You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9-Ekonomiks

(3rd Quarter)

Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nailalahad ang mga nagiging dahilan ng pagkakaroon ng implasyon at ang mga epektong dulot nito.

Natutulungan ang sarili bilang bahagi ng ekonomiya sa paglutas ng suliranin ng implasyon.

Nakabubuo ng hakbang upang malutas ang suliraning dulot ng implasyon na ilalapat sa isang awitin.

Materyales

Makukulay na papel,

Manila paper,

marker, yeso (chalk),

video, larawan

Sanggunian

Paksa: IMPLASYON

(Ekonomiks): Binagong edisyon, pahina 185-189.

Pamamaraan

Dril / Balik-Aral

Bago magsimula ng aralin, tatanungin ang mag-aaral kung sino ang maaring magpaliwanag ng batas ng
suplay at demand at gumuhit ng grap nito?

Pagganyak
Ipakita ang video ng dominos at sasabihan ang mga mag-aaral na pagmasdan ang mga dominos na
nakahanay. Itutumba ang unang hanay. Pagkatapos ay itatanong ito:

Ano ang nangyari sa mga kasunod na dominos?

May ikakapit na larawan ang guro sa pisara na nagpapakita ng sitwasyong ito: Lumilipad paitaas ang
presyo ng mga serbisyo at produkto na nagiging dahilan ng paghihirap ng mamamayan.

Base sa larawan, itatanong ang mga sumusunod:

Anong ideya ang ipinapakita ng larawan?

Ihambing ngayon ang ideyang ipinapakita ng larawan sa nangyari sa mga dominos.

Ano naman ang implikasyong ipinapakita ng larawan?

Paglinang ng Aralin

Sa ekonomiks, ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa halos lahat ng pamilihan sa buong
ekonomiya ay tinatawag na IMPLASYON.

Alam ba ninyo kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng implasyon?

Para sa bagong aralin na ito, ipakikilala ng guro ang mga inaasahang makamit o magawa ng mga mag-
aaral sa pagtatapos ng aralin. {sasabihin ang layunin ng aralin}

Tutuklasin ng klase ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon sa pamamagitan ng pagpapangkat-


pangkat. Mahahati ang klase sa 6 na grupo.

Ang guro ay may inihandang mga papel na may nakasulat na iba’t-ibang sitwasyon na nagiging sanhi ng
implasyon. (ang mga sitwasyon ay kalakip ng banghay-aralin na ito)

Ito ang panuto para sa gawain:

Bubunot ang bawat grupo ng isang papel na naglalaman ng sitwasyon.

Babasahin ng mabuti ang sitwasyon. Pag-uusapan ang nilalaman ng teksto sa pangunguna ng lider ng
grupo.

Mula sa sitwasyong binasa, bubuo ng kongklusyon o synthesis na isusulat sa Manila paper.

Bibigyan ang bawat grupo ng 5 minuto upang gawin ang gawain at karagdagang 1 minuto upang
ipaliwanag ang nabuong konklusyon. Bago ipaliwanag ang kasagutan ay babasahin muna ng malakas ang
sitwasyong napapunta sa grupo. Pagkatapos ipaliwanag ay ikakapit sa pisara ang papel na pinagsulatan
ng dahilan.

Ipo-proseso at ibubuod ang naging gawain sa pagtatanong ng mga sumusunod:

Ano-ano ngayon ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon base sa nabuo sitwasyong inyong
nabasa?

Ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon ay ang mga sumusunod: (Ibubuod ng guro)

Labis na salapi sa sirkulasyon

Middleman sa pamilihan

Monopolyo / Kartel

Mataas na gastos sa produksyon

Export orientation o ang labis na paglalabas ng produktong local.

Import dependent o ang kahiligan sa produktong gawa sa ibang bansa.

Mananatili pa rin sa grupo ang mag-aaral at aalamin ang magiging epekto o bunga ng mga naibahaging
dahilan o sanhi.

Sa makulay na papel na matatanggap ng bawat grupo ay isusulat sa itaas ang sanhi ng pagkakaroon ng
implasyon na nalaman ng grupo. Ang papel na iyon ay ipapasa sa ibang grupo upang ilista ang mga
posibleng epekto o bungang kalalabasan. Maaaring maglista ng kahit gaanong karaming epekto. Mayroon
lamang isang minuto ang bawat grupo upang ilista ang mga epekto. Iikot ang papel ng bawat grupo sa
buong klase hanggang makarating sa totoong may-ari ng papel.

Pagkatapos ay ibubuod ang mga epektong inilista ng ibang grupo sa Manila paper at ikakapit sa pisara sa
katabing papel ng mga DAHILAN / SANHI.

Ano-ano ngayon ang mga epektong dulot ng implasyon? Tatalakin ng bawat grupo ang epektong dulot ng
implasyon.

(Iuulat ng mag-aaral ang mga epekto na ibubuod naman ng guro.) Ang mga maaring bunga ng implasyon
ay ang mga sumusunod:

Pagtaas ng demand

Pagdaragdag ng halaga ng produkto

Pagkokontrol ng presyo
Pagbaba ng suplay

Kakulangan ng suplay sa lokal na pamilihan

Pagdagsa ng imported products.

Masama ba ang epektong dulot ng implasyon?

Pangwawakas na Gawain

Pagbubuod

Ano-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implayon?

Ano-ano naman ang mga maaring epekto o bunga ng implasyon?

Pagpapahalaga

Bilang bahagi ng pagkakaroon ng implasyon. Ano-anong mga kaasalan ang dapat taglayin ng mga Pilipino
upang makatulong sa pagsugpo o mabawasan ang implasyon?

Mula sa mga asal na dapat taglayin ng mga Pilipino upang makatulong sa pagsugpo o mabawasan ang
implasyon, iranggo ang mga kaasalang binahagi sa pamamagitan ng paglalagay ng: 1 ang pinakamataas
at 10 ang pinakamababa.

Paglalapat

Nalaman na natin ang mga dahilan at epekto ng implasyon. Ngunit wala pa tayong konkretong solusyon sa
implasyon. Ipapangkat muli ang klase sa 3 malaking grupo. Magsasaliksik o magtatanong sa ibang tao ng
mga soslusyon upang malutas ang suliranin ng implasyon. Ilalapat ang mga nakalap na impormasyon sa
isang awitin at aawitin harap ng klase. Mamarkahan ang jingle/ awit na ginawa base sa pamantayang ito:

Pagkamalikhain………………………25%

Substansya ng nilalaman……………25%

Kaayusan ng presentasyon…………25%

Kaangkupan ng awiting inilapat…….25%

Kabuuan……………………………...100%
Pagtataya / Ebalwasyon

Pagsusuri: Suriin ang sitwasyon at isulat ang B kung ito ay bunga ng implasyon, S kung sanhi ng
implasyon.

Dumarami ang mga middleman - S

Ang presyo ng bigas ay kontrolado ng mga negosyante - B

Mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang price control- B

Tumataas ang gastusin sa produksyon - S

Nababawasan ang supply ng produkto sa pamilihan - S

Takdang-Aralin

Mangalap ng balita na nagtatalakay sa tungkulin at gawain ng pamahalaan sa ekonomiya. [gagamitin ang


mga balitang ito para sa sunod na aralin]

Inihanda ni : JEMMA C. ACIBRON

Teacher II

Ipinasa kay: ELLA E. LEGASPI

MT-II/OIC

You might also like