You are on page 1of 3

ALOKASYON

Alokasyon - Ang pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman sa apat na salik ng produksyon,


ang:
 Lupa - renta/ upa
 Manggagawa - sahod
 Puhunan - interes
 Pamamahala – tubo

Alokasyon sa Iba’t-Ibang Sistemang Pang-ekonomiya

1. Tradisyunal na Ekonomiya - Ang pinakaunang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay


ang tradisyonal na ekonomiya. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.
2. Market Economy - Sa market economy, ang produksiyon atdistribusyon ng mga
produkto at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan na
ginagabayan ng isang sistema ng malayang pagtatakda ng halaga. Sa ganitong
sistema, ang bawat kalahok ay kumikilos alinsunod sa kanyang pansariling interes.
3. Command Economy - Sa command economy, ang ekonomiya aynasa ilalim ng
komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa
planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya
4. Mixed Economy - ay isang sistema nakinapapalooban ng element ng market economy
at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy.
Ngunit ito ay kinapapalooban ng kaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng
malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinapahintulutan ng
pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang korporasyon.

Mahahalagang Katanungang Pang-ekonomiko na may Kinalaman sa Alokasyon: (nasa page 54


yung meaning)

1. Ano’ng produkto at serbisyo ang dapat gawin?


2. Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?
3. Para kanino ang gagawing produkto at serbisyo?
4. Kailan dapat gagawin ang mga produkto at serbisyo?
5. Paano ipamamahagi ang mga nagawang produkto at serbisyo?

Pag-uugnay ng Kakapusan sa Alokasyon

1. Napakarami o walang hanggan ang pangangailangan at kagustuhan


2. May likas na limitasyon ang mga pinagkukunang yaman
3. Dapat ipamahagi ang pinagkukunang-yaman sa paraang matatamo ang
kasiyahan sapamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan

Mga Sistemang Pangkabuhayan


 Tumutukoy sa mga institusyong itinatag ng mga tao, bansa o pangkat ng mga bansa
bilang instrumento kung paano gagamitin ang limitadong pinagkukunang-yaman
upang matugunan ang pangangailangan ng estado

Mga Pwersang Bumubuo ng Sistemang Pangkabuhayan


1. Ang kasaysayang pangkultura na siyang pinagsimulan ng mga paniniwala, mithiin at
pagpapahalaga.
2. Ang yamang likas pati na ang kilma.
3. Ang mga pilosopiya at pananaw na siyang pinipili ng mga tao.
4. Ang mga nakaraan at mga kasalukuyang teorya na siyang nagging daan
para maisakatuparan angkanilang mga layunin.
5. Ang mga pagsubok at pagkakamali ng mga tao sa paghahangad nilang mabuhay

Ang Iba’t-ibang Sistemang Pangkabuhayan

1. Sosyalismo -nagsimula bilang protesta laban sa mga di-mabuting epekto ng


Rebolusyong Industriyal
2. Kapitalismo - sistemang ekonomiko na kontrolado ng mga indibidwal ang mga pribadong
kompanya. Tinatawag ring free enterprise
3. Komunismo - sistemang pang-ekonomiya na nagpapahintulot ng pangkalahatang
pagmamay-ari ng lahat ng salik ng produksyon sa pamamagitan ng pamamahala at
pagkontrol ng pamahalaan
4. Fascismo - sistemang pang-ekonomiya kung saan isang diktador ang humahawak sa
lahat ng industriya

PAGKONSUMO

Pagkonsumo - Pagbili o paggamit ng isang bagay o paglilingkod na makapagbibigay ng


kasiyahan sa mamimili otagagamitII.

Mga Salik na may kinalaman sa pagkonsumo


1. Prinsipyo ng kahalagahan ng pangangailangan (immediacy)
2. Halaga ng bilihin at kakayahang bumili
3. Motivation
4. Tatak ng pag-anunsyo ng produkto5.
5. Kaugalian o Salik-Kultural.

Mga Paraan ng Matalinong Mamimili


1. Isaayos at itala ang bilihin ayon sa kahalagahan
2. Suriin ang kondisyon ng gamit bago bilhin
3. Huwag bumili ng gamit na hindi kailangan
4. Iwasan ang pagbili ng mga gamit na second hand
5. Lagyan ng hangganan ang pamimili sa presyo
6. Magtanung-tanong ng halaga sa ibang tindahan
7. Piliin ang wastong panahon ng pagbili8.
8. Piliin kung saan mahusay mamiliI

Mga katangian ng Matalinong Konsyumer:


 Makatwiran (reasonable)
 Namimiling mabuti
 Sumusunod sa badyet
 Mayroong alternatibo
 Hindi nagpapadala sa artipisyal na kakulangan
 Hindi nagpapadayaV.
Mga Karapatan (Rights) ng mga Mamimili
1. Karapatan sa kaligtasan
2. Karapatan sa tamang impormasyon
3. Karapatang makagawa ng matalinong pagpili
4. Karapatang humingi ng kabayaran sa pinsalang dulot ng nabiling produkto
5. Karapatang magkaroon ng edukasyong pangmamimili
6. Karapatang mapakinggan
7. Karapatan sa malinis na kapaligiran

Mga Pananagutan (Responsibilities) ng mga Mamimili


1. Bayaran ang biniling kalakal sa napagkasunduang panahon
2. Pagtitipid sa paggamit ng kalakal upang mapanatili ang presyo nito
3. Pagbabawas sa pagbibili ng mga inaangkat na kalakal upang makatipid sa dolyar
4. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
5. Paghingi ng resibo

Mga Suliranin ng mga Mamimili


1. Pagkalito sa dami ng paninda
2. Kakulangan sa pamantayan
3. Pandaraya
4. Pagpili kung cash o hulugan

URI NG PAGKONSUMO
1. PRODUKTIBO - binibili ang produkto upang gamitin sa paglikha ng ibangprodukto.
Halimbawa: Ang mga modista na gumagamitng sinulid at tela sa paggawa ng damit.

2. TUWIRAN - nagtatamo agad ng kasiyahan sa pagbili at paggamit ngprodukto at


serbisyo.
Halimbawa:
 pag-inom ng gamot ng isang taong my sakit
 paggamit ng mga furniture
 pag-inom ng taong uhaw

3. MAAKSAYA - ang pagbili ng produkto ay hindi tumutugon sapangangailangan ng tao.


Halimbawa:
 paggamit ng appliances gaya ng t.v., radio atcomputer ng sabay-sabay
 ang paggamit ng ilaw na hindi naman kinakailangan.
 ang pabayang pag gamit ng tubig na hinahayaang tumutulo mula sa gripo

4. MAPANGANIB
Ang pagbili at paggamit ng produkto ay banta sa kalusuganng tao.
Halimbawa: ang paggamit ng pinagbabawal na gamot namagiging dahilan upang masira ang
kanyangkaisipan at pagkatao.

You might also like