You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Ekonomiks

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaashang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng Implasyon
2. Nabibigyang-halaga ang naging hakbang ng pamahalaan upang lutasin ang implasyon
sa pamamagitan ng pagsagot sa Exit card
3. Nailalahad ang mga dahilan at bunga ng Implasyon sa pamamagitan ng paggawa ng
skit at paggamit ng graphic organizer

II. Paksang Aralin


A. Paksa : Implasyon
B. Sanggunian : Ekonomiks Araling Panlipunan 9 Modyul ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015 Pahina. 275-280
www.youtube.com, www.google.com
C. Kagamitan : Kagamitang biswal, Laptop, Projector, Speaker

III. Pamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

Magandang Hapon sa inyo. Magandang Hapon din po Ma’am!


Bago tayo magsimula, manatili tayong (Panalangin)
nakatayo sandali para sa isang maikling
panalangin. (Magdadasal)
Magandang Hapon muli! Bago kayo magsiupo
ayusin ang inyong upuan at pulutin ang mga
kalat sa ilalim ng inyong upuan.

1. Pagtatala ng Liban
2. Balik-aral

Mayroon bang lumiban sa ating klase ngayong


araw?
Group 1,2,3,4,5? Wala naman po Ma’am.
Mabuti kung ganon.
Bago tayo tumungo sa ating susunod na aralin
tayo’y magbalik aral muna! May inihanda
akong maikling palaro para sa inyo.
Ito ay ang 4 pics 1 word. Alam niyo naman
siguro kung ano ang 4 pics 1 word? Opo.

Atin nang simulan. Pang-una?


Pagiimpok po Maam.
Tama. Ito ay ang Pagiimpok.
Bakit nga ba mahalaga ang
pagiimpok/pagiipon? Mahalaga po ang pagiimpok dahil kapag may
emergency may pera tayong magagamit.
Magaling.

Pangalawa?
Pagkonsumo po Maam.
Tama. Ito ay pagkonsumo
Paano naman nakaka-apekto ang kita at Ang pagkonsumo po ay base sa kita na kapag
pagkonsumo sa pagiimpok? mas malaki ito ay malaki din ang pera na
ipangkokonsumo natin. Ang ipon naman ay
batay din sa kita. Kapag malaki ang kita at
wala gaanong gastusin ay malaki ang ating
maiimpok. Kung malaki naman ang kita at
malaki ang gastusin bumababa ang ating
naiimpok
Mahusay.

Pangatlo?

Tama. Ito ay bangko Bangko po Maam.

Paano nakakatulong ang pagiimpok sa bangko


sa ating ekonomiya? Kapag marami ang nagiimpok sa bangko ay
marami ang mamumuhunan. Kapag marami
Magaling. Mabuti naman at natatandaan niyo ang mamumuhunan lalaki ang salik ng
pa. Atin ngang balikan yung tatlong salita na produksyon at marami ang makikinabang dito
nilaro natin kanina.
Pagiimpok/Pagiipon
Pagkonsumo/Pagbili
Bangko/Lagakan ng pera
Paano naman ang nagiging magkaugnay ang Ang kaugynayan po nila ay sa pera, dahil po kapag
tatlong salita nayan? may kita/sweldo mabibili o makokonsumo po natin
yung ating mga pangangailangan at kapag may
Mahusay. Naunawaan ba? natira naman po doon sa kita/sweldo ito po yung
Tayo nang dumako sa ating susunod na aralin. itatabi o iimpok natin.
Opo.
3. Pagganyak

Bago tayo magsimula ng talakayan sa susunod


nating aralin mayroon akong hinandang video (Ano ang Implasyon)
na magbibigay sa inyo ng ideya kung tungkol
saan ang ating bagong aralin na tatalakayin
ngayong araw.

Ano ang una ninyong napansin sa napanood


ninyong video? Ma’am, mahal po yung mga bilihin.
Magaling na pagoobserba.
Ang mahal nung mga bilihan kaya napansin
ninyo anong ginawa nung mag-asawa sa video
nung kinulang sila sa pera para ipambayad dun
sa kanilang pinamili? Sinauli nalang po nila.
Tama. Sinauli nalang nila yung produkto para
magsakto sa kanilang pera yung kanilang mga
pinamili.
Sa inyong palagay nagaganap o nangyayari ba
ito sa pang araw-araw nating buhay?
Naranasan niyo naba yung napanood niyo sa Opo.
video?
Halimbawa:
Sumama kayong mamalengke o maggrocery Opo.
kay nanay/tatay tapos nangyari sa inyo yung
napanood niysa video. Anong gagawin ninyo?
Anong mararamdaman niyo?

Ano pang napansin ninyo?


Mahusay. Ang mahal na presyo ng petrolyo,
pero kakaunti lang yung nakarga sa kanila.

Ano pa? meron pa ba?


Magaling. Napansin niyo sa sobrang mahal
nung mga presyo ng pagkain sa restaurant na
iyon tubig nalang yung nakayang bilhin nung Yung sa gasolina po maam.
mag-asawa.

Ano ang pinapahiwatig na video na ito?

Good answer. Ang pagmamahal ng mga


Mahal na pagkain po sa restaurant.
bilihan o ng produkto ay nagiging dahilan kung
bakit nawawalan ng kakayahan ang mga
mamimili na bilin ang kanilang mga
kagustuhan at pangangailangan.
Kung natural na nagyayari yan. Ito ay
tinatawag nating Implasyon.

Ma’am lahat po ng presyo ng produkto na


kailangan natin ay nagmamahal.
B. Pagtatalakay

Sa ekonomiks, ang patuloy na pagtaas ng


pangkalahatang presyo sa halos lahat ng
pamilihan sa buong ekonomiya ay tinatawag
na IMPLASYON.
Kung mayroong pataas na paggalaw ng presyo
ng mga bilihin. Syempre may pagbaba din. Demand-Pull po at Cost-push
Ito ay tinatawag na Deplasyon.
May tinatawag tayong dalawang dahilan ng
pagkakaroon ng implasyon ito ay ang? Ang Demand-pull po ay nagaganap kapag ang
Tama. Pag sinabi ba nating Demand-pull pagnanais ng mga sektor na makabili ng
Inflation, ano ang kahulugan nito? produkto at serbisyo ay mas marami kaysa sa
kayang isuplay o iprodyus ng pamilihan
Mahusay.
Ang lahat ng sektor ng ekonomiya, nabibilang
dito ang sambahayan, kompanya at
pamahalaan ay may kani-kanilang demand sa
anumang uri ng produkto.
Halimabawa:
Sa Law of Demand, kapag mataas ang presyo
ng isang produkto mababa ang demand nito,
kapag naman mababa ang presyo ng isang
produkto mataas ang demand nito.
Dahil nalalapit na ang pasko dagsa na ang mga
mamimili at nagtitinda ng mga Christmas
decors, nagiging indemand na siya kaya ang
mangyayari, mamahalan o tataasan na ng mga
nagbibili yung presyo ng mga produkto.
Sa inyong palagay, ano pa ang mga halimbawa
na nagaganap ang Demand-pull inflation?
Pag sinabi naman nating Cost-push, ano ang
ibig sabihin nito?

Magaling. Ang karagdagang gastos ng Ang Cost-push po ay ang pagtaas ng mga


manggagawa at hilaw na materyales ay gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng
pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
makapagtataas ng sa kabuuang presyo ng
produkto dahil hindi nanaisin ng prodyuser na
pasanin ang bigat ng pagbabago sa presyo ng
produksiyon.
Halimabawa:
Isa kang negosyante, madami kang kailangang
kagamitan para sa iyong produkto, una nadon
ay ang makina, syempre bibili ka dahil mahal
ang mga kagamitan , gagawin mo babawi ka sa
produkto tataasan ang presyo.
Ang mga manggagawa naman ay hihingi ng
dagdag sweldo, bibigay naman ng mga
negosyante. Demand-pull Inflation at Cost-push po.
Naintindihan ba? Ano nga uli ang dalawang
dahilan ng pagkakaroon ng Implasyon?
Tama.

Pangkatang Gawain:
Upang mas higit pa nating maunawaan kung
ano ang nagiging dahilan at bunga ng .
pagkakaroon ng pangkalahatang pagtaas ng
presyo o Implasyon, magkakaroon tayo ng .
pangkatang gawain.
Ang klase ay hahatiin sa apat (4) grupo, ang
bawat grupo ay pipili ng kulay na nakadikit sa
pisara na naglalaman ng salik na nagiging
sanhi ng pagkakaroon ng implasyon at bubunot
naman ng isang papel na naglamaman ng
kanilang gagawin. (Skit o Graphic Oraganizer)
bawat grupo ay may dalawang kinatawan na
magpapaliwanag sa klase.
Ang salik na napili ng bawat grupo ay ilalagay
nila sa isang graphic organizer na isusulat nila
sa isang manila paper, o ipapakita sa
pamamagitan ng isang skit, kung saan dito nila
ipapakita ang salik nagiging sanhi ng
pagkakaroon ng implasyon at maaari nitong
maging bunga.

Halimbawa:
Pagtaas na Suplay ng Tataas ang demand o ang
Salapi paggasta kaya mahahatak
(Kahulugan)
(Dahilan) ang presyo paitaas
(Bunga)

Bawat grupo ay bibigyan ng 10 minuto para


tapusin ang gawain at 3 minuto para ibahagi at
ipaliwanag ang kanilang gawa.

Simulan na natin ang pag-uulat. Unang grupo.


Ang Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar,
bunga nito ay dahil sa kakulangan ng
pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng
Bigyan sila ng tatlong bagsak piso. Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng
mga produkto
Pakinggan naman natin ang susunod na grupo.

Ang Kalagayan ng pagluluwas o export, bunga


nito ay kapag kulang ang supply sa local na
Magaling group 2. Bigyan ng tatlong bagsak. pamilihan dahil ang produkto ay iniluluwas,
magiging dahilan ito upang tumaas ang presyo
Para sa ikatlong grupo. ng produkto.

Bigyan sila ng dalawang bagsak.


Sumunod na grupo. Ikaapat
Ang Monopolyo o kartel, bunga nito ay
Mahusay group 4.Bigyan ng Tatlong bagsak. nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito.

Ang Pambayad utang, bunga nito ay sa halip


na magamit sa produksiyon ang bahagi ng
pambansang badyet, ito ay napupunta lamang
sa pagbabayad ng utang.

C. Paglalahat
1. Sa iyong palagay bakit nagkakaroon ng Implasyon?
2. Magbigay ng mga dahilan ng pagkakaroon ng Implasyon?
3. Bilang isang mag-aaral ano ang maaaring maging epekto sayo ng pagkakaroon ng
Implasyon?
D. Paglalapat ( Exit Card)

1. Bagay na babaguhin ko (3)


2. Bagay na tutularan ko (2)
3. Bagay na natutunan ko (1).

Pangkalahatang Rubriks para sa Pangkatang Gawain:

IV. Pagtataya / Ebalwasyon

Pagsusuri: Suriin ang sitwasyon at isulat ang B kung ito ay bunga ng implasyon, S kung
sanhi ng Implasyon.
1. Dumarami ang mga middleman - S

2. Ang presyo ng bigas ay kontrolado ng mga negosyante - B

3. Mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang price control - B

4. Tumataas ang gastusin sa produksyon - S

5. Nababawasan ang supply ng produkto sa pamilihan - S

V. Kasunduan

Ipaliwanag ang mga nakikinabang at mga taong nalulugi sa Implasyon:


1. Mga umuutang
2. Mga negosyante
3. Mga taong may tiyak na kita
4. Ang mga taong nagpapautang
5. Mga taong nag-iimpok

Sanggunian: Ekonomiks (Araling Panlipunan modyul para sa mag-aaral) pahina. 280-281

Inihanda ni:
Francisco, Deborah C.
Practice Teacher

You might also like