You are on page 1of 7

YUNIT 3: MAKROEKONOMIKS

ARALIN 2: PAMABSANG KITA


Nasusukat ang produksyon at pambansang kita sa pamamagitan ng GNP at GDP

Pambansang Kita o Gross National Product (GNP) - ang halaga ng kabuuang ng mamamayan ng isang bansa sa loob
at labas ng pamabansang ekonomiya

Gross Domestic Product (GDP) – ang halaga ng kabuuang produksyon sa loob ng pambansang ekonomiya

Bilang mga panukat ng pambansang kita, ang GNP at GDP ay tinatawag na National Income Accouunts/Accounting

Tatlong Pamamaraan ng Pagsukat ng GNP at GDP

1. Pamamaraang Gastusin o Expenditure Approach – sinsukat ng pamamaraang gastusin ang pinaggagamitan


ng kita ng pambansang ekonomiya
 Gastusing personal (C) – mga gastos ng mamamayan
 Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal
 Gastusin ng pamahalaan (G) – ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong
panlipunan
 Gastusin ng panlabas na sector (X – M) - ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import
 Statistical discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman
kung saan ibibilang
 Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – kita ng pambansang ekonomiya mula sa mga salik ng
produksyon na nasa ibang bansa – pambayad sa dayuhang ekonomiya para sa angkat ng mga salik ng
produksyon
o Inflow – mga salik ng produksyon na iniluluwas sa mga dayuhang ekonomiya kung saan
kumikita ang pambansang ekonomiya
o Outflow – mga salik ng produksyon na inaangkat mula sa mga dayuhang ekonomiya

FORMULA: GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA

2. Value Added Approach – sinusukat dito ang karagdagang halaga ng produksyon ng bawat sektor ng
ekonomiya

FORMULA: GDP = Agriculture + Industry + Serivice o GNP = NFIFA + GDP

3. Pamamaraang Kita o Income Approach – sinsusukat ang lahat ng kita ng mga salik ng produksyon
 Sahod ng mga manggagawa – sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at
pamahalaan
 Net Operating Surplus – tinubo ng mga korporasyon pribado
 Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang pisikal
 Di-tuwirang buwis – kabilang dito ang sales tax, custom duties,at lisensya
 Subsidiya – salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan

FORMULA: Sahod ng mga manggagawa + Net Operating Surplus + Depresasyon + Di-tuwirang buwis
+ Subsidiya
ARALIN 3: UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT
PAGKONSUMO
KITA - halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. (nagtratrabaho- suweldo)
PAGKONSUMO - ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
PAG-IIMPOK/SAVINGS - Kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangaan at paraan ng
pagpapaliban ng paggastos.

Invesment o Pamumuhunan
Investment - ipon na ginamit upang kumita
Economic Investment – paglalagak ng pera sa negosyo
Personal Investment – paglalagay ng isang indibidwal ng kaniyang ipon sa mga financial asst katulad ng stocks, bonds o
mutual funds.

Financial Intermediaries – nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan

7 HABITS OF A WISE SAVER


1. Kilalanin ang iyong bangko
2. Alamin ang produkto ng iyong bangko
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko
4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan nito
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance
7. Maging maingat
ARALIN 4: IMPLASYON
IMPLASYON
 Ito ay isang economic indicator upang sukatin ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa
 Ayon sa the Economics Glossary, Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga
bilihan sa pamilihan
 Ayon naman sa aklat nina Parkin at Bade sa Economics (2010), ang implasyon ay pataas na paggalaw ng
presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo

Iba’t-Ibang Uri ng Price Index


1. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator – sumsukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at
serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon
2. Wholesale or Producer Price Index (PPI) – index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi
para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili
3. Consumer Price Index (CPI)- sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng
mga konsyumer
 Basket of Goods – naglalaman ng pangunahing pangangailangan ng mamamayan
 GNP at Constant Price = GNP current prices deflator
 FORMULA: CPI = total weighed price ng kasalukuyang taon / basehang tao

Uri ng Implasyon
1. Demand-Pull – ito’y nagaganap kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta ang samabahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan at panlabas na sector ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki ng
kabuuang produksyon
2. Cost-Push – ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga
bilihin
3. Structural Inflation – ay nagyayari dahil sa labis na pagsandal ng ekonomiya sa mga dayuhang capital at
pamilihan

Mga Dahilan
 Dolyar
 Import at Export
 Pamahalaan
 Produksyon
 Monopolyo

Increase ng Implasyon
= 0 – 5% mababa
= 5% pataas hyperimplasyon

Purchasing Power of Pesos (PPP) - Sinusukat ng PPP ang “tunay” na halaga ng iyong piso sa taong ninanais kumpara sa
nakatakdang taon (reference period)
 FORMULA: PPP = CPI ng batayang taon / CPI ng kasalukuyang taon

Mga Epekto:
 Pagdagsa ng produktong dayuhan
 Pagkontrol sa presyo ng mga produkto
 Pagbaba ng supply ng mga produksyon
 Tumaas ang demand
 Mangungutang at Nagpapautang
 Nag-iimpok
ARALIN 5: PATAKARANG PISKAL
PATAKARANG PISKAL
 Isang mahalagang estratehiya ng pamahalaan upang maisiguro ang katatagan ng ekonomiya ng bansa. Isa ito
sa mahahalagang aspekto ng ekonomiya na kinakailangan ang matalinong pagdedesisyon at pagpaplano ng
pamahalaan

Dalawang Paraan na ginagamit ng Pamahalaan:


1. Expansionary Fiscal Policy – isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng
bansa. Ipinapakita sa kondisyong ito na ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan dahil hindi
nagagamit ang lahat ng resources
2. Contractionary Fiscal Policy – ang paraang ito naman ay ipinapatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng
pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya
Ang Tungkulin at Gawain ng Pamahalaan sa Ekonomiya
1. Katatagan ng Ekonomiya - dapat sapat ang pondo at kita ng pamahalaan upang maipagkaloob sa mga
mamamayan ang mga serbisyon gpanlipunan na kanilang kailangan.
2. Pagkakaloob ng mga Serbisyong Panlipunan - Ayon sa Saligang-Batas,ang pagkakaloob ng mga serbisyong
panlipunan ay isang mahalagang tungkulin ng pamahalaan
3. Paggawa ng mga Publikong Produkto - Ang pamahalaan ay gumaganap bilang konsyumer at prodyuser,.Ito ay
lumilikha at bumibili ng ng produkto at serbisyo para sa kapakanan ng lahat ng mamamayan, mahirap man omayama
PAMBANSANG BADYET
 Ito ay ang kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon. Ito rin ang
nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng pamahalaan sa bawat sector ng ekonomiya
 Budget Deficit – kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kasya sa pondo nito
 Budget Surplus – kapag mas maliit ang paggasta kasya sa pondo ng pamahalaan
Expenditure Program – ito’y tumtukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang matugunan ang mga
pananagutan o obligasyon ng pamamahal sa loob ng isang taon. Nahahti ito sa tatlo:
1. Current Operating Expenditures – nakalaang halaga para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo
2. Capital Outlays – panustos para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo
3. Net Landing – paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito

IBA’T IBANG URI NG BUWIS


URI DEPINISYON
Ayon sa Layunin
Para Kumita (revenue generation) Ipinapataw ang mga buwis na may ganitong uri upang
makalikom ng pondo para magamit sa opersasyon nito
Para magregularisa (regulatory) Ipinapataw ang ganitong uri ng buwis upang mabawasan
ang kalabisan ng isang gawain o negosyo
Para magsilbing proteksyon (protection) Ipinapataw upang mapangalagaan ang interes ng sector na
nagangailangan ng proteksyon sa pamahalaan
Ayon sa Kung Sino ang Apektado
Tuwiran (direct) Tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal
Hindi Tuwira (indirect) Ipinapataw sa mga kalakal at paglilingkod kaya hindi tuwiran
ipinapataw sa mga indibidwal
Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw
Proporsiyonal (proportional) Pare-pareho ang porsiyentong ipinapataw anuman ang
estado sa buhay
Progresibo (progressive) Tumataas ang halaga ng buwis na binabayaran habang
tumataas ang kita ng isang indibidwal
Regresibo (regressive) Bumababa ang antas ng buwis kasabay ng paglaki ng kita
ARALIN 6: PATAKARANG PANANALAPI
KONSEPTO NG PERA
 Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo.
GAMIT NG SALAPI:
 Medium of Exchage
 Store of Value
 Unit of Cost
 Standard of Deffered Payments
 Ang pera ay instrumento na tanggap ng nagbibili at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo (medium of
exchange)

PATAKARANG PANANALAPI
 Tumutukoy sa mga patakarang ipinatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagkontrol ng pera, reyt
nginteres, at kondisyon ng kredito
 Tight Money Policy – ang pagbabawas ng money supply upang mabawasa ang labis na paggasta at uoang
mabawasan ang money supply
 Easy Money Policy – isinasagawa kapag labis na matamlay ang ekonomiya bunga ng kakulangan ng money
supply. Layuning nitong pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagdagdag ng money supply

Layunin ng Patakarang Pananalapi :


1. Pagpapatatag ng presyo
2. Paglago

Dalawang Polisiyang ipinapatupad ng BSP:


1. Expansionary Money Policy - isang pamamaraan ng pamahalaan, layunin nitong mahikayat ang mga
negosyanteng palakihin pa o magbukas ng panibagong negosyo
2. Contractionary Money Policy - kapag tumaas ang presyo, hinihingi ng mga mangagawa ang mas mataas na
sahod na magdudulot ng pagtaas ng salik ng produksyon

PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN
 Sa aspekto ng pag-iimpok at pamumuhunan ayon sa modelo ng paikot na daloy, ang pag-iimpok ay kitang
lumalabas sa ekonomiya, samantalang ang pamumuhunan ang magbabalik nito sa paikot na daloy

MGA BUMUBUO SA SEKTOR NG PANANALAPI

A. Mga Institusyong Bangko - Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao,
korporasyon at pamahalaan bilang deposito.
o Uri ng mga Bangko
o Commercial Banks
o Thrift Banks
o Rural Banks
o Specialized Government Banks
 Land Bank of the Philippines (LBP)
 Development Bank of the Philippines (DBP) -
 Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-Amanah)
B. Mga Institusyong Di-bangko - Maaaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga ito
sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi
o Kooperatiba
o Pawnshop o Bahay-Sanglaan
o Pension Funds
 Government Service Insurane System (GSIS)
 Social Security System (SSS)
 Pag-IBIG Fund
o Registered Companies
o Pre-Need
o Insurance Companies

C. Mga Regulator
o Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
o Ang Philippines Deposit Insurance Corporation (PDIC)
a) Bilang Tagaseguro ng Deposito (Deposit Insurer)
1. Pagbabayad ng Nakasegurong Deposito
2. Assessment at Collection
3. Risk Management
b) Bilang Receiver at Liquidator ng Nagsarang Bangko
1. Namamahala ng Nagsarang Bangko
2. Pagbebenta ng Ari-arian ng Nagsarang Bangko (Liquidation of Assests of Closed
Bank)
3. Bilang Imbestigador
o Securities and Exchange Commision (SEC)
o Insurance Commision (IC)

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS (BSP) - Itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya ng bansa
TUNGKULIN:
1. Tagapamahala sa mga bayaran
2. Paglabas ng pananalapi
3. Tagapag-utang ng huling dulog
4. Pangangasiwang pampananalapi
5. Tagapamahala sa reserba ng panlabas na pananalapi
6. Paniniyak sa patakaran sa halaga ng palitan

ANYO NG SALAPI:
1. Flat Money - Itinuturing legal tender dahil ito ay may garantiya ng pamahalaan, na nagagamit natin sa isang
transaksyon
2. Plastic Money - Ginagamit sa pagbayad ng mga produkto at serbisyo
3. Commodity Money - Ang mga bagay na ginagamit ng ating mga ninuno bilang instrumento ng palitan tulad ng
bigas, mais, pulseras, kwintas at iba pa.
4. Credit Money - ang mga instrumento ng kredit ay natinatanggap bilang kabayaran sa mga biniling produkto at
sebisyo

SISTEMA NG PAGMOMONEDA (COINAGE) – proseso ng pag-iimprenta ng salaping papel


URI NG PAGMONEDA:
1. Limitado – nagaganap kapag ang pamahalaan mismo ang bumibili ng tiyak na dami ng metal na
kakailanganin sa paggawa ng salaping barya
2. Di Limitade (Free Coinage) – kung saan kahit sino ang may pagkakataon na magpagawa ng kahit
gaano karaming barya mula sa metal na dadalhin sa mga plantang pagmomonedahan

 BRASSAGE – kabayaran na ipinapataw ng pamahalaan sa paggawa ng barya


 SEIGNIORAGE – bayad na sinisingil ng pamahalaan na mas mataas kaysa sa aktwal na ginastos sa paggawa ng
barya
 QUANTITY THEORY OF MONEY – teoryang na nagpapaliwanag na ang halaga ng salapi o ang kakayahan nitong
makabili ay nakasalalay sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin
Emergency Mickey MousePiloncitos Circulating Note MoneyPenniform Gold Bagong Lipunan Salaping base Barter Ring
sa Amerika Real Republika Pilipinas Papel MonedaSpanish Barilla Pesos Fuertes
1. Piloncitos - kauna-unahangginamit na salapi saPilipinas, ito ay nagmula sa salitang “Pilon” - isangsinaunang
lalagyanng asukal nakahawig ng hugis ngsalapi.
2. Penniform Gold Barter Ring – kaunaunahang baryasa ating bansana nadiskubreni Dr. Gilbert Perez.
3. Real de a Ocho - kilala din ito bilang Spanish dollar
4. Spanish Barilla - gawa satanso atpilak, ito angkauna-unahang barya na gawasa Pilipinas.
5. Pesos Fuertes - kaunaunahang papel na ginawa sa Pilipinas ng El Banco Espanol- Filipino de Isabella.
6. Republika Pilipinas Papel Moneda - salapi sa panahon ng Kalayaan mula sa Espanya.
7. Salaping base sa Amerika - Ipinasa ang Philippine Coinage Act (March 3, 1903) at ibinase angsalapi sa dolyar.
8. Mickey Mouse Money - salapi sa panahon ng haponsa Pilipinas
9. Emergency Circulating Money - salaping umiral sa panahon ng ikalawang digmaan
10. Bagong Lipunan - salaping inilalabas ng Bangko Sentralng Pilipinas (January 3,1949)

You might also like