You are on page 1of 6

FILIPINO 11

UNANG MARKAHAN: IKATLONG LINGGO


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pangalan: _____________________________
Taon at Pangkat: _______________________ Petsa: ___________________

KONSEPTONG PANGWIKA
(GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN)
Panimula

Talagang malaki ang ginagampanang papel ng wika sa ating buhay sapagkat malaki ang
naitutulong nito sa pagbuo ng maayos na relasyon sa ating kapwa. Nakatutulong din ito upang
maisakatuparan ang anumang layuning nais makamit. Hindi mapagkakaila na ang wika ay sandigan
ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at kaunlaran ng isang bansa. Hindi uusad ang lipunan kung walang
wikang ginagamit.

Ayon sa Australyanong Lingguwista na si Michael Halliday (1925) sa kanyang aklat na


Explorations in th Functions of Language, mayroong pitong (7) pangkalahatang gamit o tungkulin
ng wika sa lipunan.

Ang mga sumusunod ay nagpapaliwanag kung papaano ba napapakilos o napagagalaw ng


wika ang lahat ng bagay sa mundo ayon sa gamit o tungkulin nito.

1. INSTRUMENTAL
Instrumental ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng tao upang maisakatuparan ang nais na
mangyari, gayundin ay matugunan ang pangangailangan ng isang tao-pisikal, emosyonal o sosyal
na pangangailangan. Madalas, nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos. Ang
paggamit ng salitang “Gusto ko” ay naghuhudyat sa ganitong gamit ng wika.
Halimbawa: Panghihikayat sa iyong guro upang tanggapin ang iyong konseptong papel

2. REGULATORI

Regulatori ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng tao upang kontrolin o magbigay gabay sa
kilos o asal ng ibang tao. Ito ang nagtatakda kung ano ang dapat o hindi dapat gawin ng isang tao.
Ang paggamit ng salitang “Gawin mo kung ano ang sinabi ko” ay naghuhudyat sa ganitong gamit ng
wika.

Halimbawa: Ang pagbibigay-paalala o babala hinggil sa isang bagay. Ang mga panuto sa
pagsusulit at mga nakapaskil na mga paalala o direksiyon sa loob ng paaralan ang pinakapayak na
halimbawa nito.

3. REPRESENTASYUNAL

Representasyunal ang gamit ng wika kung ito’y ginagamit ng tao sa pagbabahagi ng


impormasyon, mga pangyayari, makapagpahayag ng detalye, makapagdala at makatanggap ng
mensahe sa iba. Ang paggamit ng mga salitang “May sasabihin ako sa iyo” ay naghuhudyat sa
ganitong gamit ng wika.

Halimbawa: Pag-uulat ng hinggil sa isang paksa sa klase. Magbalita ng mga mahahalagang


pangyayari sa kapaligiran.

1
4. INTERAKSYONAL

Interaksyonal ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng tao sa pagpapanatili at pagpapatatag ng
relasyong sosyal sa kapwa. Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga
pormularyong panlipunan. Ang paggamit salitang “Ikaw at Ako” ay naghuhudyat sa ganitong gamit
ng wika.

Halimbawa: Pangangamusta, pag-anyaya at pagbati: Magandang umaga; Maligayang


kaarawan; Hi/Hello/Kamusta ka? At iba pa; o di kaya’y pagpapalitan ng mga biro.

5. PERSONAL

Personal naman ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng tao sa pagpapahayag ng sariling
personalidad batay sa sariling kaparaanan, damdamin, pananaw o opinyon. Ang paggamit kung
minsan ng salitang “Ito ako” ay naghuhudyat sa ganitong gamit ng wika.

Halimbawa: Pagsigaw upang mailabas ang saloobin sa tuwing may suliranin o di kaya’y
pagkabigo. Maari ring pagpipigil sa nararamdaman sa taong may ginawang pagkakamali sa iyo.

6. HEURISTIKO

Heuristiko ang gamit ng wika kung ito ay ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon
upang makapagtamo ng iba’t ibang kaalaman sa mundo. Madalas din itong ginagamit sa paaralan
upang makapagtamo ng kaalamang akademik at propesyunal. Ang paggamit kung minsan ng
salitang “Sabihin mo sa akin kung bakit” ay naghuhudyat sa ganitong gamit ng wika.

Halimbawa: Pagbuo ng pananaliksik, pakikipanayam at pagtatanong upang makakalap ng mga


impormasyon na ginagamit sa araw na araw na gawain.

7. IMAHINATIBO

Imahinatibo ang gamit ng wika kung gagamit ng tao ang wika sa pagpapalawak ng kanyang
imahinasyon. Ginagamit ang wika upang makabuo ng malikhaing pagsulat o maipakita ang pagiging
malikhain.

Halimbawa: Paggamit nito sa pagsulat o pagbigkas ng akdang pampanitikan

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Nabibigyang kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan F11PT-Ic-86

Nagagamit ang kaaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-
unawa sa mga konseptong pangwika F11EP-Ic-30

Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin ang mga inilalarawan na gamit ng wika. Isulat ang sagot sa patlang.

_______________________1. Ito’y ginagamit ng tao sa pagbabahagi ng impormasyon, mga


pangyayari, makapagpahayag ng detalye, makapagdala at makatanggap ng mensahe sa iba.

_______________________2. to ay gamit ng wika na ginagamit tao upang maisakatuparan ang nais


na mangyari.

_______________________3. Ang gamit ng wika kung gagamit ng tao ang wika sa pagpapalawak
ng kanyang imahinasyon.

2
_______________________4. Ginagamit ang wikang ito sa paghahanap o paghingi ng impormasyon
upang makapagtamo ng iba’t ibang kaalaman sa mundo.

_______________________5. Ito ay tumutukoy sa sandigan ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at


kaunlaran ng isang bansa.

_______________________6. Ayon sa kanya, may pitong pangkalahatang gamit o tungkulin ng wika


sa lipunan.

_______________________7. Ito ang nagtatakda kung ano ang dapat o hindi dapat gawin ng isang
tao.

_______________________8. Ito ay ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng sariling personalidad


batay sa sariling kaparaanan, damdamin, pananaw o opinyon.

_______________________9. Ginagamit ang wikang ito sa pagpapanatili at pagpapatatag ng


relasyong sosyal sa kapwa.

_______________________10. Halimbawa ng gamit ng wikang ito ay ang pangangamusta, pag-


anyaya at pagbati.

Pagsasanay 2

PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A na gamit ng wika sa mga halimbawang
ibinigay.

Hanay A
Hanay B
____1. Gusto ko ng lumabas ng bahay
____2. “Guys huddle!” A. Pampersonal
“Wait lang TL. Tapusin ko lang ito.” B. Pang-imahinasyon
____3. Pagsasarbey kung anong kurso na C. Pang-interaksyonal
kukunin ng mga mag-aaral ng Grade 12. D. Pang-heuristiko
____4. Alam niyo ba na ang pinakahabang salita E. Panregulatori
ay binubuo ng apatnapu’t limang letra? F. Pang-instrumental
____5. Tatlumpung mga mata ang nakatitig sa G. Panrepresentatibo
akin habang kumakanta.
____6. pusin ko muna raw ang aking pag-aaral
sabi ni inay bago magboyfriend.
____7. Bam! Ang ganda ng iyong obra maestra.
____8. Bawal tumawid, nakamamatay.
____9. Magandang gabi!
____10. Myla, maghugas ka ng pinagkainan.

3
Pagsasanay 3

Panuto: Sumulat ng halimbawang sitwasyon ng mga sumusunod na gamit ng wika.

Pagiging Instrumental ng Wika Mga Halimbawang Sitwasyon

Hal. pakikiusap o pag-uutos Sinabihan ka ng iyong ate na maglinis ng


kawarto

Pagiging Regulatori ng Wika

1. pagbibigay-paalala o babala hinggil sa isang


bagay

Pagiging Representasyunal ng Wika

2. Magbalita ng mga mahahalagang


pangyayari sa kapaligiran

Pagiging interaksyonal ng Wika

3. Pangangamusta, pag-anyaya at pagbati


Pagiging Personal ng Wika

Pagiging Personal ng Wika

4. Pagpapahayag ng sariling personalidad

Pagiging Heuristiko ng Wika

5. Pagbibigay o paghahanap ng impormasyon

Pagsasanay 4

Panuto: Ipagpalagay mo na ang kahon na nasa ibaba ay ang iyong facebook account, isulat ang
iyong magiging post gamit ang iyong napiling wika.

PAKSA: PANDEMYA (COVID-19)

FACEBOOK
Napiling Gamit na Wika:

4
Pagsasanay 5

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang panlahat na gamit ng wika sa lipunan? Isa-isahin at ipaliwanag.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral na katulad mo ang ibat’t ibang gamit ng wika
sa sitwasyong panlipunan? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Sa pitong gamit ng wika sa lipunan, alin sa mga ito ang madalas mong ginagamit? Bakit kaya?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Paano nakaaapekto ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pang-araw-araw nating
pamumuhay? Magbigay ng mga konkretong halimbawa.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

5. Ano kaya ang maaring mangyari kung sandaling hindi matugunan ang paggamit ng wika ang ating
pangangailangan?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

Pangwakas

Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag hinggil sa araling ito.

Ang natutunan ko sa araling ito ay _____________________________________________

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Ang mga bagay na kumuha ng aking interes sa araling ito ay _________________________

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Ang tanong o mga tanong na ibig ko pang masagot sa araling ito ay ___________________

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5
Mga Sanggunian:

Cantillo M.M, Gime A.V, Dr.Gonzales A. “Sikhay Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at
Kulturang Pilipino para sa Ika-11 Baitang.” 2016. 33-43
Jocson, M. “Komunikasyon at Pananalliksik sa Kulturang Pilipino (Batayang Aklat)”. 2016. 80-83

Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1
1. Regulatori
2. Interaksyunal
3. Heuristiko
4. Representasyunal
5. Instrumental
6. Regulatori
7. Personal
8. Personal
9. Representasyunal
10. Representasyunal
Pagsasanay 2
1.F
2.C
3.D
4.G
5.B
6.E
7.A
8.H
9.D
10.I
Pagsasanay 3
Maaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral, nababase sa kanilang pagkaunawa sa aralin.
Pagsasanay 4
Maaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral, nababase sa kanilang pagkaunawa sa aralin.
Pagsasanay 5
Maaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral, nababase sa kanilang pagkaunawa sa aralin.

Inihanda ni:

Mary Jane R. Lagrazon


Teacher II

You might also like