You are on page 1of 5

COLLEGE OF SUBIC MONTESSORI SUBIC BAY, INC.

Bldg. 737 Labitan Street, Central Business District, SBFZ ● Tels. (047) 252 3555/3556
Email address: collegeofsubicmontessori@yahoo.com / csm.subicbay@gmail.com

“Seipsum Facit Persona – Man Makes Himself”

OPERATION DEPARTMENT

ARALIN 3. TEKSTONG PERSUWEYSIB

PAGTUKLAS
Ano ang nararapat mong matutunan at magawa sa aralin na ito:

1. natatalakay ang kahalagahanng pag-unawa at pagsusuri sa tekstong

PERSUWEYSIB.

2. Natutukoy ang paksa o kaisipang tinalakay tekstong binasa.

3. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa ng
tekstong binasa
4. Nakasusulat ng halimbawa ng tekstong deskriptibo

PAUNANG GAWAIN
Magsulat ng iyong kaisipan ukol sa dalawang salitang nasa kahon.

KATOTOHANAN OPINYON
COLLEGE OF SUBIC MONTESSORI SUBIC BAY, INC.
Bldg. 737 Labitan Street, Central Business District, SBFZ ● Tels. (047) 252 3555/3556
Email address: collegeofsubicmontessori@yahoo.com / csm.subicbay@gmail.com

“Seipsum Facit Persona – Man Makes Himself”

OPERATION DEPARTMENT

PAGLALAHAD/PAGTALAKAY SA ARALIN
Unawain at Basahin Natin

Pagsulat ng Tekstong Perswysib o Nanghihikayat

Ang tekstong perswysib ay uri ng teksto na nakatuon sa pagpapaliwanag at
panghihikayat sa mambabasa na maniwala o sumang-ayon sa pagsusuri o opinion na
kanyang inilalahad. madalas itong Makita sa mga kritikal na sanaysay, kolum, editorial
pananaliksik o bahagi ng tesis. PACAY III (2016).
Ang isang perswesyib na teksto ay naglalayong makuha ang loob ng mambabasa.
Napakahalaga na makilala ng manunulat ang mga mambabasa dahil naaayon dapat sa
kanila ang pagkakahubog ng kanyang isinulat. Upang maging matagumpay ang
panghihikayat, kinakailangang ang lahat ng impormasyon ng akda at mailahad ito sa
mambabasa sa paraang mababago nito ang kanyang paniniwala o di kaya ay lalong
tumibay ang pinapaniwalaan. Nagbabahagi ng kanyang sariling opinion at
kinakailangang may mga patunay ang kanyang mga inilahad. Masusukat ang kanyang
tagumpay kung mapapaniwala niya ang isang indibidwal at mapapakilos ito. Sa tekstong
ito, mas nangingibabaw ang subhetibong bahagi. (Obispo & Rivera 2018)
Halimbawa ng Tekstong Persweysib
Alin ang Mas Mainam na Disiplina sa Anak-Pangangaral o Pamalo?
Sabi nila, buti pa ang mga bata noon, disiplinado. Bahay at eskwela lang ang kanilang
mundo. Ang kanilang gawain ay ang mag-aaral at tumulong sa mga gawaing bahay.
Ngayon, karamihan sa mga bata ay madalas na nasa labas ng bahay, gala rito at gala
roon. Kaya nga maraming napapabalitang mga bata na napapahamak. Bihira na lang rin
silang mag-aral. Para sa kanila, makapasa lang ay ayos na kahit pa sabihing ang kanilang
grado ay pasang-awa lang. Hindi na nga nakakatulong sa bahay ay nagiging sakit pa ng
ulo. Syempre, hindi ito hinahayaan lang ng mga magulang. Marapat na habang bata pa
lang ay madisiplina na upang sa kanilang paglaki ay hindi sila mapariwara.
May dalawang istilo na ginagamit ang mga magulang, ang pagbibigay ng pangaral o
sermon at ang pamamalo. Noon pa man ay ginagamit na ang istilo ng pamamalo sa
pagdidisiplina sa mga bata at may mga iba na ginagamit pa rin ito hanggang ngayon.
Maski nga sa mga eskwelahan noon ay ganito ang sistema. Mas madadala umano ang
mga bata sa ganitong paraan. Kapag sila’y pinalo, hindi na nila uulitin ang kanilang
ginawa dahil sa takot na paluing muli. Subalit sa kabila nito, ano ang natututuhan ng
bata? Ang maging disiplinado upang hindi mapalo? Ang mag-aral para makasagot sa
tanong ng guro at hindi mapalo? Nasaan ang aral doon? Kaya nga nariyan ang pagbibigay
ng pangaral, mula sa salitang-ugat na ‘aral’. Ito na ang ginagamit ng mga magulang sa
ngayon pagdating sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan,
mauunawaan ng mga bata kung bakit nagalit ang kanilang mga magulang. Mapagtatanto
COLLEGE OF SUBIC MONTESSORI SUBIC BAY, INC.
Bldg. 737 Labitan Street, Central Business District, SBFZ ● Tels. (047) 252 3555/3556
Email address: collegeofsubicmontessori@yahoo.com / csm.subicbay@gmail.com

“Seipsum Facit Persona – Man Makes Himself”

OPERATION DEPARTMENT

rin nila na mali nga ang kanilang ginawa. Higit sa lahat, alam na nila ang hindi at dapat
nilang gawin sa susunod.

Basahin din: Pagpapalaki sa Isang Anak

Sa panahon ngayon, may mga magulang na pinapairal pa rin ang pamamalo. Ayon sa
kanila, pasok sa isang tainga at labas sa kabila lang naman ang ginagawa ng mga bata
kapag sinesermonan. Subalit sa aking pananaw, mas mainam na disiplinahin ang bata sa
pamamagitan ng pangaral. Ang pamamalo ay sa pisikal lamang na pagbibigay ng
leksyon. Ang mga bakas ay humihilom at nawawala. Samantalang ang panenermon ay
nakakaapekto sa ispiritiwal na kalikasan ng bata. Kaya naman sa tuwing gagawa siya ng
mali, nariyan ang kaniyang mabuting konsensya na magpapaalala sa kanya. Isa pa,
makakatulong ito upang matamo ang kanilang kaganapan pagdating sa
pagdedesisyon.mula sa
https://bakasngmgasinulat.wordpress.com/2012/10/31/alin-ang-mas-mainam-na-disiplina-sa-anak-
pangaral-o-pamalo/

Paraan ng Pagsulat ng Tekstong Persweysib

1. Paggamit ng damdamin- nakasalalay sa pagkumbinsi ng may-akda sa mga
mambabasa na suman-ayon sa kanyang isinulat.
2. Mahusay na Pagbuo ng mga ideya
-kinakalingang mahusay ang paggamit ng mga salita ng may akda para maipadama niya
ang kanyang nararamdaman o kaya naman ay nagdidiktahan niya ang puso ng
mambabasa. Dapat mahusay na mailalahad ang paksa na kasama ang damdamin at mas
nagingibabaw kaysa sa isipan.
3. Malalim na kaalaman tungkol sa Paksa
Ang pagtamo ng malalim na kaalaman sa paksa ay kadalasang bunga ng karanasan.
Mahalagang maisangkot ang mambabasa sa sitwasyon upang epektibong mararamdaman
o maisangkot at makuha ang kanilang saloobin.

GAWAING PAGPAPAYAMAN (Practice exercises)

COLLEGE OF SUBIC MONTESSORI SUBIC BAY, INC.
Bldg. 737 Labitan Street, Central Business District, SBFZ ● Tels. (047) 252 3555/3556
Email address: collegeofsubicmontessori@yahoo.com / csm.subicbay@gmail.com

“Seipsum Facit Persona – Man Makes Himself”

OPERATION DEPARTMENT

Pagsusuri sa Tesktong binasa

Suriin ang teksto. Hanapin at itala ang mga katangian o kaisipan ng isang perswesyib na
teksto.

1. Nanghihikayat: ( Batay sa tekstong “Alin ang Mas Mainam na Disiplina sa Anak-

Pangangaral o Pamalo?” Pumili kung saang panig ka sumasang-ayon at hikayatin
ang ibang tao na sumang-ayon sayo.)

2. Opinyon ng Manunulat: (Ibigay ang opinyon ng manunulat na inilahad sa akda.)

3. Mga Patunay:(Magbigay ng mga patunay tungkol sa iyong sagot sa unang bilang1.)

4.Kongklusyon: (Magbigay kongklusyon tungkol sa akdang binasa.)

GAWAING PAGGANAP (Performance Tasks)

COLLEGE OF SUBIC MONTESSORI SUBIC BAY, INC.
Bldg. 737 Labitan Street, Central Business District, SBFZ ● Tels. (047) 252 3555/3556
Email address: collegeofsubicmontessori@yahoo.com / csm.subicbay@gmail.com

“Seipsum Facit Persona – Man Makes Himself”

OPERATION DEPARTMENT

Sumulat ng isang PERSWESYIB na sanaysay tungkol sa iyong napiling paksa,

alalahanin ang paraan at katangian ng tekstong deskriptibo.
Kung wala ka namang napiling paksa ay maaring gawin itong mungkahi, Sumulat
ng maikling persweysib na sanaysay tungkol sa Mabuti o masamng epekto ng pamamalo.
Gumamit ng mga pagsang-ayon o pagsalungat sa sanaysay.

___________________
PAMAGAT
________________________________________________________________________

You might also like