Professional Documents
Culture Documents
Kahalagahan
Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng
sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa
pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at
pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.
Etimolohiya
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman
sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding
salita ang wika. Katulad ng language – tawag sa wika sa Ingles – nagmula ang salitang
lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila“,
sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog,
samakatuwid ang “wika” – sa malawak nitong kahulugan – ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas
kadalasang mayroon.
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan
ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang
pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang
matematika. “Wika” ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan
ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo
(sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.
Kasaysayan at teorya
Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng
wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng
paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing “ginaya ng mga sinaunang tao ang
mga tunog na narinig niya sa kalikasan.” Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol
ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba’t ibang interpretasyon o
gawi sa paggaya ng mga “tunog ng kalikasan” na ito kaya nagkaroon ng maraming mga
wika sa mundo.
Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ito ay isa sa mga mahahalagang bagay na
ibinigay ng Diyos sa tao upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit niya ang
kanyang mga pangarap at mithiin sa buhay.
a. may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamon)
b. may itlog nga ba sa gulay na "eggplant"?
Ayon muli kay Garcia (2008), mahahati sa tatlong pangkalahatang uri ang mga
kahalagahan ng wika, dito uusbong ang mga detalyadong kahalagahan nito.
Antas ng Wika
1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad
samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang
Filipino ang lingua franca ng mga tao
3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano,
Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa
ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang
lalawigan
4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan
napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa:
/tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'
5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may
kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga
salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’.
6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at
pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa
kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon,
katayuan at okasyong dinadaluhan.
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kablilang sa isang kultura.
WIKA AT KULTURA
ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na magkabuhol ang wika at kultura. Hindi
maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang pagkawala o pagkamatay ng
isang wika ay nangangahulugan din ng pagkamatay o pagkawala ng isang kultura.
Virgilio Almario- ang wika bilang katutubong halagahan o value para sa marangal na buhay
ng ating mga ninuno, isang dakilang pamantayang nararapat sundin saanman at kailanman
tungo sa wastong pakikipagkapuwa-tao, isang banal na tuntuning kailangang tupdin upang
hindi ‘maligaw ng landas.
Ang wika ay ang kultura mismo. Kung pagbabatayan naman natin ang winika ng karakter na
si Simoun ng El Filibustersimo ni Dr. Jose Rizal na angwika ay paraan ng pag-iisip ng tao,
samakatuwid tinatanggap natin na ang wika ay ang kultura mismo. Dahil nga ang kultura ay
pamamaraan ng pagkilos at pamumuhay ng isang tao ay nakabatay sa kaniyang pag-iisip, ito
ang pangunahing pinagmumulan ng kaisipan ng kultura.
Ang wika ay may kakayahan upang sumisid sa pinakamalalim na kaalamang bayan, liparin
ang pinakamatayog na karanasan upang maibalik sa lupa at maipatalas ng ibayong
talastasan at praktikang panlipunan (Bernales, et al. 2011).
BAHAGI NG PANANALITA
1. Mga nominal
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (Conjunction) – mga salitang nag- uugnay ng dalawang
salita, parirala o sugnay(sapagkat, at, raw, pati)
2. Mga Pananda (Markers)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o
panghalip
Halimbawa: Ang kanyang nilutong ulam ay para sa kanyang asawa at mga anak.
Gamit ng Pang-ukol
Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang
naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap:at pati saka o ni maging subalit ngunitkung bago
upang sana dahil sa sapagkatDalawang salitang pinag-ugnay.
Source: https://pdfslide.tips/documents/mga-salitang-pangkayariandocx.html