You are on page 1of 9

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik
Unang Markahan- Modyul 3
Tekstong Deskriptibo

Layunin

1
Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning activity Sheet-LAS) na ito ay
magsisilbing gabay mo sa iyong pagtuklas sa ilang panimulang kaalaman na kakailanganin
mo sa pagkatuto tungkol sa Tekstong Deskriptibo. Nakapaloob dito ang mga gawain, mga
pagsasanay na sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa
gawaing pampagkatuto na ito.

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:

Aralin: Nagagamit ang Cohesive Device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto.


(F11WG-lllc-90)

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. nakilalala ang mga cohesive device sa pagpapahayag;
2. natutukoy ang cohesive device na ginamit sa pangungusap.
3. nakabubuo ng isang tekstong deskriptibo gamit ang mga na cohesive device.

Pag-aralan

2
Cohesive Devices sa Tekstong Deskriptibo

Cohesive Devices sa Tekstong Deskriptibo

Ito ang ginagamit ng manunulat o naglalarawan upang magkaroon ng mas maayos at mas
malinaw na daloy ng kaisipan sa isang teksto. Ang cohesive devices ay kailangan upang
mas higit na makita at maunawaan ang kahulugan o kabuluhan ng bawat bahagi ng teksto.

Limang pangunahing Cohesive Device

1.REPERENSIYA (REFERENCE) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o


maging reperensiya ng paksang pinag- uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging
anapora (kung kailangan bumalik sa tektso upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy)
o kaya'y katapora ( kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino ang tumutukoy
kapag ipinagpapatuloy ang pagbabasa ng tektso)

ANAPORA HALIMBAWA: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging
mabuting kaibigan.

KATAPORA HALIMBAWA: Siya ang nagbibigay sa akin ng inpirasyong bumangon sa


umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking
pagdating ay sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi sa
aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na magiisang taon pa
lamang.

2. SUBSTITUSYON (SUBSTITUTION) Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na


muling ulitin ang salita. HALIMBAWA: Nawala ako ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
.
3.ELIPSIS May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag upang matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang

HALIMBAWA: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina naman ay tatlo.

4.PANG-UGNAY Nagagamit ang mga pag-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng sugnay sa


sugnay, parilala sa parilala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nitp ay higit
na nauunawaan ng mambabasa ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay.

HALIMBAWA: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga
anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

3
5.KOHESYONG LEKSIKAL Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ng
kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: 1. Reiterasyon 2. Kolokasyon

1.RETIRASYON Kung ano ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari
itong mauri sa tatlo: pag-uulit, pag-iisa isa, at pagbibigay-kahulugan.

a.PAG-UULIT O REPETISYON Maraming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ang


mga batang ito ay nagtatrabaho sa nga murang gulang pa lamang.

b.PAG-IISA ISA Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong,sitaw,kalabasa at ampalaya.

c.PAG-BIBIGAY KAHULUGAN Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga


pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang mga pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang
baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.

2.KOLOKASYON Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareho o magka-ugnay


sa isa't isa kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkaapreha o maari
ring magkasalungat.

• nanay-tatay • guro - mag-aaral • hilaga- timog • doktor - pasyente


.puti - itim • malaki - mliit • mayaman - mahirap • masaya- malungkot

Mga Gawaing Pampagkatuto

4
Gawain 1. Punan mo ito!
Panuto:Punan ang di natapos na pahayag upang maipakita ang pagkaunawa sa
aralin gamit ang ankop na cohesive devices.Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Ang Reperensya ay maaring ito maging ___________ at ______________.

2. _________ay paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang


salita.

3. Pang-ugnay nagagamit tulad ng ________ sa pag-uugnay ng sugnay sa


sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.

4. Ang Kohesyong Leskikal ay maari itong mauri sa dalawa: _________ at


_________.

5. Ang Reiterasyon ay may mauri sa tatlo (3) _________,___________ at


__________.

Gawain 2. Tuklasin Mo!

Panuto: Tukuyin kung anong cohesive devise ang ginamit sa bawat pahayag. Pumili sa
kahon ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

Reperensiya Kohesiyong leksikal Elipsis Pang-ugnay substitusyon

1.Kahirapan ang nagtutulak sa iilan para gumawa ng kasamaan, Ito lang kasi ang nakikita
nilang paraan para mabuhay.
2. Hindi man niyang gumawang umiyak sa harap ng iba ay labis naman ang ka niyang
pagtangis sa kaniyang pag-iisa.
3. Parang aso at pusa ang magkapatid na Dina at Dino.
4.Pangarap ko ang makapunta sa ibang bansa tulad ng Paris, korea;t Amerika.
5.Pag-ibig ang dahilan kung bakit siya masaya ngunit pag ibigin din ang dahilan ng kaniyang
pagluha.
6. Tila gatas at kape kulay ng magkasintahang Raul at Paula.
7.Naipasa ko nang may mataas na iskor ang pagsusulit sa Math. Sorbrang nahirapan
naman ako sa English.
8. Maraming asignatura ang kailangan kunin sa GAS strand.Iland ditto ay ang Practical
Research,Statistics, Entrepreurship at marami pang iba.

5
9. Pusa ang pinakaayaw niyang alaga. Maroon kasi siyang allergy dito.
10.Mahalagang malagyan ng hangganan ang ugnayang guro at mag-aaral upang
mabawasan ang pagiging abusado ng iilan.

Gawain 3.Paggawa!
Panuto:Bumuo ng isang tekstong deskriptibo o paglalarawan gamit ang mga cohesive na
device na tinatakay. Tatayain ang inyong ginawa bata sa pamantayang marka sa
ibaba.

PAMANTAYAN 4 3 2 1
Husay ng Nakahusay at Nakagamit ng May Kulang na
pakakasulat at lubhang mga salitang kakulangan ang kulang at hingi
Paglalarawan nakaakit ang mahuhusay at pagkakagamit angkop ang
pagkakagamit nakakaakit sa ng mahuhusay mga salitang
ng mga salita pagsulat ng na salita sa ginagamit sa
sa pagsulat ng paglalarawan pagsulat kaya paglalarawan
paglalarawan naman hindi kaya;t hindi tio
gaanong makaakit sa
nakaakit ang sinumang
paglalarawan makababasa
Paggamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Kakaunting Walang
angkop na angkop at mga datos na datos na nasaliksik ma
datos maraming datos mula sa masaliksik ang daots ang
patungkol sa mula sa pananaliksik nagamit at naisama at
lugar panaliksik karamihan sa pawing opinion
mga nakalahad lang nga
ay opinion lang manunulat ang
ng manunulat. nailahad.
Paggamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Hindi gumamit
ankop na angkop na cohesive ilang cohesive ng anumang
Devices o cohesivice devices o divices subalit cohesive
Kohesyong devices o kohesyong hindi ito sapat devices subalit
Gramatikal kohesyong gramatikal sa para sa maayos hindi ito para sa
gramatikal na pagbuo ng na daloy ng maayos na
lalong nagbigay paglalarawan paglalarawan daloy ng
ng maayos na paglalarawan
daloy ng
paglalarawan

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa Cohesive na Device sa
Tekstong Deskriptibo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

6
7
Susi sa Pagwawasto

Gawain1
Gawain 3
Gawain 1 A.Nakapadokmento ng
mga alaala.
1. Anapora a D.Nagtuturo ng mga
Katapora bagong bagay
2. Substitusyon
3. at B.Naipakikilala ang sarili
4. Reitrasyon
/kolokasyon 6.Nakakalikha ng bagong
5. Pag-uulit,pag-iisa- content na maibabahgi sa
isa at pagbibgay mga mambabasa at
tagapakinig Sariling Pagpahayag ng
kahugan
mga Mag-aaral
C-E-Nakapagdudulot ng
mga bagong paraan ng
pagpapahayag

8
Sanggunian
Aklat:
Dayag M. Alma, et. Al. 2017. Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang teksto tungo sa Pananlisik.
Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.

Online:

Brain, Carlo, (2018)https://www.pinoynewbie.com/tekstong-deskriptibo-o-deskriptiv/

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Self-Learning Module (SLM)

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS)


Manunulat : Mary Grace J. Galbo
Evaluators : Alexander Martinez Dubduban
Fe Montejo Clerigo
Daisy Solante
Editor : Klaim G.Dumaicos
Tagasuri : Filipina F. Meehleib
Tagaguhit : Achilles C. Zerda
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Filipina F. Meehleib

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

You might also like