Professional Documents
Culture Documents
MODYUL 2
PANITIKAN SA ILALIM NG KRUS AT ESPADA
ARALIN 1
Sanligang kasaysayan
(ipinasa na sa gc)
MODYUL 2
PANITIKAN SA ILALIM NG KRUS AT ESPADA
ARALIN 2
MGA AKDANG PANGWIKA
GAWAIN 2.2
1. Ano ang naging impluwensya ng mga naunang akda sa pag uugali at kultura ng mga Pilipino sa panahon
ng mga espanyol? Ipaliwanag.
Edukasyon, kristyanismo, pananamit, musika, sining, pamahalaan, tahanan, pagkain, pagbabasa.
Pormal na ang sistema ng edukasyon noon. Edukasyong kolonyal naman ang uri ng ating edukasyon.
Ang tingin noon sa mga kalalakihan ay tunay na malakas kayat nakapagpatayo ng unibersidad. Beateryo
naman ang tawag sa skwela ng mayayaman na kababaihan escuela pia naman ang pang mahihirap.
Prayle ang mga guro. May nabago din sa ating paninirahan na dati ay kubo lang, ngayon ay kongkretong
mga tahanan na at may mga bagong parte narin katulad ng hagdan at balkonahe. Natuto din tayo
magbasa. Naituro din saatin ang sining at nakasama rin si Jose Rizal. May nagbago din saating pananamit
, natuto tayo magsuot ng pantalon, sombrero, may mahahabang manggas at iba pa.
2. Nakabubuti ba o nakasasama ang pagkakait ng mga espanyol sa pag gamit ng kanilang wika?
- Sa mga nagdaang panahon ay hindi na naisip ng mga tao kung mahalaga ba o hindi na ipagkait ng mga
espanyol ang kanilang wika upang magamit natin sapagkat, halos lahat ng kautusang nagmula sa
espanya ay hindi natupad dahil sa mga prayle. Nahaluan an gating kultura ng kulturang espanyol tulad
ng Manana habit, siesta, pyesta at kanilang wika. Hindi nila itinuro ang kanilang wika subalit sila ang
nag aral ng mga katutubong wika dahil mas madali aitong matutuhan.
ARALIN 3
IBA PANG PANITIKAN SA PANAHON NG MGA ESPANYOL
GAWAIN 2.3
1. Sino-sino ang mga naging tanyag na makata sa panahon ng pananakop ng mga espanyol? Ano ang
katangian ng kanilang paraan ng pagsusulat?
SAGOT:
EMILIO JACINTO – Utak ng katipunan. Sumulat ng “ning at liwanag”
MARCELO H. DELPILAR – prediktador ng masa
JOSE RIZAL – nagsulat ng noli me tangere at el filibusterismo
ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa pilipinas na magaling sa Kastila. Nagkamit sya ng
gantimpalang “Premyo Zobel” sa kanyang tulang “el nido”
GRACIANO LOPEZ JAENA – nagtatag ng pahayagang “la solidaridad”
ESTRELLA ALFON – pangunahing manunulat na babae sa ingles bago magkadigma. Sya ang nagsulat ng
“Magnificence” at “Gray confetti”
INIGO REGALADO – naging tanyag na kwentista, nobelista at peryodista.
APLONARIO MABINI – Dakilang lumpo. “utak ng himagsikan”
2. Magsaliksik at isulat ang isang halimbawa ng tula na hinango sa Arte Poetico Tagalo? Ano ang katangiang
taglay ng tulang nabasa?
SAGOT:
“ Nang catahimican nang gabing malamig
Calaliman baga tolog pagcaidlip
Cataoua,i, nangala,i, ay napanaginip.
O naquiniquita nang boocong baet.
Caracara,i, napaguitang tambing
Ysang calolouang cahihiualay rin sa Pataouan
Sic-sic manga salangsauil.
Nanacagaouian ang cataouang tacsil.”
3. Maglikom at isulat ang 5 kantahing bayan na naging popular sa panahong ito. Ano ang nakapaloob sa
kaisipan s mga kantahing bayan nalikom?
1. SITSIRITSIT ALIBANGBANG
Sitsiritsit alibangbang
Salaginto’t salagubang
Ang babae sa lansangan,
Kung humirit parang tandang.
2. BAHAY KUBO
Bahay kubo, kahit munti.
Ang halaman doon, ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani.
Sitaw, bataw, patani.
4. TULDOK
Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan
Na dapat mapansin at maintindihan
Kahit sino Kaman ay dapat malaman
Na dito sa mundo, ikaw ay tuldok lang.
Kahit na ang araw sa kalangitan
Sya ay tuldok lamang sa kalawakan
Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan
At kung masdang mabuti, tuldok ang uuwian
5. BAYAN KO
Ang bayan kong pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-aalay ng gandang dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ibong may laying lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sadlak dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!
ARALIN 4
AWIT AT KURIDO
GAWAIN 2.4
SAGOT:
1. - Ang kurido ay mayroong 8 pantig sa bawat taludtod at binubuo naman ng 5 taludtod sa isang
saknong at ito ay binibigkas sa kumpas at martsa.
Ang awit ay mayroong 12 pantig sa bawat taludtod at binubuo rin ng 4 na taludtod sa isang
saknong.
Ang pagkakatulad ng awit at kurido ay parehas na bahagi n gating panitikan at mayamang
kasaysayan na talaga naming maaari nating parehas na maipagmalaki kahit kanino man.
Ang awit at korido ay may parehong kwentong romansa na kalilibangan ng mga makakabasa
nito.
2. Si Jose Dela Cruz ay ipinanganak noong ika-21 ng disyembre 1746 at pumanaw noong ika-12 ng
marso 1829 sya ay isa sa pinakadakilang manunulat na Pilipino sa panahon ng pananakop sa atin
ng mga espanyol. Huseng sisiw ang tawag sakanya dahil nanghihingi sya ng sisiw sa sinomang
magpapagawa ng tula sakanya.
3. Dahil sya ang may akda ng Florante at Laura. Ang florante at laura na obra-maestra ni balagtas
ay naglalarawan ng mga kasamaang dinanasa ng mga pinoy noong panahon ng mga kastila.
III. Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa mga sumusunod na paksa at bigyan ng maikling deskripsyonang
bawat isa.
a. KARAGATAN – ito ay itinuturing na matandang anyo ng panitikan. Tinatawag itong tulang padula
sapagkat ang mga ito ay nasusulat ng padula at ginagampanan ito ng tauhan. Ito din ay tinatawag
na dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay.
Nagiging parangal ito sa namatay.
b. DUPLO – ang duplo ay palaisipang tula na walang sukat, tugma at talinhaga. Samantalang ang
karagataan naman ay may sukat at pagandahan ng tula.
c. PANUNULUYAN – ang panunuluyan ay isang kaugaliang kristyano ng mga Filipino na nagtatanghal
ng masalimuot na paglalakbay nina san jose at at ng mahal na birheng maria mula sa nazaret
patungong betlehem upang maghanap ng matutuluyan na mapagsisilangan kay Hesukristo. Ito ay
hango sa salitang-ugat na “tuloy” na isang magiliw na pag aanyaya o pagpapatuloy ng panauhin sa
loob ng tahanan.
d. PASYON - naratibong tula ng Pilipinas na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo mula kapanganakan,
pagpako sa krus hanggang sa muling pagkabuhay. Ito ay may saknong ng limang linya. Sa bawat
linya ng pagkakaroon walong pantig. Ang anyong na ito ay salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas
lalo na sa mahal na araw o semana santa.
e. SANAKULO – ay isang dula na patungkol sa sakripisiyo ng panginoong hesusukristo: ang kanyan
paglilitis, pagdurusa, at kamatayan. Isa ito sa mga tradisyon ng semana santa sa ilang grupo ng
kristyano. Particular na sa mga katoliko.
f. KARILYO – isang laro ng tau-tauhan na ginagampanan ng mga animong ginawa mula sa karton na
pinapanuod na gumagalaw sa likod ng isang putting tela at pinagagalaw ng ng mga taong di nakikitra
na syang nagsasalita rin para sa mga karting gumagalaw.
g. TIBAG – isang pagtatanghal kung buwan ng mayo na nakaugalian na sa bulakan, nueva ecija, bataan,
rizal, bikol. Ito ay tungkol sa paghahanap ni sta.elena sa mahal na sta.cruz na kinamatayan ni Kristo.
h. MORO-MORO O KOMEDYA – isang adapsyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada.
Ang moro-moro ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng
nasabing palabas na katulad nng sa pilipinas.
i. SARSWELA – dulang may kantahan at sayawan na mayroong isa hanggang limang kabanata, at
nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kwento ng pag ibig at
kontemporaryong isyu. Ang sarswela ay impluwensya ng mga kastila. Kung ihahalintulad natin ang
sarswela sa isang relastikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa
sarswela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito.