You are on page 1of 8

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

Si SHUKOOR (1991), isang dayuhan, ay minsang sinabi noong siya ay nag-aaral pa


lamang na ang mundo ay sadyang magiging madilim sa kawalan ng komunikasyon.
Sinabi rin niya na ang buhay ay sadyang magiging nakakabagot kung wala ang
komunikasyon sa buhay ng tao.

SHUKOOR (1991)Ang komunikasyon ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na


buhay. Mahalaga na lumawak ang ating kaalaman ukol rito upang higit na lumalim
ang ating pagpapahalaga sa kapangyarihan at gampanin nito sa ating buhay.
Mula pa man noon, ang kapangyarihan ng komunikasyon ay maituturing na
mahalaga sa buhay ng tao. Sa pamamagitan nito, maraming bagay ang kayang
isagawa ng tao.

Ang kapangyarihan nito ay humubog sa kakayanan ng tao na magsagawa ng


pagkilos na makapagpapabago sa takbo ng buhay sa pagdaan ng mga panahon.
TUNAY NGA na sa pamamagitan ng komunikasyon, higit na lumalawak at
lumalakas ang kaalaman ng tao tungkol sa buhay at sa mundong kanyang
ginagalawan.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


Michael Alexander Kirkwood Halliday“M.A.K Halliday” isang bantog na iskolar mula
sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang
panlipunang phenomenon . Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika
ang popular niyang modelo ng wika.

 INSTRUMENTAL
PAANO: Tumugon sa pangangailangan ng mga tao, gaya ng PAKIKIPAG-UGNAYAN
sa iba.
PARAAN:
Nagagamit ang wika sa pamamaraan ng:
1. PAKIKIPAGUSAP O PAG-UUTOS.
2. PARA TUKUYIN ANG REPERENSIYA.
3. Nakatutulong sa paglutas ng problema, pangangalap ng materyales,
pagsasadula at panghihikayat.

 INSTRUMENTAL (KATANGIAN)
INSTRUMENTAL BILANG WIKA NG PANGHIHIKAYAT (BIGKAS -PAGGANAP)
Ang paggamit ng wika ng isang tao upang pagalawin at direktang pakilusin ang
kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe.
B. INSTRUMENTAL BILANG WIKA NG PATALASTAS
Ginagamit upang maipakilala ang isang tao, produkto, serbisyo o pangyayari
upang tumatak sa isipan ng mamimili dapat tangkilin.

LIMANG URI:
1. Pag-uutos
2. Pagsusulat sa pisara ng takdang-aralin ng mga mag-aaral
3. Paggawa ng liham kahiligan
4. Pag text o email
5. Pagtawag (isang uri ng tayutay)

 SITWASYON:
Ano ang sasabihin mo sa mga taong hindi sumusunod sa protocol ng inyong barangay
kaugnay ng pandemiyang laganap ngayon sa ating lipunan?
 REGULATORYO
PAGKONTROL SA UGALI NG IBANG TAO.
Ito ay binubuo ng INSTITUSYON – paaralan, pamilya, edukasyon, simbahan,
industriya midya at pamahalaan.
PAANO GINAGAMIT: magtakda, magbigay ng direksyon, mag-utos.
 ELEMENTO:
 Batas o Kautusang nakasulat
 Taong may kapangyarihan o posisyon
 May taong nasasaklawan ng batas na sumusunod
 Konteksto na nagbibigay bisa sa batas
 TATLONG KLASIPIKAYSON NG WIKA AYON SA REGULATORYONG BISA
 A. BERBAL – tawag sa kautusan, batas, o alituntunin na binabanggit lamang ng
pasalita.
 B. NAKASULAT, NAKALIMBAG O BISWAL – ito ay mga batas sa konstitusyon o
nababasa.
 C. DI-NASUSULAT NA TRADISYON – mahabang tradisyon na pasalin-salin.
Maaaring tawaging bukambibig na kautusan, batas o tuntunin.

 INTERAKSYUNAL

 Upang mapanatili ang UGNAYAN ng bawat isa.


 PAANO BA GINAGAMIT ANG WIKA?
 Ang wika ay ginagamit upang manira ng relasyon
 Ang wika ay ginagamit upang mang-impluwensiya
 Ang wika ay ginagamit upang magpahayag ng imahinasyon.

 PERSONAL
 Saklaw ng tungkuling ito ang PAGPAPAHAYAG NG SARILING OPINION O
KURO-KURO sa paksang pinag-uusapan.
 Pagsusulat ng TALAARAWAN at JOURNAL, pagpapayag at pagpapahalaga
sa anumang anyo ng panitikan.

 HEURISTIKO
 Saklaw ng tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghanap ng
impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aralan.
 Pag iinterbyu makakasagot sa mga tanong tungkol sa paksang
pinagaralan;
 Pakikinig sa radio
 Panonood sa telebisyon
 Pagbasa ng pahayagan
 Magasin at blog Aklat

 IMPORMATIBO
 Pagkuha o paghanap ng impormasyon. Ito naman ay may kinalaman sa
pagbibigay ng impormasyon sa parang pasulat at pasalita.
 HALIMBAWA: Pagbibigay-ulat , paggawa ng pamanahong papel, tesis ,
panayam at pagtuturo

Si ROMAN JACKOBSON ay isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng


ikadalampung siglo . Isa siya sa mga nagtatag ng Linguistic Circle of New York . Ang
kanyang bantog na FUNCTION OF LANGUAGE ang kanyang nagging ambag sa
semiotics
SEMIOTICS – ay ang pag aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano ito
gamitin

1. IMPORMATIBO
2. PERSONAL
3. REGULATORYO
4. INSTRUMENTAL
5. INTERAKSYUNAL

 GRENE AT PETTY
Developing Language Skills, nagsabi na ang komuniaksyon ay isang “intensyunal”na
gawain ng paggamit ng mga simbolo para magpahayag ng impormasyon,
kaisipan, at saloobin sa pagitan ng mga taong maaaring kabilang o sangkot sa
isang sitwasyon o konteskto.
GRENE AT PETTY
Developing Language Skills, nagsabi na ang komuniaksyon ay isang “intensyunal”na
gawain ng paggamit ng mga simbolo para magpahayag ng impormasyon,
kaisipan, at saloobin sa pagitan ng mga taong maaaring kabilang o sangkot sa
isang sitwasyon o konteskto.
MGA PANANAW UKOL SA KALIKASAN NG KOMUNIKASYON
A. Komunikasyon: Ano Ito?
Mahalaga na maunawaan ang kalikasan ng komunikasyon. Ang mga iskolar ay
nagkakaisa sa pagsasabi na ang komunikasyon ay isang pangunahing gawain ng tao
na kanyang ginagamit upang mabuhay. Ito ay mailalarawan din bilang isang aktibong
proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga makabuluhang mensahe sa
pamamagitan ng paggamit ng mga berbal o di-berbal na simbolo na nakatutulong
upang maisakatuparan ang mga binuong layunin o hangarin.
Ang komunikasyon ay isa ring pangunahing paraan upang ilantad ang mga kaisipan at
saloobin ng tao na maaring gawin sa ibat-ibang pamamaraan gaya ng pagsasalita o
pagsusulat
Sina Grene at Petty, sa kanilang nailathalang aklat, Developing Language Skills, ay
nagsabi na ang komunikasyon ay isang intensyunal na gawain ng paggamit ng mga
simbolo para magpahayag ng impormasyon, kaisipan, at saloobin sa pagitan ng mga
taong maaring kabilang o sangkot sa isang sitwasyon o konteksto.

B. Mga Mahahalagang Katangian ng Komunikasyon


1.Ang komunikasyon ay makapangyarihan.
Ang kapangyarihan ng komunikasyon ay masasabing tunay na malakas at walang
hanggan. Magmula pa man noon, ginagamit na ito ng tao upang maisakatuparan ang
lahat ng kanyang hangarin. Ang mga sinaunang imperyo at kaharian ay sumalig sa
komunikasyon upang makapagpasunod ng mga tao. Ang mga dambuhalang istruktura
gaya ng mga pyramids ng Ehipto at ng Great Wall sa Tsina ay hindi lang nangailangan
ng lakas ng tao ngunit ng maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga tao. Ang mga
kaisipan ng mga pilosopo na nagpabago at nakaimpluwensya sa pananaw ng tao sa
maraming bagay ay hindi rin maikakaila na manipestasyon ng kapangyarihan ng
komunikasyon.
2.Ang komunikasyon ay isang aktibong gawain na may proseso.
Isang aktibong gawain na may proseso ang komunikasyon. Hindi ito isang simple at
ordinaryong sistema lamang ng pagpapadala at pagtanggap ng mesahe. Marami itong
kaakibat na gawain at mga proseso upang higit na maging epektibo. Halimbawa,
nangangailan ng mahusay at mabilis na pagiisip sa bubuuing mensahe na ipadadala
na ikinokonsidera hindi lang ang porma o kaayusang gramatikal ngunit pati ang
kaangkupan ng mensahe, paraan ng pagpapadala, at daluyang gagamitin na akma sa
kontekstong kinabibilangan
3. Ang komunikasyon ay buhay.
Mahirap para sa isang tao na mabuhay sa mundo kung wala ang komunikasyon.
Bahagi ng kalikasan ng tao ang pangangailangan nito na makipagtalastasan sa
kanyang sarili, kapwa, at sa alinmang nakapaligid sa kanya. Sa araw-araw, bahagi ng
ating mga gawain ang pakikipagtalastasan. Ang lahat ng ating mga layunin at gawain
ay nakasalig lahat sa kapangyarihan at gampanin nito.
4. Dinamiko at nagbabago ang komunikasyon.
Maraming bagay sa mundo ang hindi permanente. Ang lahat ay dumadanas ng
maraming pagbabago. Ang komunikasyon ay hindi rin makaiiwas sa posibilidad ng
pagbabago. Ang mga tao noong sinaunang panahon ay may mga simpleng paraan ng
pakikipagtalastasan at sa pagdaan ng mga panahon mas nagging marami ang mga
ginagamit na pamamaraan ng tao upang isagawa ito. Mula sa simpleng pagsasalita,
pagsulat sa mga bato at kahoy, paggamit ng papel at tinta hanggang sa paggamit ng
mga makabagong gadyets o instrumentong teknolohikal ay mga patunay ng
pagbabago sa sistema ng pantaong komunikasyon. Gayundin ang sa wika na
ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan, dumaranas rin ng maraming pagbabago; may
mga salitang nauuso at nawawala sa uso bilang halimbawa nito.
5. Ang komunikasyon ay kailanma'y hindi maaring iwasan.
Kahit sabihin pa natin sa ating kausap na "Huwag mo akong kausapin, layuan mo
ako!" tayo ay patuloy pa rin na nakikipagtalastasan. Wala mang salitang lumabas sa
ating mga bibig, maaring may mga kumpas tayong ginagamit para magpadala ng
malinaw na mensahe. Halimbawa na lamang ang pagtingin ng paiwas at paglayo sa
taong nakapaligid ay maaring mangahulugan ng pag- iwas sa tao. Kahit tayo ay
nananahimik sa isang sulok tayo ay nagkakaroon ng diskurso sa ating mga sarili.
Tunay nga na ang komunikasyon ay mahirap ialis sa ating sistema.

C. Gampanin ng Komunikasyon
Tunay na ang komunikasyon ay pangunahing ginagamit ng tao upang maisakatuparan
ang kanyang mga layunin at pang-araw-araw na gawain. Sa bahaging ito, isa-isahin
natin ang mga mahahalagang gampanin ng komunikasyon sa ating buhay.
Ang komunikasyon ay gamit natin sa pagpapakalat ng mga mahahalagang
kaalaman at impormasyon.
Ang karamihan sa ating pagkaunawa sa mundo ay dulot nang malayang pagbabahagi
ng kaalaman mula sa mga taong nakapaligid sa atin gaya ng ating mga magulang,
kaibigan, at mga guro.Nalalaman natin ang mga pangunahing pangyayari sa ating
lipunan at maging sa mundo mula sa mga pagbabalita sa radyo, telebisyon, dyaryo, at
gamit ang mga makabagong kagamitan gaya ng internet.
-Ginagamit ang komunikasyon upang magbigay gabay at panuto gayundin
upang manipulahin ang kilos ng tao.
Marami sa ating mga pang-araw-araw na kilos ay ginagabayan at ginagamitan ng
komunikasyon. Halimbawa, ang mga tao na nasa kalsada gaya ng mga mananakay at
mga motorista ay pangunahing ginagabayan ng mga simbolo o mga gabay pantrapiko.
Ang mga ito ay naglalayong isaayos ang mga tao sa kalsada upang maiwasan ang
mga sakuna sa daan.
-Mabisang pampamulat ng isip at diwa ang komunikasyon.
Sa buhay ng tao, maraming karanasan ang nakapagdudulot ng kaibahan sa pananaw
sa buhay. Ang komunikasyon ay hindi isang ordinaryong sistema lang ng pagpapadala
ng mga mensahe ngunit ito ay mabisang gamit din upang magbigay liwanag sa isipan
ng taong nakararanas ng kalituhan at kawalang pag-asa. Kapag ang tao ay nahaharap
sa mga suliranin, karaniwan ang pagbibigay ng payo na nakatutulong upang buhayin
ang diwa ng tao.
-Ang komunikasyon ay susi sa pagtamo ng pagkakaisa.
Mahalaga ang bukas na komunikasyon upang mapantili ang kaayusan ng ugnayan at
relasyon sa pagitan ng mga tao sa bawat isa. Maraming mapagsamantalang puwersa
ang nawakasan ng tao dahil sa paggamit ng kapangyarihan ng komunikasyon. Gaya
sa Pilipinas, ang mapayapang pagaaklas sa EDSA ay naisakatuparan dahil sa maayos
na paggamit sa komunikasyon upang hikayatin ang mga tao na makiisa sa pagkilos.
-Sa pagtamo ng layunin, ang komunikasyon ay mabisang gamit.
Bahagi ng pagsasakatuparan ng ating mga layunin ang paggamit sa komunikasyon.
Magandang halimbawa nito ay sa tuwing panahon ng eleksyon, ang mga nagnanais
na mahalal sa posisyon ay pangunahing ginagamit ang komunikasyon upang hikayatin
ang publiko na sila ay iboto. Ang mga ahente ng mga sari-saring produkto ay puhunan
din ang mahusay na komunikasyon upang makahikayat ng mga mamimili at
makabenta.
Mga Elemento o Sangkap na Bumubuo sa Komunikasyon
Ang lasa ng ating mga kinakain ay dulot ng pagsasama ng ibat- ibang sangkap. Tunay
na ang masarap na lasa ng pagkain ay nakasalig sa tamang pagsasama ng mga ibat-
ibang rekado o sangkap. Maari nating isipin ang ganitong analohiya para sa
komunikasyon sapagkat ito man ay may mga pangangailangan din upang mabuo at
maisagawa.
Ang lasa ng ating mga kinakain ay dulot ng pagsasama ng ibat- ibang sangkap. Tunay
na ang masarap na lasa ng pagkain ay nakasalig sa tamang pagsasama ng mga ibat-
ibang rekado o sangkap. Maari nating isipin ang ganitong analohiya para sa
komunikasyon sapagkat ito man ay may mga pangangailangan din upang mabuo at
maisagawa.
Ang komunikasyon at ang kaugnay nitong proseso ay pangunahing binubuo ng mga
elemento o mga mahahalagang sangkap. Ang mga ito ay kinakailangan upang
masiguro ang matagumpay na pagsasagawa ng paghahayag ng mensahe sa dapat
nitong patunguhan. Ang kawalan ng mga ito ay kawalan din ng komunikasyon.
Tulad ng naunang nabanggit sa pambungad na bahagi ng araling ito, walang
mangyayaring komunikasyon sa kawalan ng mga mahahalagang sangkap o
elemento na bumubuo nito. Dito, iisa- isahin natin ang mga ito sa pamamagitan
ng isang simpleng pagsubok.
Ang mga elemento ng komunikasyon ay sinadyang hindi ayusin ang mga letrang
bumubuo sa mga ito upang bigyan ka ng pagkakataon na tukuyin ito.
 KONTEKSTO
 Ito ay ang elemento o sangkap na tumutukoy sa sitwasyon o ang partikular na
pangyayari na siyang pagmumulan ng potensyal na interaksyon sa pagitan ng
mga tao na kabilang dito. Ang mga karaniwang sitwasyon sa silid-aralan,
klinika, tindahan, at iba pa ay mga halimbawa lamang nito.
 KASANGKOT
 Ito ay tumutukoy sa o mga kabilang sa interaksyon o diskurso. Nagsasagawa
ng proseso ng pagpapalitan ng mensahe. Nahahati ito sa dalawang uri base sa
gampanin sa proseso ng komunikasyon. Mayroong tagapagpadala ng
mensahe o tinatawag bilang source o encoder at ang tagatanggap ng mensahe
o kilala rin bilang recipient, receiver, o decoder. Ang dalawa ay mahalaga ang
gampanin upang siguruhin ang maayos na daloy at takbo ng komunikasyon.
 LAYUNIN
 Ang pakikipagtalastasan ay isinasagawa upang maisakatuparan ito. Ang
sangkap na ito ay ang siyang nagbibigay ng dahilan o pangangailangan para
sa pakikipagtalasatasan. Halimbawa nito ay ang pagbibigay impormasyon,
panuto, panghihikayat, pagpapahayag ng opinyon at emosyon, pangangalap
ng imprmasyon, at iba pa.
 MENSAHE
 Ang elementong ito ay ang siyang ipinapadala o ipinararating sa mga kausap.
Nilalaman nito ang mga impormasyon at kaisipang tinatangkang ihayag ng
tagapagpadala ng mensahe. Maari itong gamitan ng mga berbal o di-berbal na
mga simbolo.
 DALUYAN
 Ito ay ang elemento o sangkap na tumutukoy sa sitwasyon o ang partikular na
Tumutukoy ito sa mga instrumento o pamamaraang maaring gamitin upang
maitawid o maiparating sa iba ang mensahe. Ang pagsasalita, pagsusulat,
kumpas ng kamay, kilos at galaw ng katawan, paggamit ng telepono at iba
pang makabagong kagamitan sa pagpapadala ng mensahe ay ilan lang sa mga
nito.pangyayari na siyang pagmumulan ng potensyal na interaksyon sa pagitan
ng mga tao na kabilang dito. Ang mga karaniwang sitwasyon sa silid-aralan,
klinika, tindahan, at iba pa ay mga halimbawa lamang nito.
 TUGON
 Ang sangkap na ito ng komunikasyon ay ang siyang kumukumpleto sa proseso
ng komunikasyon. Taglay nito ang reaksyon, sagot, at ang interpretasyon mula
sa tinanggap na mensahe. Ito rin ang siyang ibinabalik sa naunang nagpadala
ng mensahe na maaring nasa positibo o negatibong anyo. Ito man ay mensahe
rin na maaring gamitan ng berbal o di-berbal na mga simbolo.
 INGAY
 Ang sangkap na ito ay gaya ng isang anino na hindi madaling iwasan at
tanggalin. Ito ay tumutukoy sa mga potensyal na hadlang o balakid sa maayos
na daloy ng komunikasyon. Maari itong nasa anyo ng pisikal, sikolohikal,
pisyolohikal, at semantikong uri. Napipigilan nito ang epektibong pagsasagawa
ng komunikasyon sa pagitan ng mga sangkot.
Ang komunikasyon ay mayroon ding kaanyuan. Mahalaga na maunawaan ang
mga ito upang higit na lumawak ang pagkakilala sa kalikasan ng komunikasyon.
Maaring mahati o na ipangkat sa dalawang pangunahing konsepto ang ibat-ibang
uri komunikasyon.
1. Uri ng komunikasyon batay sa antas at bilang ng mga kasangkot at
2. Uri ng komunikasyon batay sa pamamaraan ng pagsasagawa at
pagpapahayag ng mensahe.

 Uri ng Komunikasyon batay sa Kaantasan at Bilang ng mga Kasangkot


Ito ay pangunahing sumasaklaw sa mga uri at anyo ng komunikasyon na tumutukoy sa
kaantasan nito at sa bilang ng mga posibleng kasangkot sa gawaing
pangkomunikatibo. Sinasaklaw nito ang komunikasyong intrapersonal, interpersonal, at
pampubliko.
 Komunikasyong Interpersonal
Ito naman ang anyo na sumasaklaw sa proseso ng komunikasyon nangyayari
sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang ng tao na maaring maging bahagi ng
diskurso. Maari itong nasa anyong dalawahan o dyadic at pangkatan o group.
Ito ay ang uri rin ng komunikasyon na karaniwang mapapansing madalas sa
lipunan. Nakatutulong ito upang makakilala ng mga tao at upang mapabuti ang
ugnayan at relasyon sa iba.

 Komunikasyong Pampubliko
 Higit na malaki ang bilang ng mga kasangkot sa antas na ito ng
komunikasyon. Maari itong mangyari sa pagitan ng isang tao at malaking
pangkat ng mga tao. Ang mga kandidato sa eleksyon na nagtatalumpati sa
mga malakihang pagtitipon at ang mga tagapagbalita sa radyo at telebisyon
at iba pang midyang pangmasa ay kabilang sa ganitong uri ng
komunikasyon.
Uri ng Komunikasyon batay sa Pamamaraan ng Pagsasagawa at
Pagpapadala ng Mensahe
Nakasalig ito sa pagtukoy sa iba pang uri ng komunikasyon na ang batayan ay
ang pamamaraang ginagamit sa pagsasagawa at pagpapadala ng mensahe.
Kabilang sa pangkat na ito ay ang komunikasyong berbal at di-berbal.

 Komunikasyong Berbal
Ito ay ang uri ng komunikasyon na pangunahing ginagamitan ng mga elemento ng wika. Naipahahayag ang
mga kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga ipapadalang mensahe sa mga tiyak na
kausap o tagatanggap. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng mga kasanayan ng pagsasalita at pagsusulat.

 Komunikasyong Di-Berbal
May mga pagkakataon na ang mga mensahe ay maaring maipadala nang hindi ginagamitan ng anumang salita o
wika sapagkat hindi laging naksalig sa paggamit ng berbal na uri ang komunikasyon. Karaniwan na ang mga
mensahe sa pasalitang anyo ng komunikasyon ay naihahatid sa paggamit ng dalawang anyo (berbal at di-berbal).
Halimbawa na lamang nito, madaling malaman kung ang sinasabi ng isang tao ay isang kasinungalingan batay sa
tono ng pagsasalita, pagkilos ng katawan,sa hitsura ng kanyang mukha, at maging sa kanyang mga mata.

 EKSPRRESYON SA MUKA- PICTICS


 GALAW NG MATA- OCULESICS
 VOCALICS
 PAGHAWAK O PAGDAMA- HAPTICS
 PROKSEMIKA- PROXEMICS
 CHIONOMICS-

You might also like