You are on page 1of 16

9

ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Mga Epekto at Pagtugon ng Implasyon

Self-Learning Module
1
9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Mga Epekto at Pagtugon ng Implasyon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang
masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng
ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman
ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan
ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan
agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa
pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating
mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

• natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto, at pagtugon ng implasyon.

I. ANO ANG NANGYARI?


PANGUNAHING GAWAIN: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba at piliin ang
tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
1. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa implasyon?
A. Ito ay ang pataas na paggalaw ng presyo.
B. Ito ay isang suliraning bayan na hindi mapipigilan
C. Naaapektuhan ng implasyon ang dami ng produkto sa bansa
D. Lahat ng nabanggit.
2. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang
pagbabago sa presyo ng mga produkto.
A. Consumer Price Index C. Customer Price Index
B. Basket of Goods D. Basket of Consumption
3. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pangunahing
pangangailangan na naaapektuhan sa tuwing may implasyon?
A. Presyo ng pagkain C. Halaga ng mga kagamitang
pambahay
B. Mga laruang pambata D. Real Estate
4. Sino sa mga sumusunod ang higit na nakikinabang sa tuwing may implasyon?
A. Mga nagpapautang C. Mga Umuutang
B. Mga may tiyak na kita D. Mga taong nag-iimpok
5. Alin sa sumusunod na ahensya ang may responsable sa pagpapatupad ng
tight money policy sa ating bansa?
A. Bureau of Customs C. Bank of the Philippine Islands
B. Banko Sentral ng Pilipinas D. Banko De Oro
6. Alin sa sumusunod ang hakbang ng gobyerno sa presyo ng mga bilihin sa
panahon ng mga kalamidad, kaguluhan at digmaan?
A. Pagtaas ng trabaho sa bansa C. Pamimigay ng libreng bigas
B. Pagtakda ng price freeze D. Paglunsad ng “Go Negosyo”
7. Ang mga sumusunod ay solusyon ng ating gobyerno upang matugunan ang
implasyon, MALIBAN sa:
A. Pagtakda ng Price Control C. Pagtangkilik ng banyagang
produkto
B. Pagpapatupad ng Price Freeze D. Pataasin ang Produksyong Lokal
8. “Si Helen ay isang klerk ng isang kilalang kompanya, sa di inaasahang
pagkakataon ay may kalamidad na dumating sa kanilang lugar.” Alin sa sumusunod
na epekto ng implasyon sa mamamayan nabibilang ang sitwasyon na ito?
A. Mga Negosyante C. Mga taong nagpapautang
B. Mga Umuutang D. Mga taong May tiyak na Kita
9. Sa anong sitwasyon makikinabang ang mga negosyante kapag may
implasyon?
A. Kapag tataas ang demand ng kanilang produkto
B. Kapag tataas ang presyo ng kanilang produkto
C. Kapag maraming imbak na produkto ang isang negosyante
D. D. Lahat ng nabanggit
_____10. Ano ang tawag sa mga piling produktong naitatalaga ng pamahalaan na
kumakatawan sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan?
A. Basket of Goods C. Market Basket
B. Goods Index D. Market of Goods
11. Ano ang tawag sa uri ng implasyon na kung saan ang presyo ay patuloy na
tumataas bawat oras, araw at lingo?
A. Hypoinflation C. Price Index
B. Hyperinflation D. Demand pull
12. Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa ating local na mga negosyante o
produkto sa panahon ng kahirapan?
A. Pag-iimport ng mga produkto
B. Pagbili ng mga produktong local
C. Pagtangkilik ng mga produktong galing sa ibang bansa
D. Wala sa mga nabanggit
13. Sinu-sino sa mga sumusunod ang lubos na naapektuhan kapag may implasyon
sa bansa?
A. Mga taong umuutang, negosyante at ang mga speculators
B. Mga taong nag-iimpok,may tiyak na kita at mga taong nagpapautang

5
C. Mga taong nag-iimpok,may tiyak na kita at mga negosyanteng may lakas na
loob na mamumuhunan
D. Mga taong umuutang, negosyante at mga taong may mga tiyak na kita
14. Bakit nalulugi ang mga taong nag-iimpok sa banko kapag may implasyong
nagaganap sa bansa?
A. Kasi hindi na nila makukuha muli ang kanilang pera.
B. Kapag may implasyon mawawalan ng halaga ang pera na naimpok nila sa
banko.
C. May kaltas na interes ang pera o salapi na naiimpok ng mga customer sa banko
kapag may implasyon.
D. Ang tunay na halaga ng salaping nasa banko ay bumababa bunsod ng mas
mababang kinikita nito mula sa interes.
15. Alin sa sumusunod na paraan ng ating pamahalaan na tumutugon sa local
na produksyon upang ang mamamayan ay makikinabang sa mas murang bilihin?
A. Price Control
B. Pagbabawas ng pag-iimport
C. Dagdag produksyong sa lokal na pamilihan
D. Pagpapatupad ng Tight Money Policy

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

MGA EPEKTO AT PAGTUGON NG IMPLASYON


Sa naunang aralin ay pinag-aralan natin ang kahulugan ng Implasyon at ang mga
dahilan at bunga nito.
Karaniwan lamang ang pagbabago ng presyo sa pamilihan, ngunit kapag ang
pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba ng halaga ng
salapi at may negatibong epekto sa tao, ito ay tinatawag na IMPLASYON. Ang Implasyon
ay pataas na paggalaw ng presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang
presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang kondisyon ng implasyon ay nagaganap.
Ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin ay makakasama habang tayo ay
nabubuhay. Hindi na bago sa atin ang implasyon. Kahit noon paman ay patuloy na
nakakaranas ang ating bansa nito. Maliban sa implasyon, mayroon din tayong tinatawag
na HYPERINFLATION. Ito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo bawat oras, araw at lingo.
Nagaganap ito noon sa Germany noong dekada 1920. Nararanasan din ng ating bansa
ang ganitong karanasan noong pananakop ng mga Hapon kung saan ang ating salapi
ay nawalan ng halaga sa panahon ng digmaan.
Sa kasalukuyan, ang implasyon ay isang suliranin na hindi natin mapipigilan.
Lalong-lalo na’t nararanasan natin ngayon ang pandemya. Ang mga pangunahing
produkto tulad ng bigas, asukal, manok, karne, isda at iba pa ay hindi makakaligtas sa
pagtaas ng presyo.
Ngunit, alamin natin sa araling ito kung papaano makakaapekto ang implasyon
at anu-anong mga hakbang ng ating pamahalaan upang masolusyonan o matugunan
6
ang implasyon lalong-lalo na sa ating kasalukuyang sitwasyong may pandemya at mga
kalamidad.

MGA EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAMAMAYAN


May dalawang epekto ang implasyon, ito ay ang kabutihan at di-kabutihang epekto.
Suriing mabuti ang chart sa ibaba.

KABUTIHANG EPEKTO- may mga taong nakikinabang sa implasyon

Halimbawa:
Mga - ang interes sa hiniram na Ang mga umuutang na may 10% interes
Umuutang pera ay mababa dahil sa sa kanilang hiniram na
pera. Ang Implasyon
ibinayad ng nangutang
kasama ang interes ay Php1000. Ngunit dahil
15% ang implasyon, ang halaga ng
buong ibinayad ay Php 935 lamang kaya
siya ay
nakinabang

- kapag ang dahilan ng Halimbawa:


Mga implasyon ay ang pagtaas Kapag maraming imbak ang isang
Negosyante ng demand, nahihikayat retailer ng gasoline. Kapag
tataas ang May-ari ng ang mga negosyante na presyo ng gasoline,
tataas ang kanyang kompanya pataasin at pagbutihin ang kita
produksyon. Kapag mataas ang demand,
ng di inaasahan. Maaaring tataas ang presyo at
tataas ang
kita

Mga speculator -mga umaasa na tataas Mga real estate broker, nagtitinda ng
at mga ang presyo ng mga mga alahas, at iba pang nag speculate
negosyanteng produktong hawak nila sa na tataas ang presyo sa hinaharap.
may lakas na hinaharap o pagdating ng
loob na panahon.
mamuhunan

7
DI-KABUTIHANG EPEKTO – para sa mga taong nalulugi dahil sa implasyon
Ang mga taong Lubos na Halimbawa:
may tiyak na naaapektuhan ang Mga empleyado tulad ng guro, pulis, klerk,
kita mga taong tiyak ang nars, at iba pang tumatanggap ng tiyak
kita kada buwan. na kita bawat buwan.
Ang dating dami ng
kanilang nabibili ay
nababawasan dahil
bumababa ang
tunay na halaga ng
salapi.
Halimbawa:
Ang mga taong Ang mga taong Ang ibinayad ng nangutang kasama ang
nagpapa utang nagpapautang ay interes ay Php1000. Ngunit dahil sa 15% ng
umaasa na lamang impasyon, ang halaga ng kaniyang
sa interes ng pera na natanggap ay Php935 lamang kaya siya
kaniyang ay nalugi.
pinapahiram.

Kapag ang interes Halimbawa:


Mga taong nag- ng kanilang iniimpok Kung may Php 10,000 na nakadeposito
impok sa banko ay mas ang isang tao at may 15% interes sa loob
maliit kompara sa ng isang taon, ang kaniyang pera ay
antas ng implasyon. magiging Php 11,500. Ngunit kapag
Ang real value ng nasabay ito sa panahon na 20% ang antas
salapi na nasa ng implasyon, ang tunay na halaga na
banko ay lamang ng kaniyang pera ay Php 9,500,
bumababa bunsod mas mababa sa dating halaga nito na
ng mas mababang Php 10, 000.
kinikita nito mula sa
interes.
- Modyul Para sa Mag-
Source: EKONOMIKS Araling ng Edisiyon 2015
Panlipunan

5
PARAAN NG PAGLUTAS NG IMPLASYON

Ang implasyon ay suliraning pang ekonomiya na patuloy na nararanasan ng


ating bansa mula pa noon hanggang ngayon lalong-lalo na’t ang ating bansa ay
nahaharap sa iba’t-ibang problema kagaya ng mga kalamidad at pandemya. Ang
paglutas ng suliranin ng implasyon ay nakasalalay sa bawat isa sa atin, hindi lamang ng
ating gobyerno, kundi ikaw, ako, lahat tayo, manggagawa ka man o negosyante,
estudyante ka man o hindi.
Kasalukuyan nasaksihan natin ang mga problema na ating hinaharap, nawalan
ng trabaho ang marami nating kababayan. Maraming negosyo ang nagsara dahil sa
pandemya. Hindi lamang ito, may mga kalamidad pa na tumatama sa ating bansa na
syang dahilan ng paglugmok at pagpapahirap ng ating ekonomiya.
Dahil dito, gagawa ng solusyon ang ating gobyerno upang matugunan ang
implasyon. Halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod:

1. Pagpapatupad ng Tight Money Policy- isinagawa ng Banko Sentral ng Pilipinas upang


mabawasan ang labis na paggasta.

2. Produksyon para sa local na pamilihan- tumutugon sa local na produksyon upang ang


mamamayan ay makikinabang sa mas murang bilihin.

3. Pagtakda ng price control- pamamaraan ng isang gobyerno sa pagkontrol ng presyo


particular na sa pinakamababang presyo na dapat ipataw sa isang produkto.
Karaniwan ginagamit ang mga ito sa panahon ng mga kalamidad, kaguluhan at
digmaan.

4. Pataasin ang produksyon – dagdagan ang produksyon ng mga pangunahing


pangangailangan sa local na pamahalaan.

5. Bawasan ang pag iimport ng banyagang produkto at linangin ang local na


pinagkukunan – pagtatangkilik ng mga local na produkto at bawasan ang pag
iimport ng mga produkto galing sa ibang bansa upang ang ating mga local na
negosyante ay makakabawi sa anumang lugi na nararanasan.

9
Gawain Bilang 1.

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon na nasa ibaba. Alamin kung anong
epektong implasyon ang ipinaiiral. Isulat ang salitang KABUTIHAN o DI-KABUTIHAN sa
patlang.

1. Nakapag-imbak ng gasolina si Mang Pepe sa kanyang gasolinahan


bago paman tumaas ang presyo ng gasolina sa pandaigdigang merkado.
2. Nagpapatupad ng price freeze ang ating pamahalaan upang
matugunan ang pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan na
nasalanta ng mga kalamidad.
3. Nag-iipon si Ruben ng pera sa banko ngunit pagdaan ng ilang
buwan ay tumaas ang implasyon.
4. Si Helen ay isang klerk ng isang kilalang kompanya, sa di
inaasahang pagkakataon ay may kalamidad na dumating sa kanilang lugar. Tumaas
ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan dahil sa kakulangan ng suplay.
5. Sa isang bansa kagaya ng Pilipinas na palaging sinasalanta ng
bagyo, nagpapatupad ang pamahalaan ng pagpapataas ng produksyon sa mga
pangunahing pangangailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng
mga tao na di na tayo nakadepende sa suplay sa ibang bansa.

B. Tama o Mali. Isulat sa patlang kung ang isinasaad sa pahayag ay TAMA o MALI.
1. Sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang dulot ng implasyon.
2. Ang mga empleyado na tumatanggap ng tiyak na kita kada buwan ay
labis na naaapektuhan sa implasyon.
3. Ang mga kabataan na tulad mo ay walang magagawa sa pagbibigay
solusyon sa implasyon.
4. Ang implasyon ay ang pataas na paggalaw ng presyo.
5. Ang mga umuutang ay labis na nahihirapan dahil tataas na naman ang
interes na kanilang babayaran sa tuwing may implasyon.
6. Ang mga speculator ay hindi makikinabang sa implasyon kapag tataas
ang presyo ng mga tinitinda nila sa hinaharap.
7. Ang Banko Sentral ng Pilipinas ay siyang namamahala sa pagpapatupad
ng “Tight Money Policy”.
8. Ang pagpapataas ng produksyon ng ating local na mga produkto ay
isang solusyon upang maibsan ang implasyon.
9. Ang paglinang natin sa mga local na produkto ay labis na nakakatulong
sa ating local na mga negosyante at sa ating ekonomiya.
10. Ang pamahalaan ay may karapatan na magtakda ng price control sa
mga pangunahing pangangailan sa pinakamababa na presyo.

10
Gawain Bilang 2
Panuto. Magbigay ng mga paraan upang matugunan ang pagtaas ng implasyon
ipaliwanag ang kahalagahan ng mga ito sa pamamagitan ng concept web sa ibaba.

___________________

____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________ ___________________.
____________________
_____________________
_____________________ _______________________
_____________________ _______________________
_____________________ _______________________
_____________________
KAHALAGAHAN NG _______________________
_____________________ PAGTUGON SA _______________________
_____________________ _______________________
_____________________ _______________________
_____________________ _______________________
_____________________ _______________________
________________________
_____________________ ______________________.
_____________________. __________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
_________________________.

PANGHULING GAWAIN: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba at piliin ang
tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

11
1. Sinu-sino sa mga sumusunod ang lubos na naapektuhan kapag may implasyon sa
bansa?
A. Mga taong umuutang, negosyante at ang mga speculators
B. Mga taong nag-iimpok, may tiyak na kita at mga taong nagpapautang
C. Mga taong nag-iimpok, may tiyak na kita at mga negosyanteng may lakas na
loob na mamumuhunan
D. Mga taong umuutang, negosyante at mga taong may mga tiyak na kita
2. Bakit nalulugi ang mga taong nag-iimpok sa banko kapag may implasyong
nagaganap sa bansa?
A. Kasi hindi na nila makukuha muli ang kanilang pera.
B. Kapag may implasyon mawawalan ng halaga ang pera na naimpok nila sa
banko.
C. May kaltas na interes ang pera o salapi na naiimpok ng mga customer sa banko
kapag may implasyon.
D. Ang tunay na halaga ng salaping nasa banko ay bumababa bunsod ng mas
mababang kinikita nito mula sa interes.
3. Alin sa sumusunod na paraan ng ating pamahalaan na tumutugon sa local na
produksyon upang ang mamamayan ay makikinabang sa mas murang bilihin?
A. Price Control
B. Pagbabawas ng pag-iimport
C. Dagdag produksyon sa lokal na pamilihan
D. Pagpapatupad ng Tight Money Policy
4. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa implasyon?
A. Ito ay ang pataas na paggalaw ng presyo.
B. Ito ay isang suliraning bayan na hindi mapipigilan
C. Naaapektuhan ng implasyon ang dami ng produkto sa bansa
D. Lahat ng nabanggit.
5. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang
pagbabago sa presyo ng mga produkto.
A. Consumer Price Index C. Customer Price Index
B. Basket of Goods D. Basket of Consumption
6. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pangunahing pangangailangan na
naaapektuhan sa tuwing may implasyon?
A. Presyo ng pagkain
B. Mga laruang pambata
C. Halaga ng mga kagamitang pambahay
D. Real Estate
7. Ano ang tawag sa mga piling produktong naitatalaga ng pamahalaan na
kumakatawan sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan?
A. Basket of Goods C. Market Basket
B. Goods Index D. Market of Goods
8. Ano ang tawag sa uri ng implasyon na kung saan ang presyo ay patuloy na
tumataas bawat oras, araw at linggo?
A. Hypoinflation C. Price Index
B. Hyperinflation D. Demand pull

12
9. Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa ating local na mga negosyante o
produkto sa panahon ng kahirapan?
A. Pag-iimport ng mga produkto
B. Pagbili ng mga produktong local
C. Pagtangkilik ng mga produktong galing sa ibang bansa
D. Wala sa mga nabanggit
10. Sino sa mga sumusunod ang higit na nakikinabang sa tuwing may implasyon?
A. Mga nagpapautang C. Mga Umuutang
B. Mga may tiyak na kita D. Mga taong nag-iimpok
11. Alin sa sumusunod na ahensya ang may responsible sa pagpapatupad ng tight
money policy sa ating bansa?
A. Bureau of Customs C. Bank of the Philippine Islands
B. Banko Sentral ng Pilipinas D. Banko De Oro
12. Alin sa sumusunod ang hakbang ng gobyerno sa presyo ng mga bilihin sa
panahon ng mga kalamidad, kaguluhan at digmaan?
A. Pagtaas ng trabaho sa bansa C. Pamimigay ng libreng bigas
B. Pagtakda ng price freeze D. Paglunsad ng “Go Negosyo”
13. Ang mga sumusunod ay solusyon ng ating gobyerno upang matugunan ang
implasyon, MALIBAN sa:
A. Pagtakda ng Price Control C. Pagtangkilik ng banyagang
produkto
B. Pagpapatupad ng Price Freeze D. Pataasin ang Produksyong Lokal
14. “Si Helen ay isang klerk ng isang kilalang kompanya, sa di inaasahang
pagkakataon ay may kalamidad na dumating sa kanilang lugar.” Alin sa sumusunod na
epekto ng implasyon sa mamamayan nabibilang ang sitwasyon na ito?
A. Mga Negosyante C. Mga taong nagpapautang
B. Mga Umuutang D. Mga taong May tiyak na Kita
15. Sa anong sitwasyon makikinabang ang mga negosyante kapag may implasyon?
A. Kapag tataas ang demand ng kanilang produkto
B. Kapag tataas ang presyo ng kanilang produkto
C. Kapag maraming imbak na produkto ang isang negosyante
D. Lahat ng nabanggit

13
ANSWER KEY: GAWAIN BILANG 1
PANGHULING PANGHULING
GAWAIN 1. GAWAIN
1. 2.kabutihan 1. B
3.
2. D 2.
4. di-
3. 3. C
kabutihan
4. D 4.
5.
5. 5. A
6. A B. 6.
7. 1. MALI 7. A
8. B 2. 8.
9. 3.MALI 9. B
10. C 4. 10.
11. 5.TAMA 11. B
12. B 6. 12.
13. 7. TAMA 13. C
14. D 8. 14.
15. 9.TAMA
15. D
10.

GAWAIN BILANG 2
(IN ANY ORDER)
A. price control- pamamaraan ng isang gobyerno sa pagkontrol
ng presyo particular na sa pinakamababang presyo nadapat
ipataw sa isang produkto.
B. Tight Money Policy- isinagawa ng Banko Sentral ng Pilipinas
upang mabawasan ang labis na paggasta.
C. Pataasin ang produksyon – dagdagan ang produksyon ng mga
pangunahing pangangailangan sa local na pamahalaan.
D. Bawasan ang pag iimport- pagtatangkilik ng mga local na
produkto

Sanggunian:
EKONOMIKS Araling Panlipunan - Modyul Para sa Mag-aaral, Unang Edisiyon 2015

14
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

MAITA ADLAWAN CELADES


Writer

AVE ROSARIO V. ARMECIN PhD


MARITERR P. JUMAO-AS
MENCY B. RABANES
VERONICA M. ENGLIS
ANCIE U. DOMPOR
EVELYN B. MAH
Editor

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor in Araling Panlipunan

JAIME RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


Education Program Supervisor in LRMDS

ESTELA B. SUSVILLA PhD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

15
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Mandaue City
Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014
Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337
E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph
Website: https://depedmandaue.net

16

You might also like