You are on page 1of 82

PAGBASA AT

PAGSUSURI SA
IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
Grade 11 – STEM, ABM, HUMSS, TVL
Panalangin

2
Pamantayang Pangnilalaman
Nasusuri ang iba’t ibang
uri ng binasang teskto
ayon sa kaugnayan nito sa
sarili, pamilya,
komunidad, bansa at
daigdig.
3
Pamantayang Pagganap

Nasusuri ang
kalikasan, katangian, at
anyo ng iba’t ibang
teksto.

4
Layunin
○ Naipaliliwanag ang mga
kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa
(F11PS – IIIf – 92)

5
BATAYANG
KAALAMAN SA
MAPANURING
PAGBASA
Mahilig ka bang magbasa?
Ilista ang dalawang
pinakapaborito mong libro.
Kung hindi libro ang hilig
basahin, ilista ang anomang
uri ng akda, materyales, o
genre ng panitikan na naging
paborito mo. Isulat ang mga
ito at ang mga hinihinging
impormasyon. 7
Unang Libro Ikalawang
Libro
Titulo
May-akda
Wika
Buod

8
Sa artikulo ni F. Sionil Jose na “Why we are
Shallow?” (Philippine Star. Setyembre 21,
2011), tinukoy niya na isa sa mga dahilan
kung bakit mababaw ang sensibilidad ng mga
Pilipino ay dahil sa kawalan ng kultura ng
pagbabasa sa bansa. Ano ang reaksyon mo sa
pananaw na ito? Para sa iyo makatwiran bang
sabihing walang kultura ng pagbabasa ang
mga Pilipino? Pangatwiranan ang iyong
sagot.

9
“ Huwag kang magbasa,
gaya ng bata, upang
libangin ang sarili, o gaya
ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang
mabuhay.”
– Gustave Flaubert

10
KAHULUGAN
NG PAGBASA

11
Gustave Flaubert
○ Isang manunulat na Pranses
na siyang nagpaunlad ng
realismong pampanitikan
sa Pransya at sumikat ang
kanyang akda na Madame
Bovary (1857).
12
○ Sa paglalarawan ni Flaubert,
ang pagbabasa ay upang
mabuhay. Ibig sabihin,
mahalaga ang proseso ng
asimilasyon ng anomang
binabasa sa buhay ng isang
tao. 13
○ Maaaring ipagpakahulugan
na ang asimilasyon ay ang
pakikipag-ugnayan ng
mambabasa sa binabasa o
kaya’y paglalapat ng
natutunan sa aktuwal na
pamumuhay ng nagbabasa.
14
○ Hindi sapat na nakapagbibigay
lamang ng impormasyon ang
isang teskto o kaya ay naaaliw
tayo nito; bagkus kailangang
mabuhay tayo batay dito.

15
○ Binibigyan tayo ng pagbasa ng
iba’t ibang paraan kung paano
uunawain at susuriin ang mundo,
mula sa pagsusuring ito,
tinatangka nating baguhin ang
realidad batay sa kung anong
ang ideyal.

16
○ Nalalaman natin ang ideyal
sa pamamagitan ng
pagsusuri ng iba’t ibang
karanasan ng tao at lipunan
batay sa nababasa.

17
Matilda

○ Isang batang
mahilig magbasa
mula sa kuwentong
pambata ni Roadl
Dahl.

18
Matilda
○ Inilarawan ni Dahl ang karanasan ni
Matilda sa pagbasa bilang, “Dinadala siya
ng pagbabasa sa bagong daigdig at
ipinakikilala sa mga nilalang na kagila-
gilalas ang naging buhay. Naglayag siya sa
isang bapor kasama ni Joseph Conrad,
nagpunta sa Africa kasama ni Ernest
Hemingway, at sa India kasama ni
Rudyard Kipling. Naglakbay siya sa buong
mundo habang nakaupo lamang sa loob ng
kaniyang silid sa isang nayon sa
Inglatera.”

19
Matilda
○ Dahil sa lawak at lalim ng pagbabasa sa
Matilda sa murang edad pa lamang,
natuklasan na niya ang hungkag at
mapanlillang na pamumuhay ng mga
magulang kung kaya’t napagdesisyunan
niyang lisanin ang mga ito. Binago ni
Matilda ang kanyang kalagayan batay sa
kung ano ang “ideyal” na itinuro sa kanya
ng pagbabasa.

20
Pagbasa
○ Para sa isang mag-aaral na
panimulang nagbabasa, ang pag-alam
sa kahulugan, kahalagahan, at mga
kasanayang matututuhan rito ay
mahalaga upang maging mas epektibo
at makabuluhan ang kabuuang
karanasan sa pagbasa.

21
Pagbasa

Kaalamang Pag-aaral ng
Katatasan
Ponetiko Ponolohiya

Bokabolaryo Komprehensyon

22
○ Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat
na Becoming a Nation of Readers, ang
pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga nakasulat na
teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan
na nangangailangan ng koordinasyon ng
iba’t iba at magkakaugnay na
pinagmumulan ng impormasyon.

23
Sa pagbasa, mahalaga ang imbak
na kaalaman (stock knowledge) ng
isang nagbabasa upang mas
malalim na mauunawaan ang mga
konsepto at impormasyong
natatagpuan sa tekstong binabasa.

24
○ Mahalaga rin ang mga
nauna nang kaalaman sa
wika at pagkakaayos nito
upang maunawaan ang
binabasa.

25
○ Ang mga kaalaman na ito ay
maaaring makuha mula sa
pinakikinggan, nakikita, at
kabuuang pagdanas ng isang
mambabasa sa realidad, lagpas
pa sa nababasa mula sa teksto.

26
Tiniyak nina Wixson et al. (1987)
sa artikulong “New Directions in
Statewide Reading Assessment” na
nailathala sa pahayagang The
Reading Teacher ang mga
pinagmulan ng kaalaman sa
pagbasa.

27
○ Tinukoy ang pagbasa
bilang isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan sa
pamamagitan ng
interaksiyon ng:

28
1. Imbak o umiiral
nang kaalaman ng
mambabasa

29
2. Impormasyong
ibinibigay ng tekstong
binabasa

30
3. Konteksto at
kalagayan o sitwasyon
sa pagbabasa.

31
Pagbasa
○ Isang kompleks na kognitibong
proseso ng pagtuklas sa
kahulugan ng bawat simbolo
upang makakuha at makabuo ng
kahulugan.

32
○ Ang proseso ng pagbasa ay
nangangailangan ng patuloy na
pagsasanay, pagpapaunlad, at
pagpipino ng kasanayan.

33
○ Kinakailangan ang
pagiging malikhain at
kritikal na pag-iisip sa
pagbabasa.

34
○ Hindi sapat ang pagpapakahulugan sa
pagbasa bilang simplistikong
pagsasalin ng nakalathalang simbolo
sa pasalitang anyo.

35
INTENSIBO AT EKSTENSIBONG
PAGBASA

36
○ May kinalaman sa masinsin at
malalim na pagbasa ng isang
tiyak na teksto habang ang
ekstensibong pagbasa naman ay
maghahatid sa mambabasa
tungo sa pinakadulong proseso.

37
INTENSIBO
○ Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal,
panandang diskurso at iba pang
detalye sa istruktura upang
maunawaan ang literal na kahulugan,
implikasyon, at retorikal na ugnayan
ng akda.

38
EKTENSIBO

○ Isinasagawa upang
makakuha ng
pangkalahatang pag-unawa
sa maramihang bilang ng
teksto.

39
EKSTENSIBO
○ Nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag
ang isang mambabasa ay nagbabasa ng
maramihang babasahin na ayon sa kaniyang
interest, mga babasahing kadalasang hindi
kahingian sa loob ng klase o itinakda sa
anumang asignatura.

40
SCANNING AT SKIMMING NA
PAGBASA

41
SCANNING

○ Mabilisang pagbasa ng isang


teksto na ang pokus ay hanapin
ang ispesipikong impormasyon
na itinakda bago bumasa.

42
SKIMMING
○ Mabilisang pagbasa na ang layunin
ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto, kung paano
inorganisa ang mga ideya o
kabuuang teksto, kung paano
inorganisa ang mga ideya o
kabuaang diskurso ng teksto at kung
paano ang pananaw at layunin ng
manunulat.
43
ANTAS NG PAGBASA
44
Apat na antas ng Pagbasa Ayon Kina Adler
at Doren (1973)

1. Primaryang Pagbasa (Elementary)


2. Mapagsiyasat na Antas
(Inspectional)
3. Analitikal na Antas
(Analytical)
d. Sintopikal na Antas (Syntopical)

45
Primaryang Antas (Elementary)
○ Pinakamababang antas ng
pagbasa at pantulong upang
makamit ang literasi sa pagbasa.

46
Primaryang Antas
(Elementary)
○ Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas
na ito ay kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar,
o mga tauhan sa isang teksto.

47
Mapagsiyasat na Antas
(Inspectional)
○ Nauunawaan na ng mambabasa
ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga hinuha
o impresyon tungkol dito.

48
Mapagsiyasat na Antas
(Inspectional)
○ Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay
ng mabilisang rebyu sa isang teksto ang
mambabasa upang matukoy kung
kakailanganin niya ito at kung maaari
itong basahin nang mas malaliman.
○ Maaaring gamitin ang skimming sa
antas na ito.

49
Mapagsiyasat na Antas
(Inspectional)
○ Paimbabaw ang katangian ng
pagbasang ito sapagkat halos
panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan.

50
Analitikal na Antas
○ Ginagamit ang mapanuri o kritikal na
pag-iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto
at ang layunin o pananaw ng
manunulat.

51
Analitikal na Antas
○ Tukuyin kung saang
larangan nakapaloob ang
teksto.

52
Analitikal na Antas
○ Ibalangkas ang teksto
batay sa kabuuang
estruktura o kung paano
ito inayos ng may-akda.

53
Analitikal na Antas
○ Tukuyin ang suliranin na
tinatangkang bigyang-
linaw ng may-akda.

54
Analitikal na Antas
○ Unawain ang suliranin
na tinatangkang
bigyang-linaw ng may-
akda.

55
Analitikal na Antas
○ Unawain ang mahahalagang
terminong ginamit ng may-akda
tungo sa pag-unawa ng
kabuuang teksto.

56
Analitikal na Antas
○ Sapulin ang
mahahalagang
proposisyon ng may-
akda.

57
Analitikal na Antas
○ Alamin ang argumento
ng may-akda.

58
Analitikal na Antas
○ Tukuyin sa bandang huli
kung nasolusyonan o
nasagot ba ng may-akda
ang suliranin ng teksto.

59
Analitikal na Antas
○ Tukuyin kung saang bahagi ng
teksto nagkulang, nagkamali, o
naging ilohikal ang
pagpapaliwanag ng may-akda.

60
Ang mapagsiyasat na
antas ng pagbasa ang
maghahawi tungo sa
analitikal na pagbasa.

61
Sintopikal na Antas
○ Ang salitang sintotopikal ay binubuo
ay binubuo ni Mortimer Adler (1952),
mula sa salitang syntopicon na
inimbento at nangangahulugang
“koleksiyon ng mga paksa.”

62
Sintopikal na Antas
○ Tumutukoy ito sa uri ng
pagsusuri na kinapapalooban ng
paghahambing sa iba’t ibang
teksto at akda na kadalasang
magkakaugnay.

63
Sintopikal na Antas
○ Nakabubuo ng sariling
perspektiba o pananaw sa isang
tiyak na larangan mula sa
paghahambing ng mga akdang
inunawa.

64
Sintopikal na Antas
○ Pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-
unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito.

65
Sintopikal na Antas
○ Sa pamammagitan ng sistematikong
paraan, pinaghahalo ang mga
impormasyon mula sa aklat at ang
mga sariling kaalaman upang
makabuo ng ugnayan at bagong mga
pananaw at kaalaman.

66
Limang Hakbang Tungo sa
Sintopikal na Pagbasa

67
Pagsisiyasat
○ Kailangang tukuyin agad ang lahat ng
mahahalagang akda hinggil sa isang
paksang nais pag-aralan. Mula sa mga
ito, kailagang tukuyin kung ano ang
mahahalagang bahagi na may
kinalaman sa pokus ng yong pag-
aaral.

68
Asimilasyon
○ Sa paraang ito tinutukoy ang uri
ng wika at mahahalagang
terminong ginamit ng may akda
upang ipaliwanag ang kaniyang
kaisipan.

69
Mga Tanong
○ Tinutukoy ang
katanungang nais mong
sagutin na hindi pa
nasasagot o malabong
naipaliwanag ng may-
akda.

70
Mga Isyu
○ Lumilitaw ang mga isyu kung kapaki-
pakinabang at makabuluhan ang
nabuong tanong tungkol sa paksa at
may magkakaibang pananaw ang mga
binasang akda tungkol sa partikular na
suliraning ito.

71
Kumbersasyon
○ Ang halaga ng pagkatuto ay
nagmumula sa mayamang
diskurso at diskusyon sa pagitan
ng mga eksperto, kabilang na
ang sarili.

72
Kumbersasyon
○ Nag-aambag ng bagong
kaalaman na hindi
inuulit ang sinabi ng
mga naunang eksperto.

73
Paglinang sa Kabihasnan

○ Ano-ano ang mga


batayang kaalaman
sa mapanuring
pagbasa?

74
Paglalapat
○ Bakit mahalagang matutunan
ng mga mag-aaral na tulad mo
ang mga batayang kaalaman
sa pagbasa? Ano ang
maitutulong nito sa iyo?

75
Paglalahat

○ Ibigay at ipaliwanag
ang iba’t ibang antas ng
pagbasa.

76
Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang antas


ng pagbasa na tinutukoy sa
bawat bilang. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

77
Pagtataya

1. Kinapapalooban ng pagtukoy
sa tiyak na datos at
ispesipikong impormasyon
gaya ng petsa, lugar, mga
tauhan.

78
Pagtataya

2. Tumutukoy sa uri ng
pagsusuri na kinapapalooban
ng paghahambing sa iba’t
ibang teksto at akda na
kadalasang magkakaugnay.

79
Pagtataya

3. Ginagamit ang mapanuri o


kritikal na pag-iisip upang
malalimang maunawaan ang
kahulugan ng teksto at ang
layunin o pananaw ng
manunulat.
80
Pagtataya

1. primaryang antas
2. sintopikal na antas
3. analitikal na antas

81
Maraming Salamat! 

82

You might also like