You are on page 1of 2

SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Nilalaman Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
a. Persuweysib
Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
Pangnilalaman komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan sa Pagganap Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.

Kasanayang Pampagkatuto 3. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa.
9. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a. Kalinawan
b. Kaugnayan
c. Bisa
Sa reaksyong papel na isinulat
Detalyadong Kasanayang 3.1 Natutukoy ang katangian at kalikasan ng tekstong persuweysib. (pagsasanay)
Pampagkatuto 3.2 Natutukoy ang kahulugan ng tekstong persuweysib gamit ang graphic organizer
(Instruksyon)
3.3 Nasusuri ang nilalaman ng binasang tekstong persuweysib.(Pagpapayaman)
3.4 Natutukoy ang uri ng teksto gamit ang mga larawan (motibasyon)

Pamamahagi ng Oras 60 minuto

BALANGKAS:

1. Panimula: Pagtalakay sa mga kasanayan at layunin ng aralin. (5 minuto)


2. Pagganyak: Magpapakita ng mga larawan at hihingin ang mga opinyon ang mga mag-aaal hinggil
sa mga larawang nakita. (10 minuto)
3. Instruksyon: Pagtalakay tungkol sa Tekstong Persuweysib. (15 minuto)
4. Pagsasanay: Pangkatang Gawain (Popsicle Sticks) (5 minuto)
5. Pagpapayaman: Pangkatang Gawain. Susuriin ang tekstong binasa na pinamagatang “Alipin ng
Tadhana”. (10 minuto)
6. Pagtataya: Pangkatang Gawain. Bubuo sila ng isang maikling patalastas tungkol sa isang
produkto na naglalayong manghikayat sa tagapakinig/ tagapanood. (15 minuto)

Mga Kagamitan Laptop, LCD Projector, popsicle sticks, fact sheets.


Sanggunian Marquez, Servillano T. 2016: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik.
PAMAMARAAN
PANIMULA (5 minuto)
1. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati sa Klase
 Pagpapaayos ng upuan
 Pagtsek ng atendans
2. Ilahad sa mga mag-aaral ang mga kasanayang pampagkatuto, layunin at pamanatayang pagganap
sa aralin na ito.
PAGGANYAK (10 minuto)
 Magpapakita ng mga larawan hinggil sa panlipunan na isyu.
 Hihingan ng mga opinyon ang mga mag-aaral kaugnay sa mga larawang nakita.
PAGTALAKAY (10 minuto)
1. Tinalakay ang Tekstong Persuweysib
 Tatlong uri ng panghihikayat
 Dalawang uri ng tekstong persuweysib
PAGSASANAY (5 minuto)
 Pangkatang Gawain. Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Gamit ang popsicle
sticks na may gabay na tanong, bubunot ang mga kinatawan ng bawat pangkat at sasagutin
ang mga tanong na kanilang mabubunot.
 Bawat tamang sagot ay may kaakibat na 5 puntos.
Mga Tanong:
1. Ibigay ang tatlong uri ng panghihikayat at ipaliwanag?
2. Ano ang kaibahan ng dalawang anyo ng tekstong persuweysib? Ipaliwanag.
3. Isa sa mga halimbawa ng tekstong persuweysib ay editorial, paano ninyo ito mapapatunayan?
4. Ano ang layunin ng tekstong persuweysib?
PAGPAPAYAMAN (10 minuto)
 Pangkatang Gawain. Susuriin ng bawat pangkat ang tekstong pinamagatang “Alipin ng
Tadhana”.
Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang pinapaksa ng akda? Ayon dito, ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng
ating bansa?
2. Ano kayang damdamin ang ipinapahiwatig ng may-akda nito? Bakit ganito ang kanyang naging
saloobin? Ipaliwanag?
3. Saan hinihikayat ng editorial ang mga mambabasa? Tukuyin ito.
PAGTATAYA (15 minuto)
 Pangkatang Gawain. Bubuo ang mga mag-aaral ng isang maikling patalastas tungkol sa isang
produkto na naglalayong manghikayat ng mga tagpakinig/ tagapanood.
TAKDANG ARALIN
 Sumulat ng isang reaksyon tungkol sa binasang teksto.

You might also like