You are on page 1of 31

Panahon Bago Dumating

ang mga Kastila

NINA: MARIANNE PALCAT RONA MEA MILLAMENA


MYLENE DABANDAN TINA ROSE SANTIAGO
KALIGIRANG KASAYSAYAN

Noon pa mang hindi pa dumarating sa ating


kapuluan ang mga Kastila, at maging ang iba pang mga
dayuhan, ang ating mga ninuno ay may sarili nang
panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi.

Mayroon na rin ang ating ninuno noon ng sariling


baybayin o alpabetong kaiba sa kasalukuyang
ginagamit na dinala ng mga Kastila (Alibata).
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Anumang talang pampanitikan ng ating mga ninuno ay
sinunog lahat ng mga naturang pari sa paniniwalang ang mga iyon
ay likha ng diyablo. Maliban sa katuwirang’yun, nabuo sa kanilang
sarili na magiging sagabal ang mga talang nakuha nila sa
madaling pagpalaganap ng pananampalatayang Katoliko.

Subalit mayroong mga talang di pa rin nasunog. Mabilis


itong nagpasalin-salin sa bibig ng mga katutubong
mamamayan hanggang sa dumating ang mga palimbagan na
nagkaroon ng interes na ipalimbag ang mga napulot na talang
pampanitikan ng matatandang Pilipino.
 Ang mga ninuno natin ay
gumamit ng biyas ng kawayan,
talukap ng bunga o niyog, at
dahon at balat ng mga
punongkahoy bilang sulatan
 Angmga panulat ay matutulis
na kawayan o kahoy, dulo ng
lanseta, at matutulis na bato at
bakal.
 Kahitna ang bumbong na
pansalok ng inumin ay
tinatalaan nila ng
mahahalagang pangyayari sa
buhay.
MGA BAHAGI NG PANITIKANG FILIPINO
BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

ALAMAT KARUNUNG
ANG BAYAN
Bugtong
KUWENTONG Sawikain
BAYAN Salawikain
Palaisipan
Bulong
EPIKO Kasabihan

AWITING
Alam
ALAMAT
Ang alamat ay isang uri ng panitikang tuluyan, na ang
karaniwang paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang
bagay, pook, kalagayan, o katawagan.
Mababakas na ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang, salat
sa katotohanan at tunay na di-kapanipaniwala, subalit ang mga
matatandang kaugaliang filipino ay masasalamin din sa mga
akdang ito. Ang layunin nito’y manlibang.
Halimbawa: ang alamat ng mga tagalog
Mula sa salitang latin na legendus – “upang mabasa”
Ayon sa mga heologo, nakuha o nalikha nila ang mga alamat
dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t lupain sa Asya.
Kwentong Bayan
KUWENTONG BAYAN
 Mapalad tayo sapagkat ang ating bansa ay mayaman sa
mga kuwentong bayan kahit noon pa man.
 Ang mga kuwentong bayan ay madalas nangyayari sa loob
at labas ng ating lugar. Ito ay nagpasalin-salin sa mga bibig
ng mga tao, kaya’t ang katotohanan sa kuwento ay mahirap
tukuyin.
 May mga manunulat tayo sa kasalukuyan na kung hindi
hango ang kuwento sa matandang kuwentong bayan, ay
likha lamang ng kanilang malikot na imahinasyon.
KUWENTONG BAYAN
Ang mga kuwentong bayan aybinubuo ng mga
kuwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-
iibigan, katatakutan, at katatawanan na kapupulutan ng
magagandang aral sa buhay.
Ang dulot nito sa atin ay totoong kapakipakinabang,
sapagkat nakakatulong ito upang mapahalagahan ang
ating kapaligiran, masuri ang ating katauhan at
pagbabago ng ating pananaw sa buhay.
Epi
EPIKO
 Ang epiko o epic wikang ingles ay uri ng panitikan na
matatagpuan sa iba’t ibang grupong etniko.
 Mula sa griyegong salita na “epos”- awit
 Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan
siya ay buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa
EPIKO
 Tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos
hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makakabalaghan
 Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang
mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, antin-
anting at ang kanyang paghahanap sa kanyang
minamahal o magulang; ito ay maaaring tungkol sa
panliligaw o pag-aasawa
Katangian ng Epiko
 Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
 Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng
kanta
 Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha
sa pang araw-araw na buhay at kailkasan
Napakaraming epiko ang lumitaw subalit walang sinumang
makapagsabi kung alin sa mga epiko ang pinakamatanda sapagkat
maging sa Ingles at kastila at sa iba pang wika, ang pagkakasalin nito
ay maaaring hula-hula lamang nang ayon sa nasasalig na panahon
ng pangyayaring isinalaysay ng epiko.

Sinasabing ang “Hudhud” at “Alim” daw ng mga Ipugaw ay


maaring sa panahon pa nang ang bakal ay hindi nakikilaa ng tao at
ang kanilang mga kagamitan ay yarri pa sa bato. Ang “Ibalon” ng
Bikol na natutungkol sa mga unang tao sa kabikulan ay ipinalalagay
na nangyari bago pa mag-dilubyo. At ang “Maragtas” ng mga Bisaya
ay malinaw na naglalahad na panahon na ni Kristo nang mangyari
ito.
Halimabawa ng Epiko

a) Bidasari – epiko ng Moro h) Parang Sabir – epiko ng Moro


b) Biag ni Lam-Ang – epiko ng i) “Dagoy’at “Sudsud” – epiko
Iloko ng mga tagbanua
c) Maragtas – epiko ng Bisaya j) Tatuang – epiko ng mga
d) Haraya – epiko ng Bisaya Bagobo

e) Lagda- epiko ng Bisaya k) Indarapatra at Sulayman

f) Hari sa Bukid – epiko ng l) Bantugan


Bisaya m) Daramoke-A- Babay
g) Kumintang – epiko ng Tagalog
Awiting Bayan
MGA AWITING BAYAN
Ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng
panitikang Filipino na lumitaw bago dumating ang mga Kastila.
Ito’y mga naglalarawan ng kalinangan ng ating tinalikdang
panahon. Karamihan sa mga ito ay may labindalawahing pantig.

Kundiman – Awit ng Pag-ibig


Kumintang o Tagumpay – Awit ng Pandigma
Ang Dalit o Imno – Awit sa Diyos-diyosan ng mga Bisaya
Ang Oyayi o Hele – Awit sa Pagpapatulog ng Bata
Diona – Awit sa Kasal
Suliranin – Awit ng mga Manggagawa
Talindaw – Awit sa Pamamangka
MGA AWITING BAYAN
Ang matandang awit ay anyong patularin ngunit ang tugtugin
at indayog ay ayon sa damdamin, kaugalian at himig na saunahin
Ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay,
pag-uugali, kaisipan at damdamin ng mga tao.

Ayon kina Agoncillo at Zaide:


-ang mga awit na pangkaraniwan ay tinatawag na diyuna at
talindaw
-ang mga panlansangan ay tinaguriang indulanin at soliranin
-ang mga awit ng kalungkutan ay dalit at umbay
-ang mga awit na ginagamit sa pag iisang dibdib ay ihiman
MGA AWITING BAYAN
Ang awit sa pagtatagumpay ay balingkungkong,
dupayanin, hiliraw, sambotani at tagumpay.
Ang awit sa paggaod ng mandaragat ay tigapsin.

Iba’t ibang awit na maririnig sa iba’t ibang


rehiyon sa Pilipinas
Ang awit sa tahanan ay tingad at sa pagpapatulog
ng bata ay hili, hele o uyayi.
Ang mga Tagalog ay may Bahay-Kubo, Tringding
Ding, Tilibun, Halina’t Maglaro ng Taguan, Aking Bituin,
Kundiman ng 1800, Lulay, Buhay sa Bukid
MGA AWITING BAYAN

Ang Ilocos ay may Manang Biday, Ti Ayat, Te Meysanga


Ubing, Pamulinawen, Balasang Nga Taga Away, Bannatiran at
Naminsan Nga Rabii

Ang Igorot ay may Nan-aanto-ay, Chua-ay at Akakong


ang mga Negrito ay may Amba (awit ng kaligayahan), Uso
(awit ng pag-ibig) at Undas (awit sa paglibing)
Karunungang Bayan
MGA KARUNUNGANG BAYAN

Mayamang-mayaman tayo sa mga karununganag bayan bago pa


dumating ang mga Kastila. Binubuo ito ng mga salawikain, sawikain,
bugtong, palaisipan, bulong, at kasabihan.

 Salawikain – ito’y nakaugalian nang sabihin at nagsilbing


batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga
ninuno. Ayon sa iba, ito’y parang parabulang patalinhaga at
nagbibigay ng aral, lalo na sa mga kabataan.
Halimbawa ng Salawikain

• Anuman ang gagawin, makapitong iisipin.


• Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na
katapangan.
• Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa
. sarili.
• Hamak mang basahan, may panahong
kailangan.
• Kung sinong matiyaga, siyang nagtatamo
ng pala.
 Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.

Halimbawa:
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.

Ang tunay na kaibigan sa


Sa gipit nasusubukan

Minsan kang pinagkatiwalaan


Huwag mong pababayaan

Ang tunay na kaibigan, sa gipit maasahan.


 Bugtong - ito’y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli
na may sukat o tugma.
Ang pantig naman nito ay maaaring apat o hanggang
labindalawa.

Kambal ngunit hindi magkakilala, hindi rin nagkikita.


Sagot: Tenga
Kapag busog ay nakatayo, kapag gutom ay nakayuko.
Sagot: Sako
Lumalalim kung bawasan, bumababaw kung dagdagan.
Sagot: Tapayan
Sa bukid nagsaksakan, sa bahay nagbunutan.
Sagot: Amorseko
 Palaisipan

Noon pa man ay may matatawag na ring palaisipan ang ating


mga ninuno.

Halimbawa:
Palaisipan: May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero.
Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero
Palaisipan: May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa
kaharian, pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y Makita.
Ano ang gagawinng binatang sumisinta?
Sagot:Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at Makita ang
prinsesa.
 Bulong - ay ginagamit na pangkulam o pangkanto.

Halimabawa:
Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko
Lumuwa sana ang mga mata mo
Mamaga sana ang katawan mo.
Patayin ka ng mga anito

Dagang Malaki, dagang maliit,


Ayto ang ngipin kong sira na’t pangit,
Sana ay bigyan mo ng bagong kapalit.

 a
 Kasabihan - ay karaniwang ginagamit sa panunkso o
pagpuna sa kilos ng isang tao.

Halimbawa:
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t nasa Pugad
 Kawikain - Kauri ng sawikain na ang kaibahan lamang ay
laging nagtataglay ng aral sa buhay.

Halimbawa:
Ang panahon ay samantalahin
Sapagkat ginto ang kahambing

Ang kapalaran di man hanapin


Dudulog, lalapit kung talagang akin.
SALAMAT

You might also like