You are on page 1of 44

Ano ang Pagbasa?

Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo o


sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga ideya o kaisipan.

Ayon kay Lapp at Flood (1978), lahat ng pakahulugan


sa pagbasa ay patungo sa dalawang kategorya:
-ang pagbibigay kahulugan sa mga kodigo/simbulo.
-ang pagbibigay kahulugan sa nabasa.
Ano ang Pagsusuri?

Ang pagsusuri ay isang uri ng pagtataya kung saan


sinusukat nito ang antas ng kakayahan o kaalaman ng
isang tao ukol sa isang paksa, asignatura o iba pang
talakayan.
Ano ang Pananaliksik?

 Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing


ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap
ng mga datos o impormasyon upang malutas ang
isang partikular na suliranin sa isang syentipikong
pamamaraan.
Mga Inaasahang Pagkatuto
• Nakalulunsad ng mga gawaing pangklase na huhubog sa
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsusuri ng
teksto.
• Nakabubuo ng mga sulatin na kinapapalooban ng mga
malayang kaisipan sa pamamagitan ng mga konseptong
natutunan mula sa pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto.
• Nakasusuri ng iba’t ibang uri ng teksto at/o genre ng
panitikan
• Nakabubuo ng isang papel pananaliksik hinggil sa
pagpapayaman ng Wika at Kulturang Pilipino
Kakayahang Lingguwistiko,
Estruktural, O Gramatikal
Mga Madalas na Pagkakamali
sa Gramatikang Filipino
A. Paggamit ng nang at ng
Nang
- Ginagamit bilang pangatnig sa hugnayang pangungusap.
Hal: Nagsisimula na ang palatuntunan nang kami ay dumating.

- Nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng


pandiwa at panuring nito.
Hal: Nagpaalam nang magalang ang mag-aaral sa guro.
- Ginagamit sa gitna ng dalawang salitang inuulit
Hal: basa nang basa
alis nang alis

- Ginagamit sa pang-abay na pamanahon


Hal: Marami nang (na + ng) tao sa bulwagan.

- Pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay na pamaraan


Hal: Binigkas ni Elena nang buong husay ang kaniyang talumpati.

- Kasingkahulugan ng upang at panumbas sa so that o in order sa


Ingles.
Hal: Makisama tayong mabuti sa ating kapwa nang tayo ay lumigaya.
Ng
• Pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang layon ng
pandiwa.
Hal: Gumawa siya ng takdang-aralin.

• Nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay.


Hal: Ang aklat ng bata ay nawala sa paaralan.

• Bilang pang-ukol na katumbas na with sa Ingles


Hal: Ako ay sinalubong niya ng ngiting magiliw.
B. Paggamit ng May at Mayroon

May
- kapag sinusundan ng panggalan
Hal: May kasama siyang kaibigan.

- kapag sinusundan ng pandiwa


Hal: May gagawin ka ba mamaya?

-kapag sinusundan ng pang-uri


Hal: May bago ka na palang kaibigan.
Mayroon

- ginagamit kapag may napasingit na kataga sasalitang


sinusundan nito
Hal: Mayroon bang problema sa pag-aaral mo?

- ginagamit na panagot sa tanong


Hal: May hinihintay ka ba? Mayroon.

- ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa


buhay
Hal: Sila ay mayroon sa kanilang bayan.
C. Paggamit ng din at daw/ rin at raw

Din at Daw
- ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
katinig.
Hal: Tatlong buwan daw tinapos ni Isiong ang kubo na iyan.

Rin at Raw
- ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig at malapatinig na w at y.
Hal: Bibili raw si Nanay sa lechon para sa kaarawan ni bunso.
D. Paggamit ng pahirin at pahiran

Pahirin
- kilos na nangangahulugan ng pag-aalis o pagpawi sa isang
bagay.
Hal: Pahirin mo ang luha sa kanyang mga mata.

Pahiran
- paglalagay ng kaunting bagay.
Hal: Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
E. Paggamit ng kung at kong
Kung
- Pangatnig na karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap
Hal: Malulutas ang suliranin ng bayan kung makikiisa ang mga
mamayan.

Kong
- Nanggaling sa panghalip panaong ko at inaangkupan ng ng
Hal: Nais kong tulungan ka ngunit tulungan mo muna ang iyong
sarili.
F. Paggamit ng subukin at subukan
Subukin (to try)
- Nangangahulugang tingnan ang kalagayan o ayos, o kaya
suriin at siyasatin ang kalagayan ng tao at ayos ng bagay.
Hal: Subukin natin ang lasa ng bagong mantikilya na ito.

Subukan (to spy)


- Tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao o kaya ay
magmanman o maniktik.
Hal: Subukan mo kung saan niya itatago ang mga alahas.
G. Paggamit ng kita at kata
Kita
- Ginagamit kapag ang isa o dalawang nag-uusap ay siyang gaganap ng
gawain para sa kausap
- Hal: Ibibili kita ng bagong damit.

Kata
- Ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay magkasamang gagawa ng
isang bagay
Hal: Kata ay magsimba muna bago umalis.
H. Paggamit ng sila at nila/ sina at nina
Sila at Nila
- Mga panghalip panao at hindi sinusundan ng pangngalan
Hal: Sila ay pupunta sa Baguio para magpakasal.

Sina at Nina
- Mga pantukoy na maramihan na sinusundan ng pangngalan
Hal: Sina Jacob at Gabby ang mangunguna sa parada.
I. Pagagamit ng pinto at pintuan
Pinto
- Bahagi ng gusali na siyang isinasara at ibinubukas
Hal: Kumatok ka sa pinto bago pumasok.

Pintuan
- Daanan
Hal: Maluwang ang kanilang pintuan.
Tekstong Impormatibo,
Kaalaman ay Punong-puno

ISAISIP AT ISAPUSO
Anumang impormasyon
dapat tayo’y tumugon.
Bakit nga ba kailangan natin
ng impormasyon?

Ang impormasyon ay sitematikong pagbubuo, paghahanay, at pag-


uugnay ng mga ideya upang magkaroon ng malinaw na ugnayan sa
pagbabalangkas ng mga kaisipan, ideya, saloobin, katotohanan, at mga
impormasyon.

ISAISIP AT ISAPUSO
Anumang impormasyon
dapat tayo’y tumugon.
Katangian ng Tekstong Impormatibo
• Naglalahad ito ng mga mahahalagang impormasyon, bagong
kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, mga
bagong impormasyon, at tiyak na detalye para sa kabatiran ng
mga mambabasa.
• Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may pagkakasunod-
sunod at inilalahad nang buong linaw at kaisahan.
• Karamihan sa mga impormasyon ay patungkol sa mga bagay at
paksang pinag-uusapan.
• Nagbibigay ito ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng
kaalaman at nagbibigay-linaw sa mga paksang inilalahad
upang mawala ang alinlangan.
• Naglalahad ng mga datos na nakatutulong sa paglilinaw ng
mga konsepto.
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
(Ayon kay Monsura, et al. 1999)
Hanguang Hanguang
Hanguang Primarya Elektroniko Sekondarya

• Mga indibidwal o • Internet sa • Mga Aklat


awtoridad pamamagitan ng • Mga nalathalang
• Mga grupo o email artikulo, journal,
organisasyon • Telepono o magasin at
• Mga kinagawiang cellphone pahayagan
kaugalian • Mga tesis at
• Mga pampublikong disertasyon
kasulatan o • Mga monograp,
dokumento manwal,polyeto,
manuskrito, at iba
pa
Ilan sa mga gabay na tanong sa pagsusuri ng
ilang tekstong impormatibo.
1. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda/tagapaglathala?
Patunayan.
2. Makatotohanan ba ang mga impormasyon o datos?
Bigyang Katwiran.
3. Napapanahon ba ang mga impormasyong inilahad
tungkol sa isyu/paksa?
4. Batay sa karanasan sa pagbuo ng impormasyon, paano
mo papakahulugan ang tekstong Impormatibo.
ISAISIP AT ISAPUSO
Anumang impormasyon
dapat tayo’y tumugon.
Tekstong Impormatibo,
Kaalaman
1. ay
Hahatiin ang klase sa Punong-puno
limang grupo.
2. Bawat grupo ay kinakailangang bumuo ng “team name”.
3. Bawat grupo ay malayang pumili ng paksa na naayon sa
kanilanhg interes.
4. Maaaring lumabas ng silid para kumuha ng dagdag na
impormasyon.
5. Matapos makalap ang sapat na datos ay bubuo ang grupo ng
isang tekstong impormatibo.
6. Isusulat ito sa short bondpaper.
7. Matapos makumpleto ang kinakailangang sulatin, ilathala
ito sa edmodo. ISAISIP AT ISAPUSO
Anumang impormasyon
dapat tayo’y tumugon.
Ilarawan ang iyong paboritong
Guro
1. Pangalan ng paboritong Guro.
2. Mga katangian na nagustuhan mo sa kanya.
3. Di malilimutang pangyayari.

ISAISIP AT ISAPUSO
Ano mang ang nakikita
at nadarama, sa
paglalarawan at ilathala
1. Ano ang katangian ng tekstong
naglalarawan?
2. Ano ang pinagkaiba ng naglalarawan sa
nagsasalaysay?
3. Bakit kailangang ilarawan ang isang
tao, bagay, lugar, o pangyayari?
4.Paano makatutulong ang tamang
paglalarawan sa pang araw-araw na
pamumuhay?
Ang Tekstong Paglalarawan
(descriptive/deskriptibo)
Ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama:
paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Madali itong
makikilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na “Ano.” Sa
pamamagitan din ng tekstong paglalarawan, lumilikha ang may-akda sa
kaniyang mga mambabasa na isang madetalyeng imahinasyon na
magsisilbing pundasyon niya upang paniwalaan ang katotohana ng isang
bagay, pangyayari o ano mang nagaganap sa kanyang pang-araw-araw na
karanasan.

ISAISIP AT ISAPUSO
Ano mang ang nakikita
at nadarama, sa
paglalarawan at ilathala
Uri ng Paglalarawan
 Karaniwang Paglalarawan – Literal at
pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan. Payak o
simple lamang ang paggamit ng mga salita upang
mainigay ang kaalaman sa nakita, narinig, nalasahan, at
naramdaman sa paglalarawan.
Halimbawa:
Paningin – matangkad, maganda, kulay berde
Pandinig – maingay, mahina, malakas
Panlasa – maasim, matamis, maanghang
Pang-amoy – mabango, mabaho, maasim
Pandama- mahapdi, masakit, malamig
 Teknikal na Paglalarawan – pangunhing layunin ng siyensiya ang
mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo
at kalawakan. Kalimitang gumagamit ang manunulat ng mga ilustrasyong teknikal na
sulatin upang maipakita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan.

 Masining na Pagpapahayag - di literal ang paglalarawan


at ginagamitan ng matatalinghaga o idyomatikong pagpapahayag.
Halimbawa:
Paningin – Kay tangkad mo, para kang poste.
Pandinig – Nabibingi ako sa sobrang hina ng boses mo.
Panlasa – Halos pampaso ang dila ko sa anghang ng Bicol Express ma
ulam naming kanina.
Pang-amoy – Masusuka na ako sa baho ng kanal sa labas.
Pandama – Nasunog ang balata ko sa tindi ng sikat ng araw.
Pagkuha ng Datos sa Mabisang Paglalarawan

Ano ang hitsura, tunog, amoy, lasa at pakiramdam?


(Describe it)
Ano ang pagkakaugnay nito? (Associate it.)
Paano ito nabuo? Paano ito gumagana? (Analyze it.)
Positibo o negatibo ba ito? Kapaki-pakinabang o
nakapipinsala? (Argue for or against it.)
Paano ito mailalapat sa iyong karanasan? (Applied it.)
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba? (Compare it.)
Gawain#3 Tuklas-Dunong

 Basahin ang tekstong “Si Teodoro at Ang Pulang


Bag” ni Alma Tang-Bautista dd. 21-24 (Vibal)
 Sagutan ang dd. 25 sa isang buong papel. 3-5
pangungusap bawat bilang.
1. Ano ang tekstong naglalarawan?
2. Ano-ano ang katangiang dapat taglayin ng isang tekstong naglalarawan?
3. Bakit kailangang ilarawan ang isang tao, bagay, lugar at pangyayari?
4. Magbigay ng paglalarawan na ginamit sa kuwentong “Si Teodoro at ang Pulang
Bag.”
• Tao
• Bagay
• Pangyayari
5. Paano makatutulong ang tekstong naglalarawan sa sumusunod:
• Sarili
• Pamilya
• Pamayanan
• Bayan
6. Paano magagamit ang isip, damdamin, at kilos sa pagbuo ng tekstong
Aralin 3:
Tekstong Nanghihikayat,
Ang Makapukaw ay Sapat

ISAISIP AT
ISAPUSO
Tekstong
mapang-akit,
Kaalaman ay
Aralin 3:
Tekstong Nanghihikayat,
Ang Makapukaw ay Sapat

ISAISIP AT
ISAPUSO
Tekstong
mapang-akit,
Kaalaman ay
Tekstong Nanghihikayat (Persuasive)
Ang panghihikayat sa payak na kahulugan ay
tumutukoy sa paglalarawan ng tunay o karaniwang
pagtanggap sa isang pananaw na narinig at nabasa.

Ang panghihikayat ay pag-iimpluwensya sa kaisipan,


saloobin, damdamin, paniniwala, motibasyon, naisin, at
pag-uugali ng isang tao. Ito ay karaniwang pagbebenta
ng mga impormasyon na maaaring bilhin o kaya nama’y
hindi pansinin ng mga mambabasa.
Ang tono ng isang nanghihikayat ay
maaaring:
 Nangangaral
 Nag-uuyam
 Naghahamon
 Nagagalit
 Nambabatikos
 Natatakot
 Nasisiyahan
 Nalulungkot
 Nagpaparinig
Paraan ng Manunulat upang Makahikayat
ayon kay Aristotle
Paraan ng Manunulat upang Makahikayat
ayon kay Aristotle

1. Ethos (credibility/trust) – Ito ay tumutukoy sa


kredibilidad ng manunulat. Ang kaniyang sariling
paniniwala, saloobin, damdamin, pag-uugali, at
ideolohoya sa kaniyang paksang isinulat ay
impluwesya ng kaniyang karakter.
Paraan ng Manunulat upang Makahikayat
ayon kay Aristotle
2. Logos (logic/reason/proof) – pagiging rasyonal ng
isang manunulat ang paraan na ito. Nangangailangan ito
ng tiyak at rasyonal na katibayan upang makahikayat.
Ayon kay Aristotle, nauugnay ang logos sa mismong
ginagamit na salita na manunulat na tila may nais
patunayan.
Paraan ng Manunulat upang Makahikayat
ayon kay Aristotle
3. Pathos (feelings/emotion) – Ang emosyon o
damdamin tungkol sa isang paksa ay ang paraan na
ginagamit ng may-akda upang mahikayat ang mga
mambabasa. Nagagawa ng may-akda na mahikayat ang
kaniyang mga mambabasa sa pamamagitan ng
paglalapat ng kaniyang saloobin, maging ito man ay
galit, kasiyahan, pangungutya at iba pa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong
Nanghihikayat (Persuasive)

1. Piliin ang iyong posisyon


2. Pag-aralan ang iyong mambabasa
3. Saliksikin ang iyong paksa
4. Buuin ang iyong teksto
Mga Estratehiya sa Tekstong Nanghihikayat
(Persuasive)

 MAY PERSONAL NA KARANASAN


 MAY HUMOR O KATATAWANAN
 MAY KATOTOHANAN AT MGA ESTADISTIKA
 SUMASAGOT SA ARGUMENTO
 MGA HAMON
 MGA PANIMULA, KATAWAN, AT
KONKLUSYON
Tekstong Naglalahad,
Masusing Nagpapaliwanag

ISAISIP AT ISAPUSO
Kaangkupan sa
kaalaman, kaliwanagan
ang kailangan
Tekstong Naglalahad/Nagpapaliwanag (Expository)
 Naglalahad ito sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga konsepto
at mga palagay batay sa pansariling saloobin, haka-haka, opinion, o
pananaw ng manunulat. Sinasagot nito ang tanong na paano.
 Ang tekstong ipinaliliwanag ng uring ito ay teksto na naglalaman ng
mga impormasyon hinggil sa anomang paksang pasaklaw na may
kaugnayan sa kaalaman ng mga mambabasa.
 Naglalahad ng masusing pagpapaliwanag kung paano ang isang
abstrak na konsepto na nasa isip ng tao ay inuugnay sa isang tiyak na
termino.
ISAISIP AT ISAPUSO
Kaangkupan sa
kaalaman, kaliwanagan
ang kailangan
Ang Hulwaran at Organisasyon ng
Tekstong Naglalahad/Nagpapaliwanag
(Expository)

1. Depinisyon
2. Pag-iisa-isa o enumerasyon
3. Pagsusunod-sunod o Order
4. Paghahambing o pagkokontrast
5. Problema at Solusyon
6. Sanhi at Bunga

You might also like