You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOMIKS

Pangalan: Mangali, Daven Sean E. Petsa: April 17, 2023


Sta. Maria, James Angelo A.

Ikalimang Linggo: Quarter 4, Lesson 3

I. Karaniwang Gawain
1. Panimulang Panalangin
2. Pagtatala ng liban sa klase (online at onsite), pagwawasto ng ID at uniporme ng mga mag-
aaral
3. Pagpapabukas ng camera sa mga mag-aaral (online) na magsisilbing attendance sa klase
4. Pagbabalik aral sa nakaraang talakayan.
II. Layunin
Sa araling ito, inaasahang…
- Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod at mga
patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong dito.
III. Nilalaman

A. Paksa: Ang Sektor ng Paglilingkod


B. Kagamitan sa Pagtuturo/References:
 Textbook: Bernard R. Balitao, et. al, Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa
mga Mag-aaral, Unang Edisyon. Pilipinas: Vibal Group, Inc., 2015
 Laptop
 Canva Presentation na gawa ng guro.
 Telebisyon
C. Integrasyong Teknolohiya:
 Mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya, mahigit 27-M ayon sa datos
ng SWS
https://www.youtube.com/watch?v=HhJecYqa1fM
 https://www.youtube.com/watch?v=fHFhl6G4itU&t=115s

IV. Pamaraang Pagkatuto


A. Pagganyak
 Video Analysis
https://www.youtube.com/watch?v=HhJecYqa1fM
Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa iyong napanood na bidyo, anong suliranin ang kinaharap ng mga
manggagawang Pilipino sa pagdating ng pandemya?

B. Presentasyon:

 Lecture Demonstration tungkol sa Sektor ng Paglilingkod, Sub-Sektor ng Paglilingkod at


Mga Ahensiyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod.
 Learning Video tungkol sa mga latest ng isyu ukol sa Sektor ng Paglilingkod.
https://www.youtube.com/watch?v=fHFhl6G4itU

Pamprosesong Tanong:
1. Kung sakaling ikaw ay isa sa mga manggagawang Pilipino nawalan ng trabaho
dahil sa pandemya, ano ang naiisip mong alternatibong pagkakakitaan upang
matustusan ang iyong pangangailangan?

C. Values Integration:

 Para sa iyo, sa paanong paraan ka makatutulong upang mas mapalakas ang Sektor ng
Paglilingkod sa pag-unlad ng ating ekonomiya?
 Bilang mag-aaral, masasabi mo bang naaapektuhan ng Sektor ng Paglilingkod ang iyong
pang araw-araw na pamumuhay?

D. Assessment/Evaluation:

 Paggamit ng isang gawain na kung saan ito ay tinatawag na “PIN Strategy”.

E. Synthesis:

 Bakit masasabing pinakamahalagang sektor ng ekonomiya ang paglilingkod?

V. Activity for the Asynchronous/ Assignment:

 Paggawa ng isang BUKAS NA LIHAM para sa tanggapan ng Pangulo ng bansa. Ang


liham ay dapat na maglaman ng mga natutuhan, reyalisasyon, at opinyon mo tungkol sa
Sektor ng Paglilingkod sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Maglagay ka ng iyong mga
mungkahing programa para sa kagalingan ng mga manggagawang Pilipino.

RUBRIKS PARA SA BUKAS NA LIHAM

NAKUHAN
PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS G
PUNTOS
Pagkilala sa Sarili Maliwanag na nailahad ang lahat ng
mga tanong at isyung nalutas at hindi 5
nalutas, at nakagawa ng kongkreto at
akmang kongklusyon batay sa
pansariling pagtataya.

Paglalahad ng Sariling Maliwanag na nailahad ang saloobin


5
Saloobin sa Paksa sa paksa.

Pagpapahalagang Natalakay Natukoy ang lahat ng mga


5
sa Aralin pagpapahalagang natalakay sa paksa.

Pagsasabuhay ng mga Makatotohanan ang binanggit na


Pagpapahalagang Natutuhan paraan ng pagsasabuhay ng mga 5
sa Paksa pagpapahalagang natutuhan sa paksa.

KABUUANG PUNTOS 20

Remarks:_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Inihanda nina: Iniwasto ni:

Mr. Daven Sean E. Mangali Mr. Gerald P. Abayon


Teacher Intern Guro sa Araling Panlipunan 9

Mr. James Angelo A. Sta. Maria


Teacher Intern

You might also like