You are on page 1of 20

Kasaysayan ng

Maikling Kuwentong
Pilipino

1
panahon ng amerikano
1900 - 1941
✣ Sa ilalim ng taguring kuwento, ang
maikling katha sa Tagalog ay maituturing
na pinasimulan ni Lope K. Santos sa
pahayagang Muling Pagsilang sa
kanyang mga sinulat:

"Si Rosa at Rogelio" at "Ang Anak at Magulang."

3
✣ Ito ay natapos nang ang maituturing na ikalawang yugto
sa kasaysayan ng maikling kuwento ay simulang lumitaw
sa Panandaliang Libangan ni Patricio Mariano
sa pahayagang Muling Pagsilang na tumagal
hanggang sa mga taong 1916 o 1918, nang ang maikling
kuwento bilang isang anyo ng panitikan ay magkaroon na
ng sariling pitak sa mga dahon ng pahayagan.

4
✣ Dito nagsimula ang masiglang kilusang
pampanitikan sa maikling kuwento sa
panahon ng pananakop ng mga
Amerikano.

5
✣ Sumilang ang mga samahang Aklatang Bayan, Ilaw
at Panitik, at Panitikan.

✣ Sa pagtataguyod ng Aklatang Bayan, ang panitikan


ay kinakitaan ng bagong porma sa paglitaw ng mga
dagli.

✣ Noong 1910 ang "Elias" ni Rosauro Almario ang


siyang napiling pinakamabuting katha sa magasing
Ang Mithi.

6
✣ Lalo pang sumigla ang kilusan sa maikling katha nang lumabas
ang Taliba na humalili sa Muling Pagsilang at
maglathala roon ng mga kuwento sa mga dahong pang-
Huwebes at pang-Sabado. Ang "Bunga ng Kasalanan"
ni Cirio Panganiban na nagwagi sa timpalak-panitik sa
Taliba noong 1920 ay isang hakbang na pampanitikan na
nagbigay ng banghay sa mga dagli na noong una'y karaniwang
mga salaysay lamang. Ito na ang maituturing na unang hakbang
patungo sa pagsulat ng mga kuwentong may banghay.

7
✣ Nang isilang ang Liwayway noong 1922, naragdagan
pang lalo ang kasiglahang pampanitikan. Ang mga tanyag na
kuwentista noon na kinabibilangan nina Teodoro E.
Gener, Cirio H. Panganiban, Jovita Martinez,
Deogracias A. Rosario na maibibilang sa mga
manunulat sa kasibulan at ang mga matatandang haligi ng
panitikan gaya nina Lope K. Santos, Carlos
Ronquillo, Francisco Lacsamana, at iba pa ay
nagpatuloy sa kanilang sigla sa pagsulat.

8
✣ Noong 1920 si Cirio H. Panganiban
ay tinaguriang "Kuwentista ng Taon"
ng Liwayway.

9
✣ Makikita sa bilang ng mga mananagalog at
manunulat sa panahong ito ang
kadahilanan kung bakit wastong tawaging
ang panahon ng "Ilaw at Panitik"
ay panahon ng popularisasyon ng mga
akda di-lamang sa mga mambabasa kundi
pati sa mga manunulat.

10
11
✣ Sa makasining na gawaing ito ay
natampok sina Clodualdo del Mundo
at Alejandro Abadilla. Noong 1936 ay
inilathala ng dalawa ang pinili nilang 25
pinakamabubuting akdang nalathala mula
noong 1925 hanggang 1935 sa ktipunan
ng mga kuwento na pinamagatan nilang
Mga Kuwentong Ginto.

12
✣ Naghiwalay ang dalawang kritikong ito, at noong
1930 ay inilabas ni Clodualdo del Mundo
ang Parolang Ginto na kinapapalooban ng
mga pinili niyang akda ng ibat-ibang manunulat
na nalathala mula noong 1927 hanggang 1929.

13
✣ Hindi nagpalamang, si Alejandro G. Abadilla
naman ay naglathala noong 1932 ng kanyang
Talaang Bughaw na kinapapalooban ng
kanyang mga piling akda.

14
✣ Ang mga indibidwal na manunulat ay may kani-kanila
ring ambag sa pagsulong ng maikling kathang Tagalog.
Noong 1939 ay inilathala ni Pedrito Reyes ang
kanyang akdana 50 Kuwentong Ginto ng 50
Batikang Kuwentista. Noong 1920 ay inilathala
ni Patricio del Rosario ang kanyang mga sinulat
sa katipunang tinatawag na Puring.

15
✣ Noong 1949 ay inilathala ni Teodoro Agoncillo ang
kanyang aklat na Ang Maikling Kuwentong Tagalog.

16
"Wala nang Lunas" ni Amado V. Hernandez noong 1932

"Aloha" ni Deogracias A. Rosario noong 1933

"Sugat ng Alaala" ni Fausto J. Galauran noong 1934

"Ay! Ay!" ni Rosalia L. Aguinaldo noong 1935.

17
✣ Noong 1935 itinatag ang samahang Panitikan. Upang gawing
madula ang kanilang paghihimagsik sa matandang panitikan,
pinangunahan ng ilang haligi ng samahang ito ang pagsunog ng
mga obra sa Plaza Moriones, Tundo, noong 1940.

18
✣ Nang panahon ding ito itinatag ni Antonio B.L. Rosales
ang Ilaw ng Bayan. Isinabalikat ng samahang ito ang
pumipili ng mga tampok na kalipunan ng maiikling kuwento.

19
sanggunian

KASAYSAYAN NG MAIKLING KUWENTONG PILIPINO


NI RENE BENDAL, NOONG DISYEMBRE 20, 2017

20

You might also like