You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV-Ekonomiks

(Collaborative Learning Approach)

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailalahad ang mga nagiging dahilan ng pagkakaroon ng implasyon at ang mga epektong dulot
nito.
b. Natutulungan ang sarili bilang bahagi ng ekonomiya sa paglutas ng suliranin ng implasyon.
c. Nakabubuo ng hakbang upang malutas ang suliraning dulot ng implasyon.

II. Materyales
 Cellphone/Laptop
 Telebisyon

III. Sanggunian
Paksa: IMPLASYON
Ekonomiks: Modyul sa mag-aaral, 272-282

IV. Pamamaraan
A. Dril / Balik-Aral
1) Bago magsimula ng aralin, tatanungin ang mag-aaral kung sino ang maaring
magpaliwanag ng batas ng suplay at demand at gumuhit ng grap nito?

B. Pagganyak
1) Gagamit ang guro ng dominos. Ihahanay ito sa mesa at sasabihan ang mga mag-
aaral na pagmasdan ang mga dominos na nakahanay. Itutumba ang unang hanay.
Pagkatapos ay itatanong ito:
i. Ano ang nangyari sa mga kasunod na dominos?
2) May ikakapit na larawan ang guro sa pisara na nagpapakita ng sitwasyong ito:
Lumilipad paitaas ang presyo ng mga serbisyo at produkto na nagiging dahilan ng
paghihirap ng mamamayan.
3) Base sa larawan, itatanong ang mga sumusunod:
i. Anong ideya ang ipinapakita ng larawan?
ii. Ihambing ngayon ang ideyang ipinapakita ng larawan sa nangyari sa mga
dominos.
iii. Ano naman ang implikasyong ipinapakita ng larawan?

C. Paglinang ng Aralin
1) Sa ekonomiks, ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa halos lahat
ng pamilihan sa buong ekonomiya ay tinatawag na IMPLASYON.
i. Alam ba ninyo kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng implasyon?
2) Para sa bagong aralin na ito, ipakikilala ng guro ang mga inaasahang makamit o
magawa ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng aralin. {sasabihin ang layunin ng
aralin}
3) Tutuklasin ng klase ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon sa
pamamagitan ng pagpapangkat-pangkat. Mahahati ang klase sa 6 na grupo.
4) Ang guro ay may inihandang mga papel na may nakasulat na iba’t-ibang
sitwasyon na nagiging sanhi ng implasyon. (ang mga sitwasyon ay kalakip ng
banghay-aralin na ito)
5) Ito ang panuto para sa gawain:
i. Bubunot ang bawat grupo ng isang papel na naglalaman ng sitwasyon.
ii. Babasahin ng mabuti ang sitwasyon. Pag-uusapan ang nilalaman ng
teksto sa pangunguna ng lider ng grupo.
iii. Mula sa sitwasyong binasa, bubuo ng kongklusyon o synthesis na isusulat
sa Manila paper.
iv. Bibigyan ang bawat grupo ng 5 minuto upang gawin ang gawain at
karagdagang 1 minuto upang ipaliwanag ang nabuong konklusyon. Bago
ipaliwanag ang kasagutan ay babasahin muna ng malakas ang
sitwasyong napapunta sa grupo. Pagkatapos ipaliwanag ay ikakapit sa
pisara ang papel na pinagsulatan ng dahilan.
6) Ipo-proseso at ibubuod ang naging gawain sa pagtatanong ng mga sumusunod:
i. Ano-ano ngayon ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon base sa
nabuo sitwasyong inyong nabasa?
1. Ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon ay ang mga
sumusunod: (Ibubuod ng guro)
a. Labis na salapi sa sirkulasyon
b. Middleman sa pamilihan
c. Monopolyo / Kartel
d. Mataas na gastos sa produksyon
e. Export orientation o ang labis na paglalabas ng
produktong local.
f. Import dependent o ang kahiligan sa produktong gawa sa
ibang bansa.
7) Mananatili pa rin sa grupo ang mag-aaral at aalamin ang magiging epekto o
bunga ng mga naibahaging dahilan o sanhi.
8) Sa makulay na papel na matatanggap ng bawat grupo ay isusulat sa itaas ang
sanhi ng pagkakaroon ng implasyon na nalaman ng grupo. Ang papel na iyon ay
ipapasa sa ibang grupo upang ilista ang mga posibleng epekto o bungang
kalalabasan. Maaaring maglista ng kahit gaanong karaming epekto. Mayroon
lamang isang minuto ang bawat grupo upang ilista ang mga epekto. Iikot ang
papel ng bawat grupo sa buong klase hanggang makarating sa totoong may-ari ng
papel.
9) Pagkatapos ay ibubuod ang mga epektong inilista ng ibang grupo sa Manila paper
at ikakapit sa pisara sa katabing papel ng mga DAHILAN / SANHI.
10) Ano-ano ngayon ang mga epektong dulot ng implasyon? Tatalakin ng bawat grupo
ang epektong dulot ng implasyon.
11) (Iuulat ng mag-aaral ang mga epekto na ibubuod naman ng guro.) Ang mga
maaring bunga ng implasyon ay ang mga sumusunod:
i. Pagtaas ng demand
ii. Pagdaragdag ng halaga ng produkto
iii. Pagkokontrol ng presyo
iv. Pagbaba ng suplay
v. Kakulangan ng suplay sa lokal na pamilihan
vi. Pagdagsa ng imported products.
12) Masama ba ang epektong dulot ng implasyon?

D. Pangwawakas na Gawain
1) Pagbubuod
i. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implayon?
ii. Ano-ano naman ang mga maaring epekto o bunga ng implasyon?

E. Pagpapahalaga
1) Bilang bahagi ng pagkakaroon ng implasyon. Ano-anong mga kaasalan ang dapat
taglayin ng mga Pilipino upang makatulong sa pagsugpo o mabawasan ang
implasyon?
2) Mula sa mga asal na dapat taglayin ng mga Pilipino upang makatulong sa
pagsugpo o mabawasan ang implasyon, iranggo ang mga kaasalang binahagi sa
pamamagitan ng paglalagay ng: 1 ang pinakamataas at 10 ang pinakamababa.

F. Paglalapat
1) Nalaman na natin ang mga dahilan at epekto ng implasyon. Ngunit wala pa tayong
konkretong solusyon sa implasyon. Ipapangkat muli ang klase sa 3 malaking
grupo. Magsasaliksik o magtatanong sa ibang tao ng mga soslusyon upang
malutas ang suliranin ng implasyon. Ilalapat ang mga nakalap na impormasyon sa
isang awitin at aawitin harap ng klase. Mamarkahan ang jingle/ awit na ginawa
base sa pamantayang ito:
i. Pagkamalikhain………………………25%
ii. Substansya ng nilalaman……………25%
iii. Kaayusan ng presentasyon…………25%
iv. Kaangkupan ng awiting inilapat…….25%
v. Kabuuan……………………………...100%

G. Pagtataya / Ebalwasyon
Pagsusuri: Suriin ang sitwasyon at isulat ang B kung ito ay bunga ng implasyon, S kung
sanhi ng implasyon.
1) Dumarami ang mga middleman - S
2) Ang presyo ng bigas ay kontrolado ng mga negosyante - B
3) Mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang price control- B
4) Tumataas ang gastusin sa produksyon - S
5) Nababawasan ang supply ng produkto sa pamilihan - S

H. Takdang-Aralin
1) Mangalap ng balita na nagtatalakay sa tungkulin at gawain ng pamahalaan sa
ekonomiya. [gagamitin ang mga balitang ito para sa sunod na aralin]

You might also like