You are on page 1of 9

REVIEWER IN ECONOMICS

SEKTOR NG AGRIKULTURA

- Gawain ng pagp-prodyus o pag-likha ng pagkain at mga hilaw na produkto, pagtatanim ng mga


halaman at pag-aalaga ng hayop na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao
- Lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at
mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon

Paghahalaman (Farming)

- Binubuo ng pagtatanim at pag-ani ng mga pangunahing pananim sa bansa gaya ng palay, mais,
tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako at abaka.

Paghahayupan (Livestock)

- Binubuo ng pag-aalaga ng mga hayop. Ito ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga


pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.

Pangingisda (Fishery)

- Pag-aalaga sa mga isda. Ito ay nauuri sa tatlo:

 Komersiyal – Gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong


tonelada para sa mga gawaing pangkalakaln o pagnenegosyo at sakop ng operasyon ang
15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.

 Munisipal – Gumagamit na bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas


mababa pa at ito ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo

 Aquaculture – Pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t
ibang uri ng tubig pangisdaan.

Paggugubat (Forestry)

- Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veener. Pinagkakakitaan din ang
rattan, nipa, anahaw, kawayan at pulot-pukyutan

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA

1. Ito ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain


2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto
a. Puno ng goma = Gulong/Tsinelas
b. Kahoy = Muwebles
c. Dahon/Ugat ng halaman = Pagkain/Gamot
3. Pinagkukunan ng Kitang Panlabas
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa Sektor Agricultural patungo sa Sektor ng
Industriya at Paglilingkod

MGA SULIRANIN

PAGSASAKA

1. Pagliit ng lupang pansakahan

a. Conversion – Ang pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan


na magdudulot ng pagkasira ng natural na tahanan ng mga hayop at halaman.

2. Paggamit ng teknolohiya
3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran
4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal

PANGISDAAN

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda


2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan
3. Lumalaking populasyon sa bansa

a. Ayon kay Thomas Malthus, ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring magdulot
ng kahirapan na kalaunan ay kakulangan sa pagkain.
4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

PAGGUGUBAT

1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan


a. Nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa industriya
b. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila nakakapagparami
c. Pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon
d. Pagkaubos ng mga watershed o ang suplay ng tubig na ginagamit na irigasyon ng mga
sakahan
e. Pagguho ng lupa dahil sa kawalan ng puno
f. Natatangay ng agos ng tubig ang lupa kasama na ang sustansiya nito, kaya hindi nagiging
produktibo ang mga pananim na itatanim ditto
MGA BATAS SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Sistemang Torrens sa panahon ng mga


Land Registration Act ng 1902 Amerikano. Ang mga titulo ng lupa ay ipinalatang
lahat.

Pamamahagi ng mga lupaing pampubliko sa mga


pamilyang nagbubungkal ng lupa. Ang bawat
Public Land Act ng 1902
pamilya ay maaaring mag-ari ng hindi hihigit sa16
ektarya ng lupain.

Pagtatag sa National Resettlement and


Rehabilitation Administration (NARRA).
Batas Republika Bilang 1160 Nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain
para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa
pamahalaan pati ang mga pamilyang walang lupa

Nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-aabuso,


Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 pagsasamantala at pandaraya ng mga may ari ng
lupa sa mga manggagawa

Malawakang reporma sa lupa. Nilagdaan ni


Pangulong Diosdado Macapagal noong Agosto 9,
Agricultural Land Reform Code
1963. Ang nagbubungkal ng lupa ay ang tunay na
may-ari nito.

Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa


Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 lupa ang Pilipinas. Ito ay utos ng dating
Pangulong Marcos

Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na


Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 inaprobahan ni Dating Pangulo Corazon Aquino
noong Hulyo 10, 1988

SEKTOR NG INDUSTRIYA

- Isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran


- Pangunahing layunin ay maiproseso ang mga hilaw na material o sangkap na material upang
makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao

Pagmimina

- Mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing
tapos na produkto
Pagmamanupaktura

- Paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina

Konstruksiyon

- Pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land improvements

Utilities

- Pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig,


kuryente, at gas.

Modernization Theory ni Walt Rostow

Batay sa artikulo ni Peter Kasanda

- Ang kaunlaran ay matatamo kung susundan ang mga dinaraanang na proseso ng mga mauunlad
na bansa

KAHINAAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA

• Policy Inconsistency – Kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang susuporta sa


pagpapalakas ng industriya

• Inadequate Investment – Mababang antas ng pamumuhunan sa Pilipinas kompara sa mga


karatig bansa.

• Macroeconomic Volatility and Political Instability – Ang kahinaan ng mga elemento ng


makroekonomiks at ang kaguluhang political sa bansa sa iba’t ibang panahon ay nagtulak sa mga
local at dayuhang mamumuhunan na huwag magnegosyo sa bansa.

Ayon sa mga ekonomistang tulad nina Adam Smith, Marx Engels, at John Williamson, ang kaugnayan ng
industriyalisasyon sa kaunlaran ang patuloy na motibasyon ng maraming bansa na mapataas ang
produksiyon ng sektor ng ekonomiya.

Ang Industriyalisasyon ay nakapagdudulot ng:

• Mataas na antas ng polusyon


• Hindi pagkakapantay ng kalagayang pang-ekonomiko
• Pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng kompetisyon
SEKTOR NG PAGLILINGKOD

- Ang pagbibigay serbisyo o gawain na isinasagawa ng isang tao para sa kapakanan ng mga
mamayan

MGA AHENSIYANG TUMUTULONG SA SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa


Department of Labor and Employment (DOLE)
pagtratrabaho, at nangangalaga sa kapakanan ng
mga manggagawa.
Overseas Workers Welfare Administration Ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa
(OWWA) kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers

Isinusulong ng batas na ito na hikayatin ang


Technical Education and Skills Development buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga
Authority (TESDA) lokal na pamahalaan, at mga institusiyong
teknikal at bokasyonal

Nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng


mga manggagawang propesyonal upang matiyak
Professional Regulation Commission (PRC)
ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyo sa
bansa

Nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at


Commission On Higher Education (COHED) kolehiyo sa bansa upang maitaas ang kalidad ng
edukasyon sa mataas na antas

MGA BENEPISYO NG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO

Ito ang batas na nagsasaayos ng pinakamababang


Wage Rationalization Act (RA 6727)
sahod sa iba’t ibang industriya.

Tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na


Holiday Pay (Artikulo 94) katumbas ng isang araw na sahod kahit hindi
pumapasok sa araw ng pista opisyal

Ito ay tumutukoy sa karagdagang bayad sa


Premium Pay (Artikulo 91-93) manggagawa sa loob ng walong oras na trabaho
sa araw ng pahinga at special days

Ito ay tumutukoy sa karagdagang bayad sa


Overtime Pay (Artikulo 87)
pagtratrabaho na lampas sa walong oras

Night Shift Differential (Artikulo 86) Ito ay tumutukoy sa karagdagang bayad sa


pagtratrabaho sa gabi na hindi bababa sa 10% na
kaniyang regular na sahod sa bawat oras na
nagtratrabaho sa pagitan ng 10pm at 6am

Ang mga manggagawa sa isang establisimyento


na kumokolekta ng service charges ay may
Service Charges (Artikulo 96)
karapatan sa isang pantay na bahagi sa 85% na
kabubuuang koleksiyon

Ang mga mangagagawang nakapaglingkod na


hindi bababa sa isang taon ay dapat magkaroon
Service Incentive Leave (SIL)
ng karapatan sa taunang SIL na limang araw na
magbayad

Ang mga nagdadalang-taong nagtratrabaho sa


Maternity Leave isang pribadong sektor ay makakatanggap ng
mga benepisyo

Maaring magamit ito ng empleyadong lalaki sa


Paternity Leave unang apat na araw mula ng manganak ang legal
na asawa na kaniyang kapisnan

Ipinagkaloob ito sa sinumang indibidwal na


Parental Leave for Solo Parents napagiwanan ng responsibilidad ng pagiging isang
magulang

Ang mga babaeng empleyado na biktima ng


Leave for victims of violence against women and
pang-aabuso ay maaaring gamitin ang leave na
children (RA 9262)
ito

Kahit sinong babaeng manggagawa ay may


karapatan sa leave na ito kung ang empleyadong
Special Leave para sa Mga Kababaihan
babae ay mayroong gynecological disease na
sinertipikahan ng isang physician

Kinakailangan lamang na makapaglingkod ang


manggagawa na hindi bababa sa loob ng isang
Thirteenth-Month Pay
buwan sa isang taon upang makatanggap sila ng
proportionate 13th month pay

Mayroong bayad sa paghiwalay sa trabaho kung


Separation Pay
may mga awtorisadong kadahilanan

Ang sinumang manggagawa ay pwedeng


magretiro kapag umabot na siya sa edad na 60
Retirement Pay
hanggang sa edad na 65 at nakapaglingkod na
hindi bababa sa limang taon
Ginawa ito ng gobyerno upang magbigay ng isang
compensation package para sa mga manggagawa
Benepisyo sa Employee’s Compensation
o dependents pag ito ay nagkasakit na may
Program
kaugnayan sa trabaho, pinsala, kanpansanan, o
kamatayan.

Nakukuha ito sa pagkakaltas ng suweldo upang


PhilHealth ito ay itulong sa mga kasapi na may sakit o
naospital.

Ito ay nagbibigay ng isang pakete ng mga


benepisyo sa pagkakataon ng kamatayan,
SSS
kapansanan, pagkakasakit, pagiging ina, at
katandaan ng empleyado.

Ito ay isang sistema ng pag-iimpok at makukuha


PAG-IBIG sa tamang panahon ang lahat ng iyong inilagay at
ang pangunahihng investment ay pabahay.

IMPORMAL NA SEKTOR

- Ayon sa International Labour Organization, ang impormal na sector ay binubuo ng mga yunit na
nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o
trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito.
- Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda.

W. Arthur Lewis

- Ayon sa kaniyang economic development model, inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay
na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries).
- Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya.

Keith Hart

- Isang antropolohistang ingles na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong


naninirahan sa Acrra, Ghana.
- Ginamit ni Hart ang konseptong impormal na sector upang ilarawan ang uri ng mga hanapbuhay
ng mga tao rito.

AYON SA PAPEL NI CLEOFE S. PASTRANA

Kaniyang binigyang-diin; “Ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng


empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at
serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan.”
AYON SA ARTIKULO NI CIELITO HABITO

- Sa Philippines Daily Inquirer, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng


impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinatawag niya rin ang impormal na sektor bilang
underground economy o hidden economy.

HALIMBAWA NG MGA TAONG KABILANG SA SEKTOR NA ITO:

LEGAL: ILLEGAL:

• Nagtitinda sa kalsada (sidewalk • Prostitusyon


vendors) • Illegal na pasugalan
• Pedicab driver • Pamimirata (piracy)
• Karpintero • Mga optical media gaya ng compact
• Mga hindi rehistradong operasyon disc (CD) at digital video disc (DVD
ng mga pampublikong sasakyan
(colorum)

AYON KAY HEDAYET ULLAH

- Ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon. Ang pag-iral nito sa iba’t-
ibang bansa ay kakikitaan lamang ng pagkakaiba-iba nito ayon sa lawak, dami, at
pangkalahatang sistema ng operasyon.

EPEKTO NG IMPORMAL NA SEKTOR SA ATING EKONOMIYA:

• Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis


• Bantas sa kapakanan ng mga mamimili
• Paglaganap ng mga illegal na Gawain

Isinulong ng batas na ito ang tinatawag na Social


Social Reform and Poverty Alleviation Act of Reform Agenda (SRA) ana naglalayong iahon sa
1997 kahirapan ng mga Pilipinong kabilang sa
impormal na sektor

Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa


ng ating bansa para sa layunin ng United Nations
Magna Carta of Women (UN) para sa Convention on the Elimination of all
Forms of Discrimination Against Women’s
(CEDAW)

Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa


Philippine Labor Code para sa mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng
mga probisyon para sa “espesyal na
manggagawa”
Layunin ng batas na ito na hikayatin ang
Technical Education and Skills Development Act
kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t-ibang
of 1994.
sektor ng lipunan

Itinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng


estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod
Social Security Act of 1997
ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga
manggagawa.

Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine


Health Insurance Corporation (Philhealth) na
National Health Insurance Act of 1995 naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga
mamamayang Pilipino ng isang maayos at
sistematikong kaseguruhang pangkalusugan.

MGA PROGRAMA:

Nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa


DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga
(DILP) mamamayan. Partikular na para sa mga self-
employed at mga walang sapat na hanapbuhay.

Nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang


mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang
SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng
PAROGRAM (SEA-K) sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo
ng mga samahang panlipunan na maaaring
magpautang sa mga kasapi

Tinutulungan ng pamahalaan ang mga


INTERGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng
ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA) mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila
ang kanilang hanapbuhay.

Ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay


bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong
CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP) kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng
rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga
nasalantang lugar.

Ayon kay Bernardo Villegas, isang kilalang ekonomistang Pilipino, “Gugustuhin pa ng mga tao ang
lumabag sa batas kaysa magutom o mamatay”.

You might also like