You are on page 1of 1

Hadlang sa paggawa ng pananaliksik

Mga bayarin, problema sa pamilya, sa pinansyal at sa trabaho, ito’y kalimitang nababanggit kapag
tatanungin natin ang mga guro na kasalukuyang nag-aaral para sa kanilang master’s degreekung ano
ang kanilang kinakaharap habang gumagawa ng thesis o pananaliksik.

Hindi maikakaila na mahirap pagsabayin ang lahat ng mga nabanggit. Kahit pa sabihin na ito’y
nakukuha lang sa Time Management may mga bagay talaga at pangyayari na hindi sakop ng sariling
kakayahan lamang.

Ayon sa datos na nakalap ng grupo, karamihan sa mga gurong kumukuha ng master’s degree ang
nagsabi na hindi maiiwasan ang stress kapag sunod-sunod ang mga pinapagawa galing sa sariling
trabaho, kakapusan sa pinansyal na aspekto, ang layo ng lugar na pinagtatrabahuan, at kung
makakasalamuha ng taong nakatataas na walang konsiderasyon. Ito ang pangunahing dahilan kung
bakit umabot sa punto na hindi na alam kung saan ilulugar ang oras para sa paggawa ng
pananaliksik.

Kapag kapos sa pera, masakit mang isipin mahihirapang ipagpatuloy ang nasabing pananaliksik.
Nangangailangan ito ng kahandaan sa pinansyal. Kapag nama’y magpapadala sa emosyon dulot ng
personal na problema, mahihirapang makapag-isip ng mabuti at maapektuhan ang mga desisyon.
Kapag nama’y pabaya sa kalusugan, maaapektuhan ang oras at panahon na inilaan sana sa
pananaliksik.

Kailangan na handa sa mga responsibilidad na maaaring haharapin sa pananaliksik. Hindi ito


mapapagtagumpayan kung sasarilihin lang ang mga problemang nararanasan sa pagpapatuloy ng
pag-aaral. Walang masama kung hihingi ng tulong. Laging tandaan nawalang permanenteng bagay
na madaling makamtan.

You might also like