You are on page 1of 3

Sitwasyong Pangwika sa iba Pang Anyo ng

Kulturang Popular
Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay
umuusbong ang iba`t ibang paraan ng malikhaing paggamit ditto dala na rin sa
impluwensya ng mga pagbabagong pinanalaganap ng media.

Flip-Top

Ito`y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa


balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama`t sa Flip-Top ay
hindi nalalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang
paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali.

Pick-up Lines

May mga nagsasabing ang Pick-up lines ay makabagong bugtong


kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig
at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang
nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa
dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na nakapaglalarawan sa pick-up
lines masasabing ito`y nakakatuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, cheesy at
masasabirin corny. Ito ay madalas na makikita sa Facebook wall, Twitter at iba pang
social media network.

Hugot Lines

Ang hugot lines, kaiba sa pick-up lines ay tinatawag dig love lines o
love quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika ay malikhain. Hugot lines ang tawag
sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o minsa`y
nakakainis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong
nagmarka sa puso`t isipan ng manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili
nilang (hugot lines) ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan
nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito`y nakasulat sa Filipino subalit madalas,
Taglish ang gamit na salita sa mga ito.

Sitwasyong Pangwika sa Text

Sa pagpapadala at pagtanggap ng SMS (Short Messaging System) na


lalong kilala bilang text message o text ay isang maalagang bahagi ng kominikasyon sa
ating bansa. Kaya naman tinagurian tayong Texting Capital of the World higit na itong
popular kaysa sa pagtawag sa telepono dahil mas mabilis at masmura ito kesa sa
tawag. Mas komportable din kung nakasulat ito kesa sabihin ng harapan o sa
pamamagitan ng tawag.

Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet

S panahong ito nabibilang na lang sa daliri ang mga taong wala ni


isang social media account tulad ng Facebbok, Twitter, Instagram at iba pa. Maging ang
mga nakakatanda ay sumusunod sa uso at nagkakaroon ng social life sa
pamamagitanm ng social media. Marami ang pagtuturing ditto na isang biyaya dahil
nagiging daan ito ng pagpapadali ng kominikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o sa
mahal mo sa buhay na malayo sa isa`t isa. Dito rin mas napapadali ang pag hahanap
ng impormasyon tungkol sa mga bagay na iyong ginagawa gayundin ang pagpapadali
ng mensahe sa iba sa loob lang ng maikling oras o panahon.

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan

Wikang Ingles parin ang higit na ginagamit sa boardroom ng


malalaking kompanya gayundin sa multinational companies at Business Process
Outsourcing (BPO) o call centers pero sa sangay ng production line at pagawaan
wikang Filipino parin ang kanilang ginagamit guyundin sa mga mall, restaurant, mga
pamilihan, palengjke at maging sa direct selling.

Sitwasyong Wika sa Pamahalaan

Sa bias ng Ats Tagapagpaganap Blg, 335, Serye ng 1988 na nag-aatas


sa lahat ng mg kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya at instumentaliti ng
pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning
magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at
korespondensiya, upang maging malawak ang paggamit ng wika sa iba`t ibang antas at
sangay ng pamahalaan Ito ang malaking kontribusyon ni dating pangulong Corazon
Aquino sa pag papalaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan at sinundan ito ng
kanyang anak na si dating pangulong Nonoy Aquino III sa pag sasabi sa kanyang
SONA na gamiting opisyal sa lahat ng pulong ang wikang Filipino para maintindihan ng
mga ordinaryong mamamayan n gating bansa.

Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon

Ayon sa itinatandhana ng K-12 Basic Education Curriculum sa


mababang paaralan (K hanggang grade 3) ay unang wika ang kanilang gagamitin
bilang medium ng pagtuturo at bilang hiwalay na asignatura. Sa mas mataas na antas
ay nananatiling bilingual kung saan wikang Ingles at Filipino ang gagamiting panturo.

Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba`t ibang Sitwasyon

Ang mga barayting ito ay ginagamit sa iba`t ibang sitwaysyon


pangwika. Isa sa mga uri ng sosyolek ang nais bigyan diin ditto ang paggamit ng mga
jargon o mga terminong kaugnay ng mga trabaho o iba`t ibang hanapbuhay o larangan.

You might also like