You are on page 1of 41

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang matugunan ang pangangailan ng mga

mag-aaral bilang isang tunay na makabayang Pilipino, hangad ng modyul na ito na


makatulong sa ating mga mag-aaral na hindi pa sapat ang kaalaman sa kayamanan n
gating sariling panitikan. Upang lubos nating mahubog ang damdamin at kaisipang
makabayan. Ating tapusin ang mga aralin tungkol sa Panitikang Filipino.
Ang modyul na ito ay pinangungunahan ng kaligirang kasaysayan upang makatulong
sa madaling pag-unawa n gating mga mag-aaral sa pagtalakay ng mga katha.
Ating ipagpatuloy ang talakayan sa bawat panahong pinagdaanan ng ating Panitikan
na kung saan ay nauna na nating naitalakay ang Panahon Bago Dumating ang mga
Kastila (mula sa simula – 1565), Panahon ng mga Kastila (1565 – 1872), Panahon ng
Pagbabagong Isip (1872 – 1898), A. Panahon ng Propaganda (1872 – 1896), B. Panahon
ng Tahasang Paghihimagsik (1896 – 1898) K. Panahon ng Unang Republika. Panahon ng
Amerikano (1900 – 1941).

Halina’t ating alamin ang Panitikang sa Panahon ng mga Hapones.

PANAHON NG MGA HAPONES

Pamilyar ba kayo sa HAIKU at TANAGA?


Kung pamilyar kayo dito, Anu-ano ang mga ito?

Upang lubos nating maunawaan ang mga pangyayari sa Panahon ng mga Hapones ay
alamin muna natin ang Kaligirang Kasaysayan sa mga panahong ito.

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan ng taong 1941 – 1945 ay nabalam
sa kaniyang tuloy-tuloy na sanang pag-unlad nang muli tayong sakupin ng isa na namang
Dayuhang mapaniil – ang mga Hapones. Natigil ang panitikan sa Ingles. Maliban sa
Tribune at Philippine Review, ang lahat halos ng pahayagan sa Ingles ay pinatigil ng mga
Hapones.
Naging maganda naman ang bunga nito sa Panitikang Tagalog. Patuloy na umunlad
ito sapagkat ang mga dating sumusulat sa Ingles ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog. Si
Juan Laya na dating manunulat sa Ingles ay nabaling sa pagsulat sa Tagalog, dahil sa
mahigpit na pagbabawal ng pamahalaang Hapon tungkol sa pagsulat ng anumang akda
sa Ingles.
Ang lingguhang Liwayway ay inilagay ng mga Hapones sa mahigpit na pagmamatyag
hanggang sa ipabahala ito sa isang Hapong nagngangalang Ishikawa.

Sa medaling salita, nabigyan ng puwang ang Panitikang Tagalog nang panahong ito.
Marami ang mga nagsisulat ng dula, tula, maikling kwento, at iba pa. Ang mga paksain
ay pawang natutungkol sa buhay lalawigan.

ANG MGA TULA SA PANAHONG ITO

Ang karaniwang paksa ng mga tula noong Panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan o
sa pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan, buhay lalawigan o nayon, pananampalataya, at
sining.

Tatlong uri ng tula ang lumaganap sa panahong ito. Kinabibilangan ito ng:

a. Haiku – isang tulang may malayang taludturan na kinalilinawan ng mga Hapones.


Ito’y binubuo ng ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang
taludtod nito ay may limang pantig. ang ikalawa ay pitong pantig, at ang ikatlo ay limang
pantig ang una. Maikli lamang ang haiku, ngunit nagtataglay ng masaklaw at
matalingagang kahulugan.

b. Tanaga – tulad ng haiku, ito’y maikli ngunit may sukat at tugma. Ang bawat
taludtod nito ay may pitong pantig. Nagtataglay din ng mga matatalinhagang kahulugan.

c. Karaniwang anyo – ang mga katangian nito ay ay natalakay na sa panimulang pag-


aaral na ito.

Narito ang halimbawa ng haiku, tanaga, at karaniwang anyo tula:

HAIKU

Ni Gonzalo K. Flores

TUTUBI

Hila mo’y tabak …


Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.

TANAGA

Ni Idelfonso Santos
PALAY

Palay siyang matino


Nang humangi’y yumuko
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.

KARANIWANG TULA

PAG-IBIG
Ni Teodoro Gener

Umiibig ako at ang iniibig


Ay hindi dilag na kaakit-akit
Pagkat kung talagang ganda lang ang nais
Hindi ba nariyan ang nunungong langit

Lumiliyag ako at nililiyag


Ay hindi an yamang pagkarilag-rilag
Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad
Di ba’t masisisid ang pusod ng dagat

Umiibig ako’t sumisintang tunay


Di sa ganda’t hindi sag into ni yaman
Ako’y umiibig sapagkat may buhay
Na di nagtitikim ng kaligayahan

Ang kaligayahan ay wala sa langit


Wala rin sa dagat ng hiwang tubig
Ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib
Na inaawitan ng aking pag-ibig.

SUBUKIN NATIN
Subukan nga nating bumuo ng sarili nating Haiku at Tanaga.
Gawin ito sa kasunod na pahina. Isulat ito sa espasyong nakalaan.
HAIKU

TANAGA

Magaling! Di ba madali lang.


Ngayon ay atin namang tatalakayin ang Mga Dula sa Panahong ito.

ANG MGA DULA SA PANAHONG ITO

Nakaroon ng puwang ang dulang tagalong nang Panahon ng Hapon dahil napinid
ang mga sinehang nagpapalabas ng mga pelikulang Amerikano. Ang mga malalaking
sinehan ay ginawa na lamang tanghalan ng mga dula. Karamihan sa mga dulang
pinalabas ay salin sa Tagalog mula sa Ingles. Ang mga nagsipagsalin ay sina Francisco
Rodrigo, Alberto Cacnio, at Narciso Pimentel. Sila rin ay nagtatag ng isang samahan ng
mga mandudulang Pilipino na pinangalanan nilang “Dramatic Philippines”. Ilan sa mga
nagsisulat ng dula ay ang mga sumusunod:

1. Jose Ma. Hernandez – sumulat ng “Panday Pira”


2. Francisco Soc. Rodrigo – sumulat ng “Sa Pula sa Puti”
3. Clodualdo del Mundo – sumulat ng “Bulaga”
4. Julian Cruz Malmaceda – sumulat ng “Sino ba Kayo”, “Dahil sa Anak” at “Higanti ng
Patay”

MGA MAIKLING KUWENTO SA PANAHONG ITO

Naging maunlad ang larangan ng maikling kuwento noong panahon ng Hapon.


Maraming mga nagsisulat ng maikling kuwento. Kabilang dito sina

ANG SANGGUNIANG BANSA AT PAMAHALAANG TAGAPAGPALAGANAP NG PILIPINAS

Ang hapon matagal na magbalak na sakupin ang Pilipinas. Umaasang matatagumpay sa


pakikidigma sa mga Amerikano.

Si Primyer Hadeki Tojo ng Hapon ay nagpahayag ng isang talumpati sa Japanese Diet o


Batasang Pambansa noong ika-21 ng Enero, 1942 na ang nga Pilipino raw ay makiisa sa
pagtatag ng “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere” at ang mga ito ay biyan ng
kalagayan.
Tatlong araw pagkatapos ng talumpati ni Primyer Tojo, ang pamahalaang
Tagapagpalaganap ng Pilipinas ay itinatag. Noong una ito ay binubuo ng isang chairman
o tagapangulo at anim na kasapi.

1.JOSE VARGAS - Tagapangulo

2. BENIGO AQUINO SR. -Komisyoner ng panloob

3. ANTONIO DE LAS ALAS -Komisyoner ng Pananalapi

4. JOSE P. LAUREL - Komisyoner ng katarungan

5. RAFAEL ALUNAN - Komisyoner ng pagsasaka at pangangakal

6. CLARO M. RECTO -Komisyoner ng pagtuturo, kalusugan at kagalingang bayan

7. QUINTIN PEREDES - Komisyon ng gawaing bayan at pahatiran

Ang Pamahalaang Tagapagpaganap ng Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng


Punong Komandante ng Imperial Japanese Forces (IJF). Bawat komisyoner ay inatasang
tagapayo ng Hapon. Ang komisyon ay laging nagbabago.

Itinawag ng tagapangasiwa bilang isang Punong Komandante ng IJF na ang tanging


gawain ay payuhan ang Pamahalaang Tagapagpaganap ng Pilipinas.

Lahat ng hukuman maliban sa Court of Industrial Relations ay nanatiling


tulad noong nasa ilalim ng Komonwelt. Ang tunay na nangangasiwa sa pagpapalakad ng
pamahalaan ay ang Pamahalaang Hapon.

Hinirang sa tungkulin ang mga gobernador at alkalde sa halip na ihalal ng taong-bayan.


Sa payo ng Kempetal (lihim na Hapong pulis), ang mga tao ay pinapatay kahit walang
paglilitis.

KALIBAPI – kautusang tagapagpaganap. Ang Bilang 109 ay lumikha ng Kalibapi, isang


kapisanan sa paglilingkod sa bagong Pilipinas.

Isa sa mga mahalagang layunin nito ay ang mga sumusunod.

1. Madaling pagtatayo at pagbabagong tatag ng Pilipinas.

2. Pagsulong ng mga tao sa kultura, mabubuting asal, at pangkaluluwa.

3. Pakikipagtulungan sa mga Hapon.

4. Pakikipag-ugnayan sa simulain ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.


Mga bahagi ng Palatuntunan sa Panahon ng Hapon

1. Pagpahayag ni Vargas na ang pamahalaang militar ng Hapon ay tapos na.

2. Pagbasa ng pahayad ukol sa kalayaan ng Pilipinas.

3. Pagbati ng punong komandante ng Hapon.

4. Pagtaas ng ating watawat kasabay ng himig ng pambansang awit.

5. Pasinayang talumpati ng pangulo sa mga pinunong Hapon at sundalo, pinunong


kawani ng Pilipino, at mga kasapi na sumaksi sa pangyayari. Dumalo rin sina Hen.
Emilio Aguinaldo at Hen. Antonio Ricarte.

ANG KABUHAYAN SA PANAHON NG HAPON

Lumasap ang mga Pilipino ng gutom sa tatlong taong pananakop ng mga Hapon.
Kinumpiska ng mga Hapon ang ani, mga minahan, mga pabrika, at mga lagak sa bangko.
Ang mga tao, babae man at bata, ay pinipilat gumawa para sa mga sundalong Hapon.
Nagtanim, gumawa sa mga pabrika na walang bayad, at kung minsan ay pinasasahod ng
maliit.

Kaya maraming tao ang nagutom, at maraming namatay sa labis na parusa ng mga
sundalong Hapon. Dumami ang pera ng Hapon subalit kakaunti ang kanilang paninda.
Maraming magsasaka ang di nagtanim kaya lumiit ang ani. Nagbalik ang palitan ng mga
bungang kahoy pati na rin bigas, damit na luma, gamot, at iba pa. Lahat ng mga bagay
na may halaga ay ipinagpalit sa pagkain. Nawala ang lahat ng produktong Amerikano, at
napalitan ang karamihan nito ng mga gawang Pilipino.

Mahirap din ang sasakyan noong Panahon ng Hapon. Marami ang naglalakad,
gumagamit ng karitela, bus at marami ang karitong may gulong. Ang kasapi ng kilusang
Hapon ay nagdulot ng takot sa mga tao. Lahat ng mapaghinalaan ay dinadakip. Lahat ng
dinakip ay pinapalo, pinahihirapan at pinapatay. Walang nakaalam kung kailan darakpin.
Ginawa nilang kulungan ang mga unibersidad at eskuwelahan. Ipinagbawal din ang
pagtatalumpati, at pagbasa ng aklat, at magasin.

Ang wikang Hapon ay itinuro sa mga tao. Ang mga guro at kawani ng pamahalaan ay
tinuruang bumasa ng Hanasi, Kotoba, at panimulang aklat ng Hapon. Tinuruan din silang
sumulat sa Niponggo na tinatawag na Hiragana. Ang mga gurong Pilipino ay tinuruang
umawit ng awiting Hapon, at tumugtog ng himig-Hapon.

Ang mga yari sa Pilipinas ay pinagamit ng mga Hapon. Ang wikang Filipino ay itinuro
sa lahat ng paaralan at sa lahat ng antas. Ang aklat ng Ingles ang ginamit din subalit
tinakpan ang mga salita, parirala, pangungusap, at talata ukol sa Amerikano, at tungkol
sa pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.

Gawain ng mga Gerilya

Ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo na hindi na bihag pagkatapos bumagsak


ang Corregidor at yaong mga tumakas sa Death March ay nagsamasama at bumuo ng
yunit ng mgagerilya. Nakakuhasila ng mga tagasunod o mga kasapi sa Luzon, Visayas at
Mindanao. Sila ay dumanas ng gutom, hinarap ang mga panganib at kamatayan upang
mapalaya ang Inang Bayan. Ang mga gerilya ay nakipaglaban sa mga Hapon, subalit
nanatiling nakikipagtulungan sa mga sundalong Amerikano.

Nabatid ng daigdigang kagitingan at kabayanihan ng mga Pilipino. Ang ilang yunit ng


mgagerilya ay pinamunuan ng mga pinunong Amerikano. Ang kanilang layunin ay
palayain ang Pilipinas sa medaling panahon, at iwasan ang pagkasawi ng maraming
buhay.

Kakaunti ang kanilang armas subalit sila’y gumawa ng kanilang mga sandata.
Gumamit sila ng mga itak, pana, palaso, paltik, at iba pang mga kagamitan sa bahay. Sila
ay nagmasid nang lihim sa mga gawain ng Hapon, at sinira ang mga imbakan ng pagkain
at armas ng mgaHapon. Ang mga gerilya ay tumanggap, at nagpadala ng balita kay
Heneral MacArthur ukol sa mga nangyayari sa bansa.

Ang mga gerilya ay naging matagumpay dahil tinulungan sila ng taumbayan. Sila ay
palihim na binigyan ng pagkain, damit, gamot, at salapi ng mga taumbayan. Dahil sa mga
gerilya, naantala ang mga plano ng hukbong Hapon para sa Pilipinas.

Muling Pagsakop sa Maynila

Pati Maynila ay nadamay sa pamiminsala ng mgaHapon. Noong ika-3 ng Pebrero,


1945, pinasok ng mga Amerikano ang lungsod. Ang mga taga-Maynila ay naglabasan sa
kanilang mga tahanan, at sinalubong ang mga sundalong Amerikano. Sila ay umiyak at
sumigaw sa kaligayahan.

Ang mga sundalong Amerikano ay nagtuloy sa Pamantasan ng Santo Tomas upang


palayain ang mga naninirahan doon. Noong gabing iyon, ang labanan ay nagkainitan sa
daang Espanya.
Nang sumunod na araw, ang mga Hapon ay umurong sa kabila ng Ilog Pasig. Habang
na sa daan ay sinunog ng mga Hapon ang mga bahay, at pinagpapatay ang mga taong
nakakasalubong nila sa daan.

Nagpatuloy ang labanan sa mga lansangan ng Maynila sa loob ng tatlong linggo.


Natapos ang labanan noong ika-23 ng Pebrero, 1945. Muling nasakop ng mga
Amerikano ang lungsod. Noong ika-27 ng Pebrero, 1945, muling naitatag ang
Pamahalaang Komonwelt sa Maynila. Subalit ang Maynila ay sinunog, at nawasak sa
pagsakop na muli ng mga Amerikano.

Sinalakay ng mga Amerikano ang lahat ng dako ng Pilipinas at sila ay nagwagi.


Noong ika-5 ng Hulyo, 1945, ang buong kapuluan ay napalaya na. subalit ang pagsuko ng
opisyal ng mga Hapon ay naganap noong ika-3 ng Setyembre, 1945 nang isuko nina Hen.
Yamashita at Admiral Okachi ang kanilang hukbo sa mga pinuno ng Amerikano. Si Jose
Laurel at ang kaniyang mga kasamahan ay nagtungo sa bansang Hapon.

Dito nagtapos ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.

Mga Katangian ng Maikling Katha sa Panahon ng Hapon

1. Matimpi ang pagpapahayag ng paksa

2. Nagsasalaysay ng madudulang pangyayari

3. Walang balangkas ang kuwento

4. Ang paksa ang nauukol sa iba’t ibang karanasan sa buhay ng tao

5. Gumagamit ng mga payak na pangungusap kaya medaling maunawaan

Naging maunlad ang maikling kuwento sa panahon ng Hapon.

Hindi makapagmalaki ang mga mambabasa na di bibili ng magasin sapagkat iilan


lamang ang ganitong uri ng babasahin.

Nakilala sa pamagat na Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943


ang pinakamahuhusay nakathang Pilipino. Ito ay naipalimbag sa panlukbutang laki ng
papel, at peryodikong malutong at marupok. Nagkaroon ng kakapusan ng
mapaglilimbagan sa panahong ito kaya ginamitan ng tipong maliliit ang limbag sa mga
magasin upang maging marami ang mapasama sa babasahin.
Tama lamang tawaging “Panahon ng Pamumulaklak” ang Panahon ng Hapon sa
panitikang Filipino. Ayon sa mga istoryador at kritiko ay tumpak tawagin itong
“GintongPanahon.”

Maraming manunulat na Pilipino ang nahikayat sumulat sa panahong ito dahil sa


mahigpit ang mga Hapones sa paglalathala sa Ingles. Ito ang panahong nagpataas sa uri
ng mga pamumunuang pampanitikan, mga sanaysay, at mga maikling kuwento.

Utang sa maunawaing pamumuno ni Kinichi Isikawa ang pamumulaklak ng sariling


panitikan sa panahong ito. Naging popular ang Liwayway, at mga babasahing Pilipino.

Napiling pinakamahusay na maikling katha ang mga akda nina Macario Pineda,
Brigido Batungbakal, Serafin Guinigundo, ay iba pa.

Ang mga itinaguyod ng mga pasanayang pangwika sa panahong ito sa larangan ng


panulatan ay nakatulong nang malaki sa mga manunulat sa pangunguna ni Lope K.
Santos.

Naging bunga ng mga pasanayang ito ang mga kilalang manunulat tulad nina
Liwayway A. Arceo, Alicia Lopez-Lim, Ligaya D. Perez, at Gloria Villaraza-Guzman.

Pinatunayan ng panitikan na sa panahon ng kaligayahan ay maaaring sumilang ang


lalong matatayog na gunam-gunam, pagkaapi, pagkabusabos, at pagsikil sa gipit na
kalagayan ng mga tao. Sa gayon ding panahon isinulat ang mapaghimagsik na akda nina
Francisco Baltazar, Jose Rizal, at Marcelo H. del Pilar.

Sa Panahon ng Hapon isinilang ang mga manunulat na ngayon ay matibay na haligi


sa sariling panitikan.

AngDula

Isa sa naging libangan ng mga tao ang panonood ng dula. Ang mga teatrong malaki
at maliliit ay nagsipangtanghal ng dulang iisahing yugto o maiikli. Kinalugdan ng mga tao
ang mga pagtatanghal sa malalaking dulaan tulad ng Avene, Life, Manila Grand Opera
House at iba pa. Nagkaroon din ng pagtatanghal ng mga mahuhusay na dula sa
Metropolitan Theatre, ngunit ang naging suliranin ay ang kawalan ng kalayaan sa
pananalita.
Kadalasang mga paksa sa pagtatanghal ang pagmamahal ng ina sa anak, ng kasuyo
sa kasintahan, at pag-ibig ng tinubuanglupa.

Sa mga dula, karaniwang nilalarawan ang buhay-Pilipino, buhay lungsod o nayon, at


karaniwang ugali ng mga Pilipino. Maraming pagtatanghal ang may mga paksang
katawa-tawa upang ikubli ang mga kapintasan ng mgaHapones tulad ng pangunguha ng
mga ari-arian sa mga Pilipinong nabibihag o pangungurakot.

Nagtanghal ang samahang Dramatic Philippines ng ilang dula ni Wilfredo Guerrero


sa Metropolitan Theatre.

Naglathala naman ng isang dula sa Liwayway sina Clodualo del Mundo at Mateo
Cruz Cornelio, ang Bulaga noong ika-23 ng Pebrero, 1943. Nalathala rin ang
Sangkwaltang Abaka ni Alfredo Pacifico Lopez. Itinanghal din angdulang Sa Pula, Sa
Puti ni Francisco “Roc” Rodrigo.

Mga Mahahalagang Pangyayari at Kaalaman

Disyembre 8, 1941 - Simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at pagbomba sa Pearl


Harbor, Hawaii.
Disyembre 26, 1941 - Pinahayag ni MacArthur na Open City ang Maynila.
Disyembre 30, 1941 - Nanumpa si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Pilipinas sa
Malinta Tunnel.
Enero 3, 1942 - Simula ng pananakop ng mga Hapones sa ilalim ni Primyer Hadeki Tojo.
Douglas MacArthur - Bayani ng ikalawang Digmaang Pandaigdig at nagsabi ng katagang
“I shall return.”
Manila Shimbunsya - Ang pahayagang tanging nalathala sa Panahon ng Hapon.
Iligtas mo ako ni Narciso Asistio - Unang kuwento ng Liwayway noong Liberasyon.

Napipi at natigil ang panitikan at ipinasara ang mga palimbagan.

Tatlong Pinakamahusay na Kuwento sa Panahon ng Hapon

a. Lupang Tinubuan – ni Narciso Reyes


b. Uhaw ang Tigang na Lupa – ni Liwayway Arceo
c. Lunsod, Ngayon at Dagat-Dagatan – ni N.V.M. Gonzales

Mga Anyo ng Panitikan


1. Tula
2. Maikling Kuwento
3. Sanaysay
4. Pangulong Tudling

Dalawang Istilo ng Pagsulat

• Free Verse o Malayang Taludturan


- tulang walang sukat at tugma

• Flashback
- paggunita sa nakaraang pangyayari.

Mga Katangian ng Tulang Tagalog

1. Sentimental at maligoy
2. Tungkol sa palasintahan
3. Kulang sa orihinalidad
4. Walang malalim na pilosopiya

Mga Uri ng Libangan Pagkatapos ng Liberasyon

1. Pelikula – Silent Movies tampok si Charlie Chaplin

Jose Nepomuceno – Ama ng Pelikulang Pilipino

Ang Punyal na Ginto – gawa ng Malayan Studios; unang pelikulang Tgalog.

2. Stage Show – drama/musical

3. Bodabil – awit, tugtog, at sayaw

Ang Panitikan sa Ingles

Pinangunahan ang panitikan sa Ingles nina Frederico Mangahas, Salvador Lopez,

Icasiano at Manuel Agila.

Sa panahong ito, ang marami sa mga manunulat sa Ingles ay nagsipagtago. Habang


nasa Amerika, isinulat ni Jose Garcia Villa ang tulang Have Come, Am Here. Isinulat
naman ni Carlos Bulosan sa kanyang antolohiyang Chorus from America at Letter from
America noong 1942.

Ang Panitikan sa Ingles


Sa sanaysay ay nanguna sa pagsulat si Carlos P. Romulo. Pinakatanyag niyang aklat
ang I Saw the Fall of the Philippines na lumabas noong 1942. Sinundan ito ng Mother
America (1943), My Brother Americans (1945), at ng I See the Philippines Rise (1946).
Ang Ating Panitikang Filipino
Ipinaturo ng mga Hapones ang wikang Filipino sa lahat ng antas ng pag-aaral ngunit
hindi rin napawi ang wikang Ingles, na ginamit pa ring wikang panturo sa panahong
nabanggit.
Ang pahayagang pinahintulutang lumabas ay ang The Tribune, Philippine Review,
Pillars, Free Philippines, at Filipiniana.

Mga Tulang Namalasak

Sa tula ay namalasak ang Haiku, isang tulang binubuo ng 17 pantig na nahahati sa


tatlong taludtod. Ang una ay may limang pantig, ang ikalawa ay may pitong pantig, at
ang ikatlo ay may limang pantig. Maikling-maikli ang haiku, ngunit nagtataglay ng
malawak na kahulugan, kagandahan, at damdamin.

Isa pang uri ng tulang namalasak sa Panahon ng Hapon ay ang Tanaga. Binubuo ito
ng apat na taludtod na bawat isa ay may pitong pantig. Ito ay maikli ngunit may sukat at
tugma sa hulihang pantig.

Ang Singkian naman ay binubuo ng isang pangalan sa unang taludtod; dalawang


pang-uri sa ikalawa; tatlong pandiwa sa ikatlo; isang parirala sa ikaapat, at isang
pangalan o pangngalan sa ikalimang taludtod.

Mga Katangian ng Tula

1. Maikli, lalo na ang mga nalathala sa Liwayway noong 1943

2. Maraming gumagad sa haiku

3. May talinghaga

4. Namayani ang malayang taludturan – walang sukat at wala ring tugma

Ang Nobela
Hindi umunlad ang nobela sa panahong ito. Dahilan marahil sa kakapusan ng papel
kaya walang gaanong naisulat na nobela sa panahong nabanggit. Ang mga nobelang
napalathala sa bawat labas.
Naisapelikula ang nobelang Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz; Sa Lundo ng
Pangarap ni Gervasio Santiago; Pamela ni Adriano Laudico, at Lumubog ang Bituin ni
Isidra Castillo.

Ang Sanaysay
Pinagtangkaang paunlarin noong Panahon ng Hapon ang sanaysay ni Kinichi Isikawa.
Sinundan ito nina Maria Luisa Lopez, Lina Flor, Emilio Agustin, Gemiliano Pineda,
Florencio Garcia, at iba pa.
Nalathala sa Liwayway ang mga sanaysay na isinulat nina Teodoro Agoncillo, Pura
Santillan Castrence, Alejandro Abadilla, at Felipe de Leon.

Naglalarawan ang mga nalathalang dula, tula, sanaysay, at maikling kuwento ng


damdaming makabayan. Pinilit itago ng mga manunulat ang pagbanggit nang tuwiran sa
mga katuwalian ng pamahalaang Hapones kaya kahit na mahigpit sa sensura ang
pamahalaan ay nakaligtas ang mga ito.

PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG KALAYAAN

ANG SARILING PANULAAN

Ang mga Pilipinong nakilala sa larangan ng tula ay puno ng mahinasyon, at


nagtataglay ng mapangaraping diwa, at matayog na damdamin at kaisipan, palibhasa’y
naging inspirasyon ang mga karanasang naganap at nasaksihan sa sariling bayan.
Ang mga manunulat at makata noon pang unang panahon hanggang sa kasalukuyan
ay nagbibigay-kaalaman sa tunay na larawan ng kapaligiran at may layuning ipaunawa sa
kamalayan ng babasa ang mga ideya, paniniwala, at pananaw sa iba’t ibang kulay ng
buhay, maging ito ay kahapon, ngayon at bukas.
Kinilalang mahalagang kontribusyon sa Panitikang Filipino ang mga makatang tulad
ng mga sumusunod: Julian Cruz Balmaceda, Iñigo Ed. Regalado, Fernando B. Monleon,
Amado V. Hernandez, Anecito F. Silverstre, Gonzalo Flores, Ruben Vega, Jose Domingo
Karasig, Manuel Prinsipe Bautista, at Corazon Arceo.
Sa kasalukuyang panahon ay nakilala sina: Virgilio Almario, Celestino Vega,
Bienvenido Ramos, Pedro Ricarte, Epifanio San Juan, at ilan pa.

TALAAN NG MGA NAGWAGING GANTIMPALANG PALANCA SA TULA:

Nagsimula ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1950. Si
Tan Guin Lay o Carlos Palanca Sr. ang ama ng Gawad Palanca.

Ang may bilang isa ay nagwagi ng unang gantimpala, ang dalawa ay pangalawang
gantimpala, at ang tatlo ay pangatlong gantimpala.

1963-1964
1. Alamat ng Pasig- Fernando Monleon
2. Ito ang Aking Panahon- Bienvenido Ramos
3. Hamuyak 101- Vedasto G. Suarez

1964-1965
1. Sa Pagkaparool- Ruben Vega
2. Mga Sugat ng Siglo- Teo S.Baylen

1965-1966
1. Ebolusyon- C.C Marquez, Jr.
2. Logos- Vict.V. Dela Cruz
3. Tinig Mula sa Kung Saan- Rogelio G. Mangahas

1966-1967

1. Toeng Bato- Kastilyong Pawid at Bagwis ng Guniguni- Federico Licsi Espino, Jr.
2. Mga Paa… Mga Kamay- Bienvenido A. Ramos
3. O Sangol na Hari- Ruben Vega

1967-1968

1. Mga Ibon at Iba Pang Mga Tula- Bienvenido Ramos


2. Ito ang Kabihasnan at IlangTula- Victo S. Fernandez
3. Kaktus ng Bungo- Martin D. Pantaleon

1968-1969

1. May Luha Ang ang Tula at Iba Pa- Anecito F. Silverstre


2. Paraanin Ako- Jose M. Buhain
3. Walong Tukod-Langit- C.M Vega

1969-1970

1. Peregrinasyon at Iba Pang Tula- Virgilio S. Almario


2. Alay ng Lahi- Ruben Vega
3. Maliwalu- Epifanio S. San Juan, Jr.

1970-1971

1. Mga Duguang Plakard at Iba Pang Tula- Rogelio Mangahas


2. Tatlong Awit ng Pagpuksa- Lamberto E. Antonio
3.Dalawang Tula- Cirilio F. Bautista

MGA KILALA AT NATANYAG SA LARANGAN NG PANULAAN:

Valeriano Hernandez Pena

- isinilang noong Disyembre 12, 1858 sa San Jose, Bulacan, Bulacan. Siya ang bunso
ng isang maralitang platero. Tinuruan siya ng kartilya ng isang matandang kapitbahay, at
natutuong bumasa at sumulat ng Tagalog sa gulang na sampung taon. Ipinagpatuloy
niya ang kanyang pag-aaral sa paaralang bayan. Gumagamit siya ng sagisag na “Kintin
Kulirat” sa kanyang pitak na “Buhay Maynila” sa pahayagang Muling Pagsilang.
Sampung tapon siyang nagging manunulat sa naturang pahayagan. Ang Muling
Pagsilang ay nahalinhinan ng Taliba, at nagpatuloy sa pagsulat ditto si Mang Anong. Ang
Buhay Maynila ay napasalin kay Jose C. de Jesus na gumamit ng sagisag na “Huseng
Batute” nang namatay Pena. Obra Maestra niya ang Nena at Neneng.

Amado V. Hernandez

Si Amado V. Hernandez, tinaguriang “Makata ng Manggagawa”, ay isinilang sa


Tondo, Maynila noong Setyembre 13, 1903. Ang kanyang mga tula ay nagtataglay ng
pagmamahal at pagpapahalaga sa mga maliliit at dukhang manggagawa. Siya ay isang
batikang makata at kilala rin bilang kuwentista, mamamahayag, nobelista, lider ng mga
manggagawa at pulitiko.

Ang aklat na Pilipinas na naglalaman ng mga isinulat niyang tula ay pinagkalooban ng


gantimpalang pampanitikan nang pasinayaan ang Komonwelt noong 1935. Sa
pambansang timpalak noong 1935 at 1940 ay nanalo siya larangan ng tula at
dalawampu’t limang ulit siyang nagwagi sa pagkamakatang laureado sa iba’t ibang
timpalak pampanitikan. Kinilala rin siyang mambabalagtas at mambibigkas. Ang tulang
nagbigay sa kanya ng pangalan ay Bonifacio at Guro ng Lahi.

Bilang mamamahayag ay naging patnugot siya ng babasahing Sampagita, at ng


pang-araw-araw na pahayagang Pagkakiaisa at Mabuhay. Naging kolumnista rin siya ng
pahayagang Taliba, at ang pitak na niya ay may pamagat na Sari Sari.

Bilang pulitiko ay nahalal siyang konsehal sa Unang Purok ng Maynila (Tondo).

Dahil sa pagkalhilig niya sa pagbabasa ng mga artikulong ukol sa sosyalismo at


komunismo ay paratangan siya ng kasalanang sedisyon. Nabilanggo siya ng anim na taon
habang hinihintay ang pangwakas na hatol ng Korte Suprema sa paghahabol sa iginawad
sa kanyang parusang pagkakabilanggo habambuhay.

Alejandro Abadilla

Ang makata ng bagong panahon na nakapagbago sa tulang Tagalog nang higit


kanino man ay si Alejandro Abadilla. Isinilang siya sa Cavite ngunit sa Maynila higit na
nakilala dahil sa mapaghimagsik na impluwensiya niya sa anyo at nilalaman ng tulang
Tagalog. Ipinagpakasakit ni Abadilla ang kaunlaran at kaginhawahan ng pamilya dahil sa
matinding paninindigan niya sa may uring panitikan. Sa panulaan ay ipinakilala niya ang
ang malayang taludturan at ang mapanghimagsik na diwa ng impresyonismo.

Teo S. Baylen

Maraming karangalang natamo ang makatang si Teo S. Baylen, kasama na rito ang
pagiging Makata ng taong 1964, ayon sa Talaang Ginto na pinagtibay ng Surian ng
Wikang Pambansa; nagtamo ng Gantimpalang Pangkalinanagn sa Panitikan noong 1963
(Republic Cultural Heritage Award) dahil sa aklat-katipunan ng kanyang mga tula, ang
Tinig ng Darating, Palanca Memorial Awardee (1965). Kabilang sa kanyang aklat-
katipunan ng mga tula ang Pinsel at Pamansing at Kalabaw at Buffalo.

Virgilio S. Almario

Si Virgilio S. Almario ay isa sa mga pinakamahusay na makata ng bagong panahon.


Gumamit siya ng mga tauhan sa mga katutubong epikong Pilipino, sa mga kuwentong
bayan, kurido, at kasaysayan nang pasagisag upang mapalutang ang kaniyang nais na
tuligsain.

Ildefonso Santos

Si Ildefonso Santos ay tubong Malabon, Rizal at isinilang noong Enero 23, 1897.
Nagtapos siya ng pag-aaral sa Philippine Normal School, at nagturo sa Paaralang Bayan
ng Malabon. Sa National Teacher College niya tinapos ang Batsilyer sa Edukasyon.
Naging superbisor din siya ng Wikang Pambansa sa Kawanihan ng Pagtuturo, kilala sa
tawag na DepEd ngayon.

Bilang makata, nagtago siya sa sagisag-panulat na “Dimas-Ilaw” at “Dimas-Silangan”.


Hinangaan ng marami ang mga tula niyang Ang Ulap, Panghulo, Ang Mangingisda, Gabi
at iba pa.

Iñigo Ed. Regalado

Si Iñigo Ed. Regalado ay kilalang mamamahayag, patnugot, kuwentista, nobelista,


at makata. Siya ay may aklat-katipunan ng mga tula na kung tawagi’y Damdamin. Ito ay
nahati sa limang uri: Sa Pag-ibig, Sa Panibugho, Sa Talambuhay, Sa Bayan, at Sa Buhay.

Anecito F. Silverstre

Ayon kay Rufino Alejandro, ang tradisyon at modernism ay nagpasalikop sa


panulaan ni Anecito F. Silverstre. Ito ay hindi lamang sa anyo at pamamaraan, kung
hindi sa paksa at damdamin rin. Nagtamo siya ng maraming karangalan sa panulaan,
kabilang na rito ang apat na unang gantimpala bago nagkaroon ng digmaa, ikatlong
gantimpala sa Panahon ng Malasariling Pamahalaan, unang gantimpala noong ika-10
taon ng Republika, at unang gantimpala sa Palanca noong 1969.

Teodoro A. Agoncillo

Si Teodoro A. Agoncillo ay kilalang manunulat ng kasaysayan. Tinawag siyang


“Madamdaming Mananaysay” ni Carmen Guerrero Nakpil, isang kilalang manunulat sa
Ingles. Marami siyang nasulat na mga salaysay na pangkasaysayan sa iba’t ibang
magasin gaya ng Panitikan, Diwang Pilipino, at iba pa. Bukod sa mga tula, si Agoncillo ay
nagsulat din ng mga maikling katha at sanaysay. Siya rin ay iginagalang na patnugot ng
may uring magasing Malaya na nanuklas ng mga bagong manunulat na sa kasalukuyan
ay may sarili nang pangalan sa ating panitikan.

BAHAGI NG TULA NA NANALO SA PATIMPALAK PALANCA:

MGA DUGUANG PLAKARD

Rogelio Mangahas

Bawat plakard ng dugo’y isang kasaysayan.


Isang kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.
Mga kasasayan sa loob ng kasaysayan.
Kangina pa namimigat, kangina pa kumikinig
Ang ating mga palad, wari’y mga munting
Bungong may kutsilyong nakatarak

LITANYA KAY SANTA CLARA

Teodor T. Antonio

Miss dela Cruz, sumayaw ka,


Kumending ka, kumending pa,
Ipagaspas mo ang saya.
Umawit ka sa mahal na Santa,
Umawit ka sa mahal na Patrona.
Ang Mayo sa Obando ay sayaw at indak.
Ang Mayo sa Obando ay paghingi ng anak.

PANITIKAN SA PANAHON NG PROTESTA AT AKTIBISMO

Kaligirang Kasaysayan

 Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang
mga mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan.
 Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng mga kabataan noong 1970-
1972. samutsaring paniniwala ang dahilan ng kanilang pagiging aktibista.
 Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan, marami sa ating
kabataan ang naniniwalang di na “demokratiko” kundi isa ng “gobyernong
Kapitalista’ and umiiral sa ating mga mahihirap at lalong paghihirap ng mga
mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman.
 Ang iba ay naniniwalang dapat palitan ng “sosyalismo” o “komunismo” ang bulok
na pamahalaan.
 Iba’t-ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga kabataan nang
panahong ito. May mga kabataang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan (New
People’s Army), may naging “Burgis” radikal o rebelde at mayroon ding mga
nanatiling parang mga walang pakialam sa takbo ng pamahalaan.
 Sa kalahatan, maraming mga kabataan ang naging aktibista upang humingi ng
pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang pamamahayag hinggil sa
pagbabagong ito na rin marahil matinding damdaming makabayan at upang
mabigyang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang kahilingan ay naging matalim
at mabalasik ang panunulat ng ilang kabataan.
 Marami ring akda ang naisulat sa panahong ito, ngunit dahil sa ang mga akda’y
mahigpit na ipinagbabawal sa una pa lang na paglathala at karamihan sa mga
umakda’y kailangang lapitan pa’t makapanayam, ang pangangalap at
pagpapahalaga ng mga akdang ito ay ipinauubaya na ng mga naghanda ng aklat
na ito sa mga mananaliksik at palaaral.

Ang Binhi ng aktibismo

 Humahantong sa pagkadeklara ng Batas Militar (Martial Law) noong 1972 ang


binhi ng aktibismo. Ngunit masasabing ang binhi ay naihasik sa mga kabataan
maging noong mga panahon pa ni Lapu-lapu, Lakandula, Rizal, atbpa.
 Sadya pa ring masasabi na monopolohiya ng kabataang may init ng dugong
dumadaloy sa kanilang ugat ang dahilan ng paghihimagsik laban sa
makapangyayaring lakas ng Pilipinas. Kaya’t balido ang sinabi ni Rizal na ang mga
kabataan ang pag-asa ng bayan.

Panahon ng duguang placard

 Wika ni G. Ponciano Pineda sa kaniyang aklat na pinamagatang ang “Panitikang


Pilipino sa Kaunlaran ng Bansa”, “ito ang panahon minsan pang pinatunayan ng
Kabataang Pilipino na hindi laging pagyuyuko ng ulo at pag-ilag sa hangin ang
bumubuo ng kaniyang pagkalahi at pagkabansa”.
May sukdulan ang kaniyang pagtitimpi, sumasabog parang Taal, kung puno na sa
ngitngit ang matimping kalooban.
 Dugo? Ang dugo ng isang tao kung ihahambing sa Dugong ibinubuo upang ikulay
sa pula ang ating bandila?
 Buhay? Ano ang buhay kung itatapat sa habang panahong hintuturong
nakatundos sa mukha ng isang duwag at di nagkakaroon ng paninindigan para sa
sarili at gayun din sa kasunod na salinlahi?
 Sa kabuuan, maraming kabataan ang nagbuwis ng buhay, nagpamalas ng buong
giting sa pagtanggol ng karapatan ng masang Pilipino, walang takot na suungin
ang kamatayn basta maipaglaban lamang ang mga prinsipyo at tunay na
karapatan.

Kalagayan ng panitikan

 Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan nang panahong ito. Ito’y
mapatutunayan hindi lamang sa madugo at mapangwasak na demonstrasyon at
mga pagpapahayag.
 Ang mga pahayagan ng mga mag-aaral sa kani-kanilang pamantasan ay punong-
puno ng damdaming mapanghimagsik.
 Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika. Ang alinmang establisimento
ay naging sagisag ng kabulukang dapat baguhin. Madrama sa simbahan, sa
paaralan, at maging sa tahanan ang lason ng kawalang pag-asa ng mga kabataan
sa pamahalaan.
 Maging mga pari mga guro, at mga magulang bilang awtoridad o mga taong
dapat igalang ay niyanig ng kabataang radikal bilang kalaban na pabiagt sa
hinihingi nilang pagbabago.
 Humangga ang panitikang ito ng mga aktibista sa pagsasaad ng dapat gawin
upang lutasin ang suliranin.

Ilan sa mga kabataang bumandila sa panitikang rebolusyonaryo

1. Rolando Tinio
2. Rogelio Mangahas
3. Efren Abueg

4. Rio Alma
5. Clemante Bautista, atbp.

Panulaang filipino sa panahon ng aktibismo


TATLONG KATANGIAN NG MGA TULANG NAISULAT NG MGA KABATAANG
MAKATA AT MANANALUMPATI

1. Pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan.


2. Pagsisiwalat ng katangian at dayukdok ng pagpapasasang mga nanunungkulan.
3. Tahasang masasabi labag sa kagandahang-asalng panunungayaw at karahasan sa
pananalita.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa naging akda sa panahon ng aktibismo

 Tunghayan natin ang ilan sa mga saknong mula sa tula ni Rio Alma na
nagpapahayag ng matimping pagngangalit ng damdamin
 “ Marahil madahop ang diwa ko upang isaulo’t ipaliwanag. Ang panaginip at
kamatayan ng sanlaksang anak-pawis”
 “Saksi ako sa palahaw ng mga dalagitang tila kinakatay na baboy habang
ginagahasa ng mga hayok na pulitiko’t negosyante”
 “Sa sabuyan ng putik ang mga kongresistang pagkuwan, kapiling ang kani-
kanilang alipures at tagapayong Puti na nag-uunahang ibenta ang bayan”
 “Ano ang silbi ng kabayanihan? Nang limos na laurel at ginto? Ipangalan sa iyo’y
isang kalyeng baku-bako o kaya’y lumuting monumentong ihian ng mga
lasenggo”
 Ang pagdakila sa mga mahihirap o anakpawis ay umabot din sa taluktok ng
panahong rebolusyong pangmasa. Narito ang pagpapatunay mula sa ilang
saknong ng mga tula ni Federico Licsi Espino na isinulat sa wikang Ingles.
 Hands that brodcast sweat
 Brandish placards of protest
 In the Hacienda of Negros
 Sugarcane turns bitter
 In the rice granaries of Luzon
 Hatred hammer sickles
 On old newspapers
 Srudents write the rubrics of dissent
 Why should they who roast
 The suckling grow lean on verbiage?
 Why should they who plant and grind
 The corn grow thin on grit and homing?
 Strike! Strike! Strike!
 A dormant hate errupts
 Bundok Buntis! Arayat! Kanlaon!
May mga katipunan din ng tula na naisa aklat nang panahong ito. Ilan ay ang
sumusunod:

1. Mga A! Ng Panahon (1970) – Alejandro Perez


2. Kalikasan (1970) – Aniceto Silvestre
3. Peregrinasyon at Iba Pang Tula (1970) – Rio Alma
4. Mga Tulang Bayan Ko at Iba Pa (1972) – V.G Suarez
5. Sitsit at Kuliglig (1972) – Rolando Tinio
6. Mga Gintong Kaisipan (1972) – Segundo Esguerra

Nagwagi ng gantimpalang planca sa tula (1970-1971)

1. Mga Duguang Plakard at Iba pang mga Tula (Rogelio Mangahas)


2. Tatlong Awit ng Pagpuksa (Lamberto Antonio)
3. Dalawang Tula (Cirilo F. Bautista)

Ang Dula, maikling kwento at nobela sa panahong ito

 Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kuwento o


maging nobela sa panahong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan o
salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda.
 Payak ngunit makatotohanan ang salitaan o lengguwaheng ginagamit nila ngunit
kadalasa’y ang payak at makatotohanang usapan o lengguwaheng ito, bagamat
nasa makabagong panahon na ay hindi parin makayanang basahin nang hindi
pamumulahan ng mukha ng mga babaeng may bakas pa ni Maria Clara, lalo’t ang
usapan ay usapang lalaki o ginagamit sa tagpo sa pagtatalik.

Ang mga Pelikula at komiks

 Nang panahon ding ito ng aktibismo, nagsimulang napanood ang mga pelikulang
malalaswa na nakasisira sa kaugaliang silanganin – ang tinatawag na mga
Pelikulang Bomba.

 Dito rin dumagsa ang mga komiks at iba pang babasahin na ang mga larawang
iginuhit ay walang saplot sa katawan.

PANAHON NG BATAS MILITAR AT BAGONG LIPUNAN

Batas Militar
Ito ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad nang
panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampanan ang
pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan.

Sa isang ganap na batas militar, ang pinakamataas na opisyal ng militar ang


namumuno o naitatalaga bilang tagapamahala o puno ng pamahalaan, kasabay ng
pagbuwag o pagtanggal ng lahat ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan mula
tagapagpaganap, tagapagbatas hangang panghukuman.

 Sulyap sa Nakaraan

Dahil sa patuloy na paglala ng kalagayan ng Pilipinas sa pulitika at kabuhayan,


ang hindi mapigil na demonstrasyon at rally sa pangunguna ng mga lider-estudyante,
ang walang kaayusang pagpasok ng mga mag-aaral sa paaralan, ang pagtitinda,
paglilimbag at pagpapalabas ng mga malalaswa sa komiks, sinehan at telebisyon na
nakakasama lalo sa isipan ng mga kabataan…

Napagpasyahan si Pangulong Ferdinand Marcos, na mag-pairal ng Batas Militar


o Martial Law sa bansa sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1081 noong Setyembre
21, 1972.Sa pagpapatupad nito nagsimulang magbalik sa normal ang kalagayan ng
bansa. Nabawasan ang krimen at unti-unting nalilutas ang labis na pagpapatubo sa mga
paninda at may sinusunod ng panuntunan.

Maraming pagbabagong naganap sa larangan ng Panitikang Pilipino. Sa


pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor ay nagsagawa ng mga seminar at
komperinsiya na may kinalaman sa pamamahayag at paglalathala. May “guidelines” na
nabuo at naging patnubay ito sa pagsunod ng naiibang pormat na dapat sundin ng mga
pahayagan, magasin, komiks at basahing pampaaralan.

Ayon sa Pangulong Marcos, ang Bagong lipunan, ito ay ang pagbabagong tatag
at ang pinapairal sa batas Militar ay may layuning ipadama sa mga Pilipino ang tahimik
na pagbangon laban sa maling gawain, at pagsupil sa pagmamalabis ng mga nasa
kapangyarihan.

Nakilala ang mga kasabihang “ Sa ikauunlad ng bayan, disiplina nag kailangan” at


“ Nag panlalamang sa kapwa ay gawaing masama”.Sa panahong ito, naging maingat sa
paggamit ng kalayaan sa pamamahayag ang lahat ng manunulat ay kailangang sumunod
sa patakarang pinatutupad. Ang mga balita ay kailangan lamang manggaling sa Public
Information Services.
Ang muling pagsigla ng mga manunulat sa sining at kultura ay pinagunahan ng
Unang Ginang Imelda Marcos. Dahil dito nagkaroon ng pagtatanghal ng konsiyerto at
dula saCultural Center of the Philippines, at sa muling pagsigla ng sining nabuhay muli
ang maikling kwento, nobela, tula na may mga temang pagkamakabansa at paglaban sa
mga naaapi.

 Ang samahan ng mga mandudula ay naitatag gaya ng PETA at Students Dramatic


Guild. Dito rin mas nakilala ang Up, De La Salle Unibersity at Manila Theatre
Guild.
 Ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay nagbaba ng kautusan noong
1974,na nagbibigay pagpapalganap sa wikang pambansa, pinairal ang patakarang
bilingualismo.
 Nagpatuloy rin ang pamimili nng Palanca Memorial Awards for Literature sa
mga mahuhusay na may-akda.
Dula

Dahil sa masugid na interes at pagtataguyod pinasigla ng Unang Ginang ang


dulaan noong panahon ng Bagong Lipunan. Pangunahing nakatulong rin sa pagpapasigla
ng anyong ito ng panitikan ang pagpapaayos ng lumang tanghalan gaya ng Metropolitan
Theatre.

Mga dulang naitanghal sa Metropolitan Theatre:

1. Isang Munting Alamat : The portrait of an Artist as a Filipino ni Lamberto


Avellana.

2. Halik sa Kampilan ni Leonardo Ilagan

3. Usa ka Kasalan ni Orlando Nadres

4. Tales of the Manuvu no Beinvenido Lumbera

Nagpatuloy rin ang Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dula. Kabilang na rito
ang:

1. Sa dulang 1 yugto – Hulyo 4, 1954 A.D ni Dionisio Salazar

2. Sa dulang 3 yugto – Alipato ni Nonilyn Queaño

3. Sa dulang Ingles – The world is an Apple ni Alberto Florentino Jr. at

4. Dulang may isahang yugto. Isa sa mga tampok na dulang pinagkalooban ng


gantimpala ng Palanca noong 1974 ay ang – “Sidewalk Vendor” ni Reul Molina
Aguila – ito ay naglalarawan sa buhay ng isang lalaking sidealk vendor na
nagbebenta ng sigarilyo.

Mga Pangunahing Manunulat ng Dula

1. Nick Joaquin

Siya ay si Nicomedes Marquez Joaquin o mas kilala bilang Nick Joaquin, kilala
bilang isang Pilipinong manunulat, mananalaysay ng kasaysayan at mamahayag na kilala
rin sa pagsulat ng mga maikling kwento at nobela. Tanyag na sinulat niya ang ang
maikling kwentong “Summer Solstice”, gayundin ang “Doveglion and other Cameos”, “
Culture and History”. Ang kalipunan ng kaniyang mga naisulat ay makikita sa aklat na
may pamagat na “Prose and Poems”.

2. Wilfredo Ma. Guerrero

Isang Pilipinong mandudula, direktorm guro at artista sa teatro. Nagsulat ng higit


kumulang na isang daang dula at 41 ang nailathala na. Ilan sa kaniyang dula ay nailathala
na sa ibang bansa tulad ng;, “Kalahating oras sa Loob ng Kumbento”, Ang tatlong mga
Daga, Ang nahatulan, Isa, Dalawa, Tatlo, Wanted:Isang chaperon at ang Hindi
Pagkakasundo.

3. Lino Brocka

Si Catalino Ortiz Brocka, isa sa pinkamahusay na direktor sa Pilipinas. Tinatalakay


niya sa kaniyang mga pelikula ang mga paksa na pilit iniiwasan ng lipunan. Sa panahon
ng Batas militar naging kritiko siya sa pamamahala ng Pangulong Marcos. Ang kilala sa
kaniyang naisagawa sa panahong ito ay ang “ Bayan Ko; Kapit sa Patalim, at
Gumapang Ka sa Lusak”.

4. Zenaida Amador

Isang aktres at direktor sa Pilipinas, kilala sa kaniyang pelikula at dulang “Kill the
Pushers”, “Pagdating sa Dulo” at “Once Upon a Time”.

Mga Pangunahing Manunulat sa Komiks

Mga kahalagahan ng komiks sa panahon ng Batas Militar:


1. Mabisang pampalipas oras
2. Nagbibigay kaalaman at impormasyon
3. Nakakatulong sa hanap buhay
4. Nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa mga kapus palad.
5. Nag uugnay sa watak-watak na damdamin ng mga Pilipino.
6. Nakaktulong sa madaling pag-unawa ng binasa at pagbasa.

1. Carlo J. Caparas

Isang manlilikha o manunulat ng komiks na naging direktor at prodyuser ng


pelikula. Siya ay karaniwang kilala sa paglikha ng mga kathang-isip sa mga tauhan sa
komiks tulad nina Panday, Bakekang, Totoy Bato, Joaquin Bordado at Kamandag.

Mga akda ni Caparas:

• Ang Panday – naging top grosser sa MMFF


• Ang Huling Lalaki ng Baluarte
• Siya si Urbano
• Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang
• Aklat na Rosas
2. Elena M. Patron

Isang manunulat ng tula, drama, at komiks sa Liwayway Magazine. Isa siyang


manunulat ng komiks na nagtamo na ng maraming parangal. Ilan sa kaniyang mga
naisulat ay :Isinilang ko ang Anak ng Ibang Babae, Dalawa ang Nagdadalantao sa
Akin, Ako si Emma, Babae, Padre si Eba, Lord give me a lover at marami pang iba.

3. Pablo S. Gomez

Pilipinong manunulat ng komiks, pelikula at telibisyon. Nakilala siya sa mundo ng


komiks noong dekada 1950. Ang kaniyang ibang akda ay naisapelikula na gaya ng :Guy
and Pip, Matchete, Hilda, Susanang Daldal at Petrang Kabayo. Si Gomes rin ay naging
scriptwriter ng pelikula ni Fernando Poe Jr.

4. Mars Ravelo

Isang tagaguhit ng mga libro ng komiks. Si Mars Ravelo ang manunulat sa likod
ng mga sikat na komiks na :Darna, Dyesebel, Captain Barbel, Lastikman, Wanted:
Perfect Mother, Roberta at madami pang iba.

Mga Manunulat sa Nobela at maikling Kwento


1. Efren Reyes Abueg

Isang iginagalang na nobelista, kuwentista at kritiko sa kaniyang panahon.


Humakot ng mga parangal dahil sa pagiging mahusay. Kilala siya sa kaniyang aklat na
Bugso, koleksyon ng kaniyang mga kwento.

2. Liwayway Arceo

Isa sa nangungunang kwentista, radio script writer, mananaysay, tagasalin at


editor sa wikang Tagalog. Ang kaniyang maikling kwento na pinamagatang “Lumayo ang
Umaga”, is an award winning film. She also received a Carlos Palanca award for Short
story.

3. Virgilio Almario

Dating direktor ng Surian ng Malikhaing Pagsulat ng Unbersidad ng Pilipinas. Siya


ay kilala sa kaniyang sagisag panulay na Rio Alma, kilala din bilang puno ng Komisyon sa
Wikang Filipino. Ang mga sinulat niya ay kinolekta upang maging isang libro ang “ Ang
Makata sa panahon ng Makina”.

4. Jun Cruz Reyes

Tunay na pangalan ay Pedro Cruz Reyes, kilala na isa sa natatanging muhon ng


wikang Filipino. Isa ring mahusay na guro, manunulat at pintor. Ang laman ng kaniyang
mga sulatin ay nagtutuon n pansin sa pagbibigay buhay sa mga tao na kumikilos sa
kapaligiran. Ang mga sinulat niya noon ay nagbibigay puna laban kay Marcos, ang
kaniyang mga maikling kwento at tinipon sa aklat na “Tutubi, tutubi Huwag kang
papahuli sa Mamang salbahe”.

Mga Pangunahing Manunulat ng Tula

1. C.C Marquez, Jr.

Si Cresenciano C. Marquez, ay nakilala dahil sa kaniyang kahusayan sa pagbigkas


at maging sa pagsulat ng tula. Isa sa pinakatanyag niyang naisulat ay ang madamdaming
tula na pinamagatang “ Odyssey ng Siglo”.

2. Ponciano Pineda

Tinaguriang “ Ama ng Komisyon sa wikang Filipino”. Ang kaniyang akda ay


“Amerikanisasyon ng mga Pilipino” Tinaguriang pangunahing sanhi ng pagiging katangap
tanggap ng wikang Filpino upang gamitin biang ikalawang midyum na ginagamit sa
paaralan.
3. Domingo Landicho

Siya ay kabilang sa mga makabagong kuwentista. Makikita sa kaniyang mga


sulatin ang impluwensya ng kultura ng kanluran at silangan. Ang kaniyang istilo ng
pagkakasulat ay maalab, maligoy at may halong pagkaartipisyal. Isa sa kaniyang
pinakatanyag na naisulat ay ang “Elias at Salome”, na nagkamit ng Palanca award. Ang
katipunan ng kaniyang kuwento ay isang aklat na may pamagat na “Himagsik”.

4. Teo S. Baylen

Nakilala bilang Makata ng taong 1962 at 1964. Ang aklat-katipunan ng kaniyang


mga tula ay ang “Pinsel at Pamansing” at “Kalabaw at Buffalo”, ganundin amg “Tinig
ng Darating” at “Rx”.Siya rin ay kilala bilang isang musikero at kompositor at ang
tatlong pinakapopular na komposisyon niya ay “ Landas ng Kadakilaan, Unang Ginang
Imelda, at Ramon Magsaysay March.

Unawain Ako

ni C.C Marquez

Ituring mo akong tauhan ng katha ang pagkukulang ko’y kayang


mapalampas
at likhang-isip lang ng isang may-akda;
at kamuhian mo’y may kahalong habag!
Sa gayo’y ang bawat kilos ko’t salita
Uliningin ako hindi bilang tinig
ay hindi sumugat sa iyong gunita
kung himig lamang na di makatitik;
Ipagpalagay mong ako’y gumaganap
kung magkagayo’y di mauuliang
ng papel na hindi kusa kong
hinahangad; ang matalim kong salitang ginagamit.
Tinig ng Darating
ni Teo Baylen

Ang guniguni mo’y paglakbayin doon


Sa madugong landas ng ating dantaon;
Masasalubong mo ang isang panahon
Na sambuntong ako at nagngangang
libing?

Ito ba ang lupaing aking aangkinin


Na tira-tirahan ng apoy at talim
Ito ba ang manang aking bubungkalin
Sa sambuntong ako at nagngangang
ilibing?

Ito ba ang mundong hinila kung saan


Ng gulong ng inyong hidwang
kaunlaran?
Ito ba ang bunga ng sining mo’t Agham?
Ito ba ang aking manang kalinangan?

Iyan ba ang bukid na walang naimbak


Kundi mga bungo ng mga kaanak?
Binaog ng inyong punlong makamandag
At wala ni damo na diya’y mag-ugat?

Kahubdan at gutom, isipang lanta,


Bigong pananalig at pag-asang giba;
Ito ba ang aking manang napapala
Ng labi ng inyong taniman at sumpa?

O sangkatauhan ng dantaong ito


Na dapat sisihin ng mga inapo;
Ano sa darating ang isasagot mo
Sa sumbat ng lahing susunod sa iyo?
Sa panahon ng Batas Militar mayroong tatlong bagay na mababakas sa mga katha ng
bagong Lipuan:
1. Diwang Pilipino
2. Buhay Pilipino
3. Damdaming Pilipino

Sa kabuuan ang mga akda sa panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan ay


nagpapakita ng paraan ng pamumuhay ng mga tao sa panahon ng Martial Law, gayundin
ang mga kanilang sinasapit na karanasan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos.

May poot man at galit sa puso ng mga tao, ngunit ang mga akdang ito ay
nagpapakita na hindi dapat panghinaan ng loob ang mga Pilipino. Hindi man maganda
ang naging eksperyensya ng mg tao dito subalit may maganda naman itong naidulot sa
bansang Pilipinas, at ang panahong ito ay tinuturing na may malaking ginawang
pagbabago sa ating bansa.
PANITIKAN SA PANAHON NG EDSA HANGGANG SA KASALUKUYAN

Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa

Rebolusyon ng EDSA (1986) • isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng


apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong 1986 • Nag-
ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa
diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino
noong 1983
Para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na bagong Republika –
“Ang Tunay na Bagong Republikang Pilipinas.” – Lumabas ang ganda ng pag-uugaling
Pilipino. – Isinilang ang bagong uring PILIPINO Rebolusyon ng EDSA (1986)

ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN SA PANAHONG ITO


Bagama„t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang
Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang
mgapagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO, sa mga
PAHAYAGAN , sa mga SANAYSAY at TALUMPATI , at maging sa mga PROGRAMA SA
TELEBISYON.

PANULAANG PILIPINO
Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang
kakimiangpagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata: – a.) Ang kanilang mga
tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may mga tiwaliang gawa. – b.) pagpuri sa
mga nakagagawa ng kabutihan.
Giting ng Bayan ni Francisco Soc. Rodrigo I Akala ni Marcos, ay pampalagiang
Kaniyang mabobola„t mapaglalaruan Ang dating maamo at sunud- sunurang Mga
matiisin nating taong bayan. II Salamat sa Diyos, ngayon ay gumising Itong baying dati„y
waring nahihimbing Salamat at ngayo„y sumiklab ang giting Nitong Bayang dati ay
inaalipin. III Kaya nama„t ngayon ay taas noo Nating Pilipinoo sa harap ng mundo Pagkat
tayo„y laang magsakripisyo Sa ngalan ng laya ng tama„t totoo.
Himala ni Bathala ni Francisco Rodrigo Walang bahid alinlangan, yaring aking
paniwala Na himalang mahiwaga na nagmula kay Bathala Yaong mga pangyayaring hindi
inakala Na nagbukas nang biglaan sa pintuan ng paglaya Para sa’ting inalipin at inaping
Inang Bansa!
Lumaya ang Media (Hango sa Taliba, Abril 16, 1986) Noong dineklara ni Apo
Ferdinand Noong setenta‟y-dos (1972) ang Batas Militar Kinontrol ang media‟t mga
pahayagan At pati ang “rumor mongering” ay bawal. Ngayong diktadura‟y nilansag ni
Cory Ang lahat ng Media‟y malaya at libre Na mangagsipuna kahit umatake Sa mga
minister, opisyal, kawani At maging sa Bise at Presidente.
Bawasan ang Amortisasyon (Hango sa Taliba, Abril 16, 1986) Dahil sa gabundok na
laki ng utang Na minana natin kay Apo Ferdinand Ang salaping sana‟y dapat na ilaan Sa
pangangailangan nitong Inang Bayan Ay nagagamit lang panghulog sa utang. Kailangang
ihanap ng wastong solusyon Ang problemang ito ng naaping nasyon Mapaliit sana ang
amortisasyon Na ibinabayad natin taun-taon Upang may matirang kuwartang
pamproduksyon.
Alambreng May Tinik, Bombang Tubig at Usok na Malupit – Ni Remi Alvarez Alva

AWITING PILIPINO
AngMagkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E.dela Pena, angHandog ng Pilipino
sa Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong
naganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan. • Ang binuhay na
awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni JoseCorazon de Jesus ay ang
pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon.At dahil sa pagiging
makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa
― “Constitutional Commission” na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng
Pilipinas.

SANAYSAY
Maging sa mga sanaysay, damang- dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipinosa
nakamit sa bagong kalayaan.

Mga Sanaysay sa Panahon ng Edsa Rebolusyon

• Pag-ibig Laban sa Tangke – Teresita Sayo


• Bukas na Liham – Jocelyn M. David
• Susi sa Ganap na Kalayaan – Manuel T. Salva Cruz
• Dikta ng Dayuhan – Romulo Alenio Caralipio

Programa sa Radyo at Telebisyon


Maririnig na ang pagpapahayag ng tunay na niloloob nang walang takot o pangamba
ang mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon.

DZRH
• Programang “Kabayan”
• Ang mga tao ay nabibigyan ng kalayaang magsalita at magbigya ng kanilang opinyon o
kurukuro.
• “People Power”
• Isang pagsasadula sa apat na araw na matahimik na rebolusyong naganap sa ating
bansa

Dulang Katatawanang Ipinalabas sa Telebisyon


• Chicks to Chicks
• Eh, Kasi Babae
• Sa Baryo Balimbing

Pahayagan, magasin, at iba pang babasahin


• Matapos mawakasan ang Batas-Marsyal, tila hudyat na rin ito ngpagpapanumbalik sa
karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa pamamahayag.
• Dumami pa ang nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito.
• Daily Inquirer
• Midday Malaya
• Masa
• Daily Mirror
• Veritas
• Pilipino Ngayon

Iba pang Manunulat


• Ponciano Pineda
• Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa
• Isagani Cruz
• Edgardo Reyes
• Domingo Landicho
• Ruth Mabanglo
• Lydia Gonzales

Tagapag-ulat
• Jeny May Sombilon
• Reinabelle Marquez
• Theresa Urfilla
• Edsel Banusing

Kasaysayan
Ang Rehimeng Marcos
Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya si
Diosdado Macapagal na noon ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo. Sa ilalim ng
kanyang pamumuno naging aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura,
agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansiyal na
kasaganahan. Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksiyon, nahalal muli si Marcos
noong 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.
Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng
kanyang pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng
krimen at mga kaguluhan sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng
grupo katulad ng New People's Army (NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na
naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.
Pangulong Ferdinand Marcos

Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa halalan sa 1973. Dahil


dito, noong 21 Setyembre 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni
Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito ang lumalaganap
na kaguluhan sa bansa. Sa ilalim ng batas militar, pinasara ang lahat ng mga institusyon
ng midya, at ang ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang tangi lamang na
tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at ang Manila Bulletin na noon
ay tinatawag na Bulletin Today. Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang
pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4 at Channel 2, na dating pag-mamay-ari
ng mga Lopez. Marami din sa mga kritiko ni Marcos ang pinahuli, ang isa sa mga
pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa oposisyon at ang
tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.
Pagpaslang kay Ninoy Aquino
Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at
dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong taong 1983,
ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas, kahit na marami
sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.
Noong 21 Agosto 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang eroplano
sa Manila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya).[1] Nagdulot ito ng
malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong
Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na ang civil
disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni
Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.[2]
Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong Hurado
Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon sa
kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang.
Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.
Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo pang
nagpalubog sa Pilipinas sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang ekonomiya ng bansa ay
lumiit hanggang sa 6.8%.[3]
Ang Snap Election
Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan,
minabuting minungkahi ng Amerika[4] kay Marcos ang pagsasagawa ng dagliang halalan
(snap election). Pinakinggan ni Marcos ang mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang
halalan sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular Batasang Pambansa,
isang unikameral na kongreso na kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa
halalan, kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente. Tumakbo si
Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at
suporta ng oposisyon at maging ng taong bayan. Si Salvador Laurel ang naging
pangalawang presidente ni Aquino.
Naganap ang halalan noong 7 Pebrero 1986. Ang eleksiyon na ito ang isa sa mga
pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng malawakang
dayaan na naganap. Dineklara ng opisyal na tagabliang ng boto, ang Komisyon ng
Halalan (Commission of Elections o Comelec), si Marcos bilang nagwagi. Ayon sa kanila,
nanalo si Marcos na mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na nakakuha lamang
diumano ng 9,291,761 boto. Ayon naman sa National Movement for Free Elections
(Pambansang Kilusan ng Malayang Pagboto o Namfrel), isang akreditadong tagamasid
ng halalan (poll watcher), nanalo si Aquino ng 7,835,070 boto laban kay Marcos na
nakakuha lamang diumano ng 7,053,068 boto. Dahil sa malawakang dayaan sa halalan
nag-walk-out ang 29 na computer technician bilang protesta sa sapilitang
pagmamanipula ng boto para palitawin na si Marcos ang panalo.[5].
Dahil dito nagpahayag ang Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP) ng
pagkondena sa nasabing halalan. Ganun din ang pinahayag ng pamahalaan ng Estados
Unidos. Ayon mismo sa pangulo ng Amerika na si Ronald Reagan, na siyang kaibigan ni
Marcos, "nakakabahala" [6] ang mga bali-balita ng malawakang dayaan. Sa kabila ng mga
malawakang protesta at pagkondena, pinahayag pa rin ng COMELEC na si Marcos ang
nanalo sa pamamagitan ng 51 porsyento. Pinahayag naman ng NAMFREL na nanalo si
Aquino ng 52 porsyento.
Pinahayag ng Batasang Pambansa noong Pebrero 15 si Marcos at si Aquino bilang mga
nagwagi. Lahat ng 50 oposisyon ay nag-walkout sa pagprotesta. Hindi matanggap ng
mga Pilipino ang resulta, at sa halip naniwala sila na si Aquino ang tunay na nanalo.
Nanawagan si Aquino ng malawakang hindi-pagtangkilik (boykot) sa mga produktong
pagmamay-ari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito lalo pang bumagsak ang ekonomiya
ng Pilipinas.
Ang Rebolusyon sa EDSA
Bahaging Cubao–Santolan ng EDSA

Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak ang ilang
mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan Ponce
Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman ni
Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno nito.
Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si Enrile sa
AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa
kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap din ni Enrile
ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa suporta.
Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo
Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at
ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press
conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan
ang kamangmangang ito."[7]
Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radyo Veritas na pinapatakbo ng
Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa EDSA
para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa
pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay ng
pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan na maaaring
dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga sibilyan, maging
ang mga madre at pari, sa EDSA.
Malaki ang bahagi ng Radyo Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng
Unibersidad ng Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang
mga tao na makilahok sa rebolusyong ito sa ilang oras lamang kung wala ang Radyo
Veritas.
Ang lumalaking suporta ng masa

Sa kasagsagan ng Rebolusyong People Power, tinatayang isa hanggang tatlong milyong


katao ang pumuno sa bahaging Ortigas-Cubao ng EDSA. Ipinapakita ng retrato ang lugar
ng panulukan ng EDSA at Abenida Bonny Serrano sa pagitan ng Kampo Crame at Kampo
Aguinaldo noong Pebrero 1986.
Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao
ang pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas hanggang Cubao.
Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo ng
gobyerno para wasakin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang mga
tao sa probinsiya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang
estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmisor na mayroong mas maliit
na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksiyong ito dahil mahalaga
ang Radyo Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga rebeldeng
sundalo. Nagbibigay ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga pinakahuling
galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang manawagan sa
pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay.
Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo
ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo
at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer
vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang gumawa ng mga harang
o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa kahabaan
ng EDSA katulad ng Santolan at Abenida Ortigas. Marami ding grupo ang kumanta ng
"Bayan Ko"[8], na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit ng oposisyon.
Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay (hand sign) ng LABAN [9] ; na ang
hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".
Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo.
Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa pagitan ng
mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila.
Binalita ng Radyo Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng Marines na
papunta sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke na papunta mula sa hilaga
at timog. Dalawang kilometro mula sa mga kampo, hinarang ng libo-libong mga tao ang
isang batalyon ng tangke na nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio Tadar sa
Ortigas Ave.[10] Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at nagkapit-bisig
ang mga tao para harangin ang mga sundalo.[11] Sa kabila ng banta ni Tadar sa mga tao
ay hindi sila umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa situwasyon, at di nagtagal
umurong na lang sila ng hindi man lang nagpapaputok.
Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas. Bandang
hatinggabi ay lumipat ang mga tripulante sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa
pagbo-broadkast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang brodkaster
na nagpatuloy sa programa ng Radyo Veritas sa bagong estasyon sa nalalabing mga araw
ng rebolusyon.

Hindi Pag-kakalinawan
Noong madaling araw ng Pebrero 24, Lunes, naganap ang unang matinding bakbakan sa
pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. Mabilis na tinaboy ng mga Marines
na galing Libis ang mga demonstrador. Samantala, mahigit-kumulang na 3,000 Marines
ang kumubkob sa silangang bahagi ng Kampo Aguinaldo.
Noong araw ding iyon inatasan mula sa Sangley Point sa Cavite ang mga helikopter sa
pamumuno ni Major General Antonio Sotelo upang pumunta sa Kampo Krame. [12] Lihim
na palang bumaligtad ang nasabing grupo at sa halip na atakihin ang Kampo Crame ay
lumapag sila doon. Maraming mga tao ang bumati sa mga sundalo na papalabas ng mga
helikopter. Dahil sa pangyayari ay mas lalo pang sumigla si Ramos at Enrile na patuloy
pang nananawagan sa mga sundalo na tumiwalag kay Marcos at sumapi sa kilusang
oposisyon. Bandang hapon dumating si Aquino sa lugar kung saan naghihintay si Ramos,
Enrile at ang mga opisyales ng RAM.
Ang pagkubkob sa Channel 4
Dumating kay June Keithley ang balita na papalabas na ng Malakanyang si Marcos at
binalita naman niya ito sa mga tao sa EDSA. Nagdiwang ang mga tao; maging si Ramos at
Enrile ay lumabas para magpakita sa mga tao. Subalit naging sandali lang ang saya
noong lumabas si Marcos sa Channel 4 na kontrolado ng gobyerno. Sinabi ni Marcos na
hindi siya bababa sa puwesto. Marami ang nag-isip na ang maling balita na ito ay isang
paraan upang maghikayat ng mas marami pang pagbaligtad mula sa gobyerno.
Lumusob ang mga rebeldeng sundalo, sa pamumuno ni Colonel Mariano Santiago, sa
estasyon ng Channel 4, at ang estasyon ay naputol sa ere. Nakubkob ng mga sundalo
ang estasyon. Bumalik sa ere ang Channel 4, na may boses na nagsasabing "This is
Channel 4. Now serving the people again." (Ito ang Channel 4. Naglilingkod muli sa
sambayanan.) Samantala, umabot na sa milyon ang mga tao sa EDSA. Sinasabi na ito ang
senyales ng "pagbabalik muli" sa ere ng ABS-CBN. Ito ay sa dahilan na ang mga taong
nagpapatakbo ng brodkast ng mga oras na ito ay mga dating empleyado ng ABS-CBN na
pinangungunahan ng direktor na si Johnny Manahan kasama ang pinsan ng may-ari ng
ABS-CBN na si Augusto "Jake" Lopez. Ang brodkast na ito ay pinangasiwaan nina June
Keithley, dating ABS-CBN broadkaster na si Orly Punzalan at Bong Lapira kasama ang
mga paring sina Fr. Bong Bongayan, Fr. Aris Sison at sina Fr. James Reuter.
Bandang hapon, linusob ng mga rebeldeng helikopter ang Villamor Airbase, na naging
dahilan ng pagkawasak ng ilang sasakyang pampangulo. Mayroon namang isang
helikopter na pumunta ng Malakanyang at nagpaputok ng raket, na naging sanhi ng
maliit na pinsala. Noong lumaon din ay marami nang mga opisyales na nagsipagtapos ng
Akademya Militar ng Pilipinas (Philippine Military Academy) at maging ng Hukbong
Sandatahan ang tumiwalag sa gobyerno.
Samantala, minungkahi ni Heneral Fabian Ver ang paggamit ng dahas upang matigil ang
lumalaking rebolusyon. Hindi pumayag si Marcos dito.
Ang panunumpa
Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan noong
ika-25 ng Pebrero, 1986.

Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng


saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na
bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng
sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas
sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame.
[13]
Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa
naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora
Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama
sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga
politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-
dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay
kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malakanyang. Nandoon ang ilan sa kanyang
mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa
ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malakanyang, at binrodkast ito sa
nalalabing mga estasyon ng gobyerno at ng Channel 7. Pagkatapos ng panunumpa ay
umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyo. Naputol ang pagbrodkast nito noong
kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang pumunta sa Mendiola, hindi kalayuan mula sa
Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming
mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag
maging marahas.
Ang Paglisan ni Marcos
Kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxant, para humingi ng
payo mula sa White House. Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and cut cleanly", na siyang
kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang
ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya. Pumunta ang pamilya ni Marcos sa Clark
Airbase sa Zambales bandang ikasiyam ng gabi, bago tuluyang lumipad ng Hawaii.
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang
Palasyo ng Malakanyang, na dati ay hindi mapasok ng ordinaryong mamamayan.
Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar
kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS
na isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the
Filipinos democracy; well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga
Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong
gabi tinuturuan nila ang buong mundo.")

You might also like