You are on page 1of 5

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB-IIIa-98)


Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99)

Layunin:

1. Natutukoy ang kahulugan ng tekstong impormatibo.


2. Naiuugnay ang mga naunawaang kaisipan kaugnay ng binasang teksto sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
3. Nakasusuri ng isang tekstong nagbibigay ng impormasyon.

Paksa:

Tekstong Impormatibo

Kagamitan:

Balita at editorial na makikita sa website. Narito ang mga link:


http://www.bomboradyo.com/magkasunod-na-lindol-naitala-sa-batangas-pagyanig-
umabot-sa-magnitude-6-0/
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/06/16/954468/editoryal-paninigarilyo-sa-
pampublikong-lugar

I. Pagpapalawak ng Aralin

A. Pagganyak
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Anu-ano ang mga larawang
makikita? Kailan tayo kumukunsulta/ gumagamit ng mga ito?
B. Paghawan ng Sagabal
(Sasagutan ng mga mag-aaral sa paraang pasulat sa kalahating bahagi ng papel)
Hanapin mula sa hanay B ang ang tinutukoy na kahulugan sa hanay A. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang.
Hanay A Hanay B
____1. instrumentong ginagamit sa pagsukat ng lindol a. Epicenter
____2. enerhiya na pinakawalan ng epicenter b. intensity
____3. Ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa
mga galaw, pagsabog at pag-aaral sa mga bulkan c. Magnitude
____4. Pinakasentro ng pagyanig dulot ng lindol d.Open-ended
Richter Scale
____5. lakas o tindi ng pagyanig dulot ng lindol e. Phivolcs
f. USGS

Pagbasa

Magkasunod na lindol, naitala sa Batangas; pagyanig, umabot sa Magnitude 6.0


Magkasunod na pagyanig ang naramdaman ng malaking bahagi ng Luzon nitong Sabado
ng hapon.
Ito ang naging paglilinaw ng Phivolcs sa magkakaibang data na lumalabas mula sa USGS
at maging sa kanilang tanggapan.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, unang nai-record ang 5.6 magnitude bandang
alas-3:07 ng hapon, habang sinundan ito ng 6.0 magnitude bandang alas-3:09 ng hapon.
Ang epicenter ng dalawang pagyanig ay natukoy sa Mabini, Batangas at tectonic ang
pinagmulan.
Narito naman ang record ng Phivolcs sa mga naitala ukol sa intensity:

Intensity VII – Mabini, Batangas


Intensity VI – Calatagan, Nasugbu and Tingloy, Batangas
Intensity V – Batangas City, Sto. Tomas and Lemery Batangas; Tagaytay City
Intensity IV- Dasmarinas, Cavite: Lucena City; Pateros City
Intensity III – Makati City; Pasay City; Quezon City; Muntinlupa City; Malabon City;
Mandaluyong City; Bacoor, Cavite
Intensity II – Daet, Camarines Norte

Samantala, batay sa mga eksperto ang isang lindol ay sinusukat sa pamamagitan ng


tinatawag na open-ended Richter Scale.
Dito makikita ang indikasyon ng enerhiya na pinakawalan ng epicenter na tinatawag
na magnitude.
Habang ang intensity naman ng lindol ay nagagawang madetermina mula sa epekto o
nararamdaman ng tao, epekto sa istruktura, mga building, geological structures at iba pa.

http://www.bomboradyo.com/magkasunod-na-lindol-naitala-sa-batangas-pagyanig-umabot-sa-
magnitude-6-0/

C.Pag-unawa sa Binasa
Sagutin ang mga sumusunod na tanong kaugnay ng binasang artikulo. (resitasyon)

1. Ano ang pinakapaksa ng binasang artikulo?


2. Saang lugar naitala ang pinakasentro ng pagyanig ng lindol?
3. Gaano kalakas ang mga naitalang intensity ng lindol?
4. Paano kinuha ang mga impormasyon sa balita?
5. Bakit binigyang linaw ni Dir. Renato Solidum ang mga magkakaibang naitalang
impormasyon kaugnay ng nasabing lindol?
6. Mula sa binasang balita, paano mo masasabi na ang isang teksto ay impormatibo?
III.Mga Gawain

A. Pangkatang Gawain

Hahatiin ang klase sa apat na pangkat at isasagawa ang nakasaad sa task


card.

1. Fishbone
Gamit ang graphic organizer na fishbone, tutukuyin ng mga
mag-aaral ang mga sanhi at bunga ng lindol

SANHI SANHI SANHI

LINDOL

BUNGA BUNGA BUNGA

2. Pagsasadula
Ang mga mag-aaral ay magsasadula ng isang senaryo na sa
kanilang palagay ay isa sa nagiging sanhi ng paglindol
3. Tableau
Isasagawa ng mga mag-aaral ang mga dapat gawin kapag lumilindol
sa pamamagitan ng tableau.
4. Pagbabalita
Aktwal na bibigkasin sa paraang nagbabalita ang tekstong binasa.

B. Paglalahat
Punan ang reflective journal (Matapos masagutan ng mga mag-aaral ito,
pipili sila ng kani-kanilang kapartner upang magpalitan ng kaniya-kaniyang
opinyon o kuru-kuro).

Natutuhan ko na ang tekstong impormatibo ay ___________________________

Mahalagang matutuhan ito sapagkat ___________________________________

Magagamit ko ito sa pamamagitan ng __________________________________

C. Paglalapat
Kung ikaw ay isang reporter/anchor sa isang telebisyon, paano ka
mangangalap ng datos o impormasyon na iyong ibabalita?

D. Pagtataya
Basahin, Suriin at Ibahagi Mo Ako!
Ang mga mag-aaral ay susuri ng isang editoryal na ibibigay ng guro. Gamit ang
highlighter/ballpen/krayola, bibilugan nila ang mga salita/parirala/pangungusap na
nagbibigay indikasyon na impormatibo ang teksto. (Hahatiin sa 3 pangkat ang klase).
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/06/16/954468/editoryal-paninigarilyo-sa-
pampublikong-lugar

Rubric sa Pagsusuri ng Editoryal (Group Sharing)

Kraytirya Lubhang Kasiya - Kasiya - siya Di kasiya - siya Pagtatangka


siya
1. Pagkakaisa Nakiisa ang buong Nakiisa ang May ilang di Lider lamang
ng grupo sa pangkat buong pangkat nakiisa ang
gawain ng subalit nagpapahayag
pangkat nagkakaroon ng at nagbigay
kaunting ng ideya
pagkakagulo
2. Ideya / Kumpleto ang mga Kulang ang Iilang ideya Sa lider
impormasyong impormasyon at binilugang ideya lamang ang lamang
binilugan ng ideyang binilugan binilugan nagdepende
pangkat ang pagbilog
3. Napasunod nang Napasunod Sumunod pero Nakasunod
Pagpapasunod walang hirap at subalit may di naunawaan lamang
ng lider at may paggalang sa nagreklamo sa ang Gawain
pangkat pinuno at pangkat gawaing ibinigay
sa kanya
4. Kalidad ng Mas maganda at Maganda at Nakagawa Nakagawa
nabuong malinaw sa malinaw subalit magulo lamang
awtput ng inaasahan
pangkat

Iskala sa Pagmamarka:
Lubhang kasiya – siya 4 – 100
Kasiya - siya 3 - 90
Di kasiya - siya 2 - 80
Pagtatangka 1 - 70

Inihanda nina:

Rocel D. Novio Agnes I. Conocido Medy L. Marasigan


SHS Teacher II SHS Teacher II SHS Teacher III
Division of Bulacan Division of Bataan Division of Pampanga

Binigyang-Pansin ni:

Sinang-ayunan ni:

You might also like