cost, incentive, at marginalism ng mga pamimilian o choices.

Ngayon ay inaasahang batid mo na ang kahalagahan ng pagaaral ng ekonomiks bilang sandigan


ng matalinong pagpapasya, bilang magaaral, kasapi ng pamilya, at lipunan sa pang-araw-araw na
buhay.

Mga Sanggunian

LM (pahina-12-17)
https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services

Susi sa Pagwawasto
1.j
2.e
3.i
4.c
5.a
6.h
7.
8.g
9.b
10.f

Inihanda ni:
May T. Villacora
Pangalan ng May Akda

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION X
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan
Unang Linggo (Araw 2)

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Layunin
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nasusuri ang kahalagahan ng ekonomiks;

2.natutukoy ang kahalagahan ng ekonomiks sa paggawa ng matalinong pagpapasya;at

3. nakakagawa ng matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS


-Kahalagahan ng Ekonomiks-

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)

Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang ekonomiks upang maintindihan ko ang pagkakaiba ng
pangangailangan at kagustuhan. Para sa akin ito ay mahalaga sapagkat, habang nasa murang
edad pa ako ay alam ko na ang mga bagay na dapat kung bigyan ng prayoridad at mga bagay na
pwedeng palampasin muna. Isa pa, ang ekonomiks ang magmumulat din sa akin sa kahalagahan
ng bawat sentimo na ginagasta ko araw-araw. Sa pamamagitan ng ekonomiks, mamumulat ako
sa murang edad sa hirap na ginagawa ng aking mga magulang sa pagkuha ng bawat sentimong
baon ko.
Mga Kahalagahan pa ng Ekonomiks
 Nagsusumikap ang isang mag-aral na kapag  nakapagtapos ay hindi mapapabilang sa
unemployed rate ng bansa at makatutulong  pa sa pag-unlad at pag-asenso ng ekonomiya ng
bansa.
 Dahil sa kaalaman sa ekonomiks at daloy ng pera sa  bansa, nauunawaan dapat ng isang
mamamayan kung bakit may mga mahihirap na tao.  At dahil dito, dapat nagsusumikap ang isang
mamamayan para mabigyan ng mas maayos na pamumuhay ang mga tao sa kanyang paligid. Ito
ay malaking pag-ambag sa ekonomiya para maging maganda ang distribusyon ng mga yaman sa
lahat ng tao sa  lipunan. Dapat alam din ng mga mamamayan na ang pagbabayad ng buwis ay
kailangan dahil ito ang nagiging dugo ng pamahalaan para paglingkuran nang  maayos ang
lipunan ngunit dapat batid din ng mamamayan na kailangan niyang  kumilos at lumaban para
baguhin ang sistema ng pamahalaang nagiging korap at  gahaman sa yaman ng bayan.
 Naaapektuhan ng kaalaman sa ekonomiks ang politikal  na perspektibo ng isang tao lalo kapag
pumipili ng mga pinuno na  maglilingkod. Dahil sa ekonomiks, nahahalata ng mga mamamayan
kung sino lang ang may mga personal na agenda, sariling interes, at kung sino ang totoong
inaalay ang sarili sa bansa dahil wala siyang conflict of interests, hindi  kabilang sa pamilyang
nasa political dyn

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at
lipunan (AP9MKE-Ia-2).
Pagsasanay

Iguhit sa isang ¼ cartolina ang iba’t ibang konsepto ng Eknomiks na iyong naranasan.

Pangwakas

Bakit nga ba mahalagang pag-aralan ang ekonomiks? Sapagkat may mga pakinabang na
makukuha sa pag-aaral sa paksang ito. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang ilan sa mga
pakinabang na iyan. Sa ating talakayan, matutuhan mo ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang
ekonomiks. Basahin mo ito malalaman mo ang mga sumusunod:
 Mga intelektwal na pakinabang ng ekonomiks
 Praktikal ng mga pakinabang ng ekonomiks
 Ekonomiks para sa mga lider ng bansa
 Ang ekonomiks at ang kahirapan
 Pakibang ng ekonomiks sa bawat mamamayan

Mga Sanggunian
https://www.google.com/search?
q=kahulugan+at+kahalagahan+ng+ekonomiks&hl=en&sxsrf=ALeKk0262DEeRUhJBMefHfNLbwu
z-
LKH6Q:1592118007854&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiVqrHi3YDqAhWNad4KHf
ZGBVYQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=608
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/308770#readmore

Modyul para sa Mag-aaral, Pahina 12- 22

K to 12 Gabay Pangkurikulum, Pahina 11- 17

Susi sa Pagwawasto
Ang pagwawasto ay nagdepende lamang sa pagguhit/kasagutan ng mga mag-aaral (varied
answers).

Inihanda ni:

May T. Villacora
Pangalan ng May Akda
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X
DIBISYON NG LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan
Unang Linggo (Ikatlong Araw)

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

1.nasusuri ang pagkakaiba ng kakapusan sa kakulangan; at


2.naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw- araw na pamumuhay
ANG KAKAPUSAN

- Pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan.

- Ang kakapusan sa pang-araw-araw na buhay

- Production Possibilities Frontier

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)

Ang Kakapusan sa Pang-araw-araw na Buhay Inilarawan ni N. Gregory Mankiw (1997) ang


kakapusan bilang isang pamayanan na may limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang
matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng tao. Ang katulad nito ayon
sa kaniya ay isang pamilya na hindi kayang ibigay sa bawat miyembro nito ang lahat ng kanilang
kailangan. Katulad ng isang pamilya, hindi rin maibibigay ng pamayanan ang lahat ng
pangangailangan ng lahat ng tao.
Kasanayang Pagkatuto at Koda
Ang mga mag-aaral ay naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw- araw na
pamumuhay. (AP9MKE-Ia-3)

Panuto
Suriin ang nasa kahon at piliin ang sa tingin mo ay nabibilang sa mga produktong kulang o kapos.
Isulat sa hanay ng kapos o kulang kung saan nakabilang ang mga produkto.

Langis Bigas
Isda
Asukal
Batong-hiyas
Chromite

Kapos Kulang

1. 1.

2. 2.
3. 3.

Pangwakas

Mga Sanggunian

a.Ekonomiks, Araling Panlipunan

b.https://www.themint.org/teachers/scarcity-choice-and- decisions.html

c.https://sites.google.com/site/90909az909/unang-markahan?tmpl=%2Fsystem%2Fapp
%2Ftemplates%2Fprint%2F&showPrintDialog=1

Susi sa Pagwawasto

KAKAPUSAN KAKULANGAN
isda langis
asukal Batong-hiyas
bigas chromite

Inihanda ni:

May T. Villacora
Pangalan ng May Akda
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X
DIBISYON NG LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

a.nasusuri ang mga palatandaan ng kakapusan;


b.naipamamalas ang kaalaman tungkol sa mga palatandaan ng kakapusan at ang kaugnayan nito
sa pang- araw-araw na pamumuhay ng tao;
c.napapahalagahan ang mga palatandaan ng kakapusan sa pagbuo ng matalinong desisyon.

Paksa: Aralin 2: Ang Kakapusan (Day 1,2,3)

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)

(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)


Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng konsepto ng kakapusan at kakulangan upang
malinaw na maunawaan ang mga ito sa gagawing mga pagtalakay.
Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Halimbawa, kakapusan sa supply ng nickel, chromite,
natural gas at iba pang nonrenewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito. Ang
kakapusan sa mga nabanggit na halimbawa ay itinakda ng kalikasan. Ang kondisyong ito ay
nagtakda ng limitasyon sa lahat at naging isang pangunahing suliraning pang-ekonomiya.
Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng
isang produkto. Halimbawa, kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste,
El Niño at iba pang kalamidad. Upang malunasan ang kakulangan sa bigas, ang pamahalaan ay
maaaring umangkat ng bigas sa ibang bansa. Inaasahan na babalik sa normal ang supply ng
bigas sa sandaling bumuti ang panahon at magkaroon ng saganang ani ng palay. Ang
kakulangan ay pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan ito

Ang Kakapusan sa Pang-araw-araw na Buhay


Inilarawan ni N. Gregory Mankiw (1997) ang kakapusan bilang isang pamayanan na may
limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo
na gusto at kailangan ng tao. Ang katulad nito ayon sa kanya ay isang pamilya na hindi kayang
ibigay sa bawat miyembro nito ang lahat ng kanilang kailangan. Katulad ng isang pamayanan,
ang pamilya ay hindi rin maibibigay sa lahat ng tao ang lahat ng pangangailangan.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay. (AP9MKE-Ib-
4).

Panuto sa Pagsasanay
Ang mga mag-aaral ay lilikha ng poster sa isang ¼ cartolina na naglalaman ng mga palatandaan
ng kakapusan sa kanilang komunidad.

Pamantayan Deskripsiyon Punto


s

Nilalaman (Content) Naipapaliwanang ng mahusay


ang mga palatandaan ng
kakapusan sa komunidad gamit 15
ang poster na ginawa.

Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang


Konsepto (Relevance) mensahe sa paglalarawan ng
mga palatandaan ng kakapusan. 15

Pagkamalikhain Ang mga simbolismong ginamit


ay nakatulong ng lubos upang
(Creativity) maipahayag ang gustong 10
iparating na mensahe ng
pangkat.

Kabuuang 10
Presentasyon
Malinis at Maayos ang Kabuuan
ng poster.

KABUUANG PUNTOS 50

Pangwakas

Paraan upang Mapamahalaan ang Kakapusan:


Upang mapamahalaan ang kakapusan natukoy na mahalagang suriin kung ano ang produktong
lilikhain, paano lilikhain, gaano karami at kung para kanino ang mga lilikhaing produkto. Bunsod
nito, inaasahan na ang sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaaring isagawa upang
mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan.

• Kailangan din ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon;
• pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha
ng produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo; • Pagpapatupad ng mga programa na
makapagpapabuti at makakapagpalakas sa organisasyon, at mga institusyong (institutional
development) nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya, at;
• Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksyon sa mga
pinagkukunang-yaman.

Sa pamamagitan ng mga ito ay maaaring lumipat sa kanan ang mga punto sa production
possibilities frontier at makamit ang infeasible na produksiyon. Samantala, habang nababawasan
ang mga kinukuha mula sa mga yamang likas, natutugunan naman ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.
Sa mga nagmamalasakit sa kapaligiran (environmentalist), binuo nila ang mga programang
pangkonserbasyon. Layunin nito na mapreserba ang mainam na kalagayan ng kapaligiran. Ayon
kina Balitao, et. al (2012) kabilang sa mga isinusulong ng mga programang pangkonserbasyon
ang sumusunod:

1. Pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran;


2. Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na
nakalilikha ng polusyon;
3. Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance
(protected areas program), at.
4. Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop
(endangered species).

Mga Sanggunian
Araling Panlipunan OHSP pahina 30-38

Susi sa Pagwawasto (varied answers)


Nakadepende ang sagot sa ibat-ibang interpretasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
kanilang paglalarawan sa kanilang pagguhit

Inihanda ni:
May T. Villacora
Pangalan ng May Akda
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X
DIBISYON NG LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. naiisa-isa ang mga paraan upang mapamahalaan ang kakapusan;
b. nakabubuo ng pamantayan upang matugunan ang suliranin ng kakapusan; at
c. napapahalagahan ang nabuong pamantayan upang malabanan ang kakapusan.

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)

ANG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN (DAY 1-2)


Ang bawat tao ay may mga pangangailangan at kagustuhan. Ang pangangailangan ay mga bagay
na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa kanyang pang-araw-araw na gawain.
Ang pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang
tao kung wala ang mga ito.

Samantala, hindi sapat na may damit, tirahan, at pagkain lang ang tao. Gusto niyang mabuhay
nang marangal at maayos sa lipunan kaya siya ay naghahangad ng mas mataas sa kanyang mga
batayang pangangailangan.

Tinatawag na kagustuhan ang paghahangad na ito ng tao. Ang pagkakaroon ng bahay sa isang
sikat na pamayanan, pagkakaroon ng masasarap na pagkain araw-araw, at pagsusuot ng
mamahaling damit ay mga halimbawa ng kagustuhan. Hinahangad ito ng mga tao sapagkat
nagdudulot ito ng higit na kasiyahan.

Ayon kina McConnel, Brue, at Barbiero (2001) sa kanilang aklat na Microeconomics, “Ang
kagustuhan ng tao ay nagbabago at maaaring madagdagan dahilan sa paglabas ng mga bagong
produkto.” Ang kagustuhan ng tao sa isang bagay ay magdudulot ng mas mataas na antas ng
kagustuhan sa paglipas ng panahon. Subalit sa maraming pagkakataon, ang kagustuhan ng isang
tao ay maaaring pangangailangan ng iba at ang pangangailangan mo ay kagustuhan lamang para
sa iba. Ang pagbili ng cellphone halimbawa, para sa isang negosyante ay isang pangangailangan.
Subalit para sa iba, ang cellphone ay maaaring kagustuhan lamang.

Personal na Kagustuhan at Pangangailangan

Si Von at Lauren ay kambal, pareho silang pumapasok sa paaralan at gusto nilang bumili ng
bagong sapatos sa susunod na taon. Subalit binibigyan lamang sila ng Php50 na baon araw-araw
ng kanilang magulang. Upang matupad ang kaniyang kagustuhan, si Von ay gumigising nang
maaga at naglalakad papunta sa paaralan. Si Lauren naman ay sumasakay upang hindi mahuli sa
pagpasok. Naglalaro rin siya ng video game tuwing tanghali at gumagastos ng halos Php30 ng
kaniyang baon sa araw-araw, samantalang si Von ay iniipon ang kaniyang pera.
Natapos ang taong aralan, nadiskubre ni Lauren na gumastos siya ng halos Php4,000 para sa
video game at pamasahe, kaunti lamang ang naipon niyang pera pambili ng bagong sapatos.
Samantalang si Von ay may bago ng sapatos gamit ang naipon at may natitira pa siyang pera
para sa iba pa niyang pangangailangan.

Ang pagtugon sa personal na kagustuhan at pangangailangan ay nakasalalay sa kung paano


pamamahalaan ng tao ang kakapusang nararanasan nila. Sa kaso nina Von at Lauren, mayroon
lamang silang baon na Php50 araw-araw at isang taon na pag-iipon. Kasabay nito ay kailangan
din nilang gastusan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan sa pagaaral. Bagama’t may
limitasyon sina Von at Lauren, ang kanilang kagustuhan ay maaari pa ring makamit sa
pamamagitan ng matalinong pamamahala ng kanilang baon.

Teorya ng Pangangailangan ni Maslow

Bawat tao ay magkakaiba ang pangangailangan at kagustuhan. Sa “Theory of Human Motivation”


ni Abraham Harold Maslow (1908-1970), ipinanukala niya ang teorya ng herarkiya ng
pangangailangan. Ayon sa kanya, habang patuloy na napupunan ng tao ang kanyang batayang
pangangailangan, umuusbong ang mas mataas na antas ng pangangailangan (higher needs).

Pangangailangang Pisyolohikal. Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig,


hangin, pagtulog, kasuotan, at tirahan. Kapag nagkulang ang mga pangangailangan sa antas na
ito ay maaaring magdulot ng sakit o humantong sa pagkamatay.
Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan. Magkakaroon ng pangangailangang ito kapag
natugunan na ang naunang pangangailangan. Kabilang dito ang kasiguruhan sa hanapbuhay,
kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa pamilya, at
seguridad sa kalusugan.

Pangangailangang Panlipunan. Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan,


kasintahan, pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga gawaing sibiko. Kailangan ng tao na
makipag-ugnayan sa kanyang kapwa at makisalamuha sapagkat mayroon siyang
pangangailangan na hindi niya kayang tugunan na mag-isa. Maaaring magdulot ng kalungkutan at
pagkaligalig ang sinumang hindi makatutugon sa pangangailangang ito.

Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao. Kailangan ng tao na maramdaman ang
kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay
nagpapataas ng kanyang dignidad bilang tao. Ang mga kakulangan sa antas na ito ay maaaring
magdulot sa kanya ng mababang moralidad at tiwala sa sarili na maaaring nagmula sa
pagkapahiya, pagkabigo, at pagkatalo.

Kaganapan ng Pagkatao. Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao. Sinabi ni


Maslow na ang taong nakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa
kasagutan sa halip na katanungan. Hindi siya natatakot mag-isa at gumawa kasama ang ibang
tao. Ang mga taong nasa ganitong kalagayan ay hindi mapagkunwari at totoo sa kanyang sarili.
May kababaang loob at may respeto sa ibang tao.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan. (AP9MKE-Ic-6)

Panuto sa Pagsasanay
I.Sagutin sa ½ CW

 Sa iyong palagay, ano ang kinakaharap ng mga mamimili at prodyuser ng produkto o


serbisyo sa pamilihan dahil sa mga hamong dulot ng kakapusan? May magagawa ba
ang pamahalaan upang ito ay maibasan? Ipaliwanag.
RUBRIKS
KRITERYA PUNTOS PUNTOS
Nilalaman 10
Organisasyon 10
Kaayusan at 5
Kalinisan
Kabuoang Puntos 25

II. Gumawa ng repleksiyon tungkol sa nararanasang kakapusan sa inyong


komunidad. Ipaliwanag kung bakit ito nagaganap at ano sa tingin mo ang pinaka-
mainam na solusyon upang ito ay malabanan.

Pangwakas
Mga Salik na Nakaiimpluwensya sa Pangangailangan at Kagustuhan

Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga
kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kanyang panlasa. Ngunit sa pagtanda ng
tao, kailangan na niyang piliin ang kanyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang
pangangatawan.

Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng
pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad
na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.

Katayuan sa lipunan. Ang katayuan ng tao sa kanyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay


nakakaapekto rin sa kanyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas
na posisyon sa kanyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong
nito upang lalong siyang maging produktibo sa kanyang mga obligasyon at gawain.

Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa. Ang
panlasa sa istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga
nakatatanda.

Kita. Malaki ang kinalaman ng kita sa pagtugon ng tao sa kanyang pangangailangan at


kagustuhan. Kapag maliit ang kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at pagkakaroon ng bahay. Samantala,
naghahangad ng malalaki at modernong bahay ang mga taong may malaking kita. Kung mas
malaki ang kita mas madalas na malaki rin ang konsumo, hindi lamang sa pagkain kundi sa mga
bagay na itinuturing na kagustuhan.

Kapaligiran at klima. Ang kapaligirang pisikal ay nakaaapekto sa pangangailangan ng tao. Kung


malapit sa dagat ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga tao rito ay pangingisda, kaya
malaki ang pangangailangan sa mga produktong pangisda. Kung malamig naman ang lugar ay
maaaring maghangad ang tao ng mga produktong makatutulong upang malabanan ang matinding
lamig, tulad ng heater. Samantalang electric fan, aircondition unit at iba na mga kahalintulad nito
ang pangangailangan sa lugar na may mainit na klima.

Mga Sanggunian
Araling Panlipunan OHSP, pahina 44-56

Susi sa Pagwawasto (varied answers from the students)


Inihanda ni:
May T. Villacora
Pangalan ng May Akda

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION X
DIBISYON NG LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. nasusuri ang pagkakaiba ng kagustuhan sa pangangailangan;
2. nakagagawa ng isang talaan ng pangunahing pangangailangan at kagustuhan ng
isang mag-aaral; at
3. napapahalagahan ang kaibahan ng kagustuhan at pangangailangan bilang batayan
sa pagbuo ng matalinong desisyon.

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)

Aralin 3: PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN (DAY 1-2)


Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon ang isang tao para mabuhay,
samantalang kagustuhan ang paghahangad ng higit pa sa mga ito. Ang kagustuhan ay maaaring
maganap at magdulot ng kaginhawahan sa tao kung pag-iisipan at pag-aaralan ang mga ito. Ang
pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang tao
kung wala ang mga ito. Ang edad, edukasyon, panlasa, kita, at hanap-buhay ng tao ay ilan
lamang sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan. Ayon sa teorya ni Maslow,
habang patuloy na natutugunan ng tao ang kanilang pangangailangan ay nagkakaroon siya ng
mas mataas na hangarin hanggang matamo niya ang inaasahang kaganapan ng kanyang
pagkatao

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang batayan sa
pagbuo ng matalinong desisyon (AP9MKE-Ic-7).

Panuto
PAGSASANAY 1. Gagawa ang bawat mag-aaral ng isang comic strip tungkol sa kagustuhan at
pangangailangan at ang kahalagahan ng kaibahan nito sa pagbuo ng matalinong desisyon.
RUBRIK PARA SA COMIC STRIP

Pamantayan Deskripsiyon Punto


s

Nilalaman (Content) Naipapaliwanang ng mahusay ang kaibahan


ng kagustuhan at pangangailangan batay sa
konseptong nakapaloob sa comic strip. 15

Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe sa


Konsepto paglalarawan kung bakit mahalagang
(Relevance) malaman ang kaibahan ng kagustuhan at 15
pangangailangan sa pagbuo ng isang
matalinong desisyon.

Pagkamalikhain Ang mga simbolismong ginamit ay


nakatulong ng lubos upang maipahayag ang
(Creativity) gustong iparating na mensahe ng pangkat 10

Kabuuang 10
Presentasyon
Malinis at Maayos ang Kabuuan ng Comic
Strip

Kabuuang Puntos 50

Pangwakas

Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon ang isang tao para mabuhay,
samantalang kagustuhan ang paghahangad ng higit pa sa mga ito. Ang kagustuhan ay maaaring
maganap at magdulot ng kaginhawahan sa tao kung pag-iisipan at pag-aaralan ang mga ito. Ang
pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang tao
kung wala ang mga ito. Ang edad, edukasyon, panlasa, kita, at hanap-buhay ng tao ay ilan
lamang sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan. Ayon sa teorya ni
Maslow, habang patuloy na natutugunan ng tao ang kanilang pangangailangan ay nagkakaroon
siya ng mas mataas na hangarin hanggang matamo niya ang inaasahang kaganapan ng kanyang
pagkatao.
Inilahad sa ikatlong aralin ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan at ang kaugnayan
nito sa personal na kagustuhan. Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat ay mayroon ang
tao para mabuhay, at ang kagustuhan ay paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang
pangangailangan. Sa pagbuo ng desisyon sa pagkonsumo, mahalagang isaalang-alang ang
pangangailangan batay sa isang herarkiya. Sinuri rin ang mga salik na nakakaapekto sa mga
pangangailangan ng tao.

Mga Sanggunian

Araling Panlipunan OHSP, pahina 44-56

Susi sa Pagwawasto (varied answers from the students)


Inihanda ni:
May T. Villacora
Pangalan ng May Akda

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION X
DIBISYON NG LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. natutukoy ng mga mag-aaral ang kanilang personal na kagustuhan at


pangangailangan;
2. naipamamalas ang kanilang matalinong pagdedesisyon sa pagpili ng kanilang
pangangailangan at kagustuhan bilang mag-aaral; at
3. napahahalagahan ang mga paraan ng matalinong pamamahala sa kakapusang
nararanasan.

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)

Araln 3: Pangangailangan at Kagustuhan

- Personal na Kagustuhan at Pangangailangan

Ayon kina McConnel, Brue, at Barbiero (2001) sa kanilang aklat na Microeconomics, “Ang
kagustuhan ng tao ay nagbabago at maaaring madagdagan dahilan sa paglabas ng mga bagong
produkto.” Ang kagustuhan ng tao sa isang bagay ay magdudulot ng mas mataas na antas ng
kagustuhan sa paglipas ng panahon. Subalit sa maraming pagkakataon, ang kagustuhan ng isang
tao ay maaaring pangangailangan ng iba at ang pangangailangan mo ay kagustuhan lamang para
sa iba. Ang pagbili ng cellphone halimbawa, para sa isang negosyante ay isang pangangailangan.
Subalit para sa iba, ang cellphone ay maaaring kagustuhan lamang.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang batayan sa
pagbuo ng matalinong desisyon (AP9MKE-Ic-7).

Panuto
Ipagpalagay na kabilang ka sa isang pamilyang binubuo ng limang miyembro. Nasa ibaba ang
listahan ng mga dapat pagkagastusan at maaari ninyong ikonsumo sa buwang ito. Ang iyong tatay
lang ang may trabaho at may kabuuang kita na Php10,000 sa isang buwan. Lagyan ng tsek (/)
ang inyong dapat pagkagastusan, at (x) kung hindi. Isulat ang dahilan kung bakit (x) ang iyong
sagot.

MAAARING PAGKAGASTUSAN
HALAGA BAWAT BUWAN (Php) ______ 1. Kuryente 1,000 ______ 2. tubig 500 ______ 3. pagbili
ng paboritong junkfood 150 ______ 4. video game 100 ______ 5. upa sa Bahay 2,500 ______ 6.
pamamasyal at pagbisita sa mga kaibigan 500 ______ 7. pagkain ng pamilya 5,000 ______ 8.
panonood ng paborito mong palabas sa sinehan 180 ______ 9. pamasahe at baon mo, ni tatay,
kuya, at ate 2,200 _____ 10. cable/internet 900

Mga dahilan kung bakit (x) ang sagot.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pangwakas
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang mga nabuo
mong kaalaman ukol sa pangangailangan at kagustuhan. Kinakailangan ang mas malalim na
pagtalakay sa pangangailangan at kagustuhan upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay
ng iyong mga natutuhan.

Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon ang isang tao para mabuhay,
samantalang kagustuhan ang paghahangad ng higit pa sa mga ito. Ang kagustuhan ay maaaring
maganap at magdulot ng kaginhawahan sa tao kung pag-iisipan at pag-aaralan ang mga ito. Ang
pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang tao
kung wala ang mga ito. Ang edad, edukasyon, panlasa, kita, at hanap-buhay ng tao ay ilan
lamang sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan. Ayon sa teorya ni Maslow,
habang patuloy na natutugunan ng tao ang kanilang pangangailangan ay nagkakaroon siya ng
mas mataas na hangarin hanggang matamo niya ang inaasahang kaganapan ng kanyang
pagkatao.

Mga Sanggunian

Araling Panlipunan OHSP, pahina 52-56

Susi sa Pagwawasto (varied answers from the students)


Inihanda ni:
May T. Villacora
Pangalan ng May Akda

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION X
DIBISYON NG LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. natutukoy ng mga mag-aaral ang kanilang personal na kagustuhan at


pangangailangan;
2. naipamamalas ang kanilang matalinong pagdedesisyon sa pagpili ng kanilang
pangangailangan at kagustuhan bilang mag-aaral; at
3. napahahalagahan ang mga paraan ng matalinong pamamahala sa kakapusang
nararanasan.

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)
Talakayan tungkol sa Ang Kaugnayan ng Personal na Kagustuhan at Pangangailangan sa
Suliranin ng Kakapusan.sa pamamagitan ng pagbasa ng kwento nila Mat at Tam.

Pag isipan ang sumusuno na sitwasyon: si mat at tam at pareho mong kaibigan. Si mat ay isang
negosyanteng nagmamay Ari ng malawak na palaisdaan at manukan sa inyung komunidad, at si
Tam ay isang sikat na basketball player at nagmamay Ari ng isang kilalang kainan sa kaparehong
komunidad.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Naipakikita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng
kakapusan. (AP9MKE-Id-8).

Panuto
Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng.

1. _______ pumunta sa party


2. _______ kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang
aking katawan.
3. _______ magbubukas ng savings account sa isang matatag na bangko
para sa isang kinabukasan.
4. _______ lumipat sa magandang bahay na may aircon
5. _______ uminom ng tubig pagkatapos kumain
6. _______ mamahaling relo

7._______ telebisyon

8._______ kumain ng pizza

9._______ maglaro ng video game

10._______ magsuot ng maayos na damit

Pangwakas

Mga Sanggunian

Susi sa Pagwawasto

1.gusto
2.kailangan
3.gusto
4.gusto
5.kailangan
6.gusto
7.gusto
8.gusto
9.gusto
10.kailangan

Inihanda ni:
May T. Villacora
Pangalan ng May Akda
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X
DIBISYON NG LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

a.naipapaliwanag ang konsepto ng Herarkiya ng Pangangailangan;


b.nasusuri ang mga baitang ng Herarkiya ng Pangangailangan; at
c.nabibigyang- halaga ang konsepto ng Herarkiya ng Pangangailangan sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
Panimula (Susing Konsepto)
(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)
Paksa: Aralin 3: Pangangailangan at Kagustuhan (Day 1-2)

-Teorya ng Pangangailangan (Herarkiya ng

Pangangailangan) ni Maslow

Teorya ng Pangangailangan ni Maslow


“People are motivated to achieve certain needs. When one need is fulfilled a person seeks to ful
next one, and so on.” -Maslow (1943)

 
Ang hirarkiya ng mga pangangailangan (Hierarchy of Needs) na ito ay kadalasang inilalarawan sa an
isang piramide

   1.Physiological needs (pisyolohikal) – ang pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito ang


bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog
 
    2.Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at kati
sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan.

3. Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmhal)  – ito ay nauuk


pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailang
tao ang pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.

    4.Esteem needs ( pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa pagkakam


respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.

5.  Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato) – ang pinakamataas na


sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa
sa kabuuang potensyal ng tao.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Nasusuri ang herarkiya ng pangangailanagan (AP9MKE-Id-9).

Pagtataya ng Aralin/Panuto
PAGTATAPAT-TAPATAN

Hanay A Hanay B
1. Pangangailangan ng seguridad at a. Pakikipagkapwa
kaligtasan
2. Pagkamit ng respeto sa sarili at b. Pagtulog
respeto ng ibang tao
3. Kaganapan ng Pagkatao c. Tagumpay
4. Pangangailangang Pisyolohikal d. Malapit na ugnayan sa
ibang tao
5. Pangangailangang Panlipunan e. Trabaho

Pangwakas
Ayon kay Abraham Maslow, ang buhay ng isang indibidwal ay naglalayon na makamit ang mga
pangangailangang makapagbibigay daan tungo sa tinatawag na self-actualization. Ang pinaka
payak na  pangangailangang kailangang matugunan ay ang para sa pisikal na  pangangailangan.
Mayroong limang bahagi ang modelo ni Maslow at ito ay nahahati  sa dalawang pangangailangan,
ang deficiency needs at growth needs. Ang mga apat na baitang mula sa pinakamababang nibel
ay tinatawag na D-needs o deficiency needs. Ang mga pangangailangang ito ang nagbibigay
dahilan sa ibang tao na  makamit ang mga ibang bagay. Kapag hindi nakamit ang mga ito, kikilos
at   kikilos ang tao nang sa gayon ay makamtan lamang ang mga ito.

Halimbawa: Kung walang pagkain ang isang tao, mas lalo siyang gugutumin at mas lalo nitong
gustong makamit na dapat siya ay mabusog.  

Habang ang nasa tuktok naman ay tumutukoy sa tinatawag na self-actualization kung saan ang
isang tao ay nagnanais umiral sa pinaka puro nitong porma. Ang tao ay nais makamit ang mga
kakayahang tanging siya lamang ang makapagpapaunlad.

Mga Sanggunian

1.https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/teorya-ng-pangangailangan-ni-
maslow
2.https://brainly.ph/question/346685
3.https://www.google.com/search?
q=abraham+maslow+images&hl=en&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=ktwQWOKJIVVAWM
%252CgC4fUgqVbof6bM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRk7jLNc9ob7znkXOhg48qaGsdFfQ&sa=X&ved=2ahUKEwif4cjq1L_qAhUoCqYKHSnjDVkQ9QE
wD3oECAoQQQ&biw=1366&bih=657#imgrc=421J8GVnCFTGrM

Susi sa Pagwawasto
1.e
2.d
3.a
4.b
5.c

Inihanda ni:
May T. Villacora
Pangalan ng May Akda
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X
DIBISYON NG LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:
a.naipaliliwanag ang kahalagahan ng tamang pamantayan ng pagpili ng pangangailangan sa
pamamagitan ng tamang pagbubudget; at

b.napahahalagahan ang tamang desisyon o pamantayan sa pagpili ng ng pangangailangan


upang malabanan ang kakapusan.

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)
Aralin 3: Pangangailangan at Kagustuhan (Day 1-2)
Batayan ng Personal na Pangangailangan at Kagustuhan
Kasanayang Pagkatuto at Koda

Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa mga herarkiya


ng pangangailangan. (AP9MKE-Ie-10)

Pagsasanay sa Aralin/Panuto

WHY OH WHY?
Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum.
Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B.
Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon

Option A Option B Dahilan


1. Magte-text Tatawag sa telepono
2. Maglalakad sa Sasakay sa pagpasok sa
pagpasok sa paaralan paaralan
3. Kakain ng kanin
4. Supot na plastic Kakain ng tinapay
5. . Gagamit ng lapis Supot na papel
Gagamit ng ballpen

Note: Maaring palitan depende sa antas at uri pamumuhay ng isang komunidad.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang naging batayan mo sa ginawang pagpili?

2. Maaari bang magbago ang iyong desisyon sa hinaharap? Bakit?

3. Magkapareho ba ang iyong sagot sa iyong mga kamag-aral? Ano sa palagay


mo ang dahilan ng pagkakaiba o pagkakatulad nito.

Pangwakas

Mga Sanggunian

a.https://www.google.com/search?
q=naipaliliwanag+ang+kahalagahan+ng+tamang+pamantayan+ng+pagpili+ng+pangangailan++++
+sa+pamamagitan+ng+tamang+pagbubudget&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwju-
OStkMLqAhW1JaYKHauiC-
sQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=AyQE1tek4DsxbM

b.https://www.google.com/search?q=wants+kagustuhan+and+needs+
(pangangailangan+summary&tbm=isch&ved=2ahUKEwir68rxl8LqAhVGdpQKHeZ1D1kQ2-
cCegQIABAA&oq=wants+kagustuhan+and+needs+
(pangangailangan+summary&gs_lcp=CgNpbWcQAzoFCAAQsQM6AggAOgQIABBDOgcIABCxAx
BDUPrQAVjT6gZggO4GaARwAHgDgAHQEIgBvo0BkgETMC4xMC4yNS43LjAuNC40LjktMZgBAa
ABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEA&sclient=img&ei=DxwIX-
unO8bs0QTm673IBQ&bih=608&biw=1366&hl=en#imgrc=YMfyLZtPqwijrM

Susi sa Pagwawasto

Iba-ibang sagot mula sa mga mag-aaral


Inihanda ni:
May T. Villacora
Pangalan ng May Akda

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION X
DIBISYON NG LANAO DEL NORTE
KAUSWAGAN DISTRICT
BRGY. KAWIT ORIENTAL

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

a.naipamamalas ang kahalagahan ng pangangailangan at kagustuhan bilang batayan ng


matalino at maunlad na pamumuhay;

b.naisa-isa ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan; at

napahahalagahan ang paggawa ng matalinong desisyon upang matugunan ang pangangailangan

Panimula (Susing Konsepto)


(Brief discussion of the lesson, if possible, cite examples)
Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan

Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga


kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda
ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang
pangangatawan.
Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng
pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad
na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.

Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay


nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas
na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong
nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at gawain.

Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa. Ang


panlasa sa istilo ng paggamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga
nakatatanda.

Kita. Kapag maliit ang kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at pagkakaroon ng bahay. Samantala, naghahangad ng
malalaki at modernong bahay ang mga taong may malaking kita. Kung mas malaki ang kita mas
madalas na malaki rin ang konsumo, hindi lamang sa pagkain kundi sa mga bagay na itinuturing
na kagustuhan

Kapaligiran at Klima. Ang kapaligirang pisikal ay nakakaapekto sa pangangailangan ng tao. Kung


malapit sa dagat ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga tao rito ay pangingisda, kaya
malaki ang pangangailangan sa mga produktong pangisda. Kung malamig naman ang lugar ay
maaaring maghangad ang tao ng mga produktong makatutulong upang malabanan ang matinding
lamig, tulad ng heater. Samantala ang electric fan, aircondition unit, at iba pang mga kahalintulad
nito ang pangangailangan sa lugar na may mainit na klima.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan (AP9MKE -Ie-
11).

Pagsasanay sa Aralin/Panuto

GAWIN SA KWADERNO

Bumuo ng isang pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng mga


pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din
kung paano mo makamit ang kaganapan ng iyong pagkatao.

Pangwakas

Mga Sanggunian

https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/mga-salik-na-nakaiimpluwensiya-sa-
pangangailangan-at-kagustuhan

Susi sa Pagwawasto

Inihanda ni:
May T. Villacora
Pangalan ng May Akda

You might also like