You are on page 1of 2

1. Ang pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay nakaaapekto sa sambahayan.

Ano ang
epekto nito?
a. Ang pagbabago ng presyo ay naghihikayat ng pagbabago ng pagkonsumo.
b. Nakaaapekto sa kita ang anumang pagbabago ng presyo.
c. Ang pagbabago ng presyo ay nakaaapekto lamang sa mga may fixed na kita.
d. Ang pagbabago ng presyo ay nagpapabago sa badyet ng sambahayan.
2. Magtipid at mag-impok. Ito ang payo ng mga ekonomista upang makatulong sa ating suliraning
pang-ekonomiya. Nangangahulugan lamang ito na…
a. kinikilala ng mga ekonomista ang kontribusyon natin sa ekonomiya
b. ang pag-iimpok ay mabuting Gawain
c. ang pag-iimpok ay makatutulong sa pamumuhunan
d. ang pag-iimpok ay likas na ugali ng mga Pilipina
3. Matapos makaipon sa pagtatarabaho sa abroad, minabuti ni Jay na magnegosyo na lamang dito sa
Pilipinas. Nagsimula siya ng isang maliit na gawaan ng handicraft na may tatlong tauhan. Sa paanong
paraan nakatulong si Jay sa paglutas ng suliraning pang-ekonomiya n gating bansa?
a. Nakalikha siya ng karagdagang oportunidad sa trabaho
b. Nakapagbigay siya ng karagdagang kita sa kanyang pamilya
c. Nakapagpakilala siya ng bagong produkto
d. Maaari nang maging produktibo ang kanyang oras dito sa bansa
4. Sa kabila ng mga di magandang pangyayari sa Iraq, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nais
makipagsapalaran doon. Anong paglalahat ang angkop sa pangungusap?
a. malaki ang kita sa Iraq
b. madali ang trabaho sa Iraq
c. mahirap makakita ng trabaho sa Pilipinas
d. ayaw nila ng trabaho dito sa Pilipinas

5. Ang kakayahan ng isang bansa sa paglikha ng produkto at serbisyo ay sinusukat ng…


a. Gross National Product
b. Human Development Index
c. Corruption Index
d. Consumer Price Index
6. Matatag ang ekonomiya ng bansa kung ang GNP nito ay….
a. negatibo
b. positibo
c. tuloy-tuloy na paglago
d. mababa
7. Ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na…
a. implasyon
b. deplasyon
c. depresasyon
d. debalwasyon
8. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng implasyon?
a. dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe
b. dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga
c. bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga
d. mataas na halaga, bawas na produkto at serbisyo
9. Ang tight monetary policy ay isang paraan ng paglutas sa suliranin ng implasyon. Anong epekto nito
sa ekonomiya?
a. pagdami ng salapi sa sirkulasyon
b. pagbaba ng interes sa deposito sa bangko
c. pagbawas ng salapi sa sirkulasyon
d. pagtaas ng interes sa pautang
10. Bilang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot
ng implasyon?
a. pag-iimpok
b. pag-aaral na mabuti
c. pamumuhunan
d. pagiging magastos
11. Anong kagawaran ang may pinakamalaking bahagi sa badyet ng bansa? DEPED
12. Ano ang ipinahihiwatig ng datos sa itaas?
a. ipinakikita sa datos ang prayoridad ng ating pamahalaan
b. ipinakikita sa datos ang paraan ng paggasta ng pamahalaan
c. ipinakikita sa datos ang pangangailangan ng ating pamahalaan
d. ipinakikita sa datos ang kakulangan ng ating pamahalaan
13. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinanggagalingan ng salapi ng ating pamahalaan?
a. pag-utang
b. pagbibili ng mga ari-arian ng pamahalaan
c. buwis
d. tulong mula sa ibang bansa
14. Ano ang gagawin mo upang makatulong ka sa paglutas ng suliranin ukol sa kakulangan ng badyet?
a. magbabawas ng baon
b. magbayad ng tamang buwis
c. magbigay ng donasyon
d. mangilak ng karagdagang pondo
15. Layunin ng patakarang monetaryo (monetary policy) na mapatatag ang halaga ng ating salapi.
Matutugunan ang layuning ito kung….
a. mataas ang palitan ng piso sa dolyar
b. mataas ang implasyon
c. bumababa ang mga presyo
d. nananatili o walang pagbabago sa presyo
16. Alin sa mga sumusunod ang angkop na puntahan ng negosyante upang makautang ng puhunan?
a. bangko
b. kooperatiba
c. GSIS/SSS
d. Pag-ibig
17. Mahalaga ang dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang maling gamit nito?
a. ginagamit ito sa pandaigdigang kalakalan
b. ginagamit ito bilang reserba ng bansa
c. ginagamit itong basehan sa pagpapatatag ng lokal na salapi
d. ginagamit ito sa operasyon ng black market
18. Alin sa mga gawain ang magpapatatag ng halaga ng ating salapi?
a. pansamantalang pagtigil ng kalakalan
b. bawasan ang pagluluwas ng mga lokal na produkto
c. pagtatago ng dolyar sa alkansiya
d. pagpapalit ng dolyar sa bangko

You might also like