You are on page 1of 25

Aralin 19

Patakaran ng Pananalapi
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Patakarang Pananalapi
(Monetary Policy)
• Ito ay may kinalaman sa pamamahala o
pagkontrol sa suplay ng salapi upang
patatagin ang halaga ng salapi sa loob at
labas ng bansa at tiyakin na magiging
matatag ang buong ekonomiya.
• Ang mga institusiyon ng pananalapi ang may
malaking pananagutan sa pagpapatupad ng
patakaran sa pananalapi sa pangunguna ng
Bangko Sentral ng Pilipinas.
Patakarang Pananalapi
(Monetary Policy)
• Ang patakaran sa pananalapi ay isang
sistemang pinaiiral ng BSP upang
makontrol ang supply ng salapi sa
sirkulasyon.
• Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring
magpatupad ng expansionary money
policy at contractionary money
policy.
Expansionary Money Policy
aka easy money policy
• Layunin nito na mahikayat ang mga
negosyante na palakihin o magbukas ng
bagong negosyo.
• Ibababa ng pamahalaan ang interes sa
pagpapautang kaya mas maraming
mamumuhunan ang mahihikayat na
humiram ng pera upang idagdag sa kanilang
mga negosyo
Contractionary Money Policy
aka tight money policy
• Layunin nito na mabawasan ang paggasta
ng sambahayan at ng mga mamumuhunan.
• Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan
din ang produksiyon.
• Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo
at nagiging dahilan sa pagbagal ng
ekonomiya.
• Ang kalagayang ito ang ninanais ng
pamahalaan upang mapababa ang
implasyon.
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Itinatag sa pamamagitan ng
Republic Act No. 7653, ang BSP
ay itinalaga bilang central
monetary authority ng bansa.
• Layunin nito na mapanatili ang katatagan
ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi.
• Namamahala sa mga patakaran ng
pamahalaan tungkol sa pananalapi,
pagbabangko at pagpapautang.
Institusyon ng Pananalapi
• Ito ang pangunahing institusyon na
inaasahan ng pamahalaan na
mamamahala sa paglikha, pagsu-
supply, pagsasalin-salin ng salapi sa
ating ekonomiya.
• Nahahati ito sa dalawang uri; ang
bangko at di-bangko.
A. Bangko
• Isang uri ng institusyong
pampananalapi na
tumatanggap at lumilikom
na labis na salapi na
iniimpok ng tao at
pamahalaan.
• Ito ang nagsisilbing
tagapamagitan sa mga
taong may labis na salapi
at mga negosyanteng
namumuhunan sa bansa.
Top 10 Banks in the Philippines
1. BDO, Banco De Oro (# 1 in assets,
deposits, loans and capital)
2. BPI, Bank Of The Philippine Islands (# 2 in
deposits and loans, #3 in assets and capital,
3. Metrobank ( #2 in assets and capital, #3 in
deposits and loans
4. Landbank of the Philippines ( #4 in assets,
deposits, loans and capital)
5. RCBC, Rizal Commercial Banking Corp. (#5
in assests, #6 in deposits, loans and capital)
Top 10 Banks in the Philippines
6. PNB, The Philippine National Bank (#7 in
assests, deposits, and loans. #10 in capital.)
7. China Bank, Philippines (#5 in deposits and
loans. #8 in assests and capital.)
8. UnionBank ( #5 in capital, #8 in deposits, #9
in assets and #10 in loans.)
9. DBP, Development Bank of the
Philippines (#6 in assets and capital. #9 in
deposits and loans.)
10. Security Bank (#8 in loans, #9 in capital, #10
in assests)
Mga Uri ng Bangko
1. Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank) – ito ay
tinatawag din sa savings bank na humihikayat sa
mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi
ng kanilang kita.
• Savings and Loan Association – nagpapahiram ng salapi
at tumatanggap ng impok na pera ng mga kasapi nito
• Private Development Bank – tumatanggap ng deposito ng
mga mamamayan na nagagamit sa pagpaphiram ng mga
puhunan sa mga small ang medium scale industries.
• Savings and Mortage Bank – humihikayat din sa tao na
mag-impok at tumanggap ng sanla ng publiko bilang prenda
sa pangungutang ng puhunan.
2. Bangkong Komersyal (Commercial Bank) – Ito
ang bangko na nikikipag-ugnay sa mga nag-iimpok
at mga negosyante at kapitalista.
3. Bangkong Rural (Rural Bank) – mga bangko na
ngalalayong tulungan ang mga magsasaka upang
magkaroon ng puhunan.
4. Trust Companies – bangko na nangangalaga sa
mga ari-arian at kayamanan ng mga tao na walang
kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian
lalo na ng mga bata. Inaasikaso din ng bangkong
ang mag pondo at ari-arian ng simbahan at mga
charitable institutions.
5. Mga Espesyal na Bangko
 Land Bank of the Philippines –
itaguyod ang pagpaptupad ng
reporma sa lupa. May kinalaman
ito sa pagsasaayos ng pondo ng
pamahalaan ukol sa reporma sa
lupa.
5. Mga Espesyal na Bangko
 Development Bank of the Philippines
(DBP) – ito ang nagbibigay tulong
pinansyal sa pagpapatupad ng mga
programa at proyekto na magpapaunlad
ng pangunahing sektor ng ekonomya,
ang agrikultura at industriya.
5. Mga Espesyal na Bangko
 Al-Amanah Islamic Investment Bank
of the Philippines (Al-Amanah) –
Itinatag ito sa ilalim ng Republic Act No.
6848, layunin ng bangkong ito na
tulungan ang mga Pilipinong Muslim na
magkaroon ng puhunan at mapaunlad
ang kanilang kabuhayan.
B. Mga Institusyong Di-Bangko
Maaaring ituring na nasa ilalim ng
institusyon ng pananalapi ang mga ito
sapagkat tumatanggap sila ng
kontribusyon mula sa mga kasapi,
pinalalago ito at muling ibinabalik sa mga
kasapi pagdating ng panahon upang ito ay
mapakinabangan.
Kooperatiba
• Ito ay isang kapisanan na binubuo
ng mga kasapi na may
nagkakaisang panlipunan o
pangkabuhayang layunin.
• Para maging ganap na lehitimo ang
isang kooperatiba, kailangan itong
irehistro sa Cooperative
Development Authority (CDA).
• Ang mga kasapi sa isang
kooperatiba ay nag-aambag ng
puhunan at nakikibahagi sa tubo,
pananagutan, at iba pang
benepisyong mula sa kita ng
Pawnshop (Bahay-Sanglaan)
• Itinatag ito upang magpautang sa mga
taong madalas mangailangan ng pera at
walang paraan upang makalapit sa mga
bangko.
• Ang mga indibidwal ay maaaring
makipagpalitan ng mahahalagang ari-
arian tulad ng alahas at kasangkapan
(tinatawag na kolateral) kapalit ng
salaping katumbas ng isinangla, kasama
na ang interes.
Pension Funds
• Pag-IBIG Fund –
Pagtutulungan sa
kinabukasan – Ikaw,
Bangko Industriya at
Gobyerno ay itinatag
upang matulungan ang
mga kasapi nito na
magkaroon ng sariling
bahay.
Pension Funds
• Government Service
Insurance System
(GSIS) – Namamahala
sa pagkakaloob ng
tulong sa mga
manggagawa ng
pamahalaan.
Pension Funds
• Social Security
System (SSS) – Ito
ang nagkakaloob ng
seguro sa mga
manggagawa sa mga
pribadong industriya at
kompanya.
Pre-Need
Ang Pre-Need Companies ay mga
kompanya o establisimyento na rehistrado
sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na
lisensiya na mangalakal o mag-alok ng
mga kontrata ng preneed o pre-need
plans.
Insurance Companies
(Kompanya ng Seguro)
Ang insurance companies ay mga
rehistradong korporasyon sa SEC at
binigyan ng karapatan ng Komisyon ng
Seguro (Insurance Commission) na
mangalakal ng negosyo ng seguro sa
Pilipinas.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok sa


bangko sa buhay ng tao? Paano ito
nakakatulong sa kanyang pag-unlad.
References:

• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para


sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like