You are on page 1of 8

11

FILIPINO
sa Piling Larang (Akademik)

Kuwarter 2
LAS 4: Ipakita Mo Nga Ang Bio Mo!

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
FILIPINO sa Piling Larang/Akademik
Kuwarter 2: LAS 4: BIONOTE

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Walang aangkin ng karapatang-ari ng


anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan ng naghanda ng akda kung ito ay gagamitin
upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula, larawan, ngalan
ng produkto, tatak atbp.) na gamitin sa modyul na ito ay taglay ng may-akda at ng tagapaglathala
nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang pahintulot ng nagmamay-ari
na magamitin ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan maging inaangkin ng
tagapaglathala at ng may-akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: JUDEN M. TRIBUTO

Editor: FE A. STA. CLARA,T-III/ CHERRY PITOY,MT I

Tagasuri ng Nilalaman: ELISA E. RIEZA, EPS / DARCY GUY MANEBO, EPS

Gumuhit ng Larawan: JHOSA DYAN C. AZAÑA

Nagdisenyo ng Pahina: JUDEN M. TRIBUTO

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
GAWAING PAGKATUTO ___4___ (Bilang)

Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________________________

Asignatura – Antas: ___________________________________________________________


Petsa: ________________________________________________________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang bionote ay isang maikling komprehensibong sulatin (karaniwang isang talata
lamang) na naglalahad ng mga kuwalipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang kredibilidad
bilang propesyonal. Itinatanghal dito ang kaniyang mga natamo na nagsasabing siya ay maalam
at may awtoridad sa larangang kinabibilangan niya. Sa kabuoan, ang kahusayan ng bionote ay
nakasalalay sa pagsasalubong ng nais iparating ng sumulat at kung ano ang gustong malaman
ng mambabasa tungkol sa kaniya.
Ngayon, handa ka na bang ipakilala ang Bio Mo!

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


 Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin
(CS_FA11/12EP-0p-r-40)
Bionote
Kahulugan:
 Isang maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na madalas ay
nakalakip sa kaniyang mga naisulat.
 Naglalahad ng kuwalipikasyon ng awtor na may kaugnayan sa paksang tinatalakay sa
papel o sa trabahong ibig pasukan.
Layunin at Gamit:
 Nagsusulat ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang karakter kundi maging
ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan.
 Ito ay paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa.
Katangian:
 Maikli ang nilalaman
 Gumagamit ng pangatlong panauhan
 Kinikilala ang mambabasa

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
 Gumagamit ng baliktad na tatsulok
 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
 Binabanggit ang degree kung kailangan
 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
III. MGA GAWAIN:
Gawain 1: Pakita Mo Nga Ang Bio Mo!
PANUTO: Gamit ang kongkretong halimbawa ng Bionote, gumawa ng sariling Bionote.
Gamitin ang mga natutuhang konsepto sa pagsulat nito. Lagyan ng maayos na larawan sa
kanang itaas na bahagi ng Bionote.

(May pahintulot ng nasa larawan ang paglagay ng mga impormasyon)

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
Gawain 2: WALA KAYO SA MAMA/PAPA/TITA/TITO KO!
PANUTO: Maghanap ng mga KAMAG-ANAK O KAKILALA NA PROPESYONAL. Gawan sila
ng mahusay na bionote batay sa tuntunin at pamantayan ng pagsulat nito. Kunan sila ng
larawan at ilagay sa bionote (siguraduhing humingi ng pahintulot).

Gawain 3: WOW! GALING NI IDOL!


PANUTO: Gamit ang natutuhan sa pagbuo ng mahusay na bionote. Gawan ng bionote ang
inyong hinahangaan na tao, ito ay maaaring magulang, guro, artista o maging kaklase. Lagyan
din ng larawan (siguraduhing humingi ng pahintulot)..

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
IV. PAGTATAYA
Tama o Mali
PANUTO: Isulat ang BONGGA kung tama ang pahayag, BONGGO naman kung mali.
1. Pangatlong panauhan sinusulat ang bionote.
2. Mahabang-mahaba ang bionote kapag sikat na sikat ang isang tao.
3. Inuunang ilagay ang pinakamahalagang impormasyon ng isang propesyonal sa bionote.
4. Nilalagay lahat ng mga natamong karangalan sa bionote.
5. Karaniwang nakikita ang bionote sa mga aklat bilang pagpapakilala sa awtor.

Sanaysay (5 Puntos)
1. Bakit mahalagang humingi ng permiso ang isang tao o indibidwal kung kukuha ng
mahahalagang datos tulad ng personal na impormasyon? Paano ito magiging etikal
kung pagsulat ang pag-uusapan?

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
V. RUBRIKS SA PAGPUPUNTOS
RUBRIKS SA PAGBUO NG BIONOTE
Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos
Nilalaman Naisulat nang Kulang ng isa Kulang ng Kulang ng tatlo
5 Puntos tama ang mga pamantayan. dalawa sa sa pamantayan.
impormasyong pamantayan.
hinihingi sa
sulatin.
Mahusay ang
pag-iisa-isa ng
mga detalye.
Nakukuha ang
atensyon ng
mambabasa.
May kalakip na
larawan.
Gamit ng Wika Walang nilabag May 1-5 nilabag May 6-10 May 11-15
at Mekaniks na tuntunin sa gamit ng nilabag sa nilabag sa
5 Puntos batay sa wika at gamit ng wika at gamit ng wika at
Ortograpiyang mekaniks. mekaniks. mekaniks.
Pambansa,
Retorika at
Gramatikang
Filipino.

RUBRIKS SA SANAYSAY
Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos
Nilalaman Komprehensibong Nasagot ang Hindi gaanong Kulang ang
5 Puntos nasagot ang tanong nang nasagot ang ibinigay na
tanong. maayos. tanong. Mahina sagot.
Nakapagbigay ng Malinaw ang ang ilang Kailangang
malinaw na ilang mga katuwiran. Di- linawin ang
katuwiran sa etikal katuwiran. Di- gaanong katuwiran. Hindi
na pamantayan gaanong makatotohanan makatotohanan
ng pagsulat. makatotohanan ang nilagay na ang nilagay na
Makatotohanan ang nilagay na detalye. detalye.
ang nilagay na detalye.
detalye.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte
VI. SUSI SA PAGWAWASTO
Tama o Mali
1. BONGGA
2. BONGGO
3. BONGGA
4. BONGGO
5. BONGGA

VII. SANGGUNIAN

Cruz, M. A. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Legaspi Village, Makati
City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEM INC.
Victoria, V. A. (2020). Orgulyo Sanayang-Aklat sa Filipino SHS (Batay sa MELC 2020). Naga
City.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE


Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., Daet, Camarines Norte 4600
camarines.norte@deped.gov.ph
DepEd Camarines Norte

You might also like