You are on page 1of 15

Dulang Patula

Larong Patula
1. Karagatan
2. Duplo
3. Juego de Prenda/ Ensilada
Dulang Panlibangan
1. Karilyo – Pagpapagalaw ng anino ng mga pira-pirasong kartong hugis-tao sa
likod ng kumot na puti na may ilaw. Habang pinapagalaw ang hugis-taong
karton ay sinasabayan ng salaysay gaya ng kurido, awit, dulang panrelihiyon o
alamat.
Karilyo- Maynila, Rizal, Batangas at Laguna
Titires – Ilocos Norte, Pangasinan, Bataan, Capiz, Negros
Gagalo o Kikimut – Pampanga, Tarlac
Aliala – La Union
Dulang Panlibangan

2. Senaculo – nagsasalaysay ng buhay at kamatayan nin Hesukristo. Ito ay Pasyong


itinatanghal sa entablado.
3. “Sugat” o Salubong – ito ay ginaganap tuwing Araw ng Pagkabuhay ni Hesuskristo.
Ang salubong ay tumutukoy sa muling pagkikita ni Birhen Maria at ni Hesukristo. May
awitan ng mga anghel at pagpupuring tula at awitin na sinasambit. Hanggang sa
kasalukuyan ang tradisyong ito pa rin ay buhay at ginagawa sa Pilipinas.
Dulang Panlibangan

4. Tibag – pagtatanghal tuwing Buwan ng Mayo, sa


paghahanap ni Reyna Elena sa Krus na pinagpakuan kay
Kristo
5. Flores de Mayo (Santa Cruzan)– pagpaparada sa krus na
pinagpakuan ni Hesus sa lansangan at paghahatid nito sa
simbahan. Marangyang parada ng mga sagala at konsorte
na kumakatawan sa iba’t ibang tauhan sa bibliya.
Dulang Panlibangan
6.Panunuluyan – isinasagawa bago mag-alas-12 ng
gabi ng kapaskuhan. Natutungkol ito sa paghahanap
ng matutuluyan ni Maria at Jose upang iluwal ang
sanggol na si Hesus.
7. Panubong – mahabang tula na nagpaparangal sa
may kaarawan o kapistahan.Masasaksihan ito sa
Quezon at sa Marinduque
Dulang Panlibangan

8. Pangaluluwa – dulang panrelihiyon na isinagawa


tuwing Araw ng mga Patay (Todos Los Santos).
Bisperas pa lang (Oct 31) ay gumagala na ang mga
kaluluwa at bumibisita sa mga bahay-bahay at
humihingi ng limos habang kumakanta.
Dulang Panlibangan

9. Moriones – ( Mindoro at Marinduque) ginaganap tuwing


mahal na araw. Miyerkules hanggang biyernes santo.
Nagsusuot na maskarang may iba’ibang kulay.
Kumakatawan ito sa Senturyong Romano . Pinakabayani
si Longinus, taong bulag ang isang mata na gumaling
nang matuluan ng dugo ni Hesus nang tinusok ng sibat si
Hesus sa krus.
Dulang Panlibangan
10. Moro-moro – Itinatanghal sa entablado tuwing
araw ng Pista upang magdulot ng aliw. Itinatanghal
ang pag-aaway ng Muslim at Kristiyano .
11. Sarswela (Zarzuela)- komedya o melodramang
may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto at
naghihinggil sa mga punong damdamin ng tao- pag-
ibig, kapopootan, paghihiganti, kasakiman,
kalupitan o suliraning panlipunan o pampulitika.
Tulang Panromansa
(Metrical Romance)
Awit - isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-
aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat
taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang
tradisyonal na dulong tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc,
at iba pa).
Inilalahad ng awit ang pag-ibig ng magsintahan o
magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa magulang, at ang
pag-ibig sa lupang sinilangan. 
Tulang Panromansa
(Metrical Romance)
Korido -binabaybay na 'Corrido' noong panahon ng
Espanyol.
Mahabang salaysay na nasa berso (patula) na
itinatanghal ang katangiang (karangalan, katapangan,
pagkamaginoo, kabayanihan, atbp.) ng mga dugong
bughaw. Nagtataglay kung minsan ng mga hindi kapani-
paniwalang saysay.
Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido:
AWIT KORIDO
Mabagal ang bigkas Mabilis ang bigkas 
12 pantig 8 pantig
Saliw ng gitara o bandurya kumpas na martsa

May kapani-paniwalang daloy ng Kinawiwilihan dahil sa mga mala-


kwento pantasyang temang taglay
Mga Halimbawa ng Awit
Florante at Laura ni Francisco Balagtas,
Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de
Tandiona,
Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la
Cruz,
Mariang Kalabasa
Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clarian
Mga Halimbawa ng Korido
Ibong Adarna
Don Juan Teñoso
Salita at Buhay ni Mariang Alimango, 
Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz
Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla
Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
• Sangguniang Aklat:
• a. Panitikan ng Lahi, Belvez
• b. Panitikan ng Pilipinas, Tumangan
• c. Panitikang Panrehiyon ng Pilipinas, Villafuerte
• d. Panitikang Antolohiya, Arrogante
• e. Panitikang Filipino , Salazar

You might also like