You are on page 1of 6

Danato Mejia Avarez- manunulat siya para sa Kalye Sesame" (na Batibot).

Ang kanyang mga


tula ay nagwagi sa Palanca at Gawad ng Galian. Siya ay naging Local Fellow for Poetry ng UP
TCW noong 1988. Malaki ang papel ni Donato sa pagkabuo ng PANULAT at Telons Playwrights
Circle. Mababasa ang ilan sa kanyang mga tula sa antolohiyang introduksyon to Philippine
Literature na gimamit sa Ateneo de Manila University, Papaano Magbasa ng Panitikan na
pinamatnugutan nina Rene Villanueva, Joi Barrios, at Bien Lambera, Panitikan ng Protesta na
inilathala ng CCP, Diliman Review at sa Antolohiya ng mga Piling Nagwaging Akda ng Palanca
Awards
Sa kasalukuyan, isa siyang freelance artist at publisher. Si Donato ang nagmamay-ari ng
Sipat Publications na nagdisenyo at naglathala ng mga ng tula nina Father Albert Alejo, Nick
Pichay, Jim Imperial, Edel Garcellano at Jose Peharanda.
Halimbawa ng akda ni Donato M. Alvarez:
Sa Tubuhan
ni Donato Mejia Alvarez

Sa ating paglalakad
Ang amihan ay malamig
Na daliring humahagod sa mga dahon
At may awit ang makinang na espading
Sa tubuhang yumuyuko sa hampas ng hangin.
Malambing na tanawin ang plantasyong mahimbing
Sa gabing pumipintig sa liyab ng mga bituin.
Tulad sa isang di-malimot na panaginip
Ang paligid ay buntis
Sa simponya ng mga kuliglig.
Pagsapit natin sa isang lugar,
andali tayong tumigil sa ating paglalakad
magkahalong Ilonggo at Pilipino, sabi mo.
Tutuu ang narinig mo.
Dito sa gintayuan natin
Natagpo ng pito na kasamang nawala.
Ginsalbeyds sang mga military
Simple ang dahilan
Napagsususpisuhan
Tumahimik ang mga kuliglig
Narinig yata ang maliit mong tinig.

Published in KAMAO: Tula ng Protesta 1970-1986 (CCP, Manila, 1987)

Lilia F. Antonio- bilang isang batikang manunulat, siya ay isang makata at mahusay na Tagasalin
sa Filipino ng "Ang Munting Prinsipe" (Antoine de Saint Exupery's The Little Prince) 1969 at ang
Paglilitis (Peter Weiss' The Investigation)
Isinalin rin niya ang Much Ado About Nothing- Pagkahaba-haba Man ng Prusisyon Sa
Simbahan Din ang Tuloy; Six Characters in Scarch of an Author- Anim na Tauhang Naghahanap
ng Isang Mangangatha.
Halimbawa ng "obra" ni Lilia F. Antonio:

Maya
ni Lilia F. Antonio

habang nakababad
sa umaasong swimming pool
sa umagang bago pa man sumilay ang araw
tinatanaw kitang nakadapo sa sanga
nag-isa
pumapalibot ang tingin
sa matayog na niyog.
at nahihinog sa buwig ng saging
Saan patutungo?
alin ang pipiliin:
bumabalik sa ilang kasamang
nakapila sa kawad, 0,
patuloy na lumilipad
sa isang naiiba't
bagong landas?
sa biglang pagbugso ng hangin
nawalan ng panimbang
tulirong napabitiw
di na malaman
kung saan susuling

Teo T. Antonio - inimbitahan siya sa Kuala Lumpur World Poetry Reading sa Malaysia noong
1990.
Tumanggap na rin siya ng pinakamataas na pagkilala: SEA Write Award sa Bangkok,
Thailand (1995), Gawad Patnubay sa Kagalingan para sa larangan ng panitikan mula sa lungsod
ng Maynila (1996), Dangal ng Lipi para sa sining at panulat mula sa lalawigan ng Bulacan (1997)
at Gawad Alagad ni Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (2002), Patuloy na
kinikilala ang kanyang husay sa pagtula at Balagtasan hanggang sa kasalukuyan.

Halimbawa ng akda ni Teo T. Antonio

Pananalig sa Panitik
ni Teo T. Antonio

Marapatin kaming apo ni Balagtas


Talino'y sumibol, yumabong, umunlad;
Marapatin sanang ang aming panitik
Hindi maigupo ng anumang sakit
Upang itong puso't diwang malikhain
Ay maipaglingkod sa bayang giniliw.

Marapating kami'y ganap na mabigyan


Nang laya sa kulo at kalam ng tiyan
Upang di lumuhod sa Bathalang Ginto
At maging galamay sa mga palalo;
Upang maging handa sa kabulaanan
Tukso't panlulupig ng mga dayuhan

Marapatin nawang kami'y mangabigkis


Sa aming pangarap at aming pag-ibig;
Maging isang agos ang aming prinsipyo
Tungo sa pambansa't pagsulong ng tao,
At kung sakali mang may uod sa hanay
Maakay sa landas ng kaliwanagan.

Marapatin nawang ang bawat isulat


Magtataglay ng tatak ng lahi at ugat;
May tamis ng aming katutubong sining,
May poot ng aming panahong alipin,
May init ng aming halik sa watawat,
May ningning ng aming mithiing bagong bukas.

Si Roberto T. Añonuevo sa Pasig at kung saan-saang panig ng bansa ipinadpad ang mga lagalag
na paa. Iginawad sa kanya ng Hall of Fame Award ng Don Carlos Palanca Memorial Awards para
sa kanyang kalipunan ng mga tula. Sumungkit ng mga gantimpala ang Kanyang mga tula sa
Talaang Ginto: Gawad Collantes (1990, 1993, 1999), Panorama Poetry Contest (1993) at Diyaryo
Filipino (1990).
Kabilang siyang kumatawan sa Filipinas noong Second ASEAN Poetry Conference
Workshop (1995). Inilathala ng DLSU ang kanyang unang aklat, ang Paghipo ng Matang-tubig
(1994) at ng ADMU ang Pagsiping sa lupain. Naging pangulo siya ng Linangan sa Imahen sa
Retorika at Anyo (LIRA) noong 1994; at kasaping tagapagtatag ng ORAGON, ang samahan ng
mga premyadong makata ng bansa. Kasalukuyan siyang Vice Chairman ng UMPIL, ang
pinamakalaking unyon ng mga manunulat sa Pilipinas.
Halimbawa mula sa panitik ni Roberto T. Añónuevo
Ang Pagsasalin
ni Roberto T. Añonuevo

"Matuto kang magmasid," sambit ni lolo


sa akin habang nakatitig sa bahay na ibinabalangkas.
Batid niya ang uri ng haspe sa sarisaring tungkulin.
gaya ng tao na kanyang inuutusang magbaon
ng isang pulgadang pako sa playwud o lawanit,
o di kaya'y magsaayos ng sawaling tabike.
Mahigpit siya sa pagtatakda ng sukat:
kung di eskuwalado ang dalawang pares ng kahoy
ay tiyak na salubong ang kanyang mga kilay;
kung alahado ang kapwa pisngi ng mga tabla
ay napapapitik siya't magaang tumapik.
Nananakit man ang kanyang batok ay kutob niya
ang asintadong mga rehas. Walang paltos
ang bawat hulog niya, dahil tiyak matutuwid
ang mga bahagi ng bahay o ang mga paa ng katuwang

"Ano ba ang pakialam ko rito?" ismid ko


nang tinuturuan niya akong magkabit ng bisagra.
Hindi ko maihinang sa isip ang gayong gawain.
Manipis ang aking mga palad para magsandal
ng barandilya, isabalikat ang matitibay na biga,
O isapus0 ang madrina para sa bilang na baitang
Kabesado ni Lolo ang katwiran ng pitla't rematse
Sa yero, ang salimuot ng taga sa panahong soleras,
ang pagtititis ng sahig. ang pananalig ng kilo't haligi
Samantalang ako'y ni walang hilig sa gayong gawain,
Pinapawisan ako ng malamig pag hawak
ang barena't nakatitig ang tagapagturo sa akin.
(Di ko kailanman iyon nadama pag nagsusulat.)
Marahil ibig niya akong batuhin ng katam,
o katamin ang aking katamaran. Paano kung sinibat
niya ako ng bareta dahil sa labis na inis? Natatakot
akong tumugon, at ang aking pagbabantulot
ay waring sagot na ang kaluluwa ko'y malayo
sa konstruksiyon ng barungbarong at mansyon.
Ikinukubli ko ang lahat sa nakangingilong pagkikil,
o sa mga yerong kanaladong tinatabas o ginugunting
Nang lumaon, iginuhit ko ang plano sa isip.
Ang Lolo ko'y malimit mahapo 't ubuhin,
kaya napilitan akong kumuyom ng kutsara't
magpalitada. Ako na dating tagaabot ng paet
at pala ang syang naging promotor ng lahat.
Natutuhan kong magkimkim ng dalawang mukha
gaya ng hasaan: ang isa' y karpintero pag araw,
at ang ikalawa' y manunulat kapag tulog ang lahat.
Binanat ko ang sarili gaya ng metro at walang
inaksayang espasyo para sa mabibilis na layaw at bisyo.
Nagtakda ako ng mga pitik at nag-iwan ng mga linya
upang pagsumunduan ng lagari. Naghunos ang bait ko
at itinuring na ang buhay ay nababaluktot, napipilipit
ng plais at makinilya. Natauhan ako sa gayuma ng sinsil
at talinghaga ng punsol habang tumutula.
Yumukod kahit paano sa halaga ng taraha sa oras
na kailangang magkaroskas ang tubo ng tubig.
(Ewan kung bakit tila lumalabas sa aking mga daliri
Ang mga kataga, gayong wala sa dugo ang pagtula.)
Dinamdam iyon ng aking Lolo dahil hindi ko namana
ang kaniyang husay sa pagtatayo ng mga bahay:
tila ba may angking agimat siyang ibig ipasa sa akim
ngunit marupok ako para sa ritwal ng pagsasalin.
Hindi nagtagal, yumao siyang lumuluha.
Ako ang gumamit ng kanyang pala sa paghuhukay
ng ibingan, at mag-isang nagradela ng semento sa
wala akong lakas ng loob para sabihin sa kaniyang,
Lolo, iba ka. Iba ang papel mo sa papel ng inyong apo.

Jose V. Ayala Jr. - isang makata at pintor. Ang kanyang mga nasulat ay ipinamahagi at
tinangkilik sa loob at labas ng Pilipinas. Nalimbag sa "Short Story International, Asia Magazine".
Nakasulat siya ng mga tula tulad ng Heart of Summer, 1961 at Poems for the
Country of E, 1990. Ang kanyang mga gawa ay nanalo sa Palanca Awards at Philippne Free
Press Literary Contests.
Ginawaran din ng "Scroll of Honor" mula sa UST Red Cross Youth Council Central
Executive noong 2005. At nakatanggap din ng "Plaque of Recognition" bigay ng Red Cross Youth
Council Commerce Unit noong 2005.

You might also like