You are on page 1of 5

PAARALAN BARUCBOC NATIONAL HIGH BAITANG BAITANG 11

SCHOOL
GURO PRINCESS ANN CANCERAN-BULAN ASIGNATURA FILIPINO
PETSA/ORAS MAY 8, 2019 MARKAHAN 2ND SEMESTER

I.LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN - Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto
ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP - Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng
iba’t ibang teksto
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO - F11WG – IIIc – 90 Nagagamit ang cohesive
device sa pagsulat ng sariling halimbawang
teksto
II.NILALAMAN - Tekstong Deskriptibo
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Kagamitan sa Gabay ng Pangmag- - Internet
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk - PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK PAHINA 198-
204
B. Iba pang Kagamitan Panturo - TV, LAPTOP, KARTOLINA, PROJECTOR
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral - Paghahanda:
 Panalangin
 Pagpapaalala sa mga tuntunin sa loob
ng klase

B. Pagganyak GAWAIN: “BUGTUNGAN TAYO”

PANUTO:
- Kayo ay papangkatin sa tatlong grupo.
- Bawat grupo ay magtalaga ng sekretarya na
taga sulat ng inyong sagot.
- Kailangan lamang unawain ang mga
pangungusap sa bugtong at hulaan kung ano
ang tinutukoy nito.
- Bawat tamang kasagutan ay may karampatang
2 puntos.
- Ang unang makapagbigay ng tamang kasagutan
ang sya lamang mabibigyan ng puntos. Kayat
maging mapagmatiyag at alerto.

1. Abaruray, Abarinding, kung maalinsangan ay


kumekending. ___________
2. Naligo si kapitan, di nabasa ang tiyan. ______
3. Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo. _____
4. Puno ay buko-buko, dahon ay abaniko, Bunga ay
parasko, perdigones ang buto.__________
5.may alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa
tuhod._______
6. malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap.
__________
7.Instrumentong pangharana, hugis nito ay katawan ng
dalaga_________
8. Naka-kapa ay di naman pari. Naka-korona ay di
naman hari__________

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Mula sa unang gawain na inyong isinagawa, masasabi
aralin nyo ba na ang bugtong bilang isang uri ng akda ay isang
akdang naglalarawan? Ano satingin mo Juan?

Juan: Maam satingin ko po ay oo


Guro: at bakit mo naman nasabi juan na ang bugtong ay
isang akdang naglalarawan?

Bilang kaugnayan sa paksang ating tatalakayin.


Kailangan niyong ayusin ang “Jumbled letters” na nasa
pisara upang makabuo ng isang salita at ang salitang ito
ay ang ating paksang tatalakayin.

NGOTSKET RIPBOTIKSED
SHEVIECO CEVIDE

Sagot:Tekstong Deskriptibo
Cohesive Device
Klas, paki basa ang nabuong salita.
(babasahin ng mga mag-aaral ang salita)

Sa araw nga na ito klas ay ating tatalakayin ang tekstong


deskriptibo at ang mga kohesyong gramatikal o
“Cohesive deviCes” na ginagamit sa mga teksto.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at GABAY NA TANONG:


paglalahad ng bagong kasanayan 1. Ano ang kahulugan ng tekstong deskriptibo?
2. Ano-ano ang cohesive device na karaniwang
ginagamit sa tekstong deskriptibo?
3. Ano ang katangian ng cohesive device na ginagamit
sa tekstong deskriptibo?
4. ano ang pinagkaiba ng mga cohesive device na
ginagamit sa tekstong deskriptibo?
5. paano nagagamit ang mga halimbawa ng cohesive
device sa tekstong deskriptibo para sa pagbuo ng isang
akdang pampanitikan?
6. Ano ang kahalagahan ng mga cohesive device sa
pagsulat ng isang akdang pampanitikan? Magbigay ng
ispesipikong halimbawa.

Pagtalakay ng guro:
A. Batay sa Nabuong salita kanina, ano ang iyong pang-
unawa o pananaw tungkol sa uri ng tekstong ito.
B. Tatalakayin ng guro ang reperensya bilang halimbawa
ng cohesive device na ginagamit sa tekstong deskriptibo
at ang dalawang uri ng reperensya ang (Anapora at
Katapora).
C. Pagkatapos ng pagtalakay ay magbibigay ng mga
halimbawa ng komposisyon ang guro gamit ang
cohesive device na tinalakay.
D. Tutukuyin ng mga mag-aaral kung anong uri ng
reperensya ang inilapat sa mga halimbawang
komposisyon/ pangungusap na ipapakita ng guro.

E. Paglinang ng Kabihasaan Mr and Mrs. Q&A HENYO


 Sa bawat larawan na ipapakita, ay gumawa ng
pangungusap na naglalarawan patungkol dito.
Sabihin ang salitang “I believe” at sundan ito ng
tatlong pangungusap na naglalarawan. Pagkatapos
ay sambitin na ang sagot.
 Ito ay katulad ng laro sa “Miss Q and A” sa “It’s
Showtime.”
 Paunahan ang bawat grupo na itaas ang kanilang
bandera.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw A. Paano nakatutulong ang paggamit ng naaangkop na


na buhay paglalarawan o deskripsiyon upang higit na kalugdang
basahin ang isang teksto?

B. Isulat sa Linya kung anapora o katapora


________1. ayon sa mga matatanda, may mahiwagang
babaeng nagpapakita sa mga taong nagpupunta sa
paanan ng bundok, sinasabing ito ay isang engkantada
_________2. Bayani ang mga taong handing tumulong
sa nangangailangan kahit walang hinihintay na kapalit o
magbuwis ng buhay para sa bayan kung kinakailangan.
Sila ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi
pangkaraniwang kabutihan para sa iba.
_________3. Matamis na maasim-asim ito. Ang may
katigasan at kulay lilang balat ay nagtataglay ng
mapuputing hilis na paborito ng marami hindi lang
dahil sa lasa nito kundi maging sa taglay na susutasiya.
Hindi pangkaraniwang prutas ang mangosteen.
_________4. Uber at Grab Taxi na ng aba ang
solusyong dala ng makabagong teknolohiya para
mapadali ang pagahhanap ng masasakyan? Ang mga ito
ay alternatibo sa nakasanayang de-metrong taxi.
_________5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga
lang ba itong alaala sa ating malalking lungsod?

G. Paglalahat GAWAIN:
Sumulat ng tig limang sariling halimbawa ng
pangungusap gamit ang cohesive device na Anapora at
Katapora. (10pts)

H. Pagtataya ng Aralin ISAHANG GAWAIN: 5 mins


Mekaniks.
Tumingin sa inyong kapaligiran, pagmasdan ang mga
bagay-bagay na inyong makikita at pumili ng isang
paksa maging ito ay tao, bagay, hayop o alinmang
pangyayari na maaari mong ilarawan gamit ang
kohesyong gramatikal/ cohesive device na napag-aralan
at sumulat ng isang tula, sanaysay, talatang deskriptibo,
tanaga, haiku, dagli, dayalogo o awit. Pumili lamang ng
isang pamamaraan upang makabuo ng isang akda.
Maging malikhain sa pagsasagawa nito.
Rubriks: (tignan ang nakalakip na rubriks)
I. Bilang ng mga mag-aaral sa seksyong
tinuturuan.
1. Bilang ng mga mag-aaral na natuto.
2. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan
ng patnubay ng guro.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang
aralin.
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng
80% - 100% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos
F. Anong suliranin ang naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng Punong Guro?
G. Anong kagamitang Panturo ang aking
nadehubo na nais kong ibahagi sa aking
kapwa guro?

Checked and corroborated by:

ABRAHAM S. GAMAL ANA A. RUBANG


Learning Facilitator Learning Facilitator

RICHELLE S. UY ROSABEL R. BRILLIO


Learning Facilitator Learning Facilitator

JAY G. GALLEGOS
EPS- English

You might also like