You are on page 1of 32

PAIKOT NA DALOY

NG EKONOMIYA
Gng. Sherrine A. Gannaban
Gawain Blg. 01:Pagsusuri ng mga larawan

SSAMBAHAYAN
__B_ H ___
Ito ang_ nagmamay-ari ng
salik ng produksiyon at
tumatanggap ng kabayaran
tulad ng sahod para sa
manggagawa, interes para
sa capital, tubo para sa
entreprenyur at renta paras
a lupa.
Gawain Blg. 01:Pagsusuri ng mga larawan
BBAHAY-KALAKAL
_ H _ _ - K_ _ _ _ _L
Dito nagpoprodyus ng
produkto at serbisyo sa
pamamagitan ng
pagpoproseso ng mga
hilaw na materyales
upang maging isang
ganap na produkto
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA
•Sa paikot na daloy ng ekonomiya ay
may dalwang mahalagang sektor.
Seatwork #02: Upward-Arrow Knowledge Chart –
IRF (Initial-Refined-Final Idea)
• Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang
ng kaunlaran ng mag-aaral sa pagkatuto. Sa bahaging ito
ay pupunan nila ang IRF (Initial Refined-Final Idea)
upang masukat ang inisyal na (Initial Idea) kasagutan ng
mag-aaral sa katanungang nasa ibaba .
• “Papaano gumagana ang pambansang ekonomiya upang
mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan tungo sa pagtamo
ng pambansang kaunlaran?”
Ang refined area ay sasagutan lamang pagkatapos ng
bahagi ng paunlarin at ang final idea ay pupunan
pagkatapos ng gawain sa pagnilayan.
Seatwork #02: Upward-Arrow Knowledge Chart –
IRF (Initial-Refined-Final Idea)

Paano nakatutulong ang iba’t ibang modelo ng paikot na


daloy ng ekonomiya sa paglago ng ekonomiya o pagtamo
ng pambansang kaunlaran?
CIRCULAR FLOW
•Tumutukoy sa paikot na daloy ng
pambansang ekonomiya
•Payak na paglalarawan sa dalawang
pangunahing actor ng ekonomiya;
ang bahay-kalakal at sambahayan
Ang kita sa isang simpleng
ekonomiya ay ang halaga ng
produksiyon sa takdang panahon.
Factor Market
Commodity of
Good market
Interdependence
May dalawang pagsukat ng kita
sa pambansang ekonomiya.
1. Kaabuuang halaga ng gastusin
ng bahay-kalakal at
sambahayan
2. Kabuuang halaga ng kita ng
bahay-kalakal at sambahayan
IKALAWANG MODELO: PAMILIHAN
• Sa ikalawang modelo, ang paglago ng ekonomiya ay
nakabatay sa pagtaas ng produksiyon. Upang maitaas
ang produksiyon, kailangang marami ang magagamit na
salik ng produksiyon. Bukod dito, kailangang maitaas din
ang antas ng produktibidad ng mga salik. Samakatuwid,
kailangan ng paglago ng kapital. Kailangang dumami
ang oportunidad sa trabaho. Kailangang malinang ang
produktibidad ng lupa. Kailangang mapag-ibayo ng
entreprenyur ang kanyang kaalaman sa pagpapatakbo ng
negosyo. Sa ganitong kalagayan, tataas ang mga kita ng
sambahayan at bahay-kalakal.
Financial Market
May dalawang paraan ng
pagtatakda ng kita sa
pambansang ekonomiya.
1.Kaabuuang halaga ng
gastusin ng bahay-kalakal at
sambahayan (kasama na ang
pamumuhunan ng bahay
kalakal
2. Kabuuang halaga ng kita ng
bahay-kalakal at
sambahayan (Kasama ang
interes na nakukuhang
sambahayan sa pag-iimpok)
IKATLONG MODELO :PAMILIHANG
PINANSYAL
• Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng
produksiyon. Mahalagang punto rin sa ikatlong modelo ang mga
nabanggit sa ikalawang modelo. Ngunit may mga karagdagang dala
ang pagsulpot ng mga gawain na pag-iimpok at pamumuhunan. Ang
paglago ng ekonomiya ay nakabatay rin sa paglaki ng pamumuhunan.
• Upang maging matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon
ang sambahayan. Kailangan din na may sapat na dami ng bahay-
kalakal na handang mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng
bahay-kalakal, tataas ang produksiyon ng mga kapital na produkto.
Inaasahan na darami rin ang mabubuksang trabaho para sa paggawa.
Sa ganitong modelo ng ekonomiya, mahalagang balanse ang pag-
iimpok at ang pamumuhunan.
Terminolohiya
• Sabsidiya – Ito ang tulong na ibinibigay
ng pamahalaan para maisakatuparan ang
mga gawain ng sektor ng ekonomiya
• Pag-iimpok – Ito ay tumutukopy sa
kitang itinabi para gamitin sa hinharap
• Pamumuhunan – Ito ay tumutukoy sa
pagdaragdag ng istak o puhunan para sa
pagpapalaki ng produksiyon ng bahay-
kalakal
GABAY NA TANONG:

1. Ilarawan ang ugnayan ng


bahay-kalakal at sambahayan sa
bawat modelo ng paikot na daloy
ng ekonomiya.
Public revenue – tawag sa
kita ng pamahalaan mula sa
buwis
May dalawang paraan ng
pagtatakda ng kita sa pambansang
ekonomiya.
1. Kabuuang halaga ng gastusin
ng bahay-kalakal, sambahayan
at pamahalaan.
2. Kabuuang halaga ng kita ng
bahay-kalakal at sambahayan at
pamahalaan.
IKATLONG MODELO: PAMAHALAAN
• Sa ikatlong modelo, ang paglago ng pambansang ekonomiya ay
may tatlong pinagbabatayan: una, ang pagtaas ng produksiyon;
ikalawa, ang produktibidad ng pamumuhunan; at ikatlo, ang
produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan.
• Upang maging matatag ang ekonomiya, mahalagang makalikha ng
positibong motibasyon ang mga gawain ng pamahalaan.
Mahalagang maihatid ang mga pampublikong paglilingkod na
ipinangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis. Hangad ng
bawat sektor na makita ang kinahinatnan ng kanilang pagbabayad
ng buwis. Sa pagsingil ng buwis, mahalagang hindi mabawasan
ang produktibidad ng bawat sektor. Hindi maiiwasan na magtaas
sa pagsingil ng buwis. Ngunit mahalaga na hindi makaramdam ng
paghihirap ang mga sektor sa pagtataguyod ng mga
pangangailangan at kagustuhan.
IKATLONG MODELO: PAMAHALAAN
• Sa aspekto ng gastusin ng pamahalaan, mahalagang
mapag-ibayo ang mga kaalaman at kakayahan ng
sambahayan at bahay-kalakal. Ang mga pampublikong
paglilingkod ay dapat maging produktibo. Hindi dapat
maging palaasa ang mga tao sa tulong na ibibigay ng
pamahalaan. Hindi rin dapat makipagkompetensiya ang
pamahalaan sa pamumuhunan ng pribadong bahay-
kalakal. Sa oras na maganap ito, marami ang
magtatanggal ng puhunan sa bansa. Marami ang
mawawalan ng trabaho at kita. Ang buong ekonomiya ay
aasa na lamang sa gawain ng pamahalaan

You might also like