You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Pangasinan II
Binalonan, Pangasinan

FILIPINO 12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)

Ang Akademikong Pagsulat

Unang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1

Kasanayang Pampagktuto: Nabibigyang-kahulugan ang

akademikong pagsulat..
TAMANG PAGGAMIT SA MODYUL
Sa pagbubukas at pagsisimula ng modyul na ito, isantabi ang lahat ng iyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang
modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa
paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga
araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong
pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay
para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos makompleto ang
mga aralin sa modyul na ito.
2. Paunang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman at
konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Pagtalakay sa Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng aralin.
4. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
5. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
5. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa bagong
aralin.

ii
Aralin Akademikong Pagsulat
1
Inaasahan

Magandang Araw! Kumusta? Handa ka na ba para sa modyul na ito? Para sa iyo ano ang
kahulugan ng Akademikong Pagsulat? Bilang isang mag-aaral ay kinakailangan mo na matutuhan ang
kahulugan at kahalagan ng akademikong pagsulat.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw mag-aaral ay inaasahang:
Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat.

Paunang Pagsubok

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat tambilang at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang tawag sa pagsasatitik ng anumang letra o salita sa anumang kasangkapan.
a. Pagsulat b. Pagbasa c. Pagsasalita d. Pakikinig
2. Ang tawag sa ginagamit na midyum sa pagsulat ng Akademikong sulatin.
a. Tagalog b. Filipino c. Ingles d. Pilipino
3. Ang proseso ng pagsulat na ginagamitan pa lamang ng pag-iisip sa pagsulat ng akademikong
sulatin.
a. Bago Sumulat b. Aktwal na Pagsulat c. Pinal d. Produkto
4. Ang pagtipa sa mga palatipaan ay maituturing na pagsulat.
a.Mali b. tama c. depende d. Hindi
5. Ang tawag sa taong nagsasagawa ng gawaing pagsulat.
a.Pagsulat b. Pasulat c. Manunulat d. Magsulat
6. Ang bilang ng mga letra sa Filipino
a.18 b. 26 c. 28 d. 30
7. Ang tawag sa mga sumusunod: Pagbasa, Pagsulat, Pakikinig, Pagsasalita at Panonood.
a.Wika b. Pambansang wika c.Kasanayangpangwika d.Pagpapahayag
8. Ang tawag sa pagkilala ng mga salita, larawan o simbolo sa anumang uri ng kasangkapan.
a.Pagsulat b. Pagsasalita c. Pagbasa d. Pagsasadula
9. Ang tawag sa pagpapahayag ng damdamin at ideya sa pamamagitan ng pagbigkas.
a.Pagbasa b. Pagsulat c. Pagsasalita d. Pagsasadula
10. Ang mga mag-aaral ay nagkasundo na sumulat ng isang opinyon patungkol sa isang balita. Anong
pilosopiya ng pagsulat ang isinagawa ng mga mag-aaral?
. Pagtugon b. Proseso c. Produkto d. Pagpapakilala

Pagtalakay sa Aralin

Alam mo ba…

Ang Pambansang wika ng Pilipinas ay “Filipino”. Marami sa atin ang nalilito sa kung
ano ang ating pambansang wika sa sumusunod: Filipino, Pilipino at Tagalog.

Ang Filipino ay ang tawag sa taong naninirahan sa Pilipinas at dayalektong ginagamit


ng mga ito. Ang Pilipino naman ay ang katawagan sa mga taong naninirahan sa Pilipinas, Ang
Tagalog naman ay ang dayalektong ginagamit ng mga taong naninirahan sa espisipikong lugar.
Ang ating alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na letra.

1
Ang Akademikong Sulatin

Ang Pagsulat ay ang pagsasatitik ng mga letra, damdamin, ideya at kaalam, at simbolo sa
anumang kasangkapan. Ito ay isa sa limang makrong kasanayang pangwika kabilang na ang
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at panunood.

Ayon kay Dupale, “ang pagsulat ay ang pinanggagalingan ng lahat kaalaman.” na isa rin sa
mga kasanayang pagkatutong nililinang ng mga sulating pang-akademiko.

Ang SULATING AKADEMIK ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa


pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na
sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang
makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa wikang Europeo (Pranses): academique;


Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng 1ka-16 na siglo.

Pilosopiya ng Pagsulat

Proseso at Produkto, Pakikihalubilo


Pagtuklas Mapaghamon
Pagtugon Pinaglalaanan ng Panahon
Sariling Pagkatao

Gawain

Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng pagsulat sa pamamagitan ng paggamit ng mga


letra ng salitang “SULAT” bilang unang letrang gagamitin sa bawat pangungusap. Gumamit
ng wasto at buong pangungusap sa pagbibigay ng kahalagahan.

S-_____________________________________________________________________
U-_____________________________________________________________________
L-_____________________________________________________________________
A-_____________________________________________________________________
T-_____________________________________________________________________

Rubrics:

Puntos
Kaugnayan ( Ang sagot ay malinaw na 2
nagpapaliwanag sa paksang ibinigay)
Balarila (Nakasasagot ayon sa tamang gamit ng 2
gramatika)
Pagkamalikhain (Nailalahad sa masining na 1
pamamaraan ang kasagutan)
Kabuuan: 5

Tandaan

Ang Pagsulat ay kabilang sa limang makrong kasanayan kabilang na ang pakikinig,


panunuod, pagsasalita at pagbasa. Ang pagsulat ay nangangahulugang ng pagpapahayag ng mga
damdamin o saloobin, ideya at kaalaman sa pamamagitan ng pagsasatitik ng mga salita.

2
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Isulat sa kahon ang kinakailangang letra upang mabuo ang salitang
tinutukoy ng bawat numero sa pahalang at pababa na pahayag.

PABABA PAHALANG
1.Ito ay wikang Europeo na nangangahulugang 2. Kasanayang nalilinang sa
“Akademiko”. pamamagitan ng audio.
5. Ayon kay Dupale, “Ang ______ ay 3. Ang kasanayang pang akademikong
pinanggagalingan ng lahat kaalaman.” na isa nakapagbabahagi ng kaalaman gamit
rin sa mga kasanayang pagkatutong nililinang ang bibig.
ng mga sulating pang-akademiko. 4. Ang di kayang ibigkas ay maaaring
isatitik sa pamamagitan ng kasanayang
6. Ang kasanayang ito ay ginagamitan ng ito.
audio-biswal. 7. Ang tawag sa taong nagsasatitik ng
kanyang kaalaman sa pamamagitan ng
pagsulat.
8. Ang paggamit ng kaisipan sa
paglalapat ng mga ideya.

2. 1.A
P

4. 6.
P P
. 3. A
P
5.P
7. T
M
8. O
K

E D
A
3

Sanggunian
Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling
Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Mabilin, E. R. et.al. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa
Esensyal na Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.
Club, Lorena S. Filiino sa Piling Larang (Akademik) Modyul 1. Sentrong
Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros. Daang Antonio J. Villegas.
Ermita, Maynila

Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang (Akademik)
Unang Markahan-Unang Linggo
Modyul 1

Susing Sagot

Paunang Pagsubok

1. A Gawain
2.B Puntos
3.A
4.B Kaugnayan ( Ang sagot ay malinaw na 2
5.C nagpapaliwanag sa paksang ibinigay)
6.C Balarila (Nakasasagot ayon sa tamang 2
7.C gamit ng gramatika)
8.C
9.C Pagkamalikhain (Nailalahad sa 1
10.A masining na pamamaraan ang
11.A kasagutan)
12.D Kabuuan: 5

2. 1. K I K I N I G
P A
C
4. A G S U L A T 6.
P P
D . 3. A G S A S A L I T A
P
5. E N
P
A M 7. A N U N U L A T
M
8. O G N I T I B O N
K
B Q U
A U O
S E D
A
Pangwakas na Pagsusulit

You might also like