You are on page 1of 28

CONATIVE,

INFORMATIVE
AT LABELING
NA GAMIT NG
WIKA

Tinalakay ni : Rochelle S. Nato


Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Dolores R. Tayla et.al (Akda)
Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Nabibigyang
Kahulugan
ang Komunikatibong
gamit ng Wika na
CONATIVE
INFORMATIVE
at
LABELING
Nailalahad ang
pagkakaib-iba
ng mga
gamit ng wika na
CONATIVE
INFORMATIVE AT
LABELING
Nakabubuo ng
mga Pangungusap
na nagpapakita ng gamit
ng wika na CONATIVE,
INFORMATVE
at LABELING
Sagutan natin... Ano ang sasabihin
mo?
• Pumasok ka sa oditoryum ng inyong
paaralan. Nakita mong okupado na ng
mga estudyante ang mga upuan maliban
sa isa na walng nakaupo pero may bag na
nakalagay. Alam mo na ang may ari ng
bag ay ang estudyanteng nakaupo sa tabi
ng upuang may bag. Ano ang sasabihin
mo sa may-ari ng bag para magamit mo
ang bakanteng upuan?
• Si Maribel ang pinakamatalino sa kanilang
klase.Matataas ang kaniyang mga marka.
Mahusay siya sa lahat ng sabyek. Kapag
wala pa ang guro, nakaupo lang at
nagbabasa ng libro. Kapag recess naman,
hindi siya nakikipagkuwentuhan habang
kumakain, sa halip, nagbabasa at pinag
aaralan ang kanilang mga leksiyon.
Madalas binabansagan siya ng ibat-ibang
pangalan. Ano sa palagay mo ang mga
pangalang ibinibigay sa mga
estudyanteng kagaya ni Maribel?
Basahin ang nakasulat sa larawan
Ano ang ibig
BAWAL TUMAWID
sabihin ng
MAY "bawal
NAMATAY NA DITO tumawid"?

Ano ang
ipinahahatid
ng pahayag na
"may namatay
na dito"
May mga gamit ang wika ayon sa
intensiyon na nagsasalita
• Sa nakita niyong larawan, ang intensyon
ng pahayag na "Bawal tumawid may
namatay dito" ay nagbigay ng babala sa
mga taong tumatawid sa kalsada sa
pamamagitan ng pag-uutos na "bawal
tumawid" at sa pagbibigay ng
impormasyon na "may namatay na dito"
ANO KAYA
ANG TUNGKULIN
NG WIKA SA
NABANGGIT
NA BABALA?
ALAM KO NA!
ito ay tinatawag na
CONATIVE
CONATIVE na gamit ng wika.
• Ito ay ang paghimok at pag
impluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng mga pag
uutos at paki usap
• Gusto nating humimok o
manghikayat, may gusto
tayong mangyari o gusto nating
pakilusin ang isang tao
Halimbawa ng maikling sanaysay na
naglalaman na conative na gamit ng wika
Tuwing Darating ang Eleksiyon
Tuwing darating ang eleksiyon,gamitin at
huwag balewalain ang isang mahalagang
pamana sa atin ng demokrasya - ang
pagboto. Piliin natin ang mga kandidatong
maglingkod sa atin. Nasa matalino nating
pagpapasiya nakasalakay ang
kinabukasan ng ating bayan.
• Matutukoy mo ba kung anong
pahayag sa talata ang
nagpapakita ng CONATIVE na
gamit ng Wika sa binasa
niyong halimbawa na maikling
sanaysay?
Alam mo ba ang mga Propesyon ni
Dr Jose Rizal?
Anthropologist
Botanist
Businessman
Physician
Painter Sculptor
Philosopher
Novelist
Psyhcologist
Farmer
Enginineer
INFORMATIVE
• Sa tanong ko kanina, alam mo ba ang
mga propesyon ni Dr. Jose Rizal?
Atin itong nasagot, sa mga
sitwasyong may gusto tayong
ipaalam sa isang tao, nabibigay tayo
ng mga datos at kaalaman at
nagbabahagi sa iba ng mga
impormasyong nakuha o narinig
natin.
• INFORMATIVE ang gamit natin na
Narito ang maikling talata na
nagbibigay ng impormasyon
Bagong Bayani
Sa kabila ng hindi magandang mga balita
tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang
maraming Pilipino sa pangingibang-bayan
upang magtrabaho. Bakit nga ba
napipilitang umalis ang mga Pilipino Sa
Pilipinas? Ano ang nagtutulak sa kanila
para lisanin ang sariling bayan at
maspasyang sa ibang lupain na lamang
magtrabaho at mag alay ng lakas, galing
at talino?
Sa tanong na ito, marami kaagad ang
susulpot na kasagutan. Pinakakaraniwan
nang maririnig ang sagot na para
maghanap ng mas magandang kapalaran o
"greener pasture". Marami ang nagsasabi
na para kumita ng dolyar, mapag aral ang
mga anak, makapagpatayo ng sariling
bahay, makabili ng sasakyan, makaipon ng
perang pangnegosyo at iba pa. Kung
susumahin ang mga pahayag na ito, halos
lahat ay patungo sa iisang dahilan lamang-
ang paghahanap na mas mabuting
oportunidad sa trabaho upang mabigyan ng
magandang buhay ang pamilya.
• Ano ang paksa ng sanaysay?
• Ano- anong mga impormasyon
ang mahahango mula sa
sanaysay?
Pambansang King
Kamao? Of Comedy?

King
of Talk PNoy
Kayo, ano tawag saiyo ng Kaibigan
niyo? Kapit bahay? Tawag saiyo ng
iyong Ina? Tawag sa iyo ng
Kasintahan niyo?
LABELING

• Ito ang gamit ng wika kapag


nagbibigay tayo ng bagong
tawag o pangalan sa isang tao
o bagay.
Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat
na gumagamit ng bansag o label sa
kanilang mga Tauhan
"Impeng Negro" ROGELIO R SIKAT

GENOVEVA EDROZA
Gurong "mabuti"
MATUTE

"Vicenteng Bingi" JOSE VILLA PANGANIBAN

"Pilosopo Tasyo" JOSE RIZAL

"Sisang Baliw" JOSE RIZAL


Sa totoong buhay, marami rin tayong
binibigyan ng bansag sa ating mga
kaibigan, kapamilya, guro, politiko, artista,
mga nasa larangan ng media, isports,
militar at iba pa.

Malaya natinga nagagamit ang wika sa


iba't-ibang sitwasyon at intensiyon.
Gayunpaman, hindi natin dapat abusuhin
ang paggamit natin ng wika. Huwag
kalimutan na dapat gamitin ang wika sa
mabuti at maayos na paraan.
Maging magalang tayo sa
gamit na CONATIVE kung nag-
uutos tayo. Tiyaking nating
tama at totoo ang gamit natin
ng INFORMATIVE kung
nagbibigay tayo ng mga
kaalaman at impormasyon.
Higit sa lahat, iwasan natin ang
pagbibigay ng negatibong
bansag o LABEL sa ating
kapwa na maaring makasakit
ng damdamin
Gamit ng wika sa commercial
taglines, ating alamin!
"Hari ng
LBC LABELING
Padala"
"Nakakasigur
MERCURY
o gamot ay INFORMATIVE
DRUG
laging bago"

SUPER FERRY "Sakay na! CONATIVE


Short Quiz.

• Magtala ng iba’t ibang


sitwasyon na ginagamit
ang conative, informative
at labeling na gamit ng
wika.
Takdang Aralin
• Pagsulat ng sanaysay. Manuod ng balita
sa telebisyon o magbasa ng
diyaryo.Pumili ng isang mahlagang isyu o
pangyayari sa lipunan na narinig o nabasa
mo na. Magsaliksik tungkol sa isyu o
pangyayaring napili.Gamit ang mga
nasaliksik na impormasyon, sumulat ng
isang sanaysay na INFORMATIVE
tungkol sa isyu o pangyayring napili.

You might also like