You are on page 1of 40

http://ourhappyschool.

com/ap-social-studies/free-nat-araling-panlipunan-reviewer-high-school

MAHABANG PAGSUSULIT BILANG ISA SA EKONOMIKS


MAHABANG PAGSUSULIT

BILANG ISA

SA EKONOMIKS Iv

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Isang bagay na dapat ay mayroon ka at hindi
maaaring wala. Ano ito?
a.pagkain c.alahas
b.puhunan d.pangangailangan
2. Ito ay batayang katotohanan na ang mga
pinagkukunang yaman ay limitado.
a.kakulangan c.kakapusan
b.likas na yaman d.walang hanggan
3. Nais nating makamit ang mga bagay na ating naisin,
kaya tayong lahat ay itinuturing na
a.mamamayan c.manggagawa
b.konsyumer d.ekonomista
4. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga
produkto at serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan.
a.distribusyon c.pagkonsumo
b.produksyon d.pamimili
5. Ang sentro ng pag-aaral na ito ay ang pangkat ng
mga tao na may isang layunin,lahi,adhikain at
simulain.
a.agham pampulitika c.biyolohiya
b.agham panlipunan d.etika
6. Paano naging agham ang ekonomiks? Piliin ang
pinakamalapit na sagot.
a.pag-eeksperimento sa mga bagay-bagay
b.pag-aaral sa mga suliranin
c.pag-aaral ng tao sa lipunan
d.pagsusuri gamit ang syentipikong pamamaraan
7. Ang gawaing pangkabuhayan ng mga naunang tao
ay may epekto sa pamumuhay natin ngayon, anong
syensya ang tinutukoy.
a.pampulitika-Eco c.pisika-Eco
b.kasaysayan-Eco d.demograpiya-Eco
8. Ayon kay Jeremy Bentham, nagmula ang halaga ng
isang bagay sa nalilikha nitong kapakinabangan.
Ano ito?
a.utilitarianism c.laissez faire
b.descriptive economics d.oeconomicus
9.Ang katangian at kaanyuan ng daigdig bilang salik sa
pattern ng kalakalan ng mga tao at mga bansa, anong
syensya ang tinutukoy.
a.anthropology-Eco c.sociology-Eco
b.geography-Eco d.psychology-Eco
10.Ayon kay Adam Smith, ipinahayag nya na hindi
dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapaunlad
ng industriya ng pribadong tao. Ano ito?
a.utilitarianism c.laissez faire
b.descriptive economics d.oeconomicus
11.Ang mga sumusunod ay mga suliraning pangka-
buhayan na nangangailangan ng solusyon. Alin ang
hindi kabilang?
a.napakahabang trapiko sa kamaynilaan
b.kakulangan ng tirahan
c.paniningil ng buwis ng pamahalaan
d.kawalang ng mapapasukang trabaho
12.Sya ang Ama ng Komunismo na naniniwala na ang
estado ang dapat kumontrol ng yaman ng bansa.
a.David Ricardo c.Thomas Robert Malthus
b.Karl Marx d.Francois Quesnay
13. Ayon sa kantang Teach me Economics, ang
economics daw ay pag-aaral kung paano_____
ang_____sa kabila ng limitadong yaman.
a. sapatan/yaman c.gamitin ng wasto/yaman
b. sapatan/pangangailangan d. gamitin/kalikasan
14. Ang pagkakaroon ng mga batas na itinakda ng
pamahalaan ay may epekto at impluwensya sa ating
pamumuhay at kabuhayan ng bansa. Anong syensya
ito.
a.agham pampulitika-Eco c.kemistri-Eco
b.pisika-Eco d.etika-Eco
15. Marami pang ibang agham ang maaaring maiugnay
sa Economics kung kayat ito ay tinawag na.
a. Hari ng Agham Panlipunan
b. Reyna ng Agham Panlipunan
c. Prinsipe ng Agham Panlipunan
d. Prinsesa ng Agham Panlipunan
II. Punan ng tamang sagot ang mga patlang.

Ang Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay may kinalaman sa _16__, _17__at _18__.


16. Produksyon, 17.Distribusyon, 18. Pagkonsumo

Ang Ekonomiks ay isang __19_na naglalayong pag-aralan ang mga _20__at _21__ ng mga tao at
ang mga pamamaraan ng _22__ nila ng _23__ ng bansa upang __24_ ang tila walang katapusang
_25__ at _26__ nila sa buhay.
19. Agham 20. kilos 21. Pagsisikap 22. Paggamit 23. Limitadong yaman 24. Matugunan o
masapatan 25. Pangangailanan 26. Kagustuhan

III. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


27-38. Kilalanin kung sinong Ekonomista ang
tinutukoy. Gamitin ang acronym na
TAKDA-FX-J3G
bilang clue sa mga ekonomistang pagpipilian

27. Ama ng komunismo-karl Marx


28. An Essay on the principle of population- Thomas Robert Malthus
29. Tableau Economique- Francois Quesnay
30. An Inquiry into the nature and causes of the wealth
of nations- Adam Smith
31. Law of diminishing returns- David Ricardo
32. Father of Modern Employment Theory- John Maynard Keynes
33. Ama ng makabagong Ekonomiks- Adam Smith
34. Naniniwala sa kahalagahan ng lupa sa pag-unlad
ng bansa- David Ricardo
35. Kauna-unahang pilipinong ekonomista- Gregorio Sancianco y Goson
36. General Economic Development Plan- Jose Basco y Vargas
37. Oeconomicus- Xenophon
38. Nagtaguyod sa pagsasadisiplina ng ekonomiks- Alfred Marshall

IV. 39-40 Ibigay ang mga hakbang sa pagsusuri gamit


Ang syentipikong pamamaraan sa paglutas ng mga
suliraning may kinalaman at epekto sa ating

ekonomiya. (2pts)

1. Paglalahad ng suliranin
2. Pagbibigay ng Hypothesis
3. Pangangalap ng mga datos at Impormasyon
4. Kongklusyon at Rekomendasyon
First grading

Mahahalagang Kaalaman
 Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan.
 Ang ekonomiks ay ang pag-aaral sa kung paano ginagamit ng tao ang
limitadong likas na yaman at yamang tao ng isang bansa upang
matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.

 Ang salitang "ekonomiks" ay hango sa sa salitang Griyego


na oikonomia na nangangahulugang “pangangasiwa ng sambahayan”.

 Mahalaga na matutuhan mo kung paano magagamit ang ekonomiks


sapangangasiwa ng iyong mga pag-aari.

Mahahalagang Kaalaman
 Mahalaga ang ekonomiks sa iyo at sa iyong bansa. Ang mga
kaalaman at konseptong nakapaloob dito ay makatutulong
upang maunawaan at mabigyan ng solusyon ang mga suliraning
kinahaharap ng bansa.
 Ang makroekonomiks ay pag-aaral ng pangkalahatang lagay o
daloy ng ekonomiya at kung paano nag-uugnayan ang mga
indibidwal na bahagi nito.

 Ang maykroekonomiks ay pag-aaral ng mga indibidwal na bahagi


ng ekonomiya tulad ng sambahayan at mga negosyo.

 Ang tatlong batayang proseso ng ekonomiya


ay produksyon, distribusyon, atpagkonsumo.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kakapusan ay ang pagkakaroon ng limitadong dami ng likas
na yaman para matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
 May dalawang uri ng kakapusan:
o kakapusan

o kakulangan

 Ang kakapusan (scarcity) ay ang pagkakaroon ng limitadong


dami ng pinagkukunang-yaman para sa paggawa ng produkto na
hindi sapat para matugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao.

 Ang kakulangan (shortage) ay ang pagkakaroon ng limitadong


dami ng pinagkukunang-yaman para sa paggawa ng produkto na
hindi sapat para matugunan ang kasalukuyang pangangailangan
ng tao.

 Ang kakapusan ay permanente habang ang kakulangan


ay pansamantalalamang.

Mahahalagang Kaalaman
Matutukoy ang kakapusan sa pamamagitan ng sumusunod na
palatandaan:

 pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,


 pagkawala ng mabibiling produkto sa mga pamilihan, at

 pag-aangkat ng kailangang produkto mula sa ibang bansa.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kakapusan ay may iba't ibang dahilan tulad ng:
o paglaki ng populasyon,

o pabago-bagong panahon o climate change,

o pagkakaroon ng kalamidad,

o labis na paggamit ng mga likas na yaman,

o polusyon, at
o pagkasira ng kalikasan.

 Ang kakapusan ay nagdudulot ng mas malalaking problema para


sa pamahalaan at mga mamamayan ng isang bansa. Ilan sa mga
problemang maaaring maidulot nito ang sumusunod:
o kahirapan,

o sakit,

o sakuna,

o gutom, at

o kaguluhan.

 Maraming paraan para malabanan ang kakapusan tulad ng:


1. pagkakaroon ng tamang alokasyon ng likas na yaman,

2. pag-kontrol sa paglaki ng populasyon,

3. pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa,

4. pagiging handa sa pagbabago ng panahon, at

5. pagiging matipid sa paggamit ng mga likas na yaman.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang pangangailangan ay mga bagay na kailangan ng tao upang
mabuhay. Halimbawa nito ang pagkain, tirahan, at damit.
 Ang kagustuhan ay mga bagay na ninanais ng tao upang
makaramdam ng kasiyahan. Hindi ito kinakailangan sa pang-
araw-araw na buhay. Halimbawa nito ang sasakyan at cellphone.

 Lahat ng tao ay may magkakaparehong pangangailangan ngunit


magkakaibang kagustuhan.

 Ang labis na paggamit ng isang pangangailangan ay maaari nang


maging isang kagustuhan.
Mahahalagang Kaalaman
 Si Abraham Harold Maslow ay isang Amerikanong sikolohista na
nagmungkahi tungkol sa hirarkiya ng pangangailangan.
 Mayroong limang antas sa hirarkiya ng pangangailangan:

1. pangangailangang pisyolohikal,

2. pangangailangang pangkaligtasan,

3. pangangailangang makibahagi, makisali, o magmahal,

4. pangangailangang mapahalagahan, at

5. pangangailangang maging ganap ang pagkatao.

Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa


Pangangailangan
Bawat tao ay may mga pangangailangan. Ito ay mga bagay na dapat
niyang makamit o maranasan upang mabuhay. Gayunpaman, ang mga
pangangailangang ito ay nagbabago batay sa iba't ibang salik.

Gulang at Kasarian

 Magkakaiba ang pangangailangan ng tao batay sa


kanilang gulang o edad.
o Ang mga bata ay nangangailangan ng gatas at mga bitamina
upang lumakas, sumigla, at bumilis ang paglaki.

o Ang mga teenager naman ay nangangailangan ng mga


makabagong kagamitan na makatutulong sa kanilang pag-aaral.

o Ang mga matatanda ay nangangailangan ng mga gamot at iba


pang bitamina para manatiling malakas at makaiwas sa iba't
ibang sakit.
 Magkakaiba rin ang pangangailangan ng tao batay sa
kanilang kasarian.
o Ang mga babae ay may ibang pangangailangan kaysa mga lalaki.

o Halimbawa, karaniwang mga bagay na magagamit sa


pangangalaga ng katawan, lalo na sa panahon ng buwanang
dalaw, ang kailangan ng mga babae.

o Ang mga lalaki naman ay karaniwang nangangailangan ng mga


bagay na makatutulong sa kaniyang trabaho tulad ng sasakyan.

Edukasyon at Panlasa

 Ang edukasyon o ang antas ng edukasyong narating ng isang tao


ay may epekto rin sa kaniyang mga pangangailangan.
o Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng mga gamit sa
paaralan.

o Ang mga hindi naman nag-aaral ay nangangailangan ng mga


bagay na magagamit nila sa kanilang pinagkakaabalahang
hanapbuhay.

o Sa bawat pagtaas ng antas ng pag-aaral ay nagbabago rin ang


mga pangangailangan ng isang mag-aaral.

o Halimbawa, ang mga mag-aaral sa mataas na paaralan ay


mangangailangan na ng calculator, periodic table of elements,
at graphing paper.

o Ang mga mag-aaral sa elementarya ay karaniwang


nangangailangan lamang ng papel, lapis, at kwaderno.

 Ang panlasa sa pagkain o estilo ng pananamit ay may epekto rin


sa mga pangangailangan ng tao.
o May ibang tao na mahilig sa isang estilo ng pananamit na hindi
masyadong gusto ng iba.

o May ilan din na mayroon lamang partikular na pagkaing nais


kainin..
Kita at Hanapbuhay

 Nakaiimpluwensiya rin sa pangangailangan ng tao ang halaga ng


kaniyang kita.
o Ang mga tao na may malalaking kita ay nagkakaroon ng mas
maraming pangangailangan.

o Sa kabilang banda, ang mga taong may maliliit na kita ay


inuunang tugunan ang kanilang mga batayang pangangailangan.

 Ang hanapbuhay ng isang tao ay nakaiimpluwensiya rin sa


kaniyang mga pangangailangan.
o Halimbawa, ang isang guro ay nangangailangan ng chalk, lesson
plan, at pisara para makapagturo sa kaniyang mga mag-aaral.

o Sa kabilang banda, ang isang inhinyero ay nangangailangan


ng helmet at iba pang kagamitan para sa kaniyang trabaho.

Buod
May iba't ibang salik na nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan
ng tao. Magkakaiba ang dami o kalidad ng pangangailangan ng mga
tao batay sa sumusunod na mga salik:

 gulang o edad,
 kasarian,

 edukasyon,

 panlasa,

 kita, at

 hanapbuhay.

Mahahalagang Kaalaman
May iba't ibang salik na nakaiimpluwensiya sa mga kagustuhan ng tao.
Nagbabago ang dami at kalidad ng mga bagay na gustong makamit ng
mga tao batay sa sumusunod na mga salik:

 kita,
 presyo ng produkto,

 mga pangkapaligirang salik tulad ng:

o hanapbuhay,

o lugar na tinitirahan o palaging pinupuntahan,

o taong nakakasalamuha, at

o mass media.

 pag-uugali ng tao, at

 personal na pagpapahalaga.

Mahahalagang Kaalaman
 Magkaugnay ang alokasyon at ang suliranin ng kakapusan.
 Ang alokasyon ay isang paraan upang mabigyan ng solusyon ang
pagkakaroon ng suliranin sa kakapusan.

 May limang suliraning binibigyang solusyon ng alokasyon. Tatlo


rito ay sa produksyon at dalawa naman sa distribusyon.

 Ang mga suliranin sa produksyon ay:

o Ano ang gagawin?

o Paano ito gagawin?

o Gaano karami ang gagawin?

 Ang mga suliranin sa distribusyon ay:

o Para kanino ang gagawin?


o Paano ipamamahagi ang produkto?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang alokasyon ay may kaugnayan sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
 Ang alokasyon ng bansa sa mga likas na yaman nito ay may
impluwensiya sa mga produktong tutugon sa mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Isinasaalang-alang ang
limitadong likas na yaman ng bansa sa pagpili ng mga
produktong gagawain−−kung makatutugon ito sa mga
pangangailangan o kagustuhan ng mga tao.
 Ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao ay may
impluwensiya rin sa paggawa ng alokasyon ng mga negosyante at
kumpanya ng kanilang mga produkto. Isinasaalang-alang ng mga
negosyante at kumpanya ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao sa pagdedesisyon sa uri at dami ng
produktong kanilang gagawin at ipagbibili sa pamilihan.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang sistemang pang-ekonomiya ay paraan kung saan ang
produksyon, distribusyon, at pagkonsumo ng produkto ay
nakabatay sa desisyon ng isang partikular na sektor ng lipunan.
 Mayroong apat na sistemang pang-ekonomiya:

o tradisyunal na ekonomiya,

o pampamilihang ekonomiya,

o kontroladong ekonomiya, at

o pinaghalong ekonomiya.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng isang produkto o
serbisyo para matugunan ang pangangailangan o kagustuhan ng
tao.
 May iba't ibang uri ng pagkonsumo:

o tuwiran o direktang pagkonsumo,

o produktibong pagkonsumo,

o maaksayang pagkonsumo,

o mapanganib na pagkonsumo, at

o lantad na pagkonsumo.

 May iba't ibang salik din na nakaiimpluwensiya sa pagkonsumo:

o kita,

o panahon,

o okasyon,

o patalastas,

o presyo,

o panggagaya, at

o pagpapahalaga sa tao.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang mamimili ay taong bumibili ng serbisyo o kumukuha ng
serbisyo mula sa pamilihan.
 May iba't ibang karapatan at tungkulin ang mga mamimili.

 Ang mga karapatan ng mamimili ay ang sumusunod:

o karapatan sa tamang impormasyon,

o karapatan sa pagpili,
o karapatan na maging ligtas sa anumang sakit o pinsala,

o karapatan na makamit ang mga pangunahing


pangangailangan,

o karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran,

o karapatang magkaroon ng edukasyon, at

o karapatang magtatag ng organisasyon.

 Ang mga tungkulin ng mamimili ay ang sumusunod:

o bayaran ang biniling kalakal,

o paghingi ng resibo,

o pagtangkilik sa gawang Pilipino,

o pagiging mulat at mapagmasid sa kapabayaan ng mga


prodyuser, at

o pangangalaga sa kalikasan.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang produksyon ay ang paglikha o paggawa ng isang produkto o
serbisyo para matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
 May iba't ibang anyo ng produksyon:

o elementary utility,

o form utility,

o time utility,

o service utility,

o possession o ownership utility, at

o place utility.
 May apat na salik ng produksyon:

o lupa,

o lakas-paggawa,

o kapital o puhunan, at

o entreprenyur.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang negosyo ay anumang gawaing pang-ekonomiya na may
layuning magkaroon ng kita o tubo.
 May tatlong uri ng organisasyon ng negosyo:
o isahang pagmamay-ari (sole proprietorship),

o sosyohan (partnership), at

o korporasyon (corporation).

2nd grading

Mahahalagang Kaalaman
 Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
gusto at handang bilihin ng isang mamimili sa isang takdang
presyo.
 Isinasaad sa batas ng demand na ang demand para sa produkto
ay inversely proportional sa presyo nito.

 Ang demand schedule ay talaan na nagpapakita sa dami ng


produktong bibilihin ng mga mamimili sa isang partikular na
presyo.

 Ang kurba ng demand (demand curve) ay isang grapikal na


representasyon ng ugnayan ng presyo ng demand at ng produkto.
Inilalarawan ito bilang isangdownward slope.
 May iba't ibang salik na nakaaapekto sa demand para sa isang
produkto:
o kita o suweldo,

o panahon,

o okasyon,

o panlasa o style,

o espekulasyon, at

o presyo ng iba pang produkto.

 Lumilipat pakanan o pakaliwa ang kurba ng demand kapag


tumaas o bumaba ang demand para sa produkto dulot ng epekto
ng iba't ibang salik.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang elastisidad ng demand ay nagpapakita sa kakayahan ng mga
mamimili na dagdagan o bawasan ang kanilang demand para sa
mga produkto at serbisyo batay sa pagbabago ng presyo ng mga
ito.
 May iba't ibang uri ng elastisidad ng demand:
o elastik,

o di-elastik,

o unitary ,

o ganap na elastik, at

o ganap na di-elastik.

 Makukuha ang halaga ng elastisidad ng demand sa pamamagitan


ng formula na:
kung saan,

Mahahalagang Kaalaman
 Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
gusto at handang ipagbili ng mga negosyante sa pamilihan sa
isang takdang presyo.
 Ayon sa batas ng suplay, ang dami ng suplay ay directly
proportional sa presyo nito.

 Ang supply schedule ay talaan na nagpapakita sa dami ng


produktong ipagbibili ng mga negosyante sa pamilihan sa isang
partikular na presyo.

 Ang kurba ng supply (supply curve) ay isang grapikal na


representasyon ng ugnayan ng presyo at dami ng suplay sa
presyo nito. Inilalarawan ito bilang isangupward slope.

 May iba't ibang salik na nakaaapekto sa suplay ng isang


produkto:

o presyo ng Iba pang salik ng produksiyon,

o presyo ng Iba pang produkto,


o espekulasyon sa bilihin,

o teknolohiya,

o di-ekonomikong salik,

o dami ng nagtitinda, at

o subsidiya ng pamahalaan.

 Lumilipat pakanan o pakaliwa ang kurba ng suplay kapag tumaas


o bumaba ang suplay ng produkto bilang epekto ng iba't ibang
salik.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang elastisidad ng suplay ay nagpapakita sa kakayahan ng mga
negosyante na dagdagan o bawasan ang suplay ng mga produkto
at serbisyo batay sa pagbabago ng presyo ng mga ito.
 May iba't ibang uri ng elastisidad ng suplay:

o elastik

o di-elastik

o unitary

 Makukuha ang halaga ng elastisidad ng suplay sa pamamagitan


ng formula na:

kung saan,
Mahahalagang Kaalaman
 Ang pagbabago ng presyo ng isang produkto ay may epekto sa
pagbabago ngdemand at suplay sa pamilihan.
 Ang interaksiyon ng demand at suplay ay ang pagkakaroon ng
magkaparehong dami ng demand at suplay na mabibili at
maipagbibili sa isang tiyak na presyo.

 Equilibrium ang tawag kapag ang mamimili at negosyante ay


nagkasundo sa pagbili at pagbenta ng produkto sa isang
partikular na presyo.

 Tinatawag na equilibrium na presyo ang presyo na


pinagkasunduan ng mamimili at negosyante.

 Tinatawag naman na equilibrium na dami ang punto kung saan


pareho ang dami ng demand at suplay.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kakapusan at surplus ay may epekto sa presyo at dami ng
mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
 Kung may kakapusan, tataas ang presyo ng mga produkto at
serbisyo. Dapat din dagdagan ang dami ng produkto o serbisyong
ginagawa upang malutas ang suliranin sa kakapusan.
 Kung may surplus, bababa ang presyo ng mga produkto at
serbisyo. Dapat din bawasan ang dami ng produkto o serbisyong
ginagawa upang mabawasan angsurplus.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang pamilihan ay tumutukoy sa isang lugar o kaayusan kung saan
nagkakaroon ng ugnayan ang mga nagtitinda at bumibili ng mga
produkto at serbisyo sa nakatakdang presyo.
 May apat na antas ang pamilihan:

o pamilihang lokal,

o pamilihang rehiyonal,

o pamiihang nasyonal, at

o pamiihang internasyonal.

 Ang pamilihan ang nagpapasiya o nagdidikta kung anong


produkto o serbisyo ang dapat gawain, kung paano ito gagawain,
at kung gaano karami ang gagawain.

 Ang bawat produkto at serbisyo sa pamilihan ay may itinakdang


presyo.

 Ang presyo ay halaga ng produkto o serbisyo na babayaran ng


mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo.

 May iba't ibang estruktura ng pamilihan:

o kompetisyon,

o monopolyo,

o monopsonyo,

o monopolistikong kompetisyon, at

o oligopolyo.
3rd grading

Mahahalagang Kaalaman
 Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita ng ugnayan at
gawain ng lahat ng sektor na bumubuo sa ekonomiya ng isang
bansa.
 Ito ay binubuo ng iba't ibang sektor:

1. sambahayan,

2. bahay-kalakal,

3. bangko,

4. pamahalaan, at

5. dayuhang sektor.

 Bawat kalahok o bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya ay may


ugnayan sa isa't isa.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang Gross National Product o GNP ay ang kabuuang bilang ng
mga produkto at serbisyong nagawa ng mamamayan ng bansa sa
loob ng isang taon. Kasama rito ang kita ng mga Pilipino na nasa
ibang bansa.
 Ang Gross Domestic Product o GDP ay ang kabuuang bilang ng
mga produkto at serbisyong nagawa sa loob ng bansa sa loob ng
isang taon.

 Ang pagsukat sa Gross National Product ay makukuha sa


pamamagitan ng tatlong paraan:

o Value Added Approach


o Factor Income Approach

o Final Expenditure Approach

 Mahalaga ang pagsukat ng Gross National Product upang


malaman kung ano ang dapat gawin ng pamahalaan at mga
negosyante upang mapasigla angekonomiya at mapataas ang
GNP ng bansa.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang pagkonsumo at pag-iimpok ay dalawang mahalagang
gawaing pang-ekonomiya ng tao.
 Ang kita ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa laki ng halaga na
ilalaan ng tao sa pagkonsumo at sa pag-iimpok.

 Ang pagkonsumo ay ang pagbili ng produkto o serbisyo mula sa


mga prodyuser nito.

 Ang pag-iimpok ay ang paglalaan ng perang itatabi sa alkaniya o


sa bangko para maipon at magamit sa hinaharap o kung
kinakailangan.

 Ang consumption function ay nagpapakita ng relasyon ng kita sa


pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.

 Kapag ang kita ng sambahayan ay inilaan lahat sa pagkonsumo


lamang, sinasabing may equilibrium sa paikot na daloy ng
ekonomiya.

 Ang savings function ay nagpapaliwanag sa relasyon ng kita sa


pag-iimpok.

 Ang pag-iimpok ay nagdudulot ng pagkawalang balanse


o equilibrium sa paikot na daloy ng ekonomiya.

 Para maibalik ang equilibrium sa paikot na daloy ng ekonomiya,


ang pag-iimpok ay dapat gawin sa pamamagitan
ng investment, insurance, stocks, at mutual fund.
Mahahalagang Kaalaman
 Sa negosyo, may ugnayan ang pagkonsumo (C), kita (Y), at pag-
iimpok (S).
o Ang consumption function ay naglalarawan sa kaugnayan
ng kita sa pagkonsumo ng sambahayan.

o Tinatawag na personal income ang kabuuang kita ng isang


indibiduwal.

o Tinatawag naman na disposable income ang kitang


handang gastusin para sa pagkonsumo ng mga produkto at
serbisyo.

o Ang Marginal Propensity to Consume (MPC) ay may


kinalaman sa pagbabago sa pagkonsumo sa bawat
pagbabago ng kita.

o Ang Average Propensity to Consume (APC) ay naglalarawan


sa relasyon ng pagkonsumo ng tao sa bawat porsiyento ng
kabuuang kita.

o Ang savings function ay naglalarawan sa relasyon ng pag-


iimpok sa kita na nakukuha sa sambahayan.

o Ang pag-iimpok ay ang bahagi ng kita na hindi ginastos

o Ang Marginal Propensity to Save (MPS) ay nagpaliliwanag


ng pagbabago sa pag-iimpok sa bawat porsiyento ng
pagbabago sa kita.

o Ang Average Propensity to Save (APS) ay nagpaliliwanag ng


relasyon ng pag-iimpok sa porsiyento ng kita.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang implasyon ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo ng
mga bilihin sa pamilihan.
 May umiiral na implasyon kung mataas ang presyo ng mga
pangunahing produkto sa pamilihan at kaunting produkto lamang
ang mabibili ng salapi.

 Tinatawag na hyper-inflation ang sitwasyon kung ang pagtaas ng


presyo ay nangyayari oras-oras, araw-araw, at linggo-linggo.

 Deplasyon ang tawag sa pagbaba ng presyo ng bilihin.

 Ang implasyon ay may tatlong klasipikasyon:


o Demand pull: Ang pagnanais ng mga sektor na makabili ng
produkto at serbisyo ay mas marami kaysa sa kayang
isuplay o iprodyus ng pamilihan.

o Cost push: Ang pagtaas ng gastusing pamproduksyon ang


sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

o Structural Inflation: Ang dahilan ng pagtaas ng halaga ay


ang kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na maiayon ang
anumang pagbabago sa lebel at dami ng kabuuan ng
ekonomiya.

 Ang sumusunod ang dahilan ng implasyon:


o pagtaas ng suplay ng salapi, kita, at demand kaysa
produksyon,

o pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar,

o pagtaas ng presyo ng mga produktong angkat mula sa ibang


bansa,

o pagtaas ng gastos sa produksyon, at

o pagtaas ng gastos ng pamahalaan kumpara sa


nakokolektang buwis.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang implasyon o ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin ay
may mabuti at hindi mabuting epekto sa mamamayan at bansa.
 Mayroon ding mga tao na nakikinabang at naaapektuhan sa
pagkakaroon ng implasyon.

 May mga paraan kung paano malulunasan ang epekto ng


implasyon. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

o Tight Money Policy,

o pagpapataas ng produksyon,

o paggamit ng lokal na materyales sa produksyon,

o pagbili ng lokal na produkto,

o pagpaparusa sa nagtatago o nagkokontrol ng suplay ng


produkto,

o pagtatakda ng price control sa produkto, at

o pagpapaliit ng gastos ng pamahalaan.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang patakarang piskal ay ang pagkontrol ng pamahalaan sa
ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
maayos na sistema ng pangongolekta ng buwis at paggastos nito.
 Nakapaloob sa patakarang piskal ang sumusunod:
o usapin na may kinalaman sa badyet ng pamahalaan,

o usapin na may kinalaman sa pangongolekta ng buwis,

o usapin na may kinalaman sa paggasta ng pamahalaan,


-usapin na ginagamit upang labanan ang implasyon at di-
magandang sitwasyon ng ekonomiya sa pamamagitan ng
pagpapairal ng surplus na badyet at pagtataas ng buwis, at

o usapin na may kinalaman sa kabuuang demand ng produkto.

 Ayon sa teoryang laissez faire, hindi dapat nakikialam ang


pamahalaan sa mga gawaing pang-ekonomiya.
-Maraming pangangailangan ang mga mamamayan na kailangang
tugunan ng pamahalaan.
 Ang mga tungkulin ng pamahalaan ay ang sumusunod:
o pangangalaga sa pribadong ari-arian,

o pagtataguyod sa kompetisyon,

o pagsasaayos ng mga spill-over sa ekonomiya,

o paglalaan ng pampublikong kalakal, at

o pagtitiyak ng katatagan ng ekonomiya.

 Ang badyet ay tumutukoy sa paglalahad ng kitang gugugulin ng


isang tao, pamilya, kompanya, o pamahalaan sa loob ng
itinakdang araw
 May proseso na sinusunod ang mga ahensiya ng pamahalaan
bago ipasa ang badyet.
 May mga panuntunan sa paggasta na ipinapatupad ang
pamahalaan. Kabilang dito ang:
o panuntunan sa pagtitipid,

o panuntunan sa Pangangailangan,

o panuntunan sa pagiging produktibo, at

o panuntunan sa benepisyo ng pangkalahatang kagalingan.

 Natutukoy din ang klasipikasyon ng paggasta sa pamahalaan,


tulad ng:
o paggasta sa pangkalahatang gawain,

o paggasta sa pambansang pangangalaga,

o paggasta sa kagalingang panlipunan at kultural, at

o paggasta sa ekonomikong paglilingkod.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang buwis ay halagang sinisingil ng pamahalaan mula sa mga
manggagawa at negosyante para gamitin sa mga gastusin ng
pamahalaan.
 May iba't ibang paraan ng pag-uuri sa buwis–batay
sa antas, pagbabayad, atlayunin.
 May mga reporma na ipinatutupad ang pamahalaan para
mapabuti ang sistema ng pangongolekta ng buwis sa bansa.
 Tinatawag na tax evasion ang hindi pagbabayad ng tamang
buwis. Ito ay labag sa batas at kinakasuhan ng pamahalaan ang
nahuhuling tax evader.
 Ang tax avoidance ay legal na paraan para mapababa ang halaga
ng buwis na dapat bayaran sa pamahalaan.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang patakarang piskal ay ang paraan ng paglikom ng pera ng
pamahalaan at kung paano nito gagastusin ang naipong pera
upang mapasigla ang ekonomiya at mabalanse ang presyo ng
mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
 May dalawang pangunahing layunin ang patakarang piskal:
o mapatatag ang ekonomiya, at

o mapasigla ang ekonomiya.

 Ang neutral fiscal policy ay nagsusulong sa pagkakaroon ng


balanseng badyet kung saan ang ginastos ng pamahalaan ay
tama lamang sa halaga ng buwis na nakolekta ng pamahalaan.
 Ang expansionary fiscal policy ay may layuning mapababa ang
dami ng mga walang trabaho sa pamamagitan ng pagtataas ng
paggastos ng pamahalaan o pagpapababa ng buwis.
 Ang contractionary fiscal policy ay may layuning mapababa ang
implasyon sa pamamagitan ng pagpapababa sa paggastos ng
pamahalaan o pagtataas ng buwis.
Mga Patakarang Pananalapi
MAKROEKONOMIKS
Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)
 Ito ang pagkontrol ng pamahalaan sa suplay o dami ng salaping
ginagamit sa ekonomiya ng bansa.
 Layunin nitong mapanatili ang balanse sa halaga ng salaping
umiikot sa bansa upang hindi maiwasan ang implasyon o pababa
ng halaga ng piso.
 Ang awtoridad na pang-salapi ng isang bansa ang kumokontrol sa
suplay ng pera.
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
 Ito ang institusyon ng pamahalan na nagsasaayos ng pananalapi
at sistemang pinansyal ng bansa.
 Ito ang nagpapanatili sa katatagan ng piso sa pamamagitan ng
pagkontrol sa dami ng salaping nakakalat sa sirkulasyon.
 Itinatag ito noong Enero 3, 1949 sa bisa ng BR 265.
 Ang organisasyon nito ay batay sa organisasyon at estruktura
ng national bank ng Guatemala at Paraguay.
Katangian ng BSP
 Ito ang bangko ng mga bangko.
 Gumagawa at nagpapalabas ito ng salapi sa sirkulasyon.

 Mayroon itong chief banker at tagapayong pinansiyal ng pamahalaan.

 Ito ang taga-pautang sa mga bangko.

 Ito ang tagapamahala sa reserbang dolyar at ginto ng pamahalaan.

 Namamahala ito sa pagbabayad ng utang panlabas at panloob ng


pamahalaan.

Layunin ng BSP
 Mapanatili ang katatagan ng salapi
 Mapangalagaan ang halaga ng piso

 Magtaguyod ng mataas na produksyon, trabaho, at kita

 Mapatatag ang presyo ng produkto para makatulong sa ekonomiya


Paraan sa Pagkontrol ng Suplay ng Salapi

Discount Rate

Ang Bangko Sentral ay nagtatakda ng interes na sinisingil nito mula sa


mga bangko sa bansa.

Reserve Requirement

Ang Bangko Sentral ay nagtakda ng porsiyento at halaga ng salapi ng


dapat manatili sa iba't ibang uri ng bangko.

Open Market Operations

Ang BSP ay nagbebenta ng bonds * o *treasury bills ng pamahalaan


upang mabawasan ang salaping nasa sirkulasyon

Fiat Money Authority

Ang BSP ay may kapangyarihan at kakayahang gumawa at mag-


imprenta ng salapi na ipalalabas sa sirkulasyon upang magamit sa
iba't ibang transaksiyon at gawaing pang-ekonomiya.

Moral Suasion

Hinihikayat ng BSP ang mga bangko na kontrolin ang dami ng salapi na


nasa sirkulasyon.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang patakarang pananalapi ay ang pagkontrol ng pamahalaan sa
suplay o dami ng salaping ginagamit sa ekonomiya ng bansa.
 Layunin ng patakarang piskal na mapatatag ang halaga ng
piso para mapanitiling masigla ang ekonomiya ng bansa.
 Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay institusyong itinatag ng
pamahalaan upang mangasiwa at mamahala sa pananalapi ng
bansa.
 Ang BSP ang pangunahin at opisyal na bangko ng pamahalaan ng
Pilipinas.
 Ang BSP ay tagapamahala sa pagbabayad ng mga utang ng
bansa, gumagawa ng salapi, at nangangalaga sa mga reserbang
dolyar at ginto ng Pilipinas.
 May iba't ibang paraan na ginagawa ang BSP upang makontrol
ang suplay at dami ng salapi sa sirkulasyon−−discount
rate, reserve requirement, open market operations, fiat money
authority, at moral suasion.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang sektor ng pananalapi ay namamahala sa paggawa o pag-
imprenta, pagsusuplay, at pagpapanatili ng balanseng dami ng
salapi sa sirkulasyon o sa pamilihan.
 Ang salapi ay anumang bagay na ginagamit sa
pakikipagkalakalan o pagbili ng mga produkto o serbisyo.
 Ang sektor ng pananalapi ay binubuo ng mga
institusyong bangko at di-bangko.

Mahahalagang Kaalaman
 May iba't ibang patakarang pang-ekonomiya na umiiral sa bansa
para mapasigla at mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
 Ang mga patakarang pang-ekonomiya ay may magagandang
epekto sa ekonomiya ng bansa.
 May mga implikasyon din ang mga patakarang pang-ekonomiya
sa bansa.
 Dapat maging maingat at balanse sa pagpapatupad ng mga
patakarang pang-ekonomiya upang mapanatili ang magandang
epekto nito sa ekonomiya at hindi masyadong maramdaman ang
masasamang epekto nito.

4th grading
Mahahalagang Kaalaman
 Sinasabing maunlad ang isang bansa kung ang mga mamamayan
nito ay nakararanas ng pagbabago mula sa mababa patungo sa
mataas na antas ng pamumuhay.
 May iba't ibang pag-uuri ng bansa ayon sa kaunlaran nito:
 maunlad o umuunlad
 mayaman o mahirap
 una, ikalawa, o ikatlong daigdig
 pangkat hilaga o pangkat timog
 May mga palantandaan din ng pambansang kaunlaran, tulad ng:
o GNP at GDP

o Kalusugan

 Haba ng Buhay

 Dami ng sanggol na namamatay bago mag-isang taon

 Dami ng protina sa pagkain

 Dami ng Manggagamot

o Edukasyon

o Kakayahan ng Manggagawa

o Kalinisang pambayan

o Suplay ng malinis na tubig

o Kawalan ng trabaho

o Bilis ng pagdaming populasyon

 Ang mga mamamayan ay mahalagang sangkap sa isang maunlad


at matatag na ekonomiya dahil sila ang pinanggagalingan ng
lakas, enerhiya, kaalaman, at kakayahan para makamit ang
kasiglahan ng ekonomiya at kaunlaran ng bansa.
Mahahalagang Kaalaman
 Ang sektor ng agrikultura ang pinagmumulan ng mga hilaw na
sangkap na ginagamit sa sektor ng industriya upang makagawa
ng mga bagong produkto o serbisyo.
 Ang sektor ng agrikultura ay binubuo
ng pagsasaka, pangingisda,paghahayupan, paggugubat,
at pagmimina.
 Iba't ibang suliranin ang kinakaharap ng sektor ng agrkultura,
kabilang na ang:
o pagkaubos ng puno sa kagubatan,

o erosyon ng Lupa (soil erosion),

o polusyon,

o global warming,

o kakulangan ng implementasyon ng programang


pampamahalaan, at

o kawalan ng suporta mula sa pribadong sektor.

 Ang pamahalaan ay nagpatupad ng iba't ibang patakarang pang-


ekonomiya para higit na masuportahan at mapaunlad ang sektor
ng agrikultura.
Ang pamahalaan ay nagkaroon ng ibat-ibang programa upang
matulungan ang sektor ng agrikultura ng bansa. Ilan dito ang mga
sumusunod:

Pagtatanim

1. Key Production Approach – pagsuporta sa mahalagang sektor ng


agrikultura at nagpapatupad ng:
o Reporma sa lupa

o Pagpapatayo ng patubig

o Pagpapatayo ng daan
o Post harvest facilities

o Pagpapautang sa kasapi

o Pagsasanay sa benepisyaryo

2. Gintong Ani – pagpapalawak ng produksyon ng palay, mais at iba


pang pananim na may mataas na halagang komersyal

Paggugubat

1. DENR –(Department of Environment and Natural Resources) -


Pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa
kagubatan. Ang ilan pa sa Gawain nito ay:
o Nag-uuri ng lupa

o Pangangalaga sa kagubatan

o Pangangalaga sa parke, hayop at ibong ligaw

2. Industrial Tree Plantation at Program for Ecosystem Management


PROFEM

o Sama-samang pagtatanim ng puno na ornamental o


namumunga sa mga paaralan, tabi ng lansangan, kalbong
kagubatan, parkeng pasyalan at bakuran

o Pagpapatayo ng nursery ng mga puno

3. Forest Rangers– mga bantay na nagpapatrolya sa kagubatan


upang masugpo ang illegal logging, kaingin, pagtotroso, sunog

Pagmimina

RA 7942 – Mining Act of 1995 – tamang paggalugad, paggamit,


pagiingat at pagpapaunlad ng yamang mineral ng Pilipinas

Pangingisda

1. BFAR – (Bureau of Fisheries and Natural Resources)


o Ahensyang binigyan ng katungkulan na mamahala,
magpaunlad at gamitin ng maayos ang pangisdaan at
yamang tubig

o Nagpapataas ng produksyon ng isda at nagpapalawak ng


serbisyo para sa mga mangingisda

2. DOST – (Department of Science and Technology) - Namamahala


sa pananaliksik sa larangan ng pangingisda

3. SEAFDEC – (South East Asian Fisheries Development Center) -


tinatag noong 1967 ng mga bansang Malaysia, Philippines,
Singapore, Thailand, Vietnam at Japan na namamahala sa
pagsasaliksik sa pagpapataas ng pagkain sa Timog Silangang
Asya

Mahahalagang Kaalaman
 Ang sektor ng industriya ay ang siyang nagpoproseso sa mga
hilaw na sangkap, gamit ang iba't ibang makina, para makagawa
ng mga bagong produktong maipagbibili sa pamilihan.
 Ang sektor ng industriya ay binubuo
ng pagmamanupaktura, konstruksyon, atelektrisidad, gas, at
tubig.
 Ang sektor ng agrikultura at sektor ng industriya ay lubos na
magkaugnay sa isa't isa. Nagtutulungan sila para mapaunlad ang
isa't isa at mapasigla ang ekonomiya ng bansa.
 Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng iba't ibang patakarang
pang-ekonomiya para masuportahan ang sektor ng industriya at
makatulong sa pagpapaunlad nito.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang sektor ng paglilingkod ang pinagmumulan ng lakas-paggawa.
Ito ay binubuo ng mga mamamayang nagbibigay ng kanilang
lakas, kaalaman, kakayahan, at kasanayan para maisagawa ang
isang gawain o trabaho.
 Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sumusunod
na kabuhayan:
o transportasyon,

o komunikasyon,

o pananalapi,

o pangangalakal,

o pamahalaan, at

o turismo.

 Mayroon ding mga suliranin na kinahaharap ang sektor ng


paglilingkod, tulad ng:
o brain drain,

o mababang pasahod, at

o kakulangan sa benepisyo.

 Nagkaroon ng mga solusyon na ipinatupad para matugunan ang


mga suliranin sa sektor ng paglilingkod, tulad ng:
o minimum wage rate,

o holiday pay, overtime pay, at double pay,

o regular work hours at rest periods, at

o rest days.

 Ang pamahalaan ay nagpatupad din ng mga patakarang pang-


ekonomiya para matulungan ang pagpapaunlad ng sektor ng
paglilingkod.

Ang Kalakaran ng Kalakalang Panlabas ng


Bansa
Hindi matutugunan ng isang bansa ang lahat ng pangangailangan ng
mga mamamayan kung tanging ang pambansang yaman lamang nito
ang lilinangin. Kailangang makipagkalakalan ang bawat bansa sa ibang
bansa upang punan ang mga kakulangan sa pagpapaunlad ng
ekonomiya nito.

Nakasalalay nang malaki ang ekonomiya ng Pilipinas sa


pakikipagkalakalan nito sa ibang bansa.

Mataas ang bahagdang naitutulong nito sa Gross National Product at


sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga manggagawa.

Noong 1762, binalangkas ni Adam Smith, ama ng klasikong ekonomiks,


ang unang teorya ng pandaigdigang kalakalan. Ipinalagay niya na
nagsisilbing batayan sa matagumpay na pakikipagkalakalan
ang panuntunan ng lubos na kapakinabangan.

Ayon sa panuntunang ito, higit na nakikinabang sa pakikipagkalakalan


ang mga bansang nakalalamang sa produksyon ng ilang produkto dahil
sa kalabisan at sa mga mababang halaga ng paggawa nito kaysa mga
bansang gumugugol nang malaki sa paggawa ng katulad na produkto.

Hindi sinang-ayunan ni David Ricardo (Ama ng makabagong


ekonomiks)ang panuntunang ito. Ayon sa kanya, hindi ito ang susi sa
matagumpay na pakikipagkalakalan kundi ang kainamang halaga ng
ginamit na lakas-paggawa sa produksyon ng isang kalakal. Ito ang
teorya ng panuntunan ng kainamang kapakinabangan.

Ayon dito, higit na makikinabang ang isang bansa sa


pakikipagkalakalan kung pipisanin nito ang kanyang yaman sa isang
kalakal na may pinakamalaki o pantay na kaukulang kapakinabangan o
pinakamaliit na kaukulang kasahulan.

Makakabuti rin sa bansa kung gagawa ito ng isang kalakal na may


mababang halaga ng paggawa sa larangan ng mga tinalikdang
alternatibong produkto.
Ang Pilipinas ay may kainamang kapakinabangan sa United States sa
halaga ng paggawa ng mga produktong agrikultural kaysa mga
produktong makinarya.

Ang United States naman ay higit na makikinabang kung


pagtutuunang-pansin na lamang nito ang paggawa ng mga produktong
makinarya at iasa ang pangangailangan nito sa mga produktong
agrikultural sa Pilipinas.

May mga bansang may higit na suplay ng kapital samantalang sagana


naman ang iba sa lakas-paggawa, maaapektuhan nito ang lokal na
halaga ng panustos na salik.

Sa bansang tulad ng Pilipinas, higit na mura ang lakas-paggawa kaysa


United States kung saan masidhi ang paggamit ng kapital.

Nagkaroon ng kalakalang panlabas bunga ng pangangailangan ng mga


bansa ng mga produkto at mga paglilingkod na hindi matutustusan ng
mga likas na yaman o teknolohiya ng isang bansa.

Lumago rin ang kalakalang panlabas dahil sa pagnanais ng isang


bansang makatubo nang malaki sa pagluluwas ng maraming produkto
sa ibang bansa.

Malinaw na pabor sa ekonomiya ng isang bansa ang kalakalang


panlabas kung positibo ang balanse ng kalakalan. Nangangahulugan
ito na higit ang dami ng produktong iniluluwas kaysa dami ng
produktong inaangkat.

Ang Japan at United States ang dalawang pangunahing bansang


nakikipagkalakalan sa Pilipinas. Nakikipagkalakalan din ang Pilipinas
sa mga bansa sa Timog-silangang Asya, Europa, Kanlurang Asya, Timog
Amerika at Tsina.

Nangunguna ang produktong eletroniks at tela sa iniluluwas na kalakal


ng Pilipinas. Langis naman ang pangunahing inaangkat ng Pilipinas.

Naririto naman ang mga epekto ng kalakalang panlabas ng bansa:


 Pagbubukas ng ekonomiya sa mga malayang pwersa ng pamilihan
 Pagpapatibay ng pagtutulungang pang-ekonomiko at teknikal

 Pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor

 Paglinang ng mga Knowledge-based Industry

 Paglinang sa kakayahan ng lakas-paggawa

Alam mo ba?

Ang Department of Trade and Industry (DTI) ang pangunahing


kagawaran ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kalakalan, industriya at
pamumuhunan.

Mga organisasyon at samahan na may kinalaman sa ugnayang


panlabas ng Pilipinas

Habang lumalaki ang mga pamayanan, dumarami rin ang


pangangailangan ng mga tao. Dahil dito , kinakailangang mapabilis ang
paggawa ng mga kailangang bagay. Walang pamayanan o bansa ang
makapagsasabi na taglay nya ang lahat ng kanilang mga
pangangailangan. Bawat bansa at may kakulangan kung kaya
kailangang makipag-ugnayan sa ibang bansa. Samahang internasyonal
ang tawag sa mga instusyon kung saan nagmumula ang mga kasapi sa
dalawa o mahigit pang estado.

World Trade Organization (WTO)

Ang WTO ang tanging samahang pandaigdigang nangangasiwa sa mga


patakaran ng kalakalan. Noong 2012 ang WTO ay may 153 bansang
kasapi na pana-panahong nagpupulong upang ayusin, magtakda at
nagpapatupad ng mga kasunduan sa pandaigdigang kalakalan. Ang
World Trade Organization ay inaasahang tutupad sa ideya na
pagpapalaganap ng pandaigdigang kayamanan sa paraang
pandaigdigang kalakalan o globalisasyon. Ang himpilan ng WTO ay
matatagpuan sa Geneva, Switzerland.
Ang misyon ng WTO katulad ng iba pang mga samahan, ito ay may
tungkuling nararapat gampanan. Dapat pang-isahin ng WTO ang lahat
ng mga kasunduang pangkalakalan. Isinusulong nito ang isang maayos
ay malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga
hadlang sa kalakalan (trade barriers) at pagbibigay ng isang
plataporma para sa mga negosasyon. Nakaantabay rin ang
organisasyong ito sa mga patakarang pangkalakalan ng mga bansa at
nakahandang magbigay ng tulong mapateknikal man o magbigay ng
mga pagsasanay para sa mga bansang papaunlad.

Asia-Pacific Economic Cooperation

Ang Asia-Pacific Economic Cooperation ay samahan ng mga bansa


matatagpuan sa Asya-Pasipiko na sinimulang buuin sa bansang Hapon
noong 1980 at pormal na naitatag noong Enero 1989. Ito ay
naghahangad na iangat ang ekonomiya at malayang kalakalan sa
buong rehiyon, gayun din sa malayang pandaigdig na kalakalan. Ito ay
nagsisilbing forum upang maipahayag lahat ng usaping pang-
ekonomiya ng mga bansang matatagpuan sa rehiyon ng Asia-Pacific.

Nagkaroon ng unang pagpupulong ang mga pinunong Pang-ekonomiya


ng APEC at dito binalangkas ng Three Pillars ng APEC:

 Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan.


 Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo.

 Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal.

Ang APEC ay ang natatanging pangkat ng mga pamahalaan na bukas


na pakikipag-usap at pantay- na paggalang sa mga pananaw ng mga
kasaping bansa. Sa taong 2012 ang APEC ay binubuo ng 21 bansang
kasapi na tinaguriang mga member economy. Ang APEC ay walang
kasunduang ipinipilit sa mga kalahok na siyang kaibahan sa WTO, ito
ay kumikilos batay sa mga non-binding commitment at iba pang lupong
pangkalakalang.
Ang kontribusyon ng kalakalang panlabas sa pag-unlad ekonomiya ng
bansa

Ang pandaigdigang kalakan ay isang paraan upang mapunan ang mga


pangangailangan sa isang bansa para sa mga kagamitan o bagay na
wala itong sapat na produksiyon. Ang pamahalaan, kasama ng iba’t
ibang ahensiyang pangkalakalan ay naglulunsad ng mga programa at
gawain upang matiyak ang patuloy at maayos na kalakang
pandaigdigan sa bansa.

Nagkakaroon ng pagkikipag-kalakalan ang mga bansa sapagkat


walang bansa ang may kakayahang matugunan lahat ng pangangailan
nito. Patuloy ang pakikipag-ugnayan at pagkikipagkalakalan ng
produkto at serbisyo dahil sa ganitong rason. Layunin ng bawat
kalahok sa pakikipagkalakalan ang magandang paglika ng produkto at
serbisyo.

Hindi matatawaran ang kabutihang dulot ng pakikipagkalakan ng isang


bansa. Ang mga sumusunod ay mga kontribusyon ng kalakalang
panlabas sa pag-unlad ng bansa.

1. Ito ay nagpapalawak sa mga pamilihan kung kaya mas maraming


produktong mapagpipilian.
2. Nagkakaroon ng epesyalisasyon ayon sa prinsipyo ng
comparative advantage.

3. Nagpapalago at nagpapalawak sa pamumuhunan.

4. Nagaganyak ang marami na magpakilala ng mga pagbabago sa


kalidad at antas ng mga produktong lilikhain.

5. Naisasaayos at nagiging matatag ang pandaigdigang samahan.

Sa bawat panahon ng pamumuno ng iba't ibang pangulo ng bansa,


sinikap nilang maibangon ang unti-unting pagbagsak ng ekonomiya ng
bansa. Bumuo ang bawat isa sa kanila ng mga programa upang
mapahusay ang takbo ng ating ekonomiya at maiangat ang
pamantayan ng kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.
Sa kasalukuyang kalagayan ng ating kalakalan, malaki pa ang pag-asa
ng ating bansa na mapabuti ang kalagayan nito kung tayo ay sama-
samang kikilos para lalo pang mapagbuti ang kasalukuyang kalagayan
ng ekonomiya lalo na sa aspeto ng pandaigdigang kalakalan.
Kailangang patuloy na pairalin ng mga Pilipino ang tunay na
pagmamahal sa bansa sa larangan ng paggawa, pangangalakal at
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa, at sa paglinang sa kultura sa
pamamagitan ng patuloy na paghubog sa kakayahan, kasanayan at
talino ng mamamayan upang makatulong sa pag-unlad ng bansa.

You might also like