You are on page 1of 3

Sa pagdiriwang ng Padaigdigang Araw ng

Kababaihan noong Marso 8, 2009, tinipon ng


University and College Union (UCU) sa United
Kingdom ang ilang mga datos na nagpapakita ng
kalagayan ng kababaihan sa buong mundo, ayon
sa kanilang pananaliksik, 33% lamang ng
manedyeryal at administratibong posisyon sa
buong mundo ang hawak ng kababaihan. Mas
mababa pa ito sa Africa (15%) at Asya na 13%
lamang. Sa kabuuan, 2/3 ng matatandang
ilitereyt (hindi marunong bumasa at sumulat) sa
buong mundo ay babae. Ipinakikita rin ng pag –
aaral na ang pangunahing dahilan ng
pagkamatay ng babae sa edad na 15 hanggang
44 ay dahil sa karahasan ng kalalakihan at 50%
ng krimen sa pagpatay sa babae ay gawa ng
kanilang kasalukuyan o dating asawa o
kinakasama. Dagdag pa, 1,500 ang babaeng
namamatay araw – araw dahil sa planadong
pagbubuntis at iba pang dahilan na may
kinalaman sa pagdadalang – tao, at 19 milyong
kaso ng aborsyon ang nangyayari sa hindi ligtas
na paraan na pumapatay sa 68,000 babae bawat
taon. Mas Malala pa, 40% sa mga kasong ito ay
isinasagawa sa mga batang babae na may edad
16 hanggang 24. Mababa rin ang pagkilala sa
kakayahang politikal ng mga babae. Anim
lamang sa 194 presidente ang babae. Noong
2007, 19% lamang ng mga bansa ang may 30%
parlyamentaryong representasyon ng
kababaihan.
Mga katanungan:
1. Ano ang mga datos sa kalagayan ng
kababaihan na nagpapakita sa uri ng
trabahong nakukuha nila?
2. Makapangyarihan na ba sa larangan ng
politika ang mga babae? Patunayan ang
iyong sagot batay sa datos.
3. Ano ang mga datos na tumutukoy sa
karahasan sa kababaihan?
4. Ano ang pangunahing ideya ng binasang
seleksiyon?
5. Batay sa mga kalagayan ng kababaihan
sa buong mundo na binanggit sa seleksiyon,
tingin mo ba ay nasa mabuting kalagayan na
ang mga babae? Pangatwiranan ang iyong
tugon.

You might also like