You are on page 1of 3

MASUSING Paaralan MANHS Baitang 9

BANGHAY- Guro MAY LANIE A. CALIAO Asignatura AR. PAN


ARALIN Petsa at Oras Enero 19, 2019 Markahan IKAAPAT

I. LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay may pag unawa sa mga sector ng
ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa
A. Pamantayang Pangnilalaman
harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad.
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos
napagpapatupad at pagpapabuti ng mga sector ng
B. Pamantayan sa Pagganap
ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo
sa pambansang pagsulong at pag-unlad
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sector
ng industriya, tulad ng pagmimina, tungo sa isang
masiglang ekonomiya. (AP9MSP-IVe-9)
1. Nabibigyang kahulugan ang industriya
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/Layunin 2. Natutukoy ang mga bumubuo sa sector ng
industriya (sub-sector)
3. Naipapaliwanag at nabibigyang halaga ang
bahaging ginagampanan ng seckor ng
industriya sa ekonomiya
II. PAKSA

Aralin 3: SEKTOR NG INDUSTRIYA

III. MGA KAGAMITAN


Sanggunian
EASE II Modyul 15 ; Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat) IV.2012 pp. 386-395

Iba pang kagamitang sa pagtuturo


 Video clip
 Manila Paper, marker
 Art paper
 Chalk

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral at/o Panimula


Bilang paghahanda para sa bagong leksyon, ibibigay
ng guro ang mga katanungan na sasagutan ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng isang risitasyon. Ito ay
magsisilbing balik-aral at gabay ng mga mag-aaral
para sa mas malawak na interpretasyon sa bagong
leksyon.
1. Sino dito ang makapagbibigay ng kahulugan sa
agrikultura?
2. Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng mga
ano-anung sub-sektor?
3. Bakit mahalaga ang sector ng agrikultura sa
ating ekonomiya?

B. Pagganyak
Primarya – Sekondarya Hala!
Tignan at pag-aralan ang bawat larawan. Mag-
isip ng isang bagay o produkto na maaaring malikha
gamit ang nasa larawan.

Tanong:
1. Mula sa mga larawan , ano ang iyong
mabubuong hinuha?
2. Paano nabuo ang produktong papel?
3. Anong sekondaryang sector ng ekonomiya
nakapaloob ang transpormasyon ng mga
produkto?

C. Paglalahad ng Aralin
Gawain # 1 Pinagmulan, Alam ko!
Indibidwal na gawain: Maghanap ng isang
bagay sa bag mo o nasa silid-aralan at sabihin kung
anong produktong primary ang pinagmula nito.

(Tatawag ng mag-aaral)

Pamprosesong tanong:
Basi sa mga nabanggit na mga bagay, ano sa palagay
mo ang sector ng industriya?

Gawain # 2 Jigsaw Puzzle


Buuin ang mga larawan na nakuha at ipost ito sa
pisara.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong salita ang inyong mailalarawan sa
larawan na inyong binuo?

Slides Share Presentation: Mga kahulugan ng


Industriya, Pagmimina, Pagmamanupaktura,
Konstruksyon at Utilities.

2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang sector ng


industriya sa pagtugon sa iyong pangangailanga?
Sa ekonomiya?

D. PAGLALAPAT
Alin ang pwedeng mangyari? Uunlad ang industriya
kahit walang agrikultura o uunlad ang agrikultura
kahit walang industriya? Bakit?

(Sasagutin ng bawat pangkat)

E. PAGTATAYA
Panuto: Uriin ang sumusunod na produkto.
Lagyanng letra A kung ito ay nabibilang sa
pagmimina, B kung ito ay pagmamanupaktura, C
kung konstruksyon, at D kung ito ay nabibilang sa
utilities.
______ 1. Serbisyo ng tubig
______ 2. Canned goods
______ 3. Pagkuha ng langis
______ 4. Paggawa ng kalsada
______ 5. Pagbebenta ng bakal
______ 6. Pagpoproseso ng ginto
______ 7. Paggawa ng shampoo at sabon
______ 8. Pagpapatayo ng tirahan
______ 9. Pagbibigay ng kuryente
______ 10. Serbisyong telepono

F. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa kahinaan ng Sektor ng
Industriya. Maghanda sa isang risitasyon sa susunod
na klase.

You might also like