You are on page 1of 8

GAMIT NG WIKA

SA LIPUNAN
IBAT-IBANG PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

FILIPINO 001
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

-Ang pinakadiwa ng lipunan ay ang panlipunan. Ang wika ay isang


sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran
ang mahalagang gamit nito sa lipunan.
-Ayon kay M.A.K. Halliday ang pitong tungkulin ng wika na
mababasa sa kanyang aklat na “Explorations in the Functions of
Language”(Exploration in Language Study)(1973) ay ang sumusunod:
INSTRUMENTAL

-Tumutugon ito sa mga pangangailangan ng tao gaya ng


pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal,
liham sa patnugot at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa
isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay
mga halimbawa ng tungkuling ito.
REGULATORYO

-Tumutukoy ito sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.


Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng
isang partikular na lugar, direksiyon sa pagluluto ng isang ulam,
direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at direksiyon sa paggawa ng
anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
INTERAKSIYONAL

-Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-


ugnayan ng tao sa kanyang kapwa, pakikipagbiruan,
pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na
isyu,pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa
isang kaibigan o kapalagayang-loob, paggawa ng liham-
pagkakaibigan at iba pa.
PERSONAL

-Ang tungkuling ito ay ang pagpapahayag ng sariling opinyon


o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang
pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng
pagpapahalahaga sa anumang anyo ng panitikan.
HEURISTIKO

-Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng


impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama na rito ang
pag-iinterbyu sa mga taong makakasagot sa mga taong makakasagot sa mga
tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan,pakikinig sa radyo, panonood sa
telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan
nakakukuha tayo ng impormasyon.
IMPORMATIBO

-Kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha


o paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa
pagbibigay mga impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Ang
halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa na pamanahong papel,
tesis, panayam, at pagtuturo.

You might also like