You are on page 1of 42

KAKAYAHANG DISKORSAL:

Tungo sa Paglikha ng
Makabuluhang Pahayag
Ano ang Kakayahang Diskorsal
•Diskurso – pag-uusap o palitan
ng kuro. (UP Diksiyonaryong
Filipino, 2010)
Ano ang Kakayahang Diskorsal
•Kakayahang Diskorsal –
kakayahang umunawa at
makapagpahayag sa isang tiyak
na wika.
Karaniwang Uri ng
Kakayahang Diskorsal
Kakayahang Tekstuwal
• Tumutukoy sa kahusayan ng isang
indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng
ibat ibang teksto gaya ng mga akdang
pampanitikan, gabay instruksiyonal,
transkripsiyon, at iba pang pasulat na
komunikasyon.
Kakayahang Retorikal
• Tumutukoy sa kahusayan ng isang
indibidwal na makibahagi sa
kumbersasyon. Kasama rito ang
kakayahang unawain ang iba’t ibang
tagapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon.
Dalawang Batayang Panuntunan sa
Pakikipagtalastasan
• Pagkilala sa palitan ng pahayag
• Pakikiisa (kinapapalooban ng mga
panuntunan hinggil sa kantidad,
kalidad, relasyon, at paraan ng
kumbersasyon.
Dalawang Batayang Panuntunan sa
Pakikipagtalastasan
Panuntunan sa Kumbersasyon (Grice 1957, 1975)
Kantidad Gawaing impormatibo ang ibinibigay na impormasyon ayon sa
hinihingi ng pag-uusap – hindi lubhang kaunti o lubhang daming
impormasyon.
Kalidad Sikaping maging tapat sa mga pahayag; iwasang magsabi ng
kasinungalingan o ng anomang walang sapat na batayan.
Relasyon Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin.
Paraan Tiyaking maayos, malinaw, at hindi lubhang mahaba ang sasabihin.
Sa pagtatamo ng mataas na kakayahang
diskorsal, mahalagang sangkap sa
paglikha ng mga pahayag ang kaugnayan
at kaisahan.
Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung
paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga
pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o
pasulat.
Halimbawa:
Marta: Ang kalat naman ditto!
Pedro: Aayusin ko lang ang mga
libro.
Tumutukoy ang kaisahan kung paano napagdidikit
ang dalawang ideya sa lingguwistikong paraan.
Nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip
(siya, sila, ito) bulang panghalili sa mga natukoy na
sa simula ng pahayag at pagdaragdag ng mga
kataga, panuring at kumplemento upang pahabain
ang mga pangungusap. Gayundin, maaari ding
pagtambalin ang mga payak na
pangungusap o sugnay.
Pagpapahaba ng
Pangungusap
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
kataga
•Napapahaba ang pangungusap sa
pamamagitan ng mga kataga gaya
ng pa, ba, naman, nga, pala, at
iba pa.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
kataga
Halimbawa:
• May ulam.
• May ulam ba?
• May ulam pa.
• May ulam pa ba?
• May ulam pa nga pala.
• May ulam naman pala.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
panuring
•Napapahaba ang pangungusap sa
tulong ng mga panuring na na at
ng.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
panuring
Halimbawa:
• Siya ay anak.
• Siya ay anak na babae.
• Siya ay anak na bunsong babae.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
• Napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan
ng komplemento o ang bahagi ng pananguri na
nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.
• Ang iba’t ibang komplementong pandiwa ay
tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi,
layon at kagamitan.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
A. Komplementong tagaganap –
isinasaad ang gumagawa ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang ng,
ni, at panghalip.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
A. Komplementong tagaganap
Halimbawa:
• Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain.
• Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
• Ibinalot ng kaniyang mga kaibigan ang mga
tirang pagkain.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
B. Komplementong tagatanggap
• Isinasaad kung sino ang isinasaad sa kilos.
• Pinangungunahan ng mga pang-ukol na
para sa, para kay, at para kina.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
B. Komplementong tagatanggap
Halimbawa:
• Naghanda ng regalo si Thea para sa
kaniyang kapatid.
• Bumili ng laruan si Bryan para kay Jave.
• Nagpaluto ng pansit si Will
para kina Eugene at Elyrah.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
C. Komplementong ganapan
• Isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.
• Pinangungunahan ng panandang sa at mga
panghalili nito.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
C. Komplementong ganapan
Halimbawa:
• Namalagi sila sa evacuation area.
• Namalagi sila rito.
• Namalagi sila roon.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
D. Komplementong sanhi
• Isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng
kilos.
• Pinangungunahan ng panandang dahil sa o
kay at mga panghalili nito.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
D. Komplementong sanhi
• Isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng
kilos.
• Pinanngungunahan ng panandang dahil sa o
kay at mga panghalili nito.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
D. Komplementong sanhi
Halimbawa:
• Nabaon sa utang si Delia dahil sa
pagkakalulong sa sugal
• Dahil kay Alvin, naparusahan si Michelle.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
E. Komplementong layon
• Isinasaad ang bagay na ipinapahayag ng
pandiwa.
• Pinangungunahan ng panandang ng.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
E. Komplementong layon
Halimbawa:
• Regular na umiinom ng gamot ang aking
lola.
• Naglalako ng turon si Aling Pising tuwig
hapon.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
F. Komplementong kagamitan
• Isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng
pandiwa.
• Pinangungunahan ng pariralang sa
pamamagitan ng at mga panghalili nito.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
F. Komplementong kagamitan
Halimbawa:
• Sa pamamagitan ng internet, napapabilis ang
pagkuha ng impormasyon.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
pagtatambal
• Nagtatambal ang dalawang payak na
pangungusap sa pamamagitan ng mga
pangatnig na, at, ngunit, datapwat, subalit,
saka, at iba pa.
• Ang mabubuong pangungusap ay tinatawag
na tambalang pangungusap.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
pagtatambal
Halimbawa:
• Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay
at nagtitinda sa palengke ang kaniyang
nanay.
Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit
tiyak naming matataas ang kaniyang marka
sa mga pagsusulit.
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

1. Maganda ang
Pilipinas….
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

2. Ihanda mo ang
iyong sarili…
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

3. Nakikita sa
kanluran sa Timog
Silangang Asya…
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

4. Dumating ang
Pangulo…
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

5. Mahuhusay ang
mga Pilipino…
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

6. Suportahan ang
usapang
pangkapayapaan….
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

7. Paglingkuran ang
sambayanan…
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

8. Bumili ang
pamahalaan…
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

9. Mamumuhunan
ang mga dayuhang
negosyante…
Pahabain ang sumusunod na
pangungusap:

10. Ipaglaban ang


kalayaan…

You might also like