You are on page 1of 28

Aralin 18

Patakarang Piskal
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula:
• Isang malaking sulirarin
ng pambansang
ekonomiya ang inflation.
• Ngunit may mga
hakbang na maaring
gawin ang pamahalaan
upang mabawasan ang
epekto nito sa mga
konsyumer.
Patakarang Piskal
(Fiscal Policy)
• Ang pagkontrol ng pamahalaan sa
ekonomiya upang mapatatag ang
pambansang ekonomiya.
• Nakapaloob dito ang:
• paghahanda ng badyet,
• pangungulekta ng buwis
• paggamit ng pondo.
Uri ng Patakarang Piskal
Expansionary Fiscal Policy
• Layunin nito na mapasigla ang pambansang
ekonomiya. Ginagawa ito upang isulong ang
ekonomiya, lalo na sa panahon ng recession.
• Kabilang dito ang pamumuhunan ng
pamahalaan at pagbabawas sa ibinabayad na
buwis.
• Ang ganitong gawain ay magpapataas sa
demand, magpapababa sa presyo ng kalakal
at magpapalaki sa output ng ekonomiya.
Contractionary Fiscal Policy
• Layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan
ng ekonomiya dahil ang labis na mataas na demand
sa suplay ay magdudulot ng inflation.
• Kabilang sa mga hakbang nito ang pagbabawas sa
gastusin ng pamahalaan, pagsasapribado ng ilang
pagpublikong korporasyon at pagpapataas sa singil
na buwis.
• Ang ganitong gawain ay magpapababa sa demand,
magpapataas sa presyo ng kalakal at
pagbabawas sa output ng ekonomiya
Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan

• Kita mula sa buwis


(81%)
• Kitang di-mula sa
buwis (19%)
1. Kita mula sa assets (korperasyon na pag-
aari at kontrolado ng pamahalaan at mga
inuupahan ng private sector; at unusual funds
PAGCOR)
2. Kita mula sa mga naisapribadong ari-arian
ng pamahalaan
3. Donasyon at tulong mula sa ibang bansa
4. Paglikha ng salapi ng BSP
5. Utang mula sa Local Bank at World Bank
Ano ang buwis (tax)?
• Ang salapi na sapilitang kinukuha ng
pamahalaan sa mga mamamayan.
• Ito ay maaaring ipataw ng pamahalaan sa
mga ari-arian, tubo, kalakal o serbisyo.
• Ang buwis ay sakop ng kapangyarihan ng
pamahalaan.
• LIFE-BLOOD ng gobyerno
Layunin ng pagbubuwis
• Mapataas ang kita ng pamahalaan.
• Pagpapatatag ng ekonomiya.
• Mapangalagaan ang industriyang panloob
laban sa mga dayuhang kalakal.
• Gamit para sa tamang distribusyon ng kita.
• Regulasyon para sa tamang pagbili at
pagkonsumo ng kalakal.
Uri ng buwis
• Tuwiran (direct tax) – buwis na tuwirang
ipinapataw sa mga indibidwal o bahay
kalakal.
• Hal. with-holding tax
• Di-tuwiran (indirect tax) – buwis na
ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo.
• Hal. Value-added tax
KATEGORYA DESKRIPSIYON HALIMBAWA
Poll Tax – sinisingil sa mga Residence Tax o Community
Batay sa Lungsod o residenteng lungsod o Tax (Sedula)
Munisipalidad munisipalidad
Property Tax – Sinisingil sa Real Estate Tax
mga may-ari ng lupa o bahay
Excise Tax – sinisingil sa Donor’s Tax
patungkol sa pribilehiyo o
karapatan

Batay sa Bagay o Direct Tax – Buwis na Income Tax, Tariff Tax o


Indibidwal na Sinisingilan sinisingil sa mismong buwis sa angkat
indibidwal
Indirect Tax – Buwis na VAT, Sintax (alak at
nakasama sa pagpepresyo ng sigarilyo), Sales Tax
produkto o servisyo

Batay sa Layunin Specific Tax – buwis na nakabatay sa mga tiyak na layunin o


gawain
Specified Tax – ang halaga ng buwis ay batay sa sukat o
Batay sa Halaga timbang ng produkto
Ad Valorem Tax – ang buwis ay ayon sa halaga ng produkto

Batay sa Bilis ng Pagtaas o Progressive Tax – buwis na tumataas ang halaga kasabay ng
Rate of Increase pagtaas ng halaga ng binubuwisan

Regressive Tax – buwis na bumababa ang halaga sa kabila ng


pagtaas ng halaga ng binubuwisan

Proportional Tax – buwis na hindi nagbabago kahit tumaas


man ang binubuwisan

Batay sa Huridiksiyon o Local Tax – Ang Kawanihan ng Rentas Internas (BIR) ang
Nasasakupan namamahala sa lahat ng pangongolekta ng buwis sa bansa sa
tulong ng kawanihan ng Customs
Mga halimbawa ng buwis:
• Buwis sa kinikita ng mamamayan – income tax
• Buwis sa mga may-ari ng sasakyan – road user’s
tax
• Buwis sa mga may-ari ng negosyo – business tax
• Buwis sa mga binibiling kalakal – Value added tax
• Buwis sa mga libangan tulad ng sinehan, parke, at
sugalan – amusement tax
• Buwis sa mga kalakal na galing ibang bansa –
import duties tax
Sistema ng Pabubuwis

1. Ability to Pay Principle – ang buwis ay


nakabatay sa kita ng isang tao o negosyo.

2. Benefit Theory – ang pagbabayad ay


tungkulin ng mga mamamayan dahil sila din
ang nakikinabang dito

3. Equal Distribution Theory – wala sa antas


ng pamumuhay ang pagbabayad ng buwis
Sangay ng pamahalaan na
kumokolekta ng buwis
• Bureau of Internal Revenue (BIR) –
nangangalap ng buwis sa mga kalakal o
serbisyo mula sa loob ng bansa.
• Bureau of Customs (BOC) - nangangalap
ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa
labas ng bansa.
Pambansang Badyet
• Isang plano kung paano tutugunan ng pamahalaan
ang mga gastusin nito.
• Naglalaman ito ng inaasahang kita at ipinakikita rin
kung paano gagastusin ang kitang ito.
• Naglalaman ng halaga ng salaping inaasahang
matatanggap ng pamahalaan sa isang takdang
taon.
• Kilala rin ito sa tawag na General Appropriations
Act (GAA)
Pambansang Badyet
• Sa paghahanda ng badyet, binibigyan ng
pansin kung magkano ang gagastusin sa
programa ng pamahalaan tulad ng depensa,
edukasyon at kalusugan.
• Ang kabuuang gastusin ay maaring baguhin
upang mapataas o mapababa ang output ng
ekonomiya.
Mga sangay ng pamahalaan na
namamahala ng pambansang badyet
• Department of Finance (DOF)
• Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
• National Economic and Development
Authority (NEDA)
• Department of Budget and Management
(DBM)
• Commission on Audit (COA)
Pagbuo ng Pambansang Badyet
• Budget Preparation – paghahanda ng
panukalang badyet.
• Budget Legislation – pagsusuri at pag-apruba
(o hindi pag-apruba) ng panukalang badyet.
• Budget Execution – pagbibigay ng badyet at
paggamit nito.
• Budget Accountability – paghahanda ng ulat
upang malaman kung nagamit ng tama ang
pambansang badyet.
Checks and Balances
• Pagtiyak na hindi maaabuso ng anumang
sangay ng pamahalaan ang kanilang
kapangyarihan sa usapin ng paglalaan ng
limitadong pondo ng bayan sa iba’t ibang
sektor ng lipunan.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Uri
• Personal Services (PS) – gastusin para sa
suweldo,honoraria at bonuses ng mga
kawani ng pamahalaan.
• Maintenance and Other Operating Expenses
(MOOE) – gastusin para sa operasyon tulad
ng kuryente, papel, tubig, gasolina at iba pa.
• Capital Outlay (CO) – gastusin para sa
karagdagang asset tulad ng gusali, lupa,
sasakyan o makinarya.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
• Serbisyong Pang-ekonomiyo – gastusin sa
pagpapaunlad ng mga programang
pangkaunlaran tulad ng kalakalan, industriya
at turismo.
• Serbisyong Panlipunan – mga gastusin sa
edukasyon, kalusugan, transportasyon etc.
• Pambansang Tanggulan – mga gastusin sa
pagpapanatili ng katahimikan at seguridad.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
• Pangkalahatang Pampublikong Paglilingkod
– mga gastusin sa pagsasagawa ng
tungkuling pansibiko tulad ng tulong sa
panahon ng kalamidad, pagpapautang etc.
• Pambayad utang – gastusin na
pinambabayad sa mga utang ng bansa
panlabas o panloob.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
Pangkalahatang Pambayad
Pampublikong
Paglilingkod
Utang
17% 24%
Pambansang
Tanggulan
5%

Serbisyong
Pang-
ekonomiko Serbisyong
24% Panlipunan
30%
Sitwasyon ng Budget
• Budget Deficit – nagaganap kung mas
mataas ang gastos sa kita ng pamahalaan.
• Budget Surplus – nagaganap kung mas
mataas ang kita sa gastos ng pamahalaan.
TAKDA:

PAGPAPAHALAGA

• Anong sektor ng pamahalaan ang dapat


na magkaroon ng karagdagang badyet at
alin ang dapat bawasan ang badyet?
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto
at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like