Professional Documents
Culture Documents
ANYO NG PANITIKAN
1. Patula – sinusulat nang pasaknong, binibigkas ng may indayog, matalinghaga, may sukat at
tugma.
2. Tuluyan – sinusulat ng patalata, karaniwan ang mga salita ay tuloy-tuloy ang
pagpapahayag. Walang sukat at tugma at ito’y Malaya.
3. Patanghal/Pandulaan – ito ay itinatanghal sa entablado, pa-iskrip ang pagkakasulat nito at
binubuo ng mga tagpo at yugto.
Dr. H. Otley Bayer, isang kilalang iskolar at antropologo na Amerikano. Ang kuwentong bayan
ng Pilipinas ay higit na mayaman kaysa sa mga kuwentong bayan ng India, Persya, Russia, at
Hapon.
PANITIKANG ILOKO/ILOKANO
“Loko” ibig sabihin ay “Bayan sa kapatagan”
Kuwentong Bayan
a. Si Juan Tamad
b. Si Andres ang Mambibitag
c. Ang hunyango at pagong
d. Si Camachile at Si Pasion
e. Ang Pitong Tangang Magkak
Epiko
a. Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg
PANULAANG ILOKO
Pedro Bukaneg – kilala siya sa taguring
“Ama ng Panitikang Ilokano”, pinaghanguan ng “Bukanegan” ng mga Ilokano. Ipinapalagay din
siyang “Francisco Baltazar” ng Iloko.
Bukanegan – katulad ng Balagtasan sa lahat ng anyo ng panulaan.
Leona Florentino – Unang makatang babae sa Ilocos Sur, isinilang siya sa Vigan, Ilocos Sur
(noon ay Villa Fernandina) noong Ika-19 ng Abril 1849.
Ang kanyang ina ay si Donya Isabel at ama na si Don Marcelino Florentino na kinilalang isa
sa mayayaman sa Ilocos.
Nakasal si Leona kay Elias Delos Reyes na minsan ay nanungkulan bilang Alkalde Mayor ng
Vigan. Nagkaroon sila ng limang anak. Ang pinakamatanda ay kinilala rin sa ating kasaysayan
at maging sa larangan ng panitikan na si Isabelo Delos Reyes,
naging senador at sibik leader noong kanyang kapanahunan. Maagang binawian ng buhay si
Leona sa gulang na 35. Namatay siya sa Vigan noong Ika-4 ng Oktobre 1884.
Jose Bragado – ipinanganak sa Ilocos Sur at pangulo ng “Gumil” gunglo daguiti mannurat nga
Ilocano (1968). Tanyag na manunulat ng Ilocos Sur at pangalawa kay
Pedro Bukaneg.
Gregorio T. Amaco – siya ay mula sa Vigan, Ilocos Sur, naging editor siya ng Philippine
Journal at gumawa ng apat na aklat sa “Practical Arts”.
PANITIKANG KAPAMPANGAN
PANITIKANG TAGALOG
● Ang paglitaw ng mga akdang mapanghimagsik sa Panitikang Tagalog ay dahil sa
pagkakagarote ng tatlong Paring Martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at
Jacinto Zamora kasama na rin ang kabuktutan ng mga Kastila.
Jose Palma – ipinanganak sa Tondo, Maynila noong Ika-6 ng Hunyo 1876. Nakababatang
kapatid ni Rafael Palma. Pinakadakilang naiambag niya sa panitikang Pilipino ay ang titik ng
Pambansang Awit. Ang kanyang akda ay ang Ven, Oh Paz, El Filibusterismo (tula) at Al Martir.
Liwayway Arceo – premyadong manunulat ng mga nobela, maikling kuwento, at dulang
panradyo.
PANITIKANG BIKOL/BICOL
Ang Rehiyon V o ng Bikol ay matatagpuan sa Timog Silangan ng Luzon, Binubuo
ito ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon,
Catanduanes at Masbate.
URI NG PANITIKAN
1. Ariwaga o Sasabihon (Kasabihan) – binubuo ng 2-4 taludtod na may sukat at tugma.
Naglalayon itong ipaalala sa mga kabataan ang magagandang ugali.
2. Tigsik (toast) – binubuo ng pagbigkas ng maikling tulang bilang parangal o papuri sa
isang tao o bagay. Ginaganap sa isang tigsikan (drinking party).
3. Patodan o Paukod (Bugtong)
Ang Salawikain ay malaking ginagampanan sa buhay ng mga Bicolano noon. Ang mga ito ay
nagiging batayan na ginagamit kadalasan lalo na sa “pagpapaalala sa mga tao ng maaaring
kalabasan ng maling gawa.” Ang mga salawikain ay karaniwang tumatalakay sa moral,
kabutihang loob at nagpapahiwatig ng pawang katotohanan tungkol sa buhay.
Ito ay tumatalakay sa unang dalawang aspeto, ang paksa at paghahandog. Ang paksa ay
tungkol sa pamagat ng kanta, at ang paghahandog ay ang paraan ng pagpapalawak sa paksa
ng mga kanta.