You are on page 1of 14

Daehan College of Business and Technology

Road 20 Sitio Siwang Lumang Ilog Brgy, San Juan Taytay Rizal

Modyul sa Panitikang Filipino


1st Yr. College

Week 3-Paraan ng Pagsusuri ng Panitikan


Week 4 Ang Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila

Prepared by: Ms. Judy-Ann Tumarao


Name of student: ____________________
__

Week 3. Paraan ng Pagsusuri ng Panitikan


INTRODUCTION

Ang pagsusuri ay ang pag-aanalisa o pag-oobserba upang mapag-aralan at


mabigyang kasagutan angproblema. Dito hihimayin ang paksa sa maliliit na
bahagi at mainam na maunawaan ang bawat detalyengnakapaloob dito.
Kalimitan itong ginagamit sa siyentipikong pamamaraan at pang-akademiko.
Maaari ringgamitin kahit sa simpleng pag-oobserba gamit ang limang
pandama. Sa asignaturang Filipino, hindi mawawalaang mga gawaing
pagsusuri lalo na sa mga akdang pampanitikan.Ang pag-aaral na ito ay
magiging instrumento upang malaman ng guro ang mga salik na
nakaaapektosa kakayahan ng mga bata sa pagsusuri ng tula at makagawa ng
paraan ang guro upang mapagtuunan ng pansinang ibat ibang elemento ng
tula kung saan nahihirapan ang mga mga-aaral sa pagsusuri.Ang layunin ng
pag-aaral na ito ay malaman ang mga salik na nakaaapekto sa kakayahan sa
pagsusuring tula ng mga mag-aaral.

Gawain 1.

Proyekto: Dalawang (2) pagsusuring papel.

Pipili ang mag-aaral ng isang piyesang susuriin mula sa kategoryang sa


ibaba. Angpagsusuri sa tula o awit ay ipapasa bago ang prelimimaryong
pagsusulit ( Prelim Exam ) ; habang ang pagsusuri sanobela o pelikula naman
ay ipapasa bago ang Panggitnang Pagsusulit ( Midterm Exam). Ang paraan ng
pagpuna at pagsuri ay ang sumusunod:

Tula o Awit: (Bago ang Preliminaryong pagsusulit)

Ang Banga ni Neneng ni Rio Alma

Pag-ibig Ayon sa Pakete ng Tide Ultra ni Gilbert Sape


Putol ni Dr. Michael Coroza

Saranggola ni Pepe ni Celeste Legaspi/ Nonoy Gallardo

Nobela o Pelikula: (Bago ang Panggitnang pagsusulit)

Para Kay B ni Ricky Lee

McArthur ni Bob Ong

Ded na si Lolo ni Soxie Topacio

Thy Womb ni Brillante Mendoza


Week 4 Ang Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila

Pangkalahatang Ideya

Ang Panitikan ay maiuugnay sa kasaysayan. Kung ang kasaysayan ay


nagpapahayag ng tiyak na panahon at pangyayari, ang panitikan naman ay
naglalarawan ng buhay, kultura, tradisyon, kaugalian at karanasan. Ang panitikan ay
nagpapahayag ng damdamin ng bawat isang indibidwal gaya ng pag-ibig, tuwa,
kalungkutan, kabiguan, tagumpay, at iba pang mukha ng buhay.

Introduksyon

Ang panitikan ay sinasabing salamin ng buhay pagkat mula sa panitikan ay


napapaksa at nalalaman natin ang mga bagay-bagay na ating pinagmulan.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining
at panitikan ang mga sinaunang Pilipino na nagpapatunay lamang na mayroon ng
sibilisasyon ang Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Karamihan sa mga
panitikan nila ay mga pasalin-dila gaya ng mga alamat, bulong, kwentong-bayan,
awiting bayan, epiko bugtong, salawikain,sawikain at kasabihan.

Ang ating mga ninuno ay gumamit ng kawayan, talukap ng niyog, dahon, at


balat ng punongkahoy bilang kanilang sulatan. Ang ginamit nilang panulat ay ang mga
matutulis na mga bagay na kanilang natatagpuan sa kapaligiran gaya ng matulis na
kahoy, bato o bakal.

Aralin 1 Dalawang Bahagi ng Matandang Panitikan

 Ang Panahon ng mga Alamat- ang panahon ng mga alamat ay sumasakop


mula ng pagdating ng ikalawang pangkat ng Malay. Ang kanilang panitikan
ay pasalita lamang na binubuo ng mga kwentong bayan, mahika,
seremonya sa pananampalatay sumasamba sila sa punongkahoy, sa araw at
sa iba pang pang mga anito. Naniniwala rin sila sa pamahiin.

 Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang Bayan - Ito ay nagsimula noong 1300


A.D. at nagtapos sa panahon ng pananakop ni Legazpi noong 1565 A.D.

Aralin II Mga Bahagi ng Panitikang Filipino Bago Dumating ang mga Kastila

1. Panahon ng mga Alamat at Mga Katangian Nito

Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng ikalawang


pangkat ng mga Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang na binubuo ng
mgamitolohiya, alamat, kuwentong bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya’y
sumasambasila sa punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila sa
pamahiin.
a. Bulong

Ang bulong ay isang uri ng tradisyonal na dula at ito’y labis na pinaniniwalaan ng mgaunang
Pilipino. Isa pang pagbulong ay paghingi ng pahintulot sa pinaniniwalaan nilang nuno sa
punso. Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.

Halimbawa:

Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko

Lumuwa sana ang mga mata mo.

Mamaga sana ang katawan mo.

Patayin ka ng mga anito.

b. Kasaysayan ng Alamat

Bago pa dumating ang mga Kastila ay mayaman na ang mga Pilipino sa alamat. Angalamat ay
isang uri ng panitikang tuluyang kinasasalaminan ng matatandang kinaugaliang Pilipino at
nagsasalaysay ng pinagbuhatan ng isang bagay, pook o pangyayari. Ang Pangyayari'y hindi
makatotohanan at kapanipaniwala.

ALAMAT

Ang salitang alamat ay panumbas sa Ingles na “legend’. Ang salitang


legend ay nagmula sa salitang Latin na “Legendus” na ang kahulugan ay
“upang mabasa.
Ang alamat ay isang uri ng panitikang tuluyang kinasasalaminan ng
mga matatandang kaugaliangPilipino at nagsasalaysay ng pinagbuhatan ng isang
bagay, pook o pangyayari. Ang pangyayari’y hindi makatotohanan at hindi
kapanipaniwala.
 Halimbawa:

 Ang Alamat ng Lansones


 Ang Alamat ng Saging
 Ang Alamat ng Alamat
 Alamat ng mga Tagalog
2. Kwentong Bayan – ay madalas nangyayari sa loob at labas ng ating lugar na kung
saan ito ay nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga tao, kaya’t ang katotohanan sa kwento
ay mahirap tukuyin.

 Halimbawa: Si Bulan at Si Adlaw

 Kahalagahan ng Kuwentong-bayan
1. Upang ating malaman ang kung ano nga ba ang iba’t ibang kuwento na
kapaloob sa bawat bayan.
2. mahalagang anyo ng panitikan na pampalipas oras.
3. kadalasa'y ikinukwento sa mga bata upang kapulutan ng magagandang aral.

3. Panahon ng mga Epiko

Sa panahong ito dumating ang mga Malay na may sarili nang alpabeto na tinatawag na Alibata. Sila ang
mga Malay na Muslim na maalam nang magsulat. Ito ang alpabetong Arabe na hanggan ngayon ay
ginagamit pa ng mga Muslim sa Mindanaw at Sulu. Hinalinhan ng Kastila ang tawag sa alpabetong ito at
tinawag na Baybayin at ngayon ay siyang tinatawag na Abakada.

Ang epiko’y isang tulang pasalaysay na ang karaniwang paksa ’y tungkol sa pakikipagsapalaran,
katapangan at kabayanihan ng mga tao noong unang panahon. May mga pangyayari ditong hindi kapani-
paniwala at maraming kababalaghan. Maraming mga epikong isinalin ng mga misyonerong Kastila,
gayon din ng mga pokloristang Amerikano nguni ’t marami pa rin ang hindi naisalin sa kakulangan ng mga
mag-aaral sa lingguwistika. Kaya’t ang marami sa epikong Pilipino ay nakikilala lamang sa pamagat.

Epiko – nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang


nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
 Halimbawa:

Bidsari – Epiko ng Moro

Biag ni Lam-Ang – epiko ng Iloko

Maragtas – Epiko ng Bisaya

Haraya – Epiko ng Bisaya

Lagda – Epiko ng Bisaya

Hari sa Bukid – Epiko ng Bisaya

Kumintang – Epiko ng Tagalog


Parang Sabir – Epiko ng Moro

“Dagoy at “Sudsud” – Epiko ng mga Tagbanua

Tatuang – Epiko ng mga Bagobo

Indarapatra at Sulayman

Bantugan

Daramoke – A – Babay

4. MGA AWITING BAYAN

Ang mga awiting-bayan ay mga katutubong awit ng mga ninuno sa ating bansa


noong panahon ng pre-kolonyal, na hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
Ang mga ito ay tuloy-tinig (survival) ng dating kalinangan ng lahi sa pamamagitan ng
saling dila. Sa pamamagitan nito naipapakita at naipapakila ang ibat ibang pamumuhay
at pag-uugali ng mga tao, maging ang kaisipan at damdamin ng bayan.

Mga halimbawa ng awiting bayan:

 Suliranin
 Awit ng mga manggagawa
Hal. Manggagawa
 Diona
 Awit sa pag-ibig/awit sa kasal
Hal. Sa lumang simbahan
 Uyayi
 Awitin para sa pagpapatulog sa mga bata
Hal. Uyayi
 Dalit
 Awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwan para sa
Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at
pagsamba.
Hal. Papuri sa Diyos
 Kumintang
 Awit ng pakikidigma.
Hal. Awit ng Kabataan
 Kundiman
 Ang kundiman ay awitin na nagsasaad ng maalab na pagmamahal sa isang
iniibig.
Hal. Anak Dalita
 Talindaw
 Awit sa pamamangka
 Dungaw
 Awit sa Patay
Hal. Dung-aw
 Kahalagahan ng pag-aaral ng awiting bayan
1. Ang mga awiting bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.
2. Ang mga awiting bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng
lahing Pilipino.
3. Ang mga awiting bayan ay bunga ng mga bulaklak at matulaing damdaming
galling sa puso at kaluluwang bayan.

5. Karunungang Bayan – Ang mga karunungang bayan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain,
sawikain, kasabihan at palaisipan. Karamihan ang mga ito ’y nanggaling sa mga Tagalog at hinugot sa mga
mahahabang tula. Ang mga unang salawikain at sawikain ay may pagkakatulad sa ma tula ng Indiya,
Indonesya, Burma at Siyam. Ito’y nagpapatunay lamang na noong unang panahon ay nagdala ang mga
bansang nabanggit ng impluwensiya ng kanilang panitikan sa Pilipinas.

Binubuo ito ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at mga


kawikaan.

a. BUGTONG

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may


nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. May dalawang uri ang
bugtong: mga talinghaga at mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora na
nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at
mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw
na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas
itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

Mga Halimbawa:

 Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.


Sagot: langka

 Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.


Sagot: ampalaya

 Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.


Sagot: ilaw

 Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.


Sagot: anino

 Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.


Sagot: banig

 Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.


Sagot: siper

 Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.


Sagot: gamu-gamo

 Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.


Sagot: gumamela

 Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.


Sagot: kubyertos
Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo

b. PALAISIPAN

Ang palaisipan ay isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas.

Mga halimbawa:

 May sampung aso sa itaas ng building, may nakita silang pusa sa ibaba, tumalon
sila sa building. ilan ang natira?
sagot: sampu

 May isang bilog na bahay. Ang lolo ay napatay. Ang mga suspek ay ang ate,
kuya, tatay, nanay, at lola
Ito ang sinabi nila:
Ate- gumagawa ako ng homework ko
Kuya - Na sa eskuwelahan ako
tatay – gumagawa ako ng trabaho
nanay - nasa palengke ako
lola- naglilinis ako sa sulok

Tanong: Sino ang pumatay sa lolo?


Sagot: ang Lola

c. SAWIKAIN

- Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang


gamit at hindi tuwiran ang kahulugan. Mga kasabihang walang natatagong
kahulugan.

Mga halimbawa at kahulugan:


 Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim- mag-ingat sa pagpapasya.
 Kung may isinuksok may madudukot - kung marunong magtipid, hindi ka
mawawalan.
 Kung hangin ang itinanim, bagyo ang aanihin - huwag kang gagawa ng mga
bagay na ayaw mong gawin din sa iyo.
 Ang lingon ng lingon sa pinanggalingan, bangin ang kababagsakan - sa
pagtanaw ng utang na loob, isipin din ang sariling kapakanan.

 Halimbawa:
Nasa Diyos ang awa,

Nasa tao ang gawa.

 Ang taong matiisin,

Nakakamit ang mithiin.

d. Salawikain – Ito’y nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng


kagandahang asal ng ating mga ninununo.
 Halimbawa:

Aanhin pa ang damo,

Kung wala na ang kabayo

 Kung ikaw ay may ibinitin,

Mayroon kang titingalain.

e. Kasabihan – karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.


 Halimbawa:

Putak, putak

Batang duwag

Matapang ka’t

Nasa pugad.

f. Kawikaan – kauri ng sawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral sa


buhay
 Halimbawa:

Ang panahon ay samantalahin

Sapagkat ginto ang kahambing

 Ang katamaran ay kapatid

Kapatid ng kagutuman.

 Ang Unang Tulang Tagalog

g. Ang Mga Unang Dulang Pilipino

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa dumating
ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit,
sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula.

Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na
kalimita’y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang
ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan,
pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating
ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.

Mga sinaunang dula

1. (drama o teatro)- nangangahulugang “libangan” ang mga ito ay may kasamang awit, sayaw, at galaw
ng iba’t ibang bahagi ng ating katawan. noon pa man kahit hindi pa dumarating ang mga kastila ay
mayroon na tayong sariling dula na isinasagawa sa pamamagitan ng mga ritwal, seremonya at tradisyon
na ating kinamulatan tulad ng;

2. Pamamanhikan (Tagalog)

Bulong- sa bahaging ito nghahandog ng awit ang isang binata sa kanyang napupusuan upang ipakita ang
katapatan ng kanyang hangarin.

3. Kayari - matapos ang araw,linggo, buwan at taon ng paninilbihan ng isang binata malalaman niya
kung siya ba ay nakapasa na sa kanyang babaeng nililigawan ganon din sa mga kaanak nito subalit kung
ayaw sa kanya ng mga kamag-anak ng babae ay hihiling sila sa binata ng bagay na alam nilang hindi nito
kayang ibigay.

5. Dulog - ito ang pinakamasayang bahagi ng pamamanhinkan sapagkat narito ang kainan, inuman at
pag-uusapan ang tungkol sa kanilang kasal.

6. Ch’along (Ifugao)- kaiba sa pamamanhikan ng tagalong sapagkat ito ay pagtataboy sa masamang


espiritu.
7. Pag-Huaga (Bagobo) - isa ring ritwal na nagtataboy sa masamang espiritu subalit ito’y malupit na
ritwal.

You might also like