You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Division of Eastern Samar
ALUGAN NATIONAL SCHOOL OF CRAFTSMANSHIP AND HOME INDUSTRIES
Alugan, San Policarpo, Eastern Samar
School ID: 303493

SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN 9

YUNIT 3: (Modyul 3) Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon sa Implasyon

Pangalan:_________________________Grade/Seksiyon___________________Petsa____

ARALIN 3: Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon sa Implasyon

Kasanayan  Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at mga pagtugon upang malutas ang
Pampagkatuto mga suliraning kaakibat ng implasyon.

A. SIMULAN MO!

Natalakay natin sa ating nakaraang aralin ang tungkol sa pambansang kita at kung paano natin ito natutukoy,
nasusuri at nasusukat. Ngayon naman ay magtutungo tayo sa panibagong konsepto na isa rin sa
pinakahamahalagang ideya sa ekonomiks at ito ay ang implasyon. Mahalaga sa bawat tao ang magkaroon ng
pagkaunawa sa konsepto, dahilan, epekto at tamang pagtugon sa tuwing may implasyon upang ang bawat kilos
at desisyon ay hindi makadagdag sa mga suliraning maaaring kaharapin sa panahon ng implasyon.

 PAUNANG PAGTATAYA

Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga
paksang tatalakayin.

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong sagot. Itala
ang wastong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos lahat ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan?

A. Resesyon B. Implasyon C. Depresyon D. Deplasyon

2. Ang Consumer Price Index ay isang economic indicator na gamit panukat. Ano ang sinusukat ng CPI?

A. Kawalan ng trabaho B. Dami ng populasyon C. Pagbabago sa halaga ng pera D. Kita

3. Kung ikaw ay may nakitang negosyante na alam mong maraming tindang asukal at nang malaman niya na
tataas ang presyo ay itinago niya ang mga ito upang muling itinda kapag mataas na ang presyo. Ano ang dapat
mong gawin?

A. Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit tumataas lalo ang presyo ng mga produkto

B. Hindi na makikialam at baka mapahamak pa

C. Magkikibit balikat na lang

D. Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas


4. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami kaysa sa kayang
isuplay o iprodyus ng pamilihan.

A. Demand pull inflation B. Cost-push inflation C. Hyperinflation D. Great depression

5. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng implasyon?

A. Kakulangan sa enerhiya

B. Paglaki ng demand kaysa sa produksiyon

C. Pagtaas ng produksiyon

D. Pagtaas ng estado ng pamumuhay

B. ALAM MO BA?

KONSEPTO, DAHILAN, EPEKTO AT PAGTUGON SA IMPLASYON


KAHULUGAN NG IMPLASYON

Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling
produkto na nakapaloob sa basket of goods. Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang
Implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. GROSS

DEPLASYON AT HYPERINFLATION

Deplasyon ang tawag kung may pagbaba sa halaga ng presyo ng mga bilihin at hyperinflation naman kung saan ay
patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo ang presyo ng mga bilihin. Ang produktong segunda mano ay hindi rin
kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa
lamang.

MGA KONSEPTO SA IMPLASYON

1. Boom- mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalan trabaho at may maayos na
antas ng pamumuhay.
2. Depression- kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang antas ng ekonomiya kung saan mataas ang antas
ng kawalang trabaho sa loob ng isang taon.
3. Slump- kasabay ng pagbagal ng ekonomiya ay may pagbaba sa mga presyo ng mga bilihin.
4. Recession- pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng ilang buwan. Stagflation- may paghinto ng
ekonomiya kasabay ng implasyon.
5. Reflation- ekonomiyang may bahagyang implasyon.
6. Disimplasyon- proseso ng pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin.
7. Inflationary gap- ang pangkalahatang demand ay higit na mas malaki kaysa sa suplay.
8. Phillip’s Curve- Ayon kay A.W Phillips, mayroong trade-off, ito ang pagitan ng kawalan ng trabaho at implasyon.

MGA DAHILAN NG IMPLASYON

1. Demand-Pull Inflation - ang patuloy na pagtaas ng demand na hindi matugunan ng suplay. Kapag ang demand ay
tumataas at hindi matugunan ng suplay ang pangkalahatang presyo ay tumataas na nagiging dahilan ng implasyon.

2. Cost-Push Inflation - Ang pagtaas sa alin man sa salik ng produksiyon ay makadaragdag sa gastusin ng produksiyon.
Ang pagtaas na ito sa gastusin ay idaragdag sa presyo ng mga natatapos na produkto.

3. Import-induced Inflation- kapag ang produksiyon ay nakadepende sa mga imported na produkto at nagkaroon sa
pagtaas sa mga presyo nito,tumataas ang bilihin na magiging sanhi ng implasyon.

4. Profit-Push Inflation- Dahil sa mga negosyanteng ang ibig ay malaking kita, itinatago ang mga produkto na nagiging
sanhi ng kakulangan at nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

5. Currency Inflation- ang pagdami ng suplay ng salapi ay nagdudulot ng paggastos ng malaking halaga upang makabili
sa kakaunting produkto.
6. Petrodollars Inflation-Ang labis na pagtaas ng petrolyo ay nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng
mga bilihin.

EPEKTO NG IMPLASYON

Hindi sa lahat ng pagkakataon negatibo ang implasyon dahil kung may naaapektuhan ay mayroon din namang
nabebenepisyuhan sa tuwing may implasyon.

Mga Nakikinabang sa Implasyon Halimbawa


Mga umuutang Ang pag-utang na may 10% interes ay nanatiling 10% kahit
may pagtaas na 15% ng implasyon, Ang ibinayad na
perang Php 1,000 ay Php 935 lamang halaga kaya siya ay
nakinabang
Mga negosyante Ang negosyanteng maraming stocks na produkto gaya ng
asukal at nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng asukal ay
tataas ang kita ng hindi inaasahan.
Mga speculators Bumili ng mga bahay o lupa sa mababang halaga sa mga
hinihinala nilang kikita ng malaki kapag tumaas ang presyo
sa hinaharap.
Mga taong may di-tiyak ang kita May mga taong kumikita sa komisyon kaya tuwing may
implasyon at tumaas ang presyo tumataas din ang kanilang
kita.

Mga Naaapektuhan sa Implasyon Halimbawa


Mga taong may tiyak na kita Sila ang naaapektuhan dahil sa hindi nagbabago ang
kanilang sahod at tumaas ang presyo ng bilihin kakaunti na
lamang ang kanilang nabibili tuwing may implasyon.
Mga taong nag-iimpok Sila ay nalulugi kapag ang interes sa bangko ay maliit
kaysa sa antas ng implasyon.
Mga taong nagpapautang Sila ay nalulugi sa 10% interes na pautang at binayaran sila
ng Php 1,000, Php 935 lamang ang tunay na halaga kung
15% ang antas ng implasyon.
C. Magtulungan Tayo!

A.
B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag,
at MALI kung hindi wasto ang pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang implasyon ay structural kung ang dahilan ng pagtaas ng bilihin ay ang pagtaas ng mga dayuhang salapi
kumpara sa piso.
2. Ang implasyon ay ang presyo ng pangkalahatang produkto at serbisyo ay mababa.
3. Ang implasyon ay demand-pull kung ang mga konsyumer ay bumili ng maramihang produkto o hoarding.
4. Hyperinflation ay ang patuloy na pagsigla ng ekonomiya ng isang bansa kung kaya nagiging maayos ang antas
ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.

D. MAKAKAYA MO! (PANGHULING PAGTATAYA)

Panuto: Piliin ang wastong titik na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Kung ang implasyon ay demand-pull inflation sa paanong paraan ito malulutas?

A. Ang supply ng salapi sa merkado ay dapat limitahan upang makontrol ang labis na paggasta.

B. Pagpapataas sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.

C. Maghikayat ng pautang sa mababang interes upang mapasigla ang paggasta.

D. Pagdaragdag ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.

2. Kung si Anthony ay nakabili ng 45 inches na TV noong taong 2009 sa halagang Php 25,000.00 at ngayong 2020
ay kailangan niyang muling bumili ngunit ang halagang kanyang mabibili sa kaparehong presyo ay hindi na
kasing laki ng dati niyang nabili noong taong 2009. Ano ang tamang paliwanag sa pangyayari?

A. Hindi na available sa merkado ang kaparehong brand ng TV.

B. Ang Php 25, 000.00 nuon ay hindi na kapareho ng halaga sa kasalukuyan.

C. Sarado na ang tindahang dati niyang pinagbilhan.

D. Wala siyang trabaho upang makabili ng TV.

3. Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng implasyon?

A. Hindi na sila binabayaran.

B. Sobra ang perang natatanggap.

C. Bayad na isang libo na tinanggap ay bumababa sa tunay na halaga nito.

D. Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa kanya.
4. Bilang isang mag-aaral at mamimili paano ka makakatulong sa paglutas ng implasyon? Ako ay bibili
lamang . . . . . .

A. sa mga pamilihang rehistrado upang matiyak ang presyo.

B. ng sapat sa pangangailangan.

C. sa mga kakilala upang makatawad.

D. ng mga produktong bagsak ang presyo.

5. Kung ikaw ay may nakitang negosyante na nagsasagawa ng hoarding ano ang iyong gagawin?

A. Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit lalong tumataasang presyo ng mga produkto.

B. Hindi na makikialam at baka mapahamak pa.

C. Magkikibit-balikat na lang.

D. Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas.

E. SANGGUNIAN

Balitao, Bernard R., Martiano D. Buising, Edward D. J. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr.,
Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul ng Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc.

Dalire, Edison. 2013. “Implasyon.” Slideshare. Binuksan noong Hunyo 10, 2020.

https://www.slideshare.net/edison18/implasyonpowerpointedison Dionesioable. 2013. “Modyul 9 Implasyon.”


Slideshare. Binuksan noong Hunyo 10, 2020. https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-9-implasyon

Inihanda ni: Checked by:

Arianne A. Picaña Leandro Picardal


Subject Teacher Master Teacher 1

You might also like