You are on page 1of 10

I.

PAGPAPABAKUNA: PUNTO DE BISTA NG MGA PILING


KATUTUBONG MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL
Roxanne G. Patalinghug
Ella Cuerda
Ann Jeah L. Reponte
Sangay ng Davao Occidental
304268@deped.gov.ph

II. Rasyunal

Ang COVID-19 ay naging isang pandaigdigang isyung nagbigay ng malaking

pagbabago sa mundo. Sa konteksto ng edukasyon sa ating bansa ay nagkaroon ng

malawakang pagbabago na nakaapekto sa paghahatid ng mga dapat matutunan ng

mga mag-aaral. Kasabay nito kinakailangang yakapin ng mga guro at mga mag-aaral

ang pagbabagong ito upang sabayan ang daloy ng makabagong panahon o tinatawag

nating New Normal.

Sa gitna ng krisis maraming mga estratehiya at pamamaraan ang ginawa ng

gobyerno upang labanan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa

Department of Health (DOH, 2021). Isa na rito ang ang pagpapabakuna na siyang

natuklasang paraan upang maibalik sa normal ang buhay ng bawat isa. Ang

pagbabakuna ay ipinamamahagi ng libre sa bawat isa ngunit may mangilan-ngilan na

hindi handa na tanggapin ang gamot na ito. Habang patuloy ang pagbibigay ng

bakuna sa mga may edad 18 pataas, ay nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan

may edad 12 hanggang 17 na taon na mabakunahan. Ngunit sa mga pangyayaring

ito ay sumibol ang iba’t- ibang positibo at negatibong opinyon, pag-iisip at

nararmdaman ng bawat isa maging ng mga magulang para sa seguridad at kaligtasan

ng kanilang mga anak. Bukod dito, ang mga kabataan partikular ang mga katutubong

mag-aaral ay may sariling opinyon at saloobin hinggil rito dahil na rin sa kanilang

pinagmulan at tribung kinabibilangan.

Upang maipagpatuloy ang pantay-pantay at kalidad na edukasyon ng bawat

kabataan, ang kagawaran ng Edukasyon kasama ang pamahalaan ay magkatuwang

1
upang mabigyan ng sapat na edukasyon ang bawat isa sa gitna ng pandemikong

krisis. Ito’y pinalakas ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng mga

kondisyong nagbibigay-daan para sa edukasyong nakabatay sa kultura habang

isinusulong ang halaga ng katutubong pagkakakilanlan, kaalaman, kakayahan, at iba

pang aspeto ng kanilang pamanang kultura Indigenous People Education (IPEd

Program, 2016). Kung kaya kinokonsidera ng IPEd program ang lahat ng aspeto mula

sa pagpapaunlad ng kanilang kasarian, katayuan sa buhay maging sa tribung

kinabibilangan ng mga mag-aaral.

Ang Mataas na Komprehensibong Pambansang Paaralan ng Tubalan ng

Sangay ng Davao Occidental ay isa sa mga paaralan na may mga naitalang

katutubong mag-aaral sa taunang pasok 2021-2022. Ang mga tribung nabibilang sa

lugar na ito ay ang Manobo at Tagakaulo. Mayroong 50 mag-aaral na nabibilang sa

mga katutubo sa kabuoang bilang ng mga mag-aaral na 209 o 23.92 na bahagdan.

Karamihan sa mga katutubong mag-aaral na ito ay may iba’t ibang danas lalong lalo

na sa pagtanggap ng bakuna na may dalang pag-aalinlangan takot at pangamba.

Kaya ito ang nag-udyok sa imbestigador na gawin ang pananaliksik na ito upang

malaman ang punto de bista ng mga piling katutubong mag-aaral sa Senior High

School hinggil sa pagbabakuna.

Ang konseptong papel na ito ay gagamit ng deskriptib penomenolohikal na

pamamaraan (descriptive phenomenological approach) upang mapag-aralan ang

buhay ng mga kalahok sa nasabing pananaliksik. Sa makatuwid, susuriin ng

imbestigador ang detalyadong karanasan ng bawat kaso ng kalahok bago ang

paglipat sa pangkalahatang tema.

2
III. Layunin ng pag-aaral

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga buhay-karanasan ng mga

piling katutubong mag-aaral sa Senior High School ng Mataas na Komprehensibong

Pambansang Paaralan ng Tubalan sa gitna ng pandemikong krisis.

IV. Mga Tiyak na Layunin

Ang partikular na tunguhin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod;

a. Matatarok ang mga opinyon sa danas ng piling katutubong mag-aaral hinggil sa

pagbabakuna;

b. Madadalumat ang mga paraan ng pag-iisip ng mga piling katutubong mag-aaral

tungkol sa pagbabakuna; at

c. Masisipat ang damdamin ng mga piling mag-aaral tungkol sa pagbabakuna

V. Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa pamamaraang kwalitatib na pananaliksik

kung saan ang imbestigador ay natural na papasok sa karanasan ng bawat kalahok

para lumikom ng mga datos. Sa pamamaraang ito, pag-aaralan ang hindi-numerong

datos at uunawain ang mga opinyon, pag-iisip at nararamdaman ng mga kalahok

upang makalikom ang imbestigador ng malalim na pananaw sa isang sitwasyon at

makabuo ng mga bagong ideya para sa pagsasaliksik.

3
Pagpapabakuna: Punto de bista ng mga piling katutubong mag-aaral sa Senior High School ng
Mataas na Komprehensibong Pambansang Paaralan ng Tubalan.

PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK

Kwalitatib na pamamaraan

LOKAL

Mataas na Komprehensibong
Pambansang Paaralan ng Tubalan

Malaman ang mga Buhay- SAMPLING


karanasan ng mga Piling
katutubong mag-aaral sa Senior Purposib na sampling
High School ng Mataas na
Komprehensibong Pambansang
Paaralan ng Tubalan sa gitna MGA KALAHOK
ng pandemikong krisis.

Piling limang (5) katutubong mag-aaral sa


Senior High School

PAMAMARAAN SA PANGANGALAP NG DATOS

Semi-istrukturang malalim na panayam

PAGSUSURI SA MGA DATOS

Pitong (7) hakbang ni Collaizi sa pagsusuring


penomolohikal

Matarok ang opinyon, madalumat ang paraan ng pag-iisip at masipat ang mga damdamin
ng mga piling mag-aaral sa pagbabakuna.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang buhay- karanasan ng mga

kalahok sa penomenolohikal na paraan. Ito ang pinakaangkop na pamamaraan para

sa pagpapatupad nito. Ang pangunahing instrumento na gagamitin sa pagsasaliksik

ay mga bukas na katanungan (open-ended questions). Sa isang husay na pag-aaral,

isinasaad ng mga nagtatanong ang mga katanungan sa pagsasaliksik, hindi mga

layunin o haka-haka na nagsasangkot ng mga variable at istatistikal na pagsusuri

(Creswell, 2008).

4
A. Sampling

Ang imbestigador ay gagamit ng purposib na sampling o purposive sampling

kung saan ang imbestigador ang pipili at kikilala sa mga kalahok bilang

pinanggalingan ng mga datus (Palinkas, 2015).

Ang mga kalahok sa naturang pananaliksik na ito ay ang mga piling katutubong

mag-aaral sa Senior High School at kasalukuyang nag-aaral sa Mataas na

Komprehensibong Pambansang Paaralan ng Tubalan sa taunang pasok 2021-2022.

Ang kanilang gulang, kasarian, pangkat entnikong kinabibilangan, katayuan sa

pagpapabakuna at ang uri ng bakuna na naibigay ang magiging basihan sa paglikom

ng mga datus ng mga kalahok at magiging pinagmumulan ng resulta sa pananaliksik.

Sa pag-aaral na ito, matutukoy kung may sapat na datos mula sa isang pag-aaral,

kung makakabuo ng isang matatag at wastong pag-unawa kaya isasaalang-alang ang

data saturation (Faulkner, 2017).

B. Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng semi- istrukturang malalim na panayam

(semi-structured in-depth interview). Ang mga tanong na gagamitin ay mga open-

ended questions para sa malalim na pagsusuri. Ito ay isang mabisang pamamaraan

upang tuklasin ang mga opinyon ng kalahok kaisipan at damdamin tungkol sa isang

partikular na paksa at upang tuklasin ang personal at ang mga sensitibong mga isyu

(Adams, 2015). Ang imbestigador ay gagamit ng papel at bolpen para sa pagsasalin

at gagamit ng voice recorder para irecord ang mga tanong at sagot sa gagawing

panayam.

5
C. Mga Isyu sa Etika

Maaring lumitaw ang anumang isyu sa pagsasagawa ng kwalitatib na

pananaliksik (Creswell, 2009). Ang imbestigador ay may obligasyong igalang ang mga

karapatan, pangangailangan, halaga, at pananaw ng mga kalahok. Ang pananaliksik

na ito ay humihingi ng sensitibo at malalim na mga sagot sa mga katanungang

kumukuha ng kahulugan mula sa mga pahayag at opinyon ng mga kalahok. Dagdag

pa rito, ang reputasyon at posisyon ng mga kalahok ay makikita, lalo na at ang mga

matutuklasan sa pananaliksik ay maaring ibahagi sa mga tao at mga organisasyon.

Nagsasangkot ang imbestigador ng pagkokolekta ng mga datos mula sa mga tao,

tungkol sa tao (Punch, 2005).

Ang mga sumusunod na pag-iingat ay gagamitin upang maprotektahan ang

karapatan ng mga kalahok:

a. Informed Consent. Ang mga kalahok ay papayuhan sa paglalagda ng kusang-

loob ng kanilang pakikilahok at maari silang umalis mula sa pananaliksik sa

anumang oras nang walang karampatang parusa. Papayuhan sila na sa anumang

oras o panahon ng proseso ng panayam na maaari silang tumanggi na sagutin

ang anumang katanungan. Ang layunin ng pananaliksik ay malinaw na

mailalarawan ng imbestigador sa pamamagitan ng pagsusulat at ipapahayag ito

sa mga kalahok.

b. Beneficence. Ang mga kalahok ay mabibigyan ng kaalaman sa pagsulat ng lahat

ng mga pamamaraan at aktibidad sa pagkokolekta ng datos.

c. Respect for Person. Gagawa ng mga probisyon para sa pagsubaybay sa mga

datos na nakolekta upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok. Ang mga

nakasulat na salin at interpretasyon ng mga datos ay magagamit at ipapabatid sa

mga kalahok.

6
d. Justice. Ang mga karapatan, interes at kagustuhan ng kalahok ay isasaalang-

alang muna bago ilahad ang resulta ng mga nakolektang datos, at ang pangwakas

na desisyon tungkol sa privacy ay mananatili sa mga kalahok.

D. Pagsusuri ng mga Datos

Ipinapakita ng pigura 1 ang pitong (7) mga hakbang ng deskriptib

penomenolohikal analisis (descriptive phenomenological analysis) ni Collaizi (1978).

Gagamitin ng imbestigador ang pamamaraan ni Collizi dahil ang pag-aaral ay likas na

penomenolohikal. Ang mga hakbang ng phenomenological analysis ay binubuo ng

pitong mga hakbang sa pag-aaral ng datus:

a. Ang unang hakbang ay transkripsyon; sa hakbang na ito ay napapakinggan ng

imbestigador ang mga tugon nang maraming beses upang makuha ang buong

nilalaman ng kahulugan. Isasalin ng imbestigador ang mga tugon mula sa bisaya

patungong Filipino sa tulong ng mga kwalipikadong validator.

b. Ang pangalawang hakbang ay upang makilala ang mga makabuluhang pahayag

mula sa mga transkrip na tugon. Sa yugtong ito, kinikilala ng imbestigador ang

makabuluhang pahayag ng mga kalahok batay sa kanilang mga tugon sa mga

katanungan.

c. Ang pangatlong hakbang ng pagsusuri ay upang bumuo ng mga kahulugan mula

sa mga makabuluhang pahayag. Kasama rito ang pagbubuo ng mga posibleng

kahulugan sa makabuluhang pahayag ng mga kalahok.

d. Ang ikaapat na hakbang ay ang pag-uuri at pagpapangkat ng lahat ng nabuong

kahulugan ayon sa mga kategorya at mga kumpol na tema mula sa opinyon, pag-

iisip at nararamdaman ng mg piling kalahok.

e. Ang ikalimang hakbang ay nangangailangan ng pagsusuri ng lahat ng mga

lumilitaw na tema upang tukuyin sa isang kumpletong paglalarawan.

7
f. Ang pang-anim na hakbang ay upang bawasan ang mga natuklasan kung saan

ang kalabisan, pati na rin ang maling paggamit ng paglalarawan sa kanilang

opinyon pag-iisip at nararamdaman ay tatanggalin mula sa pangkalahatang

istraktura.

g. Ang ikapitong hakbang ay babalik sa mga kalahok para sa pagpapatunay ng

kanilang mga tugon.

Pigura 2. Ang Pitong (7) Hakbang ni Collaizi ng Pagsusuri ng Penomenolohikal

Transkrips

Pagtukoy sa mga makabuluhang pahayag

Nabuong Kahulugan

Pagsasama-sama ng mga nabuong kahulugan

Mga kategoryang, klaster ng mga tema, at Tema

Pagsasama-sama ng lahat ng mga resultang ideya

Makabuluhang paglalarawan

Pagbawas ng paulit-ulit na paglalarawan

Pangunahing istraktura

Babalik sa mga kalahok

Pagpapatunay at paglalarawan ng mga opinyon, kaisipan at damdamin ng mga kalahok

Procedural Rigor
Para malaman ang qualitative validity gagamit ang imbestigador ng mga

estratehiya upang masiguro ang kawastuhan ng mga resulta. Ang validity ay

masusukat din sa pamamagitan ng trustworthiness, credibility, dependability,

authenticity, at confirmability (Creswell and Miller, 2000).

8
Trustworthiness. Matutukoy sa pamamagitan ng katotohanan, kakayahang mailipat,

maasahan at kumpirmable.

Credibility. Pag-aaralan ng imbestigador ang mga datos sa pamamagitan ng isang

proseso ng pagsasalin, pag-aayos, panggagalugad, paghuhusga sa kaugnayan at

kahulugan, at sa huli pagbuo ng mga tema na tumpak na naglalarawan ng karanasan

ng mga kalahok. Ito din ang pagsisiyasat ng imbestigador na magpapadala sa mga

kalahok ng kanilang transkrip para sa pagsusuri.

Dependability. Ito ay pagpapanatili at pagpepreserba ng lahat ng mga transkrip, tala,

audiotapes at iba pa.

Authenticity. Tumutukoy ito sa pag-uulat ng mga karanasan ng bawat kalahok sa

isang paraan na pinapanatili nito ang paggalang sa konteksto ng datos at ipinapakita

ang lahat ng mga pananaw nang pantay upang ang mambabasa ay makarating sa

isang walang kinikilingan na desisyon.

Confirmability. Tutukuyin sa pamamagitan ng pag-link ng mga datos sa kanilang mga


pinagkukunan. Itinatabi ng mananaliksik ang kanyang mga potensyal na pagkiling at
bayas sa isang diskarteng tinatawag na braketing.

VI. Kahalagahan ng Pananaliksik


Ilalahad ng imbestigador sa bahaging ito ang kahalagahan at kapakinabangan

ng gagawing pag-aaral.

Mahalaga ito sa mga mag-aaral upang magbigay kaalaman sa mga piling

katutubong mag-aaral tungkol sa danas sa pagpapabakuna, ang kanilang opinyon,

pag-iisip at nararamdaman at maari nila itong gawing gabay at sanggunian sa

pagbubuo ng isang pananaliksik o konseptong papel.

Para sa mga magulang o tagapatnubay, ang pag-aaral na ito ay maaring

gamitin ng mga magulang sa paggawa ng desisyon upang magabayan ang kanilang

mga anak.

9
Sa mga guro, ang pag-aaral na ito ay maaring gamiting gabay upang malaman

ang mga opinyon, pag-iisip at nararamdaman ng mga katutubong mag-aaral sa

pagpapabakuna.

Mahalaga ito sa mga paaralan upang mabigyan ng kamalayan sa mga

opinyon, pag-iisip at nararamdaman ng mga piling katutubong mag-aaral bilang

bahagi ng pagpapatupad ng IPEd program.

Gayundin sa mananaliksik sa hinaharap, ang pag-aaral na ito ay maaring

gawing sanggunian ng mga mananaliksik sa hinaharap na gagawa ng katulad na pag-

aaral upang mapadali ang kanilang pag-aaral at maisama ang mga magkakaparehong

konsepto o ideya na maaring makapagpabuti sa pananaliksik na ito.

VII. Mga Inaasahang Bunga

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa punto de bista ng mga piling katutubong


mag-aaral sa Senior High School hinggil sa pagbabakuna. Sa pananaliksik na ito ay
inaasahan na:

a. Matarok ang mga opinyon sa danas ng piling katutubong mag-aaral hinggil sa

pagbabakuna upang magkaroon ng interventions para matugunan ang

pangangailangan ng mga piling katutubong mag-aaral;

b. Madalumat ang mga paraan ng pag-iisip ng mga piling katutubong mag-aaral

tungkol sa pagbabakuna upang ang resulta ay magiging basihan sa pagbuo ng

SSG action plan tuon sa ikalawang DepEd Core Values at Career Guidance ng

Senior High School; at

c. Masipat ang damdamin ng mga piling mag-aaral tungkol sa pagbabakuna.

10

You might also like